K-Kahit lasing ako ay hindi na ako humahalik ng kung sino sino, bakit parang ang sama ko pa rin eh ako na 'tong ginawan ng masama? Lumipas ang dalawang oras at ng bumukas ang pinto ng kwarto ay tumayo ako kaagad at lalapit sana ngunit isinenyas niya ang palad na huwag ko siyang lapitan. Ngunit may gusto pa akong sabihin dahil bukod sa resulta na hindi ako nagahasa lumabas sa OB na nagdadalang tao ako. "Huwag mo akong lalapitan." Malamig niyang sabi at inalis ang coat niya, napansin ko ang sugat niya sa kamao kaya napabuntong hininga ako. "Z-Zai maniwala ka naman sa akin." Naiiyak ko na namang sabi ngunit nakakaloko siyang tumawa. "Gusto ko, gustong gusto kong paniwalaan ka." Mahinang sagot niya. "Sa totoo lang p-pinipilit ko pero anong laban ng tiwala ko sa'yo sa video?" Mariin akong pumikit at tsaka huminga ng malalim. "I am sure that I didn't cheat on you." Mariing sabi ko. "You're sure? You seem to enjoy the man." Sarkastiko niyang sabi. "Why? Is he better than me?" Malu
Zai's Point of View.Tahimik kaming naglalakad habang siya ay nauuna, naiiwas ko kaagad ang tingin ko ng sandaling ipaalala ng isip ko ang napanood na kababuyan. Matapos ko siyang ihatid sa hotel room ay umalis ako kaagad at pumunta sa kakilala kong katiwala matagal na. Yung magaling sa computer at sa mga edited if it was edited.Nang makarating sa office niya ay tinitigan niya ako, babae siya at alam kong mapagkakatiwalaan ko siya tungkol sa video. "How was it?" Panimula ko at naupo, inilatag ko ang envelope ng pera sa mesa niya."I checked the video, it's not edited. The sounds, it's all real Zai. I'm sorry." Naglapat ang labi ko at natulala na lang sa kawalan, naramdaman ko ang pag-udyok ng luha na tumulo ngunit tumingala ako at ngumiti."Thanks." I grabbed the memory card and kept it in my wallet."W-Wala ka na bang gusto pang ipa-imbestiga?" Nilingon ko ang kaibigan at umiling."Baka mas masakit, baka mas masakit sa susunod na makumpirma na walang patunay na nagsasabi siya ng tot
"Yeah, shoot you." Natigilan ako ng hawakan niya ang sariling baril, tinitigan niya 'yon."You never seen this side of me, right?" Napatitig ako sa mata niya ma sobrang blangko."My parents warned you right?" Sa tanong niya ay kinabahan ako ng sobra."B-Babe.." Natatakot kong tawag ngunit umiling siya."I'll count, you have ten seconds to escape. You should escape me." Mariing sabi niya kaya naman napaatras ako."Z-Zai huwag ganito.""You should escape me, I am a bad person." Mariing sabi niya."Bad enough to kill," wika pa niya."Hindi ako naniniwala—""Then I'll make you believe." Galit niyang sabi at tumayo."Start running, Lauren and don't look back." Sobrang lamig ng tinig niya dahilan para derederetsong tumulo ang luha ko ngunit mariin akong pumikit at tumakbo papalayo sa kaniya.He's serious."Sa oras na mahuli kita, ibang tao na ang kaharap mo." Malakas na banta niya kaya naman tumakbo ako ng tumakbo hindi ko alam kung saan ako lalapit, kung saan ako pupunta.Kung hihingi ba a
Lauren's Point of View. Pero babalik ako, babalik ako at paulit ulit na ipaiintindi sa kaniya ang lahat. Papalamigin ko lang muna ang ulo niya upang mas lumawak ang pang-unawa niya. Habang nakatulala sa langit ay narealize ko na lang na tumigil kami sa isang isla rin sa kung saan may mga taong naninirahan at marami sila. Alas onse na ngunit nagsisiyahan pa rin ang mga tao rito dahil sa malaking apoy sa gitna at may kainan. "Iiwan ka na ho namin." Paalam ng isa kaya nakatayo lang ako habang walang hawak na kahit ano kundi ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy, o kung saan ako dederetso. Wala silang binigay na kahit ano at kahit piso wala ako. Wala naman akong kasalanan. Bakit kailangan kong danasin lahat ng ito? Kung hindi ako nagahasa bakit wala akong maalala? Anong nangyari ng gabing 'yon at bakit hindi ko maalala? Sa paglakad ko ay pagod na pagod akong naupo sa gilid ng kahoy sa kung saan iniisip ko si Sierah at si Zai. "Neng, gabi na ano't nandito ka sa gili
Napatingin ako sa nasa kamay ko, ako lang naman ang nag-suot nito. Marahan kong tina-tap ang ibabaw nito para mag-send ng vibrate sa isa pa ng relo. Ngunit walang reply dahil natural sa natural hindi niya susuotin ito.I tapped it three times to say I love you, but there is no response that made me sighed. Bahagya na ring nabubuhay ang bata sa sinapupunan ko. Huminga ako ng malalim bago nahiga sa banig.Kinaumagahan ay napalunok ako ng makitang nagsasagutan na naman si manay at ang asawa nito. "Nagsasawa na ako sa buhay na 'to! Tayo ang naghihirap mangisda pero 'yang mga restaurant na 'yan? Sobrang mura nilang kukuhanin sa atin at ibebenta ng mahal!" Nakagat ko ang ibabang labi at sinulyapan ang gitna nilang anak na babae.Sinenyasan nito akong sumunod sa kaniya kaya lumabas kami ng bahay. "Ate Lauren, may pamilya ka po ba?" Nakangiting tanong niya habang naglalakad kami sa labasan."Meron, pero hindi ko alam kung magagawa nila akong hanapin." Matipid na sabi ko."May asawa ka na po?"
