=Elvira’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang araw na tila normal lang ang lahat, isang gabi, napansin kong tahimik si Zian. Nasa condo niya kami, at habang nagluluto siya ng late dinner, parang nasa ibang mundo ang isip niya. Hindi niya ako masyadong kinakausap tulad ng dati. “Hey,” tawag ko habang naupo sa counter malapit sa kusina. “May problema ba? Parang tahimik ka ngayon.” Napalingon siya sa akin, pero hindi niya ako sinagot agad. Tinapos niya muna ang ginagawa niya bago siya humarap. Nakasalalay ang dalawang kamay niya sa gilid ng counter, malalim ang titig niya sa akin. “Elle, can I ask you something? And I want you to be honest.” Bigla akong kinabahan. “Ano ’yon?” tanong ko, pinipilit na panatilihing kalmado ang boses ko. “Do you really trust me?” diretsong tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin, sa lahat ng pinakita niyang suporta, nararapat lang na sagutin ko ng “oo.” Pero hindi ko kayang magsinung
=Elvira’s Point Of View= Pinilit ko na lang ngumiti. Kung lahat ng galaw niya para sa akin ay kaduda duda, paano na lang ang katahimikan na mayroon kami? Makalipas ang isang buwan ay maayos naman kami ni Zian. Tahimik bukod sa pamilya kong maingay. Pinuntahan na lang ako ni Clayn sa condominium ni Zian dahil alam niyang naririndi na ako kay mama. “Clayn, have some snacks. I’ll just go in my room para makapag-usap kayo.” Pagkukusa ni Zian at inilapag ang snacks sa center table. “Thanks kuya,” pasalamat ni Clayn at sinulyapan ang masarap na pagkain. Ngumiti lang si Zian at pumasok na. Later on… “Grabe ate, snacks lang ‘tong bilog na ham? Pampasko lang natin ‘tong hamonado ah?” bulong ni Clayn kaya mahina akong natawa. “How’s your enrollment going?” bungad ko. “I took the exam already ate, and I passed. Kailangan na lang po bayaran yung tuition f*e bukas. Tinanong ko si mama wala daw siyang pera,” ngiwi ni Clayn. “Oh saan napunta yung 50k na binigay ko sa kanya?” “Ayon pinautang
=Elvira’s Point Of View=Later on, Clayn called me. “Ano ‘yon?”“Ate, nakuha po ako sa scholarship. Hindi ko na po kailangan mag-tuition fee,” sabi niya at batid kong nakangiti siya.Ngunit nagtataka ako na may scholarship kaagad para sa kanya?“Talaga, Clayn? Ang bilis naman ng proseso?” tanong ko, pilit na ngumingiti sa telepono kahit may bumabagabag sa isip ko. Scholarship? Hindi ba’t kailan lang kami nag-usap ni Tita tungkol sa tuition fee? Paano biglang nagkaroon ng ganito? At sa dinami-rami ng pagkakataon, ngayon pa?“Opo, Ate! Biglang may dumating na tawag kahapon, at sinabi nilang isa raw ako sa mga napili sa special program nila. Parang hindi ko po alam kung paano nila ako nalaman, pero ang bait po nila, Ate! Parang milagro,” masayang kwento ni Clayn sa kabilang linya.Milagro? Napakunot ang noo ko. Hindi ako naniniwala sa ganoon kadaling himala, lalo na’t kabisado ko ang sistema ng mga scholarships sa eskwelahan niya. Matagal ang proseso, maraming papeles, at siguradong hind
=Elvira’s Point Of View= Few weeks went by and I’m busy with my own project. Masaya naman dahil matatapos na next month ang project na ito. Habang abala ako sa site ay biglang may umakbay sa akin, iiwas ko na sana ang sarili ngunit biglang naamoy ko ang pamilyar na pabango. “Zian?” Nilingon ko ito, ngunit maganda na ang ngiti niya sa akin. May suot rin siyang hard hat para safe kami sa kung ano mang malaglag sa itaas. “Yes honey?” “Ang aga mo yata nandito?” gulat ma kwestyon ko. “Hmm, let’s just say that I finished earlier than my out. How’s work?” malambing niyang sabi. “Boss Zian! Dito ka pala?!” Tumakbo papalapit ang kasamahan ko na engineer na lalake. “Yes, I visited my woman. Ikaw? How’s work?” tanong ni Zian sa kasamahan. “Okay naman boss, mabait rin si Engr. Monteverde, strict lang. Meticulous.” Natawa ako sa sumbong na sabi ng kasama ko. “Hindi naman. The building just need to be safe,” ngisi ko. Ngumiti si Zian at tumitig sa akin na parang siya lang ang t
