"But you really heard mommy's voice?" Tumango ako bilang sagot."Hindi ka pa nakainom no'n?" Tanong ni Ate Mia."Opo. May dalawang lalake pa po na nakamaskara ng tulad ng kay Kuya Luke, kaya akala ko si Zai talaga." Kwento ko."Then what happened? Why Zai is acting like that?" Tanong ni Ate Mia."I was raped." Mahinang sagot ko."W-What?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate Mia."R-Rape kaya ka niya iniwan? Eh gago pala siya eh! Nagahasa ka kasalanan mo ba 'yon—""Look ate, kumalma ka. Hindi ganoon yung nangyari, hindi ganoon yung lumabas at hindi ganoon ang nakarating sa kaniya. Sa totoo lang may punto si Zai kung may tiwala ako sa kaniya dapat sa akin nanggaling na nagahasa ako, na may ganoon na nangyari sa akin." Natigilan si Ate Mia."May clip ng video sex nang gabing maganap sa akin 'yon, Zai tried to believe me pero hindi ko maintindihan dahil kahit sa drug test at sa kung ano pa man walang bakas na nagahasa talaga ako." Mahinang sabi ko."Video?""Kung ganoon, lugi ka nga." Ngiwin
Wala naman akong kahit anong gamit, kahit cellphone, wala. "Lalabas ako, sasabay ka?" Sa tanong niya ay tumayo ako at tumango.Sabay kaming lumabas, nauna ako sa paakyat habang nasa likod siya kaya naman nag-ingat ako. Nang makarating sa deck ay nandoon sila Ate Mia at Kuya Luke kumakain ng burger at ng alukin nila ako ay tinanggap ko 'yon."Kumusta naman yung buhay mo sa isla na 'yon Lauren?" Tanong ni Ate Mia kaya huminga ako ng malalim."Mahirap mag-adjust ate, pero kaya naman. Natuto ako maglaba mg maramihan, using my own hands walang washing machine or laundry machine." Natatawang kwento ko."Madalas kakain kami isang beses lang, walang umagahan, minsan tanghalian." Napalunok si Ate Mia sa kwento ko."That's not healthy for your baby." Bilin niya."But I can't do anything ate, I have to be strong." Nakangiting sabi ko."Ano 'yang suot mo?" Tanong ni Ate Mia at hinawakan ang pulsuhan ko upang tignan ang kakaibang relos."Ano 'to wala namang orasan." Kwestyon niya at hinawakan 'yon
Bawal kasing naiipit ang tyan ko dahil mabilis siyang umumbok. "What?" Agad akong umayos ng tayo at kahit na ang lukot na mukha ko ay pinalitan ko ng ngiti ngunit mas nangunot lang ang noo niya at umiling iling na inabot ang relos niya na silver ang kulay at sinuot 'yon. "I asked what, what's the problem?" Tanong niya. "Why are you still wearing a robe?" Lumunok ako sa pag-lilinaw niya ng tanong. "W-Wala akong dress na kakasya sa akin," wika ko pa. "Sa payat mong 'yan wala pa?" Umawang ang labi ko sa sarkastiko niyang sagot. "Wala nga, payat ito pero hindi ang tyan ko." Ngiwing sabi ko dahilan para pairap niyang inalis ang tingin sa akin before grabbing his phone to call someone but before that he goes near his cabinet before pulling his shirt and handed it to me. "Wear that first." Utos niya at lumabas na ng closet na mukhang may inuutusan. Kaya naman sinunod ko siya at sobrang laki nga ng shirt niya sa akin kaya naman nag-suot lang ako ng cotton shorts bago lumabas ng
Dumeretso ako sa 4th floor at hinanap ko ang room nila before ringing the bell, the door opens at si manay agad ang nasalubong ko kaya nginitian ko siya. "Oh neng ikaw pala," bati niya. "Pasok ka." Aya niya. "Salamat manay, okay naman ho ba kayo rito?" Nakangiting tanong ko pa. Ngumiti siya at tumango. "Sobrang ganda nga rito, neng. Kinausap na kami ni doc, yung asawa mo neng. Kukunin raw akong taga-bantay ng anak ng kapatid niya. Yung doctor rin neng," wika niya pa at pinaupo ako. "Ah si Kuya Luke po?" Tumango siya sa sagot ko. "Tapos ang mga anak ko ay kukuhanin raw rito sa hotel neng, bibigyan raw kami ng tirahan sa gilid ng bahay nila Doctor L ba 'yon neng." Tumango ako muli sa kwento niya. "Sobrang babait niyo neng, pagpalain pa kayo lalo." Ngumiti ako. "Salamat rin po." "Habang ang asawa ko ay magiging mangingisda pa rin ngunit may sarili na siyang bangka at ang makukuha niyang isda ay bibilhin ng asawa mo para sa hub daw ba 'yon." Sa sinabi ni manay ay nagtaka
