KABANATA 42
Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpaikot ikot dito sa likod ng hotel para makapag isip ng gagawin. Levi and I will talk later at sa room niya pa! Hindi ko alam kung anong binabalak niya but I don’t feel good about this!
I know that I’ve done horrible to him. Iniwanan ko siya pero alam niyang sapat ang rason ko para gawin ‘yon! He knows that we cannot be together in that situation. Galit ang mommy niya sa amin. At hindi ko na kayang maranasan at marinig ang mga pang iinsulto ng magulang niya sa amin lalo na kay mommy!
Mas lalo pa akong kinabahan nang dumating na ang oras na magkikita kami. Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng room niya. Kaya ko ba ‘to? Kaya ko ba talagang humarap sa kanya ng ganito? What am I going to do? Hindi ko alam. Bahala na. Damn it!
I was about to knock on his door when the door suddenly opened at nagpakita roon si Levi na
KABANATA 43Buong gabing nag replay sa utak ko lahat ng pinag-usapan namin ni Levi. It was so obvious na hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin. It’s understandable. Pinamukha ko sa kanya noon na kaya kong maghanap ng pamalit sa kanya. We separated painfully. We hurt each other. At kahit anong gawin ko patuloy pa rin naming masasaktan ang isa’t isa.Hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya. He needs me to warm his bed. Alam ko kung anong reputasyon niya sa mga babae kahit noon pa man pero hindi ko inakalang mas sumobra pa ngayon. He has Cathlyn now. Mukha namang nagkakamabutihan sila bakit…naghahanap pa siya ng iba?O baka naman…gusto niya lang talagang maghiganti sa akin? He wants to get even? O ito ang daan niya para pagbayarin ako sa utang namin sa kanya?I hugged myself as I stared at the ceiling of my room. Hindi ko na rin namalayan na may naglalandas ng mga luha pababa sa aking unan.Being away with L
KABANATA 44 Malakas pa rin ang pagbagsak ng ulan ngunit pakiramdam ko ay bingi na ako sa ingay nito ngayong nasa harapan ko si Levi. Hanggang ngayon hindi pa rin kumukupas ang nararamdaman ko kay Levi. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko nagawang maghanap ng iba. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang sumaya. “N-Nakalimutan ko…” nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng sabihin ko ‘yon. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng matagal. Pakiramdam ko pati hininga ko hinihigit niya sa tuwing tinititigan niya ako. “Take this,” he said and offer the umbrella he was holding. Nagulat ako roon. Hindi ko inaasahan na ibibigay niya ‘yon sa akin. Tuluyan nang napabalik ang paningin ko sa kanya. Hindi nagbago ang ekpresyon niya pero totoo na binibigay niya sa akin ‘yong payong. “P-Paano ka?” I asked hesitantly. “I have a car,” he said and left after that. Ako naman ay pinagmasdan siyang sumakay sa sasakyan niya habang haw
KABANATA 45Masakit pa rin pala. Kahit pa pilit kong iniisip na okay lang na makahanap siya ng iba dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi kami pwede pero masakit pa rin. Para paring binibiyak sa dalawa ang puso ko. Para paring hinahati sa piraso ang dibdib ko.Matapos kong magbihis ay nagkulong ako sa aking kwarto. Buti na lang tulog na si mama nung dumating ako. Kung hindi magtatanong ‘yon kung bakit sumugod ako sa ulan. I stared at the ceiling of my room while I was trying to stop my tears from falling.“I have to forget him…” bulong ko sa sarili. I didn’t know that I’d been lying to myself for about seven years. I always say to myself that I’ve moved on. That I am healing but the truth is…I am still in the middle of that pain…it didn’t leave my heart. It stays inside my heart. I was just sealing it with lies.Buong gabi kong inisip lahat ng ‘yon at sa umaga paggising
KABANATA 46Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I wiped my tears using the back of my hand and breathed heavily. Sobrang sikip ng dibdib ko. If I have a power to heal this pain matagal na akong nakabangon sa lahat. But this man…he’s my first love…he’s my first to everything and it was so hard to forget him.“Fine…if that’s what you want,” he replied. Tumango ako at sa kabila ng sakit ay ngumiti ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata pero hindi na ako nagbigkas ng iba pang salita. Nagsimula na akong maglakad paalis ng office pero unang hakbang ko pa lang naramdaman ko na ang kirot sa aking ulo at bago pa ako makaalis kadiliman na ang bumalot sa akin.Sometimes I wonder would everything change if the circumstances were different? Paano kung hindi nangyari ang lahat ng ‘yon? Paano kung hindi nagkaroon ng lamat sa pagitan ni mama at ni Ma’am Leslie Galford? Would Levi and I
KABANATA 47Buong gabi kong inisip ang lahat. Levi and I agreed to be in this situation while I save money to pay him back my debt. Kaya naman para hindi na ‘yon mas lalong tumagal kailangan kong magtrabaho ng mabuti at kumita ng marami.“Sigurado ka bang papasok ka pa rin ng trabaho?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ako ng umagahan namin. Tumawag kasi sa bahay yung nurse since si mama ang nasa emergency contact ko. Buti nga hindi nabanggit ng nurse na may lalaking nagdala sa akin sa clinic. Huminga ako ng malalim at ngumiti kay mama.“Ayos lang ako mama. Magaling na ako. Uminom ako ng gamot last night,” sabi ko para hindi na siya mag-alala. Hindi na siya umimik pero ramdam ko pa rin ang pagmamasid niya sa akin na para bang isang pagkakamaling kilos ko lang ay hindi niya talaga ako papapasukin sa trabaho.I feel fine now. May kaonti pa rin akong lagnat pero maayos na ang pakiramdam ko kaya hindi na
KABANATA 48“The sun is almost setting down,” sambit ko habang nakatingin sa araw na malapit nang lumubog.“You wanna take a walk?” he suddenly asked. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na aakitin niya akong maglakad lakad sa dagat. Naalala ko na hindi naman niya gustong maglakad sa dagat because it’s sandy.“Are you sure?” paninigurado ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at tumayo para magsimula nang maglakad patungo sa shore. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Humampas ang malamig na hangin sa amin. Nilipad nito ang aking buhok.Hindi ko mapigilang malungkot at maging masaya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Malungkot ako dahil patuloy na kumikirot ang puso ko habang nakikita si Levi na nakatayo sa harap ng dagat. It reminds me of everything. Masaya ako dahil…kahit papaano nakakasama ko siya ng ganito ngayon.I sighed heavily and walked with him down the shore. Natigilan nga lang ako ng tumigil siya at nagtanggal ng sapatos.“B-Bakit ka nagtatanggal ng sapatos
KABANATA 49I woke up feeling sore. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita si Levi na walang damit pang itaas na natutulog sa tabi ko habang ako naman ay suot na ang kanyang puting polo buttoned down shirt. Doon ko lang narealize lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung masasayahan ba ako o magsisimulang kabahan.What happened between us shouldn’t have happened. It was all wrong from the very beginning. I stared at Levi’s peaceful sleeping. His hair is disheveled, and he looks so angelic. Ilang beses ko bang alalahanin ang mga panahong patay na patay ako sa kanya?At ilang beses pa ba na alalahanin ng puso ko na noon pa man ay humahanga at nagmamahal na sa kanya. Kaya siguro nahihirapan akong kalimutan siya dahil kahit noong bata pa ang aking puso…mahal na mahal ko na siya.Pero…hindi ko na alam kung anong dapat gawin. I cannot love him anymore. We started wrong and it hurts us the most before. Paniguradong hindi magugustuhan ni Ma’am Leslie o ni mama kung sakaling malalaman
KABANATA 50Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Ang dapat pa nga ay iwasan ko ang makaramdam ng ganito. Pero hindi ko alam kung bakit kahit bawal ito pa rin ang gusto ng puso ko. Nakakalito at nakakainis. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nandiyan si Levi pakiramdam ko hindi nagkakasundo ang puso at isip ko.“Out ka na after lunch ‘di ba?” tanong ni Alfred habang patungo kami sa locker. Lunch time na kasi at tama siya after kong kumain ng lunch ay diretso na ako sa office ni Levi.“Ah…oo,” sagot ko.“Sabay na tayong mag lunch?” alok niya.“Baka…dumiretso na ako sa afternoon work ko eh. Sorry,” tanggi ko. Ayaw kong simulan at palakihin pa ang kung ano mang gustong mangyari ni Alfred. College pa ako noong huli akong nagkaboyfriend. At lahat ng ‘yon pinagsisihan ko dahil pakiramdam ko ginamit ko lang sila para makalimutan si Levi.Isa ‘yong pagkakamali na ayaw kong ulitin. Lalo na’t hindi naman naging epektibo ang lahat ng ‘yon dahil hanggang ngayon nasa sistema ko pa rin si Levi.
EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER) “Levi…I told you…I am just…paying my debt and after this we’re nothing but strangers, right?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Something happened to us back on the yacht, but it feels like it was all nothing to her. Yes! Sinabi ko sa kanya na ang tangi ko lang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito ay dahil sa utang nila sa daddy ko. But fuck! Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat ng ito hindi dahil gusto ko ring ibalik ang sakit na pinaranas niya sa akin noong iniwan niya ako. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil hanggang ngayon…mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Hanggang ngayon lahat ng parte ng katawan ko siya lang ang hinahanap. It was fucking ridiculous. To love someone like this is so ridiculous. Hindi ko nga namalayan na lahat pala ng ginagawa ko ay para sa kanya. I earned the highest position in my grandfather’s company para hindi ako mapasunod ng lolo ko sa pag
EPILOGUE (Part 5)Hindi ko kayang palipasin ang buong gabi na galit sa akin si Astrid. Hindi ko makakayang hayaan siyang mag isip ng masama sa akin. Maaaring tinago ko ang lahat ng ito at hindi sinabi sa kanya pero hindi magbabago na mahal na mahal ko siya.Kaya lang kahit anong gawin ko pakiramdam ko hindi umaayon sa akin ang panahon. Hindi ako nakatiis na kausapin si Astrid. Pumunta ako sa kanyang bahay at nadatnan ko roon si Nellen Wadler at dahil alam niyang may alam ako sa relasyon niya sa aking ama agad siyang nag isip ng masama sa akin.“Levi! Tigilan mo ang anak ko! Ito ba ang plano niyo ni Leslie? Sinabi kong ‘wag niyong idamay ang anak ko! Ako ang nagkamali! Babayaran ko kung ano man ang ginastos ni Vincent kay Mr. Chua! Tigilan niyo na ‘to!”She knows my mom’s plan. Marahil ay kinompronta siya ni Mommy at sinabi ang detalyeng ‘yon. Now she thoughts that I have a bad intention with her daughter. Wala rin naman akong pakialam sa per ana pinambayad ni daddy sa utang nila ang g
EPILOGUE (Part 4)Pinilit akong kausapin ni daddy ngunit pilit akong umiiwas. Hindi ko siya kayang kausapin. Pakiramdam ko sa oras na magharap kami mag-aaway lang kaming dalawa. Mas lalo lang lalaki ang gusot sa pagitan naming dalawa.Ngunit wala na akong nagawa nang sabihan ako ni lolo isang araw. Magkakaroon raw ng family gathering at exclusive lang ‘yon para sa aming pamilya. Kaya naman nagpaalam ako kay Astrid tungkol doon. Ngunit hindi ko inasahan na kaming tatlo lang ang uupo sa family gathering na ‘yon.“Where’s grandpa?” I asked as I sat down on my seat.“He decided not to go. He wants us to settle our problem on our own,” sambit ni daddy. Nanatili namang tahimik si mommy.“I wonder kung kaya mong i-settle ang problema ng pamilya?” sarkastiko kong tanong. Hindi ko matiis na mapuno na naman ng galit. I remember the scene I witnessed in his office. Dad sighed problematically. Isang diretso kong ininom ang isang baso ng wine sa aking harapan.“I am trying my best to fix this fami
EPILOGUE (Part 3)Nabitin ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung anong ginagawa no’n doon at kung bakit siya naninilip sa ginagawa namin. Napailing na lang ako. Marahil kahit inosente ang babaeng ‘yon kuryuso pa rin siya sa mga ganoong bagay.“Levi,” natigilan ako nang tawagin ako ni daddy. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pangbabaeng purse sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko doon.“Schoolmate mo si Astrid ‘di ba?” he asked. My brows furrowed. “Who’s Astrid?” nagtataka kong tanong. Nakita ko ang pagsimangot niya sa akin. “My secretary’s daughter. Naiwanan niya yata itong purse sa table nila. Give it to her,” he said. Napatitig ako sa purse na iyon. How did he know na sa anak talaga ‘yon ng secretary niya?“How did you know it was her?” I asked. Napatitig siya sa akin. Lumikot ang kanyang mata at basta na lang kinuha ang aking kamay at pinahawakan sa akin ang purse.“I just know. Ibigay mo na lang. Baka mahalaga ‘yan kay Astrid,” he said and left. Napatitig ako sa pur
EPILOGUE (Part 2)Lumipas lang ang ilang araw binalik ni daddy ang sasakyan ko pero kahit ganoon hindi ‘yon ang naging dahilan ng pagbabago sa gawi ko. I enjoy my life this way. Ito lang ang paraan para makalimutan ko kung anong klase pamilya mayroon ako.When I turned eighteen, I didn’t think twice but to enjoy being at legal age. Dahil doon ay malaya na akong makakalabas pasok sa bar nang hindi nagbubulaan sa aking edad. Dad always scolds me about that pero wala na naman siyang magagawa kundi ang hayaan ako dahil hindi ko rin naman siya susundin. At alam niyang hindi na uubra sa akin ang mga punishment niya.“Levi, we have a gathering later—”“I don’t want to attend, Mom.” mabilis kong pagtanggi. Medyo may hang over pa ako sa party kagabi kaya wala akong gana mag breakfast ngayon at mas lalo pa akong nawalan ng gana nang marinig ‘yon kay Mommy.“Your grandparents will be there…” she added, still trying to convince me. I continued finishing my plate like I did not hear anything. My g
EPILOGUE (Part 1)Leviticus Galford“Paano mo nagawa sa ‘kin ‘to, Leslie?!” isang galit na boses ang narinig ko na nagmumula sa second-floor ng aming malaking bahay. Holding my robot toy, I followed where the noise coming from, and I saw dad and mom. Dad looks furious while mom was crying miserably.Noon hindi ko nauunawaan ang tagpong ‘yon. Nasanay na ako sa madalas na pag aaway ng magulang ko kaya hindi na ito bago. Pero sa lahat ng pag aaway nila ito ang pinakamalala. Rinig na rinig sa buong bahay ang pagkabasag ng mamamahaling figurine dahil sa galit ni daddy.“I trusted you! I’ve been faithful to you tapos ito ang igaganti mo?!” may hinanakit at galit sa boses ni daddy. Hindi nila alam na pinapanuod ko sila at malinaw na naririnig ang kanilang mga sinasabi. Kung alam nilang nandito ako paniguradong magkukunwari na naman silang masaya.“I-I’m…sorry, Vincent! Hindi ko…sinasadya! Please…listen to me…ikaw ang mahal—”“Wag mong sabihing ako ang mahal mo matapos kitang makitang may kah
KABANATA 65Hindi ako makatingin kay Levi habang lumalabas ako ng sasakyan niya. Nagpalipas kami ng buong gabi sa loob ng kanyang sasakyan malapit lang sa dagat at madaling araw pa lang ay hinatid niya na ako pauwi. Ayaw ko na sanang maalala ang mga nangyari kagabi pero sa bawat ngisi niya naalala ko ang bawat detalye!Damn it! Dahil sa kanya nabalot na ng lumot ang isip ko!“Una na ako…” paalam ko sa kanya nang makalabas na ako at hawak na ang pinto ng kanyang sasakyan para maisarado ito. He smiled at me. Nakakainis! Alam ko naman na gwapo siya pero bakit hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga ngitian niyang ganyan?“Set a date for me to officially meet your mom, alright?” he informed me. Tumango ako sa sinabi niya at tuluyan nang sinarado ang pinto ng sasakyan niya. Napag usapan nga namin kanina ang tungkol diyan. Gusto niyang makausap ng maayos si mama. Alam ko naman na hindi maganda ang tingin ni mama sa kanya dahil sa nangyari noon.Huminga ako ng malalim at pumasok na sa ba
KABANATA 64R18Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan. Hawak-hawak namin sa kabilang kamay ang aming sapatos kaya malaya naming nadadama ang pinong buhangin sa aming paa. Madilim na ang paligid pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga lamp ay maliwanag pa rin sa aming mata ang aming nilalakaran.Pinagmasdan ko ang magkahawak naming kamay ni Levi. Kahit sa simpleng haplos lang kanyang kamay sa akin ay para na akong nililipad sa langit. Masyadong malakas ang epekto sa ‘kin ni Levi at sa ngayon parang hindi ko na talaga siya kayang pakawalan.“You’re being silent. You’re thinking something else?” he asked, breaking my thoughts. Tumaas ang tingin ko sa kanta. Madilim na ang kalangitan ngunit para sa aking mata nagningning ang kanyang mukha.“Nasa’n na ang mommy mo?” tanong ko. Alam kong ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa mommy niya pero hindi ko mapigilang macurious.“I told her to leave us alone,” sambit niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanyang sina
KABANATA 63Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa harapan ng malawak na dagat. Ilang oras na rin akong nakatambay dito ngunit hindi ako nagsasawang pagmasdan ito. Tinitigan ko ang araw na malapit nang lumubog. Nagkulay kahel ang kalangitan at sumalasamin sa dagat ang kulay nito.Napakaganda nitong pagmasdan ngunit bakit puro kalungkutan ang nararamdaman ko? Naalala ko noong kababagong lipat lang namin dito sa Legazpi. I was sorrowful and painfully suffering emotionally. Ang tangi ko lang takbuhan ay ang dagat at tahimik na kinakausap si papa.Hindi ko inaasahang nandito na naman ako, nasasaktan at tahimik na hinihiling na sana’y buhay pa ang aking ama. At muli na naman akong bumabalik sa marami kong what ifs.What if papa never died? What if he stayed with us? What if mom didn’t fall in love with Mr. Vincent Galford? Magtatagpo kaya ang mundo namin ni Levi? Mamahalin ko kaya siya ng ganito?Hindi ko alam kung bakit kung ano pa yung nagpapasaya sa’yo ‘yon pa ang napakahir