Nang gabing iyon, pagkatapos ng dinner, nagpasya kaming maglakad-lakad sa paligid ng condo. Mahangin, at ang ilaw ng mga streetlights ay nagbibigay ng romantikong ambiance. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero habang magkasama kami, tila ang mundo ay umiikot lamang sa aming dalawa. Walang ingay, walang distractions—kaming dalawa lang. Habang naglalakad kami, ang mga kamay namin ay nagsanib, at sa bawat hakbang na ginagawa namin, mas nararamdaman ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kayang magpigil, Zian, naisip ko. Lahat ng iniwasan ko sa simula, dahan-dahan nang natutunan kong tanggapin. “Ano bang iniisip mo?” tanong niya sa akin, ang tinig niya ay malalim at may halong pang-aakit. “Wala…” sagot ko, ngunit hindi ko napigilang magtama ang aming mga mata. Ang titig niya ay puno ng intensity. “Bakit, may nais ka bang sabihin?” Sumulyap siya sa akin, at napansin ko na may lihim na kasiyahan sa kanyang mga mata. “Actually, I was thinking about how lucky I am to have you. You mak
=Elvira’s Point Of View= Napahinto ako. Alam ko na may mga tanong na siya, at hindi ko kayang sagutin ang mga iyon—hindi pa. Kung sasabihin ko ang totoo, kung isusumpa ko ang mga salitang iyon ng tiwala, baka mawala ako sa kanyang mata. Baka mawalan kami ng lahat, kaya’t ipinagpapaliban ko muna. “Hindi ko alam, Zian…” sagot ko, ang mga mata ko ay malabo, at pilit kong pinipigilan ang mga luha na pilit kumawala. “Basta, takot lang ako…” “Takot sa anong?” tanong niya, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala. Tumalikod ako, tumingin sa malayo at pinilit itago ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magpaliwanag pa. Kung alam lang niya kung gaano ako kadeep, kung gaano ko siya kamahal at ganoon ko siya iniwasan—lahat ng ito ay masakit para sa akin. Kumapit siya sa braso ko at marahang hinila ako para harapin siya. “Elle, I know it’s hard for you. But if you need time to trust me, I’ll give it to you. But I won’t stop showing you how much you mean to me.” Tahimik akong tuma
=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik sa condo ay buong araw ko siyang hinintay at nag-aalala ako. Paano kung babae niya ang tumawag at pinuntahan siya? Ngunit dumaan ang gabi ay hindi pa siya nakakauwi. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ay naalimpungatan ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Inilibot ko ang paningin ngunit walang bakas ni Zian. ‘S-Saan siya pumunta at inabot siya ng ganoong oras?’ Habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo, isang bigat ang dumapo sa dibdib ko. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko, nagpapalala sa takot at pangamba. Hindi mapigilan ng isipan ko ang maglaro ng mga posibleng senaryo. Saan siya nagpunta? Kanino siya pumunta? At bakit hindi man lang siya nagparamdam buong gabi? Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono ko. Walang missed call o kahit isang mensahe mula kay Zian. Ni anino ng kanyang presensya ay wala. Napatingin ako sa pintuan ng
=Elvira’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa sala, hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Ang tunog ng boses ni Zian sa kwarto ay parang dagundong ng kulog na lumalamon sa katahimikan ng condo. Mahina lang siya kung magsalita, pero malinaw na seryoso ang tono niya. Lumapit ako nang marahan, pilit pinapakalma ang kabog ng puso ko.Nakasara ang pinto ng kwarto, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa harap nito, nakikinig. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, lalo na’t ayaw kong magmukhang walang tiwala, pero hindi ko rin maialis ang pakiramdam na may dapat akong malaman.“…Yes, I’ll take care of it. No need to involve anyone else,” narinig kong sabi niya.Sino ang kausap niya? At ano ang sinasabi niyang “it”? Parang bigla akong kinain ng sarili kong mga duda. Pilit kong iniisip na baka trabaho lang ito—na baka wala naman talagang dapat ikabahala. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Humakbang ako palayo, pilit nilalabanan ang pag-usyoso. Pe
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka