Share

KABANATA 50

KABANATA 50

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Ang dapat pa nga ay iwasan ko ang makaramdam ng ganito. Pero hindi ko alam kung bakit kahit bawal ito pa rin ang gusto ng puso ko. Nakakalito at nakakainis. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nandiyan si Levi pakiramdam ko hindi nagkakasundo ang puso at isip ko.

“Out ka na after lunch ‘di ba?” tanong ni Alfred habang patungo kami sa locker. Lunch time na kasi at tama siya after kong kumain ng lunch ay diretso na ako sa office ni Levi.

“Ah…oo,” sagot ko.

“Sabay na tayong mag lunch?” alok niya.

“Baka…dumiretso na ako sa afternoon work ko eh. Sorry,” tanggi ko. Ayaw kong simulan at palakihin pa ang kung ano mang gustong mangyari ni Alfred. College pa ako noong huli akong nagkaboyfriend. At lahat ng ‘yon pinagsisihan ko dahil pakiramdam ko ginamit ko lang sila para makalimutan si Levi.

Isa ‘yong pagkakamali na ayaw kong ulitin. Lalo na’t hindi naman naging epektibo ang lahat ng ‘yon dahil hanggang ngayon nasa sistema ko pa rin si Levi.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status