Enjoy!
"Always remember missis, huwag ng paabutin na pumunta ng ospital sa mismong due date. Unahan niyo na okay?" Tumango ako na para bang isang masunurin na bata. "Tara na, thanks doc." Anyaya ni Zai kaya tumayo na ako at sumunod kay Zai ngunit siya ang sumabay sa akin dahil baka raw madulas. "After this, ihahatid na kita sa bahay. Okay?" Wika niya kaya tumango ako bilang sagot. "Don't do household chores, you can walk back and forth but be careful, don't carry heavy things, sa bathroom naglagay na ako ng carpet para hindi madulas yung lalakaran mo." Bilin niya kaya napangiti ako ngunit agad kong itinago 'yon ng lingunin niya ako. "Sa kitchen may dadaanan ka na para hindi madulas. Lahat secure sa bahay huwag kang aalis ng walang paalam sa akin, pag may masakit sa'yo call me instant. Pag hindi mo ako matawagan, call Luke, Saji, or Mia." Lumunok ako at tumango bilang sagot. "S-Si Aji ganoon pa rin ba?" Tanong ko. "Walang pagbabago, pero stable siya. Magigising rin siya huwag kan
"Tatlong pang-ibaba ang sinusuot ko dahil pinagnanasahan mo ako, brief, boxer shorts, pants. Nakakahiya naman," asar niya pa lalo kaya padabog akong naupo sa kama. "Kawawa naman yung magiging baby mo, walang milk na maiinom sa'yo—" "Zai!" Galit na galit kong sabi dahilan para tumawa siya. "Meron akong boobs! Hindi ako flat!" Masungit na sabi ko. "May nipple naman, pwede na—" "Sabing may boobs ako!" Tumawa siya at sumusukong tumango. "Okay sabi mo eh," ngising sabi niya. Isang linggo ang nakalipas mula ng gabing 'yon ay nanatili lang ako sa bahay dahil sa pamamanas ng paa ko, tamang lakad lakad lang. Hanggang sa isang gabi ay nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Wala pa si Zai ah, ala una na ng madaling araw. Inabot ko ang cellphone ko at tinignan ang mga messages, pati emails ko meron kaya naman nagtataka kong binuksan ang mga 'yon. Sino na naman ba 'to? Ngunit nang makita ko ang files at video ay naalala ko ang bilin ni unknown c
Lumipas ang minuto ay hindi pa nila ako dinala sa delivery room dahil kulang pa raw ang lapit ng bata dahilan para sa labor room ako dalhin, panay ako daing dahil sobrang sakit talaga ng tyan ko. "L-Lauren." Nang marinig ang tinig ni Zai ay sinamaan ko siya ng tingin. "U-Umalis ka sa harapan ko." Masama ang loob na sabi ko sa kaniya dahilan para magulat ang ipakita niyang emosyon. He looked so tired, stress, exhausted but I saw how he enjoyed every night he goes home late. I cursed him for that, gumaganti ba siya sa akin? "What's the problem? Sorry hindi ko nasagot yung cal—" "Umalis ka sabi rito sa harapan ko!" Sigaw ko. "S-Simula ngayon h-hindi mo kailangang ipilit yung sarili mo sa akin." Mariing sabi ko ang luha sa mata ko ay derederetsong tumulo na kahit anong galit ko ay iyak pa rin ang mas nangingibabaw dahil nasasaktan ako. "Lauren, I'm sorry." Mahinahon na sabi niya. "Manganganak akong mag-isa, hindi kita kailangan." Malamig na sabi ko. "Nandito na ako, ku
"Bakit hindi mo nasagot ang tawag ko? Busy ka sige ayos lang." Mariing sabi ko. "Lauren ano ba nangyari? Did you fell? Did you slipped?" Ngumisi ako sa tanong niya at masama ang loob kong tinitigan siya habang pinapahid ang luha ko. "I fell." Mariing sabi ko. "I fell for your trap, and I'm hating you more than you did." Ngumisi ako muli ngunit niloko ko ang sarili ko nang sunod na mangyari ay derederetso akong humikbi at walang nagawa kundi humagulgol. Parehas kaming natahimik nang mga sandali na 'yon, at nang sandali rin na kumalma ako ay nagtawag ako ng nurse para dalhin ako sa anak ko. Nasa wheelchair ako habang nakasunod lang si Zai sa likuran namin. Nang makarating sa lagayan ng anak ko ay naluha ako ng makita ko kung gaano karaming apparatus ang nakakabit sa kaniya, gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi kami pinayagan. "B-Baby," pagtawag ko rito. "I talked to them, pwede niyong lapitan pero huwag niyong hahawakan." Ate Mia came out of my son's room and helped m
"Kaya kong maglakad, magsama kayo." Pikon na pikon kong sabi at naglakad na nang bumukas ang elevator. "H-Huh?" "Lauren, mabibinat ka maupo ka nga." Sermon ni Zai at isinunod sa akin ang wheel chair kaya ngumiwi ako at patuloy na naglakad not until I felt the loss of my balance because he pushed the wheel chair with full force on the back of my knees. "Zai!" Galit na gitil ko lalo na ng bumagsak ako muli sa wheel chair. "Makinig ka na lang." Nauubusang pasensya niyang sabi. Nang makarating sa room ay ngumiwi ako, ngunit ng maabutan ko ang nurse na pinupunasan ang anak ko ay awtomatiko akong lumapit. "Ma'am hindi po pwede, distansya po dahil mahina ang resistensya ng bata." Mabilis akong umatras ng sabihin 'yon ng nurse. "Oh sorry." Bawi ko agad. "Is he okay?" Tanong ko. "Ma'am sa ngayon po doctor na po muna ang kakausap sa inyo sa lagay ng baby niyo ha," wika nitong nurse halatang kinakabahan. "H-Hindi ko rin po kasi alam dahil taga-alaga lang po ako sa nurse
"Missis sobrang bawas na bawas ang timbang ng baby niyo at tanging supplements through iv lines na lang ang nagbibigay nutrisyon sa kaniya." Napayuko ako dahil hindi ko matanggap ngunit alam ko na nangangayayat nga ang baby ko. Hindi rin siya umiiyak at hindi siya gaano gumagalaw, ngunit magtitiwala na lang ako sa anak ko. Walang nagawa ang doctor dahil panay iyak ako, tahimik lang rin si Zai na nakaupo sa malapit sa kama ko habang nilalaro ang sing sing sa daliri niya. Kahit sobrang pagod ay hindi ko inalis ang mata ko sa baby ko, pinanood ko ang bawat paghinga niya, inilapit ko na nga ang isang upuan sa incubator ng anak ko huwag lang ako malayo sa kaniya. Madaling araw ay bumalik ang doctor niya, bumalik ako sa kama tulad ng inutos nito. Nang buhatin nito ang anak ko ay kusa akong naluha ng ilapit nito ang baby ko sa akin, halos magpigil hikbi ako ng maramdaman ko ang init niya sa dibdib ko dahilan para dahan dahan at maagap ko siyang akapin. "B-Baby.." Lumapit si Zai at d
Makalipas ang ilang oras ay dumating si Zai at may dala-dala na pagkain, tinignan ko lang ang hawak niya. "Kumain ka na muna, hindi ka pa kumakain simula kanina." Mahinahon na sabi niya, ang boses ay parang katatapos lang umiyak.Wala namang gaanong tao ngayon dito sa pwesto ko sa harapan ng anak ko, dahil nasa loob sila ngayon ang bilang na bisita para magkape. "Umalis ka sa harapan ko, hindi ako gutom." Gitil ko at iniiwas ang tingin doon."Uminom ka ng tubig—""Ayaw ko nga 'di ba?!" Itinapon ko ang dala niya at sinamaan siya ng tingin, tumayo ako at iniwan siyang nakatayo doon.Pumasok ako sa loob at nakita ko ang mga tao na nakatingin sa akin kaya iniiwas ko sa kanila ang tingin ay dumeretso sa kitchen. "Mommy, ipalabas niyo na lang yung foods and drinks. Ayokong nai-invade yung privacy sa bahay nila ate, sa labas na rin ang mga mesa maluwag." Suhestyon ko."Sige anak," tumikhim ako at dumeretso sa coffee machine. Kumuha ako ng cup at pinindot ang espresso sa choices bago ko hinin
"It's true, they let her live, i-ilang linggo pa ang dumaan bago ko nalaman." Nakagat ko ang ibabang labi ng maluha. "After exam, she invited me over to her house. We ate with her family, she looks so happy that's why I didn't notice. After that she wants me to sleepover to her house— hahaha wait lang ha." Biglang sabi niya at pasimpleng pinahid ang mga mata. "Gustong gusto ko siyang samahan sa kwarto niya, pero nagbago bigla ang isip niya. Matagal niya pa nga akong niyakap, yakap na sobrang higpit tapos nakatulog pa siya dahil maaga pa. Pero kinakabahan na ako no'n, pero hindi ako nabahala kasi kasama ko siya." He paused for a moment before glancing at me. "Tapos nang 11 PM na pinauwi niya na ako dahil may gagawin pa raw siya, I didn't know it was our last time to smile and laugh together. Madaling araw, nakatulog na ako no'n tumatawag ang mommy niya sa akin." He wiped his cheeks. "Tapos binalita niya ang nangyari sa kaniya, she took her own life kasi hindi niya ma-handle.