Pain is inevitable. Thank you for reading have fun!
"Zai." Pagtawag ko. "Pumasok ka na sa loob ng kwarto." Utos niya kaya huminga ako ng malalim. "Kung pipilitin mo pa rin akong maging isang mabuting anak sa hindi ko naman nanay, isipin mo muna yung mommy mo na nanghihina na dahil sa sakit niya." Naitikom ko ang bibig ng sabayan niya ng sermon ang sinasabi. "I didn't know," mahinang sabi ko. "I told you she's not my mom, hindi ka naniniwala." Ngiwing sabi niya. "Dahil akala ko galit ka lang sa kaniya kaya ganoon," nahihiyang sabi ko. "Tumigil ka na sa pagsisigarilyo, malinaw?" Ngumiwi siya at sinulyapan ako. "I can still smoke behind your backs." Ngiwing aniya niya kaya umirap ako at kumuha ng tubig sa kusina at inabot sa kaniya. "Gagawin ko diyan?" Kwestyon niya. "May lason yan, lagukin mo tutal papatayin mo rin naman sarili mo kakasigarilyo." Lalakeng lalake niya akong inirapan bago kinuha 'yon at ininom. "Pag hindi ako namatay, ikaw ang lagot sa akin." Naitikom ko ang bibig at lumunok ng sobrang diin dah
"Z-Zai." Mahinang pagtawag ko at nanatiling nakatayo. "Farewell." Nakangising sabi ng lalake na 'yon habang walang boses. "Zai!" Malakas na sabi ko ngunit ng marinig ko ang pagputok ng baril ay kusa akong napapikit at niyakap ang sarili hanggang sa may tumayo sa mismong harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Traise. "That was close," mahinahon niyang sabi ngunit kusa kong tinignan ang katawan niya ngunit nawalan siya ng balanse dahilan para maalisto ang ibang kasama habang si Kuya Luke ay hinabol yung lalake kanina. "Traise, Traise!" Pagtawag sa kaniya ni Zai. "Mia." Pagtawag ni Zai rito habang ako ay nakatulala lang sa kaniya. Traise.. "Oh my.." wala akong masabi, agad naman akong tinignan ni Zai ngunit dahil sa pagkabigla ay naramdaman ko ang paghilab ng tyan. "Lauren." Hinawakan ako ni Zai sa balikat. "Oh my goodness! Tara na tara na!" Mabilis na sabi ni Ate Mia at agaran ko namang naramdaman ang pag-angat ko sa buhangin dahil sa pagbuhat ni Zai sa a
"Gusto ko sana ng lugaw." Nangunot ang noo niya at tsaka huminga ng malalim."Sige, magluluto ako." Sagot niya lang at mukhang inaantok na siya dahil bagsak ang balikat niya. Sumunod naman ako sa kusina ngunit naabutan ko na siyang naghihiwa ng ginger, garlic and onion chives."Pork, beef or chicken?" He asked that made me gasped and think."Gusto ko chicken feet." Kagat labi kong sabi dahilan para masamid siya."Ha? Anong kakainin mo doon?" Nagtatakang sabi niya, ngumuso ako."Chicken feet." Huminga siya ng malalim."Wala tayong chicken feet," wika niya."Ayaw mo chicken wings?" Tanong niya kaya umiling ako."Chicken feet," wika ko."Woman, please try to think of other parts." Nauubusang pasensya niyang sabi."I really love chicken feet, wala naman silang kamay." Nakanguso kong sabi, sandali siyang sumandal sa kitchen sink at pinagkrus ang braso habang nakatitig sa akin."Chicken legs?" He suggested but I immediately said no."Baka naman magmukhang paa ng manok yung anak ko— mo." Pil
Isang linggo ay balik kami sa dati, pero tulad ng sinabi niya hindi na ako nagpuyat, hindi ko na rin siya hinintay dahil nagtiwala na lang ako nawala sa isip ko na baka katungkulan ang ginagawa niya. Hindi ako makapaniwalang tumagal kami sa ganitong set up, hanggang madaling araw ay nagising ako sa tunog ng cellphone ko kaya naman sinagot ko ito dahil number ni Zai. "Saan ka? Anong oras na—" "This is Traise, he's drunk. I'm sorry uminom kasi kami." "O-Oh, susunduin ko ba siya?" Tanong ko. "Nope, but you can open the door for me because he can't put the code. Kanina pa kami nandito." Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang tawag at tsaka ko binuksan ang pinto sakto namang nandoon na sila. "Sorry, saan ko siya ilalagay?" Tanong ni Traise kaya naman tinuro ko yung sofa sa sala dahil ayokong may iba na pumapasok sa kwarto namin. "Okay." Sagot niya. Nang mailagay niya si Zai doon ay parang batang ngumuso si Zai at nagmulat kahit parang gustong gusto na niya matulog. "Good nigh
"Always remember missis, huwag ng paabutin na pumunta ng ospital sa mismong due date. Unahan niyo na okay?" Tumango ako na para bang isang masunurin na bata. "Tara na, thanks doc." Anyaya ni Zai kaya tumayo na ako at sumunod kay Zai ngunit siya ang sumabay sa akin dahil baka raw madulas. "After this, ihahatid na kita sa bahay. Okay?" Wika niya kaya tumango ako bilang sagot. "Don't do household chores, you can walk back and forth but be careful, don't carry heavy things, sa bathroom naglagay na ako ng carpet para hindi madulas yung lalakaran mo." Bilin niya kaya napangiti ako ngunit agad kong itinago 'yon ng lingunin niya ako. "Sa kitchen may dadaanan ka na para hindi madulas. Lahat secure sa bahay huwag kang aalis ng walang paalam sa akin, pag may masakit sa'yo call me instant. Pag hindi mo ako matawagan, call Luke, Saji, or Mia." Lumunok ako at tumango bilang sagot. "S-Si Aji ganoon pa rin ba?" Tanong ko. "Walang pagbabago, pero stable siya. Magigising rin siya huwag kan
"Tatlong pang-ibaba ang sinusuot ko dahil pinagnanasahan mo ako, brief, boxer shorts, pants. Nakakahiya naman," asar niya pa lalo kaya padabog akong naupo sa kama. "Kawawa naman yung magiging baby mo, walang milk na maiinom sa'yo—" "Zai!" Galit na galit kong sabi dahilan para tumawa siya. "Meron akong boobs! Hindi ako flat!" Masungit na sabi ko. "May nipple naman, pwede na—" "Sabing may boobs ako!" Tumawa siya at sumusukong tumango. "Okay sabi mo eh," ngising sabi niya. Isang linggo ang nakalipas mula ng gabing 'yon ay nanatili lang ako sa bahay dahil sa pamamanas ng paa ko, tamang lakad lakad lang. Hanggang sa isang gabi ay nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Wala pa si Zai ah, ala una na ng madaling araw. Inabot ko ang cellphone ko at tinignan ang mga messages, pati emails ko meron kaya naman nagtataka kong binuksan ang mga 'yon. Sino na naman ba 'to? Ngunit nang makita ko ang files at video ay naalala ko ang bilin ni unknown c
Lumipas ang minuto ay hindi pa nila ako dinala sa delivery room dahil kulang pa raw ang lapit ng bata dahilan para sa labor room ako dalhin, panay ako daing dahil sobrang sakit talaga ng tyan ko. "L-Lauren." Nang marinig ang tinig ni Zai ay sinamaan ko siya ng tingin. "U-Umalis ka sa harapan ko." Masama ang loob na sabi ko sa kaniya dahilan para magulat ang ipakita niyang emosyon. He looked so tired, stress, exhausted but I saw how he enjoyed every night he goes home late. I cursed him for that, gumaganti ba siya sa akin? "What's the problem? Sorry hindi ko nasagot yung cal—" "Umalis ka sabi rito sa harapan ko!" Sigaw ko. "S-Simula ngayon h-hindi mo kailangang ipilit yung sarili mo sa akin." Mariing sabi ko ang luha sa mata ko ay derederetsong tumulo na kahit anong galit ko ay iyak pa rin ang mas nangingibabaw dahil nasasaktan ako. "Lauren, I'm sorry." Mahinahon na sabi niya. "Manganganak akong mag-isa, hindi kita kailangan." Malamig na sabi ko. "Nandito na ako, ku
"Bakit hindi mo nasagot ang tawag ko? Busy ka sige ayos lang." Mariing sabi ko. "Lauren ano ba nangyari? Did you fell? Did you slipped?" Ngumisi ako sa tanong niya at masama ang loob kong tinitigan siya habang pinapahid ang luha ko. "I fell." Mariing sabi ko. "I fell for your trap, and I'm hating you more than you did." Ngumisi ako muli ngunit niloko ko ang sarili ko nang sunod na mangyari ay derederetso akong humikbi at walang nagawa kundi humagulgol. Parehas kaming natahimik nang mga sandali na 'yon, at nang sandali rin na kumalma ako ay nagtawag ako ng nurse para dalhin ako sa anak ko. Nasa wheelchair ako habang nakasunod lang si Zai sa likuran namin. Nang makarating sa lagayan ng anak ko ay naluha ako ng makita ko kung gaano karaming apparatus ang nakakabit sa kaniya, gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi kami pinayagan. "B-Baby," pagtawag ko rito. "I talked to them, pwede niyong lapitan pero huwag niyong hahawakan." Ate Mia came out of my son's room and helped m
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.