Malirip ay parang mabatid. Happy reading! ❤️
=Elvira’s Point Of View= Napahinto ako. Alam ko na may mga tanong na siya, at hindi ko kayang sagutin ang mga iyon—hindi pa. Kung sasabihin ko ang totoo, kung isusumpa ko ang mga salitang iyon ng tiwala, baka mawala ako sa kanyang mata. Baka mawalan kami ng lahat, kaya’t ipinagpapaliban ko muna. “Hindi ko alam, Zian…” sagot ko, ang mga mata ko ay malabo, at pilit kong pinipigilan ang mga luha na pilit kumawala. “Basta, takot lang ako…” “Takot sa anong?” tanong niya, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala. Tumalikod ako, tumingin sa malayo at pinilit itago ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magpaliwanag pa. Kung alam lang niya kung gaano ako kadeep, kung gaano ko siya kamahal at ganoon ko siya iniwasan—lahat ng ito ay masakit para sa akin. Kumapit siya sa braso ko at marahang hinila ako para harapin siya. “Elle, I know it’s hard for you. But if you need time to trust me, I’ll give it to you. But I won’t stop showing you how much you mean to me.” Tahimik akong tuma
=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik sa condo ay buong araw ko siyang hinintay at nag-aalala ako. Paano kung babae niya ang tumawag at pinuntahan siya? Ngunit dumaan ang gabi ay hindi pa siya nakakauwi. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ay naalimpungatan ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Inilibot ko ang paningin ngunit walang bakas ni Zian. ‘S-Saan siya pumunta at inabot siya ng ganoong oras?’ Habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo, isang bigat ang dumapo sa dibdib ko. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko, nagpapalala sa takot at pangamba. Hindi mapigilan ng isipan ko ang maglaro ng mga posibleng senaryo. Saan siya nagpunta? Kanino siya pumunta? At bakit hindi man lang siya nagparamdam buong gabi? Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono ko. Walang missed call o kahit isang mensahe mula kay Zian. Ni anino ng kanyang presensya ay wala. Napatingin ako sa pintuan ng
=Elvira’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa sala, hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Ang tunog ng boses ni Zian sa kwarto ay parang dagundong ng kulog na lumalamon sa katahimikan ng condo. Mahina lang siya kung magsalita, pero malinaw na seryoso ang tono niya. Lumapit ako nang marahan, pilit pinapakalma ang kabog ng puso ko.Nakasara ang pinto ng kwarto, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa harap nito, nakikinig. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, lalo na’t ayaw kong magmukhang walang tiwala, pero hindi ko rin maialis ang pakiramdam na may dapat akong malaman.“…Yes, I’ll take care of it. No need to involve anyone else,” narinig kong sabi niya.Sino ang kausap niya? At ano ang sinasabi niyang “it”? Parang bigla akong kinain ng sarili kong mga duda. Pilit kong iniisip na baka trabaho lang ito—na baka wala naman talagang dapat ikabahala. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Humakbang ako palayo, pilit nilalabanan ang pag-usyoso. Pe
=Elvira’s Point Of View= ‘I have to trust Zian. I-I need to trust him…’ Pumikit ako ng mariin at isinantabi ang cellphone ko. I have to trust him… Or else this love will fail. Iniangat ko ang tuhod sa sofa at humalukipkip sa tuhod ko. Labis man ang kaba at pangamba sa buong katawan ko at pinili kong habaan ang pasensya. At para hindi na ako mag-isip pa, inantay kong makauwi si Zian. Hapon na siya nakabalik at tila problemado siya. “Kumain ka na ba ng tanghalian?” kwestyon ko. “Yes hon…” tila pagod niyang sabi. “Ano ‘yan?” turo ko sa envelope na hawak niya. “Ah, investor honey. Why hon?” nagtatakang sabi niya. “Since wala ka naman palagi dito sa condo, okay lang ba kung sa bahay na muna ako?” baka sakali ko. “Huh?” gulat niyang ani, napaupo siya ng maayos at seryoso akong binalingan ng atensyon. “Biglaan yata hon?” “Ah halos matagal na rin akong hindi umuuwi…” pagrarason ko. Natahimik si Zian. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, na para bang sinusuri niya kung to
=Elvira’s Point Of View= Huminga ako ng malalim. “Magpapaalam sana ako na aalis na. Kaso I heard you were talking to someone, a-anong hindi ko pa alam?” kalmadong kwestyon ko. Sumingkit ang mata niya at kinagat ang ibabang labi. “I-It was nothing,” pabulong niyang sagot. “If it was nothing then it means there is something. What is it?” gigil kong sabi ngunit pinapakalma ang sarili. Napahawak siya sa kanyang pisngi. “It was nothing. Really,” gitil niya. Napapikit ako. “Fine. Don’t tell me. Aalis na ako. Magkita na lang tayo kapag handa ka na ring magpakatotoo sa akin at magsabi,” mainit kong sabi at tinalikuran siya. Ngunit habang naglalakad ay mabilis na umawat ang katawan niya sa aking harapan. “Ano?” “E-Elle naman… Are you asking me to tell you everything—” “Kung sa akin mo tinatago, sa akin mo sasabihin. So what is it that I don’t know about?” “Elle—” “Stop calling me, Elle! Elle! Elle! Just tell me the truth! May babae ka ba?!” napipikon kong usal at halos maluh
=Elvira’s Point Of View= Isang linggo na ngunit walang paramdam si Zian mula nang huli kaming nag-usap. Ang unknown number naman ay panay text sa akin dahilan para mas maantig ang kuryosidad ko. Isang araw ay labis na akong bumigay sa temptasyon na alamin kung ano iyon. Ang bagay na pinagkakaabalahan ni Zian. Pumunta ako sa isang lugar na sinabi ng nagte-text. Malayo dito. Sa Pangasinan nga bagay na ikinatataka ko. Doon sa ospital doon. Kung saan ang huling proyekto ko. Labis ang kaba. ‘May nabuntis ba siyang iba? Nanganak ang babae niya?’ Balita ko’y nandirito si Zian… Kakaiba ang pintig ng puso ko habang sinusuyod ang kwartong sinabi ng nag-text sa akin. Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ngunit natigilan ako nang makita ang isang lalake at bata na walang malay. Naka-semento ang paa ng lalake. Habang ang bata ay may benda sa ulo, naka-semento ang halos buong katawan niya at may mga kung anong apparatus ang nandodoon sa kanyang dibdib. Dumagundong ang dibdib ko…
=Elvira’s Point of View= Habang naglalakad ako palayo ng ospital, hindi ko maiwasan ang bigat sa dibdib ko. Tila sinisigaw ng utak ko na tama ang ginawa ko, na nararapat lang na magalit ako kay Zian. Pero bakit, sa bawat hakbang ko, may boses sa loob ko na humihila pabalik? “Elle, hindi mo naiintindihan. Ayokong masaktan ka nang ganito.” Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang iyon. Ang ekspresyon sa mukha niya—ang lungkot, ang pagsisisi, at ang takot. Takot saan? Takot na mawala ako? Takot na hindi ko na siya kayang mahalin? O takot na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa ang lahat? Napahinto ako. Ang paa ko, tila ayaw nang gumalaw. ‘Bakit nga ba, Zian? Bakit hindi mo sinabi?’ Pumikit ako at bumuntong-hininga. Sa isip ko, bumalik ang eksena kanina sa ospital. Ang desperasyon sa boses niya habang humihingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima. Ang kahandaan niyang akuin ang lahat ng kasalanan kahit alam kong hindi niya iyon obligasyon. Si Zian, ang lalaking
=Elvira’s Point Of View= Dahil doon ay ako ang humingi ng pasensya sa pamilya. Hinayaan ako ni Zian sa gusto ko. Naiiyak akong tinitigan ng asawa at nanay ng bata na walang kasiguraduhan kung makakalakad pa. And It kills me… Slowly… Kinakain ako ng konsensya. “That’s okay na hon,” mahinahon na sabi ni Zian at hinawakan ang kamay ko. Sinulyapan ko siya at pinilit kong magpakatatag upang hindi maluha. Habang hawak ni Zian ang kamay ko, ramdam ko ang init at lakas mula sa kanya na pilit niyang ipinapasa sa akin. Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin matanggal ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa bata, sa mukha niyang tila tulog na lang at hindi alam ang kinabukasan na posibleng magbago nang tuluyan dahil sa nangyari. “I’m so sorry,” mahina kong sabi habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanila. Parang paulit-ulit na nag-e-echo ang boses ko sa loob ng silid, pero alam kong hindi sapat ang mga salitang iyon para maibsan ang sakit nila. Hindi sapat pa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya.“Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay.“You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat.“Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa.“What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin.“Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair.“You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw.Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga.“That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monteverde, just apo
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noong na
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi