Share

Chapter 112

Lauren's Point of View.

"Asawa?"

"Asawa niya ang mayaman na 'yan?"

"Ang doctor na tumutulong sa atin asawa niya?"

Hinang hina kong tiningala si Zai ngunit hindi niya ako hinayaang gawin 'yon dahil binuhat niya ako. "Saan siya nanunuluyan?" Malamig niyang tinig ay mas pinaluha ako, rinig na rinig ko ang sariling pag-iyak.

Mahaba haba ang nilakad niya at nang makarating sa bahay na maliit ay yumuko din siya. "Doc."

"Doc ano ho—"

"Neng, napano ka?" Nag-aalalang tinig ni manay at bago pa man ako mailapag sa kahoy nilang upuan na kahit minsan ay hindi nila ako pinaupo ay tumayo si Zai sa harapan ko.

Ngunit hiyang hiya ako, dahilan para manatiling nakayuko. "Nako neng ang dami mong sugat."

"D-Doc mabuti ho nakita niyo si Lauren." Lumunok ako at kinusot ng kinusot ang mata ko ngunit may humawak sa kamay ko.

"Stop it." Malamig na sabi niya, ngunit ako na pasaway ay kusot pa rin.

"Lauren, stop it." Pangalawang sita niya kaya tumigil ako at patuloy na lumuha.

"Tubig, ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status