Habang nanonood ay may nag-bell sa pinto kung kaya't tumayo ako para silipin kung sino 'yon ngunit ng malaman na si manay ay napangiti ako at pinagbuksan sila. "Manay." Bati ko. "Nako neng, nagdala lang ako ng hinanda kong gabihan. Baka gusto niyo kasi, ginataang suso." Napalunok ako sa niluto ni manay. "Nako salamat manay, ang bango naman ho nito." Nakangiting sabi ko at pinapasok siya. "Osige ha, nandito na ba ang asawa mo? Dapat hindi ka mag-isa." Nakangiting habilin niya. "Ayos lang ho, nandoon siya sa kwarto." Nakangiting sagot ko. "Osige neng, aalis na rin ako at mag-gagabihan kami. Salamat." I smiled before guiding her outside pero nang nasa labas na si manay ay nangunot ang noo ko ng may lalakeng mukhang delivery man pero bulaklak ang hawak. "Lauren Ramirez ho?" Kwestyon ng lalake kaya tumango ako. "Mauna na ako neng," paalam ni manay kaya naman kinawayan ko siya. "Wala po akong inorder na bulaklak—" "Ay hindi ma'am, pinapadala lang ho. Hindi rin ho kasi mag
"I hate watching dramas, but I am always watching you from afar and guess what, I can see everything it feels like I'm watching a movie where I am it's director." Nangunot ang noo ko at tinignan ang cellphone ko."Watching me? Like how? Ano kami nasa nobela? Nasa isang pelikula?" Sarkastikang sabi ko."I can see how your husband move, I can see you move, I can watch you move, feels unreal." Nakakaloko siyang tumawa sa kabilang linya."Masyado kang ginagago ng mga nakakaharap mo, baka yung pasimuno nito katabi mo lang pala o hindi kaya akala mo kakampi." Sa tawa niya ay kinabahan ako at agaran kong pinatay ang tawag.Ang bilis ng tibok ng puso ko at sa tingin ko hindi dapat ako basta basta magtiwala sa kung sino dahil naloko ako sa boses ayon pa kaya? Nang bumukas ang pinto sa entrance ay nagulat ako.Dahilan para mangunot ang noo ni Zai. "What?" Kwestyon niya kaya naman tumikhim ako at dahan dahan na ibinaba ang cellphone ko.Sino yung rapist na 'yon? Sino yung caller? Sino yung maste
"Tapos inaway mo rin si Zai pabalik? Jusko I would do the same and call you tanga Lauren. Papatayin mo ang sarili mong baby," dismayadong sabi ni Ate Mia kaya nahihiya akong ngumuso. "Sumabay ka na mamaya pag susunduin ni Zai si Sierah, ako'y naiistress sa'yo loka ka 'teh." Hindi mapa-move on si Ate Mia sa nalaman kaya napalunok lang ako at lahat ng sama ng loob ko ay nawala. Glad he came at the right timing. Kung ganoon nag-alala talaga siya sa akin, bigla ay nakonsensya ako sa ginawang pagsagot kay Zai. Nang lumipas ang oras ay narinig ko kaagad ang tinig ni Zai kaya naman nag-iwas tingin ako sa pinto at kunyare ay hindi siya nakikita dahil nahihiya ako. "Si Sierah?" Tanong niya kay Ate Mia kaya naman sinulyapan ako ni Ate Mia at ganoon rin si Zai na awtomatikong nakakunot ang noo at salubong ang kilay. "Nasa taas, tawagin ko lang. Isabay mo na rin yung isa diyan," pagpaparinig ni Ate Mia kaya tumikhim ako at hindi na sila tinignan. Nang makababa si Sierah ay nanatili a
"What do you want?" Naiinis niyang sabi kaya naman bago pumasok sa kwarto ay sumaya ako at hinarap siya."Takoyaki? Yung may baby octopus." Nakangiting sabi ko dahilan para umawang ng bahagya ang labi niya at ngumiwi."You're a sore in my head." Inis niyang sabi bago pumasok sa banyo halos limang minuto akong nakatayo sa gilid at ng lumabas siya ay nangunot ang noo niya."Ba't nandiyan ka pa?" Ubos na ubos ang pasensya niyang tanong."Bibili ka?" Tanong ko kaya naman inabot niya ang shirt niya at wallet."Yeah, yeah. Huli na 'to. Galit ako sa'yo." Masama ang tingin niya sa akin bago naglakad papalabas ng hotel room kaya naitikom ko ang bibig at inayos ang kaunting kalat sa sala bago ako pumasok ng kwarto.Nahiga higa muna ako sa kama, habang nakahiga sa kama ay kusa akong bumangon ng may kumatok sa labas kaya naman nagmamadali akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon ngunit bigla kong na-realize na alam ni Zai ang code ng kwarto.Ngunit natigilan ako ng makita si Shane. Nang makita niy
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka