2 years later
“Akin na 'yan! Ano ba! Ibalik mo sa ‘kin ‘yan! Binili ‘yan ng daddy ko!” umiiyak na wika ni Amanda habang binabawi sa kanyang kaklase ang laruang binili ng kanyang daddy para sa kanya.“Yumaman ka lang ng konte naging madamot ka na. Akin na ‘to. Kasi gusto ko ‘to!” wika ng babaeng may hawak na laruan.
“Huhu please ibalik n‘yo na ‘yan. Regalo sa ‘kin ‘yan ng daddy ko.” umiiyak na pakiusap ni Amanda sa mga ito.
“Nye nye, sige umiyak ka at magsumbong sa tatay tatayan mo” wika naman ng isang batang babae. “Ang sabi ng mama ko ay hindi mo naman siya tunay na daddy kasi anak ka niya sa ibang lalaki. Lumaki ka nga sa squater kasama namin e. Amanda felingera!” ani naman ng isa pa at nagtawanan silang lima.
“Oo nga naman. Amanda felingera! Tulad ng mama n‘ya!” sabi pa ng isa.
“Amanda felingera! Amanda felingera!” paulit ulit na sambit ng mga ito na may kasamang mapang asar na tawa. Napaluha naman si Amanda dahil hindi niya magawang makuha ang kanyang laruan.
“Huhu ibalik n‘yo na ‘yan please.” umiiyak na ani n‘ya at napaupo na lang sa lupa habang umiiyak.
“Hoy! Hoy! Ano ‘yan! Bakit ninyo inaaway ang kapatid ko!” sigaw ni Zeil nang makita sila nito sa di kalayuan nang naglalakad na ito pauwi.
“Hala andyan na ang kuya kuyahan n‘ya! Tara bilis!” ani ng batang may hawak ng laruan. Mabilis na hinulog nito sa lupa ang kanyang laruan at tumakbo papalayo kasama ng kanyang mga kaibigan.
“Amanda ok ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang ani ni Zeil nang makalapit ito sa kanya.
Hindi umiimik si Amanda at patuloy lang itong umiiyak.
“Tahan na Amanda. Andito na ako, di ka na nila aapihin. Tumayo ka na r‘yan at baka marumihan ang ‘yong suot.” wika naman ni Zeil habang inaalo ang kapatid.
“K-kuya Zeil.” ani nito at mabilis na tumayo at niyakap s‘ya. Napangiti naman si Zeil sa ginawa ng batang si Amanda.
“Shhh... Tahan na, andito na ako.” pagpapatahan niya rito. “Tara bili na muna tayo ice cream para di ka na umiyak.” ani ni Zeil sa kanya.
Tumango lang si Amanda bago lumapit rito. Agad namang pinahiran ni Zeil ang kanyang mga luha. “Simula ngayon mananagot lahat nang mang-aaway sa kapatid ko ah. Kaya kapag inaway ka nila ulit isusumbong mo sa ‘kin para maturuan ko sila ng leksiyon.” tapang tapangang ani ni Zeil sa kanya.
Ngayon niya lang napagtanto na. Si Amanda na lang ang nag-iisang makakapitan n‘ya sa buhay. S‘ya nalang ang kanyang maituturing na pamilya. At ayaw n‘ya itong makitang umiiyak o sinasaktan ng iba.
“Eh, ang rami kaya nila. Kaya mo ba?” natatawang wika ni Amanda sa kanyang felling super hero na kuya.
“Oo naman, malakas kaya ang kuya mo.” natatawang sabi ni Zeil kanya at ipinakita ang kanyang brasong wala pang muscles.
“Haha di ko alam ang lakas pala maka joke ng kuya kong parang p**e na ‘di nagsasalita.” natatawang wika ni Amanda. Napangiti naman si Zeil nang makita n‘ya itong tumawa.
“Tsk. Sa bahay lang y‘un. Tara na nga. Bumili na tayo ng ice cream bago dumating si Dad.” ani ni Zeil at pinampag ang suot na uniporme ni Amanda.
Agad n‘ya namang dinampot ang laruang naka lapag na sa lupa bago ibinigay sa kapatid. Isa nga pala itong barbie doll na gawa sa matibay na plastic at hindi basta basta napuputol at nayuyupi. Magansa rin ang paglakaugay ng kulot na buhok nito at naka suot ng cocktail dress. Kaya naman ganoon nalang ang pagkaingit ng umaaway kay Amanda kanina.
“Tara na Amanda.” masayang wika ni Zeil sa kanya at nagsimula nang maglakad.
Hindi lubos akalain ni Zeil na mapapalapit ang loob niya sa kanyang kapatid. Halos hindi niya nga kinakausap ito ng matino sa loob ng halos dalawang taon n‘yang pagtira sa kanilang bahay.
“Anong kulay ba ang gusto mo Amanda?” tanong no Zeil sa kanya.
“Gusto ko ng pink!” masayang wika ni Amanda sa kanyang kuya.
“Isa nga pong strawberry at isa rin pong cookies and cream.” ani ni Zeil sa mamang sobetero.
Sa harapan ng kanilang paaralan sa elementarya ay may nagbebenta ng mga i‘bat ibang klaseng mga pagkain. Dito rin s‘ya kadalasang naglalagi habang wala pa ang kanilang sundo para bumili ng pagkain. Napangiti s‘ya nang makitang masaya ang kapatid na ngayon lang nakalabas ng kanilang paaralan para bumili ng pagkain.
“Kuya di kaya tayo pagagalitan ni Daddy?” tanong ni Amanda sa kanya habang naka upo sila sa gilid ng kalsada at kumakain ng fish ball at ice cream.
Mabilis namang umiling si Zeil. “Maaga pa naman. Mababagot lang tayo sa kakahintay sa kaniya. At ‘saka di naman tayo tatawid sa kabilang kanto dahil siguradong mapapagalitan tayong dalawa kapag tumawid tayo at masagasaan.” dagot ni Zeil sa kanya. Napatango naman si Amanda at nagpatuloy sa pagkain.
Mga ilang minuto pa ay bumalik na sila sa loob ng school at naghintay sa waiting shed na naroon.
“Kuya, totoo bang kapag ga-graduate ka nang ng elementary. Hindi ka na dito mag-aaral? Totoo bang sa malayo ka na mag-aaral?” malungkot na tanong ni Amanda sa kanyang kuya.
“Oo Amanda. Nakapasa ako sa Southern Island University Laboratory School. Ang sikat na paaralan sa gitna ng dagat. Halo na rin doon ang high school at college at may sarili rin silang mga dorms.” ani ni Zeil sa kanya.
“Wow, ang ganda pala. Pero malayo ka na sa ‘min nina Mommy at Daddy.” sagot naman ni Amanda.
“Masasanay ka rin'. At ‘saka uuwi rin naman ako kada bakasyon. Kaya kaylangan mo rin na makapasa roon Amanda.” nakangiting ani ni Zeil sa kanya.
Napahinto siya sa pagkwe-kwento nang makita n‘ya ang kanyang uncle sa ‘di kalayuan.
“Amanda teka lang ah. May kakausapin lang ako sagkit.” ani ni Amanda sa kanya.
“Opo kuya.” nakangiting wika ni Amanda sa kanya bago umalis at tumakbong papalakit sa kanyang tito.
“Zeil ready ka na ba? Kaunting araw nalang ay gragraduate ka na. Kailangan mong masanay nang mas maaga na hindi naka depende sa ibang tao. Na enroll na kita kahapon sa SIU-ULS. At kasama mo roon ang pinili kong makakasama mo sa mga balak natin.” mala demonyong ngiting wika ng kaniyang tiyo.
“Opo tito. Ready na po ako.” sagot naman ni Zeil sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimot si Zeil sa nangyari sa kanyang nakaraan. At hanggang ngayon ay daladala n‘ya parin ang puot na nasa kanyang puso.
“Balang araw maipaghihigante ko rin ang Mommy ko.” ani ng batang si Zeil kasabay ng pagtangis ng kaniyang mga ngipin at magkuyom ng kanyang dalawang kamao.
“Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ni Dad sa mommy ko.”
Hello my beloved readers, salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa ng aking akda. Kung nagustuhan niyo po ito. Pa dagdag na po sa inyong mga library 😊😊😘😘 thank you!! 😘
Kasalikuyang nagmumukmok si Amanda sa labas ng terrace ng kanilang bahay. Hindi niya maiwasang malungkot sa naging resulta ng kaniyang entrance exam sa Southern Island University para makapag-aral doon ng high school. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang kuya Zeil. Dahil ngayong araw ang uwi nito sa kanilang bahay para magbakasyon. Napabuntong hininga na lang si Amanda habang naka tanaw sa labas kanilang gate habang hinihintay ang pagdating ng kapatid. "Hays, ang bobo bobo mo talaga Amanda. Bakit ba kasi di ka nagmana sa kuya mong matalino." inis na ani niya sa kanyang sarili habang naka subsub ang kanyang mukha sa maliit na tea table na inuupuan niya. Muli na naman siyang napatingin sa papel na hawak niya na naglalaman ng resulta na nakuha niya sa kanyang entrance exam. "Ahh!!! Nakakainis talaga! Bakit naman kasi hindi pa umabot!" maiyak iyak na ani niya sa sobrang inis. Dahil dalawang puntos na lang sana ay makakapag-aral na siya sa Southern Island University. Napat
"Amanda" tawag sa kanya ni Kian nang makita siya nitong nakaupo sa isang swing ng isang mini playground na malapit lang sa kanilang subdivision. Si Kian nga pala ang kanyang kababata at unang kaibigan na nakilala n'ya nang lumipat sila sa bahay ng kanyang ama. "Oh! Kian nandito ka?" takang wika n'ya sa binata nang makalapit ito sa kanya. "Ako nga dapat magtanong n'yan sa'yo e. Bakit ka ba nandito? Gabi na." ani ni Kian sa kanya at naglakad papunta sa katabing swing na kinauupuan niya at doon umupo. "Ah mag babasketball ka pala." ani Amanda nang mapansin n'yang naka suot ito ng Jersey. Isa kasi si Kian sa mga athlete sa kanilang paaralan. "Oo, eh ikaw? Mukha kang problemado na naka upo d'yan e. Bumagsak ka na naman ba?" tanong nito sa kanya. Pangatlong entrance exam niya na kasi ito sa Southern Island University. At ito na rin ang huling pagkakataon na makapag exam siya. Dahil ang mga naunang exam niya ng High School at Senior High School ay bumagsak siya. Dahil hindi naman talaga
Manghang mangha si Amanda habang nakatanaw sa karagatan. Kasalukuyan na kasi silang bumabyahe papuntang Southern Island University kasama ang mga bagong mag-aaral or freshman na katulad n'yang pumasa rin sa entrance exam kabilang na rin' ang mga dating mag-aaral na galing sa mga bakasyon nito.Malaking barko ang kanilang sinasakyan na pagmamay-ari mismo ng kanilang paraaralan.Habang nasa barko, ay mahahala agad kung freshmen pa ba o old students na ng SIU. Naka-suot na kasi ang karamihan ng mga uniform at habang silang mga freshmen naman ay naka-suot pa lang ng civilian attire.Simpleng white top at kulay bughaw na jeans lang ang suot ni Amanda na pinaresan nang i white korean shoes para magmukha naman siyang prisentable sa pagpunta roon. Naglagay lang siya ng light make-up at inilugay ang straight na buhok."Wowww!" manghang ani niya nang makitang papalapit na sila sa isla na pinagtatayuan ng Unibersidad.Nang makarating na ang barko sa daungan n
Nang matapos ang ceremony ay binigyan na silang lahat ng kanya kanya nilang room number at susi ng kanilang magiging dorm. Ang nakuha niya ay number G 2-8, na ibig sabihin ay nasa pangalawang palapag ng girls dormitory ang kanyang magiging silid. Napabuntong hininga na lamang si Amanda habang sinusundan ang kanilang dorm supervisor habang tinatahak ang daan patungo sa nasabing building. Matapos kasi ang ceremony ay hindi niya na muli pang nahagilap ang kanyang kapatid kaya naman ganun na lang ang pagkadismaya ni Amanda. Umaasa pa naman siya na naghihintay ito sa labas at mag kikita sila sa labas ng covered court. Napatingala si Amanda nang makita ang pastel color pink na may limang palapag na gusali. Halos malola s’ya sa sobrang taas nito. Napakaganda rin nito at napaka aliwalas tingna. Sa gilid naman nito ay may mga nakatatim na mga rosas. Kaya masasabing pang babaeng pang babae talaga ang aurahan ng buong paligid. Mula sa unang palapag ay isa-isa nang tinawag ang kanilang mga pan
Napakuyom ng kamaong tinitignan ni Zeil ang papalayong si Amanda, hindi na kasi ito nag pahatid sa kanya sa tapat ng dorm nito. Ngunit hindi iyon ang kinaiinisan ni’ya. Wala na sana s’yang balak na pansinin pa ito matapos n’yang maipadala ang reviewer na ibinigay nito sa kanya. Umaasa pa naman s’yang wala na itong pag-asa pang maipasa ang college entrance exam nito sa SIU. Napabuntong hininga na lamang si Zeil at naglakad atungo sa pinaka paborito n’yang tambayan sa SIU. May kalayuan ito mula sa kanilang dorm ngunit sapat lang para matanaw ang ganda nang karagatan na nagdudugtong sa maliwanag na kalangitan. Dito s’ya naglalagi kung meron s’yang mga problema o malalim na iniisip. Gustuhin n’ya mang lumangoy at magtampisaw para malamigan ang kanyang ulo ngunit sa ibaba ng maliit na burol na kanyang kina-uupuan ay isang malalim na bangin at sa ibaba nito ay lalalim na karagatan na may malalakas na hampas ng alon. “Hay Amanda, paano ba kita maiiwasan?” ani ni Zeil at inis na inihiga a
Halos ilang lingo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin muling dumalaw si Zeil sa dorm nina Amanda. Kaya naman hindi na naman maiwasang ma dismaya ng dalaga. “Hoy girl, ilang oras ka na atang naka upo d’yan pero mukhang wala ka pang nasisimulan.” Ani ni Jenny sa kanya at sumilip sa kanyang lamesa. Napatakip naman ng papel si Amanda dahil kahit isa ay wala pa s’yang nasusulat sa kaniyang papel. At tangging title pa lang ito ng kaniyang research paper sa subject nilang entrepreneurship. “Hay nako ate Jenny, ang hirap kaya nito no. At kahit ano atang research ko sa internet ay walang lumalabas na issue about dito.” Ani naman ni Amanda sa kanya. “Hmm… Lokohin mo lasing Amanda huwag ako. Haha alam mong alam ni G****e ang lahat. At isa pa, hindi naman ata y’an ang pino-problema mo ngayon eh. Mukhang…. Loveeeee lifeeeee ayieeeeee.” Mapang-asar na tukso ni Jenny sa kanya at hinila nito ang upuan ng kanyang mesa at tumabi kay Amanda. “Sabihin mo nga Amanda? Bukod sa kwentong buhay mo na h
“Ok class dismissed.” Ani ng kanilang matandang professor nang matapos ang kanilang mag-hapong klase. Ito na kasi ang huling subject teacher nila ngayong araw. Lahat ay naghahanda nang umuwi at nagsimula na rin’ mag-ingay ang buong klase ngunit napahinto ang lahat nang pumunta sa harapan si Sherwin ang kanilang classroom president. “Ok guys, I have an announcement. I hope all of you will participate to this given activity.” Panimula nito. “Hah? Para saan ba ‘yan? Gusto na naming umuwi.” Ani ng kanilang ka-klaseng lalaki na mukhang bagot na bagot na sa buong araw na pagkaka upo. “Makinig muna kayo saglit. Importante kasi to’. At ‘saka alam kong lahat kayo ay excited na sa activity na ito.” Ani nito sa kanilang kahat. “Eto na, hindi ko na patatagalin. Next week is “Freshmen Day” ng Southern Island University. Last week pa sana pero na delay lang ng ilang days because of some inconvenience. This activity is only available sa tulad natin mga freshmen kaya hindi natin makakalaban ang m
*Last Day of Freshmen Day* Humugot muna ng isang malalim na hininga si Amanda bago siya bumunot sa kahon. Dito pagbabasehan kung saang grupo s’ya ng kanyang team ma-a-sign. Nahahati kasi sa apat na parte ang Treasure Hunting at bawat team ay mahahati sa north, south, east, at west. Nang makakuha na ang lahat ng papel ay sabay sabay na nila itong binuksan. Bakas sa mga mukha nilang lahat na partesepante ang pagkadismaya dahil karamihan sa kanila ay hindi pa ganoon ka kilala ang bawat isa at hindi pa nila ganoon ka-close. “Hays, mag ka-kaiba tayo girls.” dismayadong ani ni Sherwin nang makita ang papel na hawak ng kanyang mga kaibigan. “Ok lang ‘yan. Ang mahala ay gawin natin ang best nating lahat.” masayang wika ni Amanda sa kanila kahit na nakakaramdam siya ng kaba sa kanilang activity. “Ok, nasa gitna tayo ngayon ng Southern Island University, Island. Pumwesto na kayo sa inyo inyong mga grupo. At sa bawat grupo ay may tag-iisang kahon na naroon. Pagbilang ko ng tatlo ay sabay sab
Pagbukas pa lang ni Ericka sa pinto ng kwarto ni Zeil ay nagkalat na bote ng alak agad ang bumungad sa kaniya. Napapailing na lamang ang dalaga at naglakad patungo sa lalaking naka-upo sa sahig habang naka sandig ang kaniyang likuran sa pader. Malayo ang tingin at para bang walang pake kung sino ba ang pumasok sa kanyang silid.“Zeil,” tawag niya sa pangalan nito upang matawag ang pansin ng binata. Nakatulala lamang ito sa isang sulok ng kaniyang kwarto.“Ikaw pala,” tipid na ani ng lalaki nang mapansin siya. Mukha itong kababalik lang sa sariling wisyo, ni hindi man lang siya nito napansin na pumasok sa loob.“May balita ka na ba kay Amanda?” tanong ni Ericka sa lalaki. Umiling lamang ito bago itinunga ang hawak na bote at saka ipinagulong sa sahig. Napabuntong hinga na lang si Ericka at naglakad patungo sa higaan ni Zeil upang doon maupo.Mag-iisang linggo na kasing hindi umuuwi si Amanda matapos ang pagkikita n
Hindi na muna sumama si Amanda kay John, kailangan niya munang bumalik sa mansion. Gusto niyang kausapin si Zeil tungkol sa babae niya. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.Naiayos niya na rin ang kaniyang mga gamit at handa nang umalis bukas matapos ang kaniyang klase sa umaga. Gusto niya rin munang makausap si Kian upang hindi na mag-alala ang kaibigan.Nang marinig niya ang mga yapak ng paa ay mabilis na tumayo si Amanda sa kaniyang higaan upang salubungin si Zeil. Ngunit mga ilang sandali na ang nakakalipas hindi parin ito pumasok sa kaniyang kwarto.Mabilis namang naglakad si Amanda papalabas sa kaniyang kwarto upang siya na ang kusang pumunta roon. Ngunit nang buksan niya ang siradura ng pinto ay napatigil siya nang marinig ang kaniyang pangalan sa usapan ng kaniyang tito Henry at ni Zeil.“So anong gagawin mo sa kaniya?” ani ng kaniyang tito Henrry, nasa corridor nag-uusap ang dalawa kaya rinig na rinig ni Amanda a
Mabilis na bumaba si Amanda palabas ng kanilang bahay matapos niyang sabihin kay John ang eksaktong address ng kaniyang tinutuluyan."Hey, Amanda. Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Zeil nang makasalubong niya ito sa labas. Hindi niya ito pinansin kahit ilang beses na nitong tinawag ang kaniyang pangalan.Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa lalaki dahil sa nangyari kay Jene. Pakiramdam niya ay may kinalaman roon sina Zeil at Trey at bumabalik na naman ang nangyaring bangungot sa kanilang paaralan.Nang matanaw niya ang sasakyan ni John ay mabilis siyang pumasok roon."Tara na?" ani nito sa kaniya, tumango naman si Amanda bilang tugon."Amanda, hindi na maganda ang nangyayari. Tingnan mo itong bagong news." ani ni John at iniabot ang kaniyang cellphone kay Amanda.Kahit hindi basahin ni Amanda ang kabuohan ng balita ay malalaman niya na kung ano iyon dahil sa mga pictures na naroon. Halos mapatakip naman siya ng kaniyang bibig dah
Pagmulat ni Amanda ay nasa kaniyang kwarto na ito, meron na rin siyang suot na damit. Wala na rin si Zeil sa kaniyang tabi. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata bago nagpasyang bumangon upang maligo at makapag-repare papasok sa kanilang paaralan.Napapakanta pa siya dahil maganda ang kaniyang naging gising. Mukha siyang teenager na ngayon lang kinikilig, kung sabagay dalaga pa rin naman talaga siya. Sa dami ng lalaking naging crush niya noon ay 'saka niya lang naranasan ang mga nakakatwang bagay na iyon.Hindi niya na kailangan pang tanungin ng direkta ang lalaki dahil alam niya na ang sagot sa mga iyon. Malinaw na sa kaniya na mahal rin siya nito at nahihiya lang itong ipahalata sa kaniya."Shit ka Amanda! Kumalma ka nga!" ani niya sa kaniyang sarili habang tinatapik tapik ang kaniyang pisngi sa sobrang kilig.Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sunod sunod na miss calls ni Jene sa kaniya kagabi. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na ito m
Halos mag-sasara na ang mental hospital at nag-uuwian na rin ang ibang mga nurse at ibang stuffs ng ospital na nasa day shift ngunit hindi pa rin bumabalik si John."Miss, bumalik na lang po kayo bukas. Magsasara na po kasi kami eh." ani ng babaeng nurse na nakausap nila kanina na ngayo'y nasa kaniyang harapan. Agad namang iniangat ni Jene ang kaniyang ulo upang salubungin ang tingin nito."Pero paano si Marie," nag-aalalang ani niya sa babae."Huwag po kayong mag-alala kay miss Rodriquez, pina blatter na po siya ni Doctor Morales. Baka hinahanap na rin po siya ng mga pulis ngayon." ani nito kaya muli namang napatango si Jene."Anong oras ba bukas magbubukas ang ospital?" muling tanong ni Jene sa nurse."7:00 am po maam." magalang na sagot ng nurse sa kaniya."Sige miss, babalik na lang ulit ako bukas. Maraming salamat sa pag-asikaso." nakangiting ani ni Jene sa nurse, ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. "Nako wala po iyon maam." ani
"Hoy Amanda nasaan ba si Zairon?" mataray na ani ni Ericka sa kaniya habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umuwi."Hindi ko alam Ericka. Hindi pa siya umuuwi simula nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo noong gabi ng graduation ball." sagot naman ni Amanda rito habang nagpapatuloy sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Napatawa naman ng pagak ang dalaga sa sagot nito. "Umayos ka Amanda. Kapag umuwi siya, sabihin mong puntahan niya agad ako sa bahay, kung hindi magpapakamatay ako!" ani nito sa kaniya na ikinataas niya ng kilay."E'di maganda kung ganon." sarcastikong ani ni Amanda sa kaniya at tinalikuran na ang babae."What the... Hey! Bitch!" umuusok na ilong na tawag nito sa kaniya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagmamadali nang maglakad pauwi.Hindi rin niya kasabay ngayon ang kaniyang mga kaibigan dahil may importante itong pinuntahan. At dahil maaga rin namang natapos ang kanilang klase at wala ang kanilang g
"Amanda bakit bigla bigla mo na lang kami iniwan kahapon? Hindi ka man lang nagpaalam!" galit na bungad ni Anne kay Amanda nang makarating ito sa kanilang silid aralan."Sorry, medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko kahapon." pagsisinungaling naman ni Amanda sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang suot na damit."Halata ngang giniginaw ka." ani nito sa kaniya na patango tango pa. Mukha naman itong naniwala sa mga palusot niya."Nilamig ka ba sa suot mong crimson red hot long gown kagabi kaya bigla ka nalang naglaho?" ani ni Charry sa kaniya. Naka suot kasi siya ng tutle neck brown sweather at kung titingnan ay mukha nga siyang may lagnat.Sinabi niyang nilalagnat siya kaya siya'y nakasuot ng ganong sweather ngunit ginamit niya lamang ito upang takpan ang mga markang ginawa sa kaniya ni Zairon sa kaniyang katawan, braso, at leeg. Kulang na lang ay markahan nito ang buo niyang katawan. Mabuti na lang rin ay nakikisabay rin a
Ericka’s POVFlashbackKasalukuyan nang papauwi sa Ericka sa pinapasukang paaralan ng kaniyang kakambal. Wala siyang sasakyan dahil binabawalan siyang gumamit ng kaniyang kakambal. Kahit ang luma nilang sasakyan na kulang na lang ay pwede nang ibenta sa bote bakal ay pinagdadamot pa rin nito sa kaniya.Napabuntong hinga na lang siya nang sinimulan niya nang bagtasin ang mabaho at maduming iskinita patungo sa kanilang bahay. Ito lang kasi ang pinaka mabilis na daan upang maka uwi sa kanilang subdivision. Kung sa mismong main way kasi siya dadaan ay aabutan siya ng gabi sa daan bago makarating. Idagdag pa ang kakarampot na perang ibinigay sa kaniya ng kakambal. Hindi na nga siya pinakain ng agahan ay hindi pa siya binigyan ng sapat na salapi para pumasok sa paaralan.Ang perang ibinigay nito sa kaniya ay mapupunta lang sa isang desisyon. Mamatay siya sa gutom sa kanilang paaralan ngunit may pamashe naman siya pasakay ng jeep at tricycle pauwi o Mairar
“How’s the party?” sarcastic na tanong ni Erich sa kaniyang kakambal na si Ericka nang makita siya nitong papaakyat na ng hagdan patungo sa kaniyang kwarto.“Ok lang.” walang gana niyang sagot sa tanong nito, nawalan na kasi siya ng gana matapos siyang iwan na lang ni Ziel sa kanilang pwesto, ni hindi man lang siya inayang sumayaw nito.Hindi niya na ito muli pang pinansin at derederetsong naglakad paakyat ngunit napadaing siya nang bigla nalang hilahin ng kakambal ang kaniyang buhok. Malapit pa siyang ma-out balance at mahulog sa hagdanan, mabuti na lang at naka-kapit siya sa staircase ng kanilang hagdan.“Kapag kinakausap ka pa, huwag kang tatalikod!” madiin nitong sagot kay Ericka at mas hinigpitan pa ang pagkaka sabunot nito sa buhok ng kaniyang kakambal.“Ouch ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw niya sa kaniyang kakambal.“Masasaktan ka talaga kapag sunusuway mo ako!” sigaw nito sa k