Lauren's Point of View. "Asawa?" "Asawa niya ang mayaman na 'yan?" "Ang doctor na tumutulong sa atin asawa niya?" Hinang hina kong tiningala si Zai ngunit hindi niya ako hinayaang gawin 'yon dahil binuhat niya ako. "Saan siya nanunuluyan?" Malamig niyang tinig ay mas pinaluha ako, rinig na rinig ko ang sariling pag-iyak. Mahaba haba ang nilakad niya at nang makarating sa bahay na maliit ay yumuko din siya. "Doc." "Doc ano ho—" "Neng, napano ka?" Nag-aalalang tinig ni manay at bago pa man ako mailapag sa kahoy nilang upuan na kahit minsan ay hindi nila ako pinaupo ay tumayo si Zai sa harapan ko. Ngunit hiyang hiya ako, dahilan para manatiling nakayuko. "Nako neng ang dami mong sugat." "D-Doc mabuti ho nakita niyo si Lauren." Lumunok ako at kinusot ng kinusot ang mata ko ngunit may humawak sa kamay ko. "Stop it." Malamig na sabi niya, ngunit ako na pasaway ay kusot pa rin. "Lauren, stop it." Pangalawang sita niya kaya tumigil ako at patuloy na lumuha. "Tubig, ku
"Oh my goodness! Who did this to you?" Nakita ko ang galit sa mata niya kaya naluha ako na mabilis niyang pinunasan 'yon. "Sinong gumawa nito sa'yo? I thought you're outside the palawan but what happened?" Nalilito na sabi ni Ate Mia kaya matipid akong ngumiti. "Zai." Mabilis kong inawat si Ate Mia ng tinawag niya si Zai at nababahidan ng galit 'yon. "Zai Garcia, mag-uusap tayong dal'wa!" Hindi talaga mapigil si Ate Mia kaya huminga ng malalim si Zai at lumapit malayo sa mata ng iba ay lumapit kaagad si Kuya Luke. Tanging pamilya lang ni manay ang nakakakita nito. "Why is she like this? Anong ginawa mo Zai!" Galit na tanong ni Ate Mia at sa hindi inaasahan ay hinablot niya ang kwelyuhan ni Zai mukhang naunang dumating ang yate nila Zai kesa kay Ate Mia at Kuya Luke. "Bakit ang dami niyang sugat? Bakit ang dami niyang pasa! Bakit siya nandito sa isla!" Sunod sunod na sabi ni Ate Mia. "Ate Mia okay lang po ako, walang kasalanan si Zai." Paglilinaw ko. "Wala? Baka gusto mo
"Huh! Ipakukulong kita! Abogado ang kapatid ko!" Sigaw ni Ate Mia at susugod pa sana pero lahat ay napasigaw ng tumilapon yung asawa ng amo ko sa buhangin."You dare to touch her?" Gigil na sabi ni Zai."Bro, not here." Bulong ni Kuya Luke at hinawakan sa balikat si Zai ngunit nagpumiglas si Zai."Umalis kayo rito, umalis kayo! Hinding hindi ako gagamot ng isang taong walang silbe! Baka unahin pa kitang ibaon sa lupa." Galit na galit na sabi ni Zai, ngunit halos mapatakip ako ng tainga ng may manumbalik sa isip ko."Lauren." Pagtawag ni Ate Mia ngunit derederetso akong umiyak at umiling iling."H-Huwag.." Damang dama ko ang takot."Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ng asawa mo? Madumi ka na, duming dumi ka na at kasusuklaman ka niya oras na malaman niyang nagahasa ka na!" Tinakpan ko ang dalawang tenga ng maalala ang tinig na 'yon."Lauren what's happening?" Tanong ni Ate Mia at hinawakan ang dalawang pisngi ko."Ate, Ate tulungan mo ako." Takot na takot kong sabi."Bakit? Tumahan ka."
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.