Ilang araw na ba ang nakakalipas. Hindi na mawari ni Zeil kung ilang araw na s‘yang puyat at naka upo lang sa pinaka harapang bangko sa gilid ng kabaong ng kanyang ina. Hindi rin n‘ya alintana ang nangingitim niyang eyebags at ang ilang araw niya nang suot na damit.
Ilang pilit na s‘yang sinabihan ng kanyang tito na maligo muna at magbihis ngunit sadyang matigas ang kanyang ulo at ayaw n‘yang makinig rito.
Ang kanyang tito na lamang ang kanyang kamag anak. Siya ang rin ang taong tumulong sa kanila ng kanyang ina at nag ayos ng lamay nito.
“Zeil hindi ka pa ba maliligo o magbibihis man lang?” muling ani nito sa kanya at naupo sa kanyang tabi at nagpakawal ng malalim na buntong hininga.
“Hindi na tito. Gusto ko lang makasama si Mommy rito.” walang emosyong sagot ng batang si Zeil.
“Sinabihan ko nga pala ang daddy mo nang makita ko s‘ya kanina sa grocery store. Baka pupunta s‘ya rito mamaya.” panimula nito sa kanya.
“Hindi namin s‘ya kaiangan dito ni Mommy,” maikling sagot n‘ya rito.
“Pero kailangan mo s‘ya sa ngayon Zeil. Sa kanya mapupunta ang custody mo kahit gusto kitang doon na lang sa amin. Kasi s‘ya parin ang daddy mo.” sagot nito sa kanya.
“Ayaw ko sa kanya. Kinamumuhian ko s‘ya. Siya ang rason bakit namatay si mommy ko.” madiing ani ni Zeil habang madiing naka kuyom ang kaniyang mga kamao. Nagsimula na ring tumulo ang mga luhang ilang araw niya na ring pinipigilan.
“Shhh... Tama na Zeil. Sa ngayon ay wala ka pang magagawa. Ngunit pagdating ng araw, tutulungan kita maghigante sa kanila. Uubusin natin lahat ng mga taong nakasakit sa‘yo at sa mommy mo. Kaya kailangan mo munang magpalakas, magpakatalino, habang nasa poder nila. Kailangan mong matutunan ng kilos ng mga kaaway mo tulad ng isang mabangis na lion.” ani nito sa kanya at niyakap s‘ya.
Matapos ang pag-uusap nilang dalawa ay hinatiran na s‘ya ng kanyang umagahan.
Natapos na lang ang huling gabi ng lamay ngunit bilang lang ang mga taong dumadalo. Karamihan lang rito ay tauhan ng kanyang tito Henry.
Napabuntong hininga na lamang si Zeil dahil kahit sa huling araw ng lamay ng kanyang ina ay walang nagpakitang daddy niya para damayan s‘ya. Walang nagpakitang daddy niya para masilayan ang kanyang mommy sa huling pagkakataon.
***
Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng puntod nito nang mag-isa. Wala na ring mga bisita dahil nagsiuwian na rin sila.
“Zeil,” tawag ng isang pamilyar na boses sa kanyang likuran. Hindi s‘ya lumingon rito na para bang hindi niya ito rinig.
“Zeil anak...” ani nito nang makalapit sa kanya.
“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa natapos ang libing. Huli ka na.” ani nito sa kanya ngunit sa lapida pa rin ng kanyang ina ang kaniyang paningin.
“Zeil anak, I‘m sorry....” mahinang ani nito sa kanya na para bang hindi bukal sa kanyang puso ang sinabi nito. Napatawa naman ng pagak ang bata.
“Bakit ka ba sa ‘kin nagso-sorry Dad? Hindi ba dapat kay Mommy? Kayo ang dahilan bakit siya nagpakamatay. Dahil iniwan mo kami at sumama sa ibang babae!” ani nito sa kaniyang ama at bumaling rito. Nagtatangis na ang kanyang mga ngipin habang naka-kuyom ang mga kamao at masamang nakatingin sa kanyang ama.
“Dad bakit? Bakit mo nagawa sa 'min to ni Mommy? Bakit mo kami nagawang iwan?” umiiyak nang bulyaw sa kanya ni Zeil. “You didn‘t love us! I hate you! I really hate you!” malakas na sigaw ni Zeil habang lumuluha.
“I‘m sorry anak... I‘m sorry. You still don‘t understand things. Masyado ka pang bata para malaman ang totoong dahilan.” maluha luhang ani ng kanyang daddy sa kanya.
“Then tell me! Tell me everything I should need to know! I‘m smart right? Siguro naman maiintindihan ko rin'!” bulyaw nito sa kanyang ama.
Umiling lang ito sa kanya at niyakap siya. “Zeil, you‘re still young to know this. I‘m sorry.... But I promise I wont lie to you, I‘m going to tell you everything if you are older enough to understand the situation.” ani ng kanyang ama na nagpakalma sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ‘yon. Ngunit sapat na ang mga salitang ‘yon upang kumalma siya.
“Zeil, I know this is too much for you pero kailangan mo nang sumama sa bagong bahay natin. Titira ka na kasama ako..." ani ng kanyang ama at nag-isip pa ito saglit kung sasabihin ba niya sa anak o hindi ang gusto n‘yang sabihin.
“It‘s fine Dad, I know what you want to say. As if I had another choices here.” malamig na ani ni Zeil at naglakad na patungo sa sasakyan ng kanyang daddy. Hindi niya na ito hinintay pa na ayain s‘ya nitong umuwi.
Grade 6 pa lang siya pero tila parang matanda na siya kung umasta. Mabilis n‘yang binuksan ang back seat ng sasakyan at agad na umupo roon. Dali dali namang sumunod ang kaniyang ama sa kanya.
Nang makapasok ito ng sasakyan ay hindi na umimik pa si Zeil. Naka toon na lang ang kaniyang paningin sa labas ng bintana.
Napabuntong hininga na lamang ang kaniyang ama bago pina-andar ang sasakyan. Alam niyang galit na galit pa ang anak sa kanya at mahaba habang panahon pa bago siya mapapatawad nito.
Napakunot ang noo ni Zeil nang mapansing hindi sa bahay nila patungo ang tinatahak na daan ng kanyang ama.
“Where are we going? Hindi na ba tayo dadaan sa bahay para kumuha ng gamit ko?” nagtatakang tanong n‘ya rito.
“Hindi na, de-deretso na tayo sa bahay natin. Ipapakuha ko na lang sa katulong ang lahat ng gamit mo.” naka-ngiting tugon ng kanyang ama.
“Correction. Bahay n‘yo.” supladong ani ni Zeil at muling itinuon ang tingin sa daan.
“Magiging bahay mo rin sa ayaw at gusto mo Zeil. Kasama ng bago nating pamilya.” ani nito. Hindi na rin umimik pa ang batang si Zeil. Ayaw niya na ring makipagbangayan sa Dad niya.
“By the way, you already have your own room. Ikaw na rin ang bahala sa decorations. Sabihin mo lang kung ano pa ang mga kailangan mo pang bilhin at idagdag roon.” ani ng kanyang daddy na hindi niya pinapansin.
Hindi niya ito iniimikan hanggang sa makarating sila sa kanilang bagong bahay.
Hinintay niya munang pagbuksan siya ng pinto sa sasakyan bago siya bumaba. Tahimik lang siyang naglakad kasama nito na para bang inaalam ang kanyang buong paligid.
“Were home...” masayang wika ng kanyang daddy nang mabuksan ang pinto. Hindi naman maiwasang mapaismid ni Zeil nang makita ang reaksiyon nang kanyang ama.
“Daddyy!” masayang bati nang batang naka-upo sa sofa at mabilis na sumalubong sa kanyang ama at agad na yumakap rito.
Halos mapatulala naman si Zeil nang makita kung sino ang batang ‘yon. Walang iba kundi si Amanda. Ang batang katabi n‘yang naghihintay sa waiting shed noon.
“Daddy sino po s‘ya?” nagtatakang tanong nito sa kanyang daddy.
“Siya ang kuya Zeil mo. Mula ngayon dito na siya titira kasama natin.” masayang wika ng kanyang daddy.
“Zeil, siya naman ang kapatid mo. Siya si Amanda Ceistria.” wika pa ng kanyang daddy na mas ikinagulat niya.
“P-pareho kami ng apelyedo?” takang wika ni Zeil.
“Dahil magkapatid kayo ni Amanda. At pareho ko kayong anak.” wika ng kanyang ama.
“M-magkapatid kami ni A-Amanda?” wala sa sariling wika niya.
Hello, salamat po sa pagbabasa ng aking akda. Kung nagustuhan niyo po ito paki add na rin po sa inyong mga library 😊😊😊
2 years later “Akin na 'yan! Ano ba! Ibalik mo sa ‘kin ‘yan! Binili ‘yan ng daddy ko!” umiiyak na wika ni Amanda habang binabawi sa kanyang kaklase ang laruang binili ng kanyang daddy para sa kanya. “Yumaman ka lang ng konte naging madamot ka na. Akin na ‘to. Kasi gusto ko ‘to!” wika ng babaeng may hawak na laruan. “Huhu please ibalik n‘yo na ‘yan. Regalo sa ‘kin ‘yan ng daddy ko.” umiiyak na pakiusap ni Amanda sa mga ito. “Nye nye, sige umiyak ka at magsumbong sa tatay tatayan mo” wika naman ng isang batang babae. “Ang sabi ng mama ko ay hindi mo naman siya tunay na daddy kasi anak ka niya sa ibang lalaki. Lumaki ka nga sa squater kasama namin e. Amanda felingera!” ani naman ng isa pa at nagtawanan silang lima. “Oo nga naman. Amanda felingera! Tulad ng mama n‘ya!” sabi pa ng isa. “Amanda felingera! Amanda felingera!” paulit ulit na sambit ng mga ito na may kasamang mapang asