"I hate watching dramas, but I am always watching you from afar and guess what, I can see everything it feels like I'm watching a movie where I am it's director." Nangunot ang noo ko at tinignan ang cellphone ko."Watching me? Like how? Ano kami nasa nobela? Nasa isang pelikula?" Sarkastikang sabi ko."I can see how your husband move, I can see you move, I can watch you move, feels unreal." Nakakaloko siyang tumawa sa kabilang linya."Masyado kang ginagago ng mga nakakaharap mo, baka yung pasimuno nito katabi mo lang pala o hindi kaya akala mo kakampi." Sa tawa niya ay kinabahan ako at agaran kong pinatay ang tawag.Ang bilis ng tibok ng puso ko at sa tingin ko hindi dapat ako basta basta magtiwala sa kung sino dahil naloko ako sa boses ayon pa kaya? Nang bumukas ang pinto sa entrance ay nagulat ako.Dahilan para mangunot ang noo ni Zai. "What?" Kwestyon niya kaya naman tumikhim ako at dahan dahan na ibinaba ang cellphone ko.Sino yung rapist na 'yon? Sino yung caller? Sino yung maste
"Tapos inaway mo rin si Zai pabalik? Jusko I would do the same and call you tanga Lauren. Papatayin mo ang sarili mong baby," dismayadong sabi ni Ate Mia kaya nahihiya akong ngumuso. "Sumabay ka na mamaya pag susunduin ni Zai si Sierah, ako'y naiistress sa'yo loka ka 'teh." Hindi mapa-move on si Ate Mia sa nalaman kaya napalunok lang ako at lahat ng sama ng loob ko ay nawala. Glad he came at the right timing. Kung ganoon nag-alala talaga siya sa akin, bigla ay nakonsensya ako sa ginawang pagsagot kay Zai. Nang lumipas ang oras ay narinig ko kaagad ang tinig ni Zai kaya naman nag-iwas tingin ako sa pinto at kunyare ay hindi siya nakikita dahil nahihiya ako. "Si Sierah?" Tanong niya kay Ate Mia kaya naman sinulyapan ako ni Ate Mia at ganoon rin si Zai na awtomatikong nakakunot ang noo at salubong ang kilay. "Nasa taas, tawagin ko lang. Isabay mo na rin yung isa diyan," pagpaparinig ni Ate Mia kaya tumikhim ako at hindi na sila tinignan. Nang makababa si Sierah ay nanatili a
"What do you want?" Naiinis niyang sabi kaya naman bago pumasok sa kwarto ay sumaya ako at hinarap siya."Takoyaki? Yung may baby octopus." Nakangiting sabi ko dahilan para umawang ng bahagya ang labi niya at ngumiwi."You're a sore in my head." Inis niyang sabi bago pumasok sa banyo halos limang minuto akong nakatayo sa gilid at ng lumabas siya ay nangunot ang noo niya."Ba't nandiyan ka pa?" Ubos na ubos ang pasensya niyang tanong."Bibili ka?" Tanong ko kaya naman inabot niya ang shirt niya at wallet."Yeah, yeah. Huli na 'to. Galit ako sa'yo." Masama ang tingin niya sa akin bago naglakad papalabas ng hotel room kaya naitikom ko ang bibig at inayos ang kaunting kalat sa sala bago ako pumasok ng kwarto.Nahiga higa muna ako sa kama, habang nakahiga sa kama ay kusa akong bumangon ng may kumatok sa labas kaya naman nagmamadali akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon ngunit bigla kong na-realize na alam ni Zai ang code ng kwarto.Ngunit natigilan ako ng makita si Shane. Nang makita niy
I let them order dahil wala akong maisip kainin ngayon not until Zai stood up and answered a call. Nahiya tuloy ako sa kaharap kong si Traise na eleganteng elegante kung gumalaw. Para bang lahat sa kaniya ay mamahalin at hindi mo siya pwedeng hawakan kung hindi mo siya kayang tapatan. "You're good?" He asked that made me look at him. "Why? Do I look bad?" Mahinahon kong sabi ngunit matipid siyang ngumiti bago iniiwas ang tingin sa akin at inabot ang baso upang uminom ng tubig. Nang makabalik si Zai at nakita ko ang pagtataka sa mata niya. "Is there a problem?" Sa tanong niya ay pinagkrus ko ang braso at sumandal lang. "Lauren." Sa pagtawag niya sa akin ay umayos ako. "Yes?" "May problema ba?" Kwestyon niya kaya umiling ako. "Akala ko siya yung kausap mo, wala namang problema." Paglilinaw ko not until I received a text from the unknown caller who's making me guess who the hell is he and who the hell is the mastermind. Binasa ko 'yon. From unknown number: Lunch wit
Nang makalabas ng hotel ay naglakad ako papunta sa hub, nang makarating ay rinig na rinig ko ang malakas na tugtugan pagkapasok ko ay sobrang mausok kaya naman tinakpan ko ang bibig hanggang ilong. Lumapit ako sa manager nila dito. "Excuse me, sir." Nilingon ako nito. "Yes ma'am?" "May itatanong lang sana ako, naalala niyo ba yung 3 months ago. Yung nagrenta sa kwarto dito? Yung room 24?" Kwestyon ko dahilan para mangunot ang noo nito. "Pwede ko bang makita yung CCTV footage niyo last three months ago?" Kwestyon ko. "Nako ma'am, yung boss lang po kasi namin ang pwedeng kumuha ng footages." Napalunok ako sa sinabi niya. "Importante lang kasi talaga, hindi mo ba pwedeng pakiusapan yung boss mo? Magbabayad ako." Huminga ito ng malalim. "Susubukan ko hong tawagan, sandali po." Paalam niya kaya huminga ako ng malalim ngunit pagkalingon ko sa gawi ng kwarto ay bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng may makita akong naka-maskarang lalake. Nakatitig ito sa akin dahilan para ma
Nang tumunog ang gadget ni Sierah ay mukhang natuwa ito. "Daddy! When are you coming home po?" Nakangiting sabi ni Sierah. "I'm okay daddy, also mommy. Nandito lang po siya sa house and the kuya guards are taking me for school po." Nagkekwento pa siya. "Okay daddy, love you. Take care po!" Nang matapos niyang kausapin ang daddy niya ay nag-focus na siya sa assignment niya kaya naman ilang araw pa ang hinintay namin hanggang sa makauwi si Zai. Nang makauwi siya ay si Sierah agad ang sinalubong niya, nang tignan niya ako ay tumango lang siya bago dumeretso sa kwarto kaya naman sumunod ako. "Zai—" "Yes?" Tanong niya agad. "May problema ba?" Kinakabahan na tanong ko. "Wala, bakit?" Kwestyon niya pabalik kaya matipid akong ngumiti at tumango na lang. Nang titigan ko ang mukha niya ay nangunot ang noo ko ng makita ang pamumula ng bandang panga niya kaya pinagmasdan ko pa siya lalo. But then I see bruises on his back that made me worried, he doesn't seem to notice it. "Zai." N
Nangunot ang noo niya, he scratched his forehead. "Oh, Zai's wife?" Tanong niya kaya tumango ako. "Where are you heading?" Kwestyon niya. "Rooftop, getting fresh air." Mahinahon kong sabi, pero dahil nandito siya ay hindi ko magagawa ang binabalak. "Same here, my veranda's door is locked. Can't be open actually." He explained. "Oh okay." Tugon ko na lang. Nang makarating sa rooftop ay tinawagan ko si Zai. Ngunit hindi niya ito nasagot agad kaya naman nadismaya ako. "Where is Zai?" Tanong ni Traise kaya huminga ako ng malalim. "B-Baka pauwi na siya, babalik na siguro ako. Thanks." Paalam ko. "Take care." Matipid niyang sabi. Bumalik na ako at sakto namang nakita ko si Zai na naglalakad papunta sa hotel room namin kaya nagmamadali akong sumunod, nang mabuksan niya ay tsaka niya lang ako napansin. "Saan ka galing?" Tanong niya. "Rooftop, nakasabay ko yung friend mo, ikaw?" Tanong ko. "Hospital saan pa ba?" Sarkastiko niyang sabi kaya lumabi ako. Pumasok
"Zai." Pagtawag ko. "Pumasok ka na sa loob ng kwarto." Utos niya kaya huminga ako ng malalim. "Kung pipilitin mo pa rin akong maging isang mabuting anak sa hindi ko naman nanay, isipin mo muna yung mommy mo na nanghihina na dahil sa sakit niya." Naitikom ko ang bibig ng sabayan niya ng sermon ang sinasabi. "I didn't know," mahinang sabi ko. "I told you she's not my mom, hindi ka naniniwala." Ngiwing sabi niya. "Dahil akala ko galit ka lang sa kaniya kaya ganoon," nahihiyang sabi ko. "Tumigil ka na sa pagsisigarilyo, malinaw?" Ngumiwi siya at sinulyapan ako. "I can still smoke behind your backs." Ngiwing aniya niya kaya umirap ako at kumuha ng tubig sa kusina at inabot sa kaniya. "Gagawin ko diyan?" Kwestyon niya. "May lason yan, lagukin mo tutal papatayin mo rin naman sarili mo kakasigarilyo." Lalakeng lalake niya akong inirapan bago kinuha 'yon at ininom. "Pag hindi ako namatay, ikaw ang lagot sa akin." Naitikom ko ang bibig at lumunok ng sobrang diin dah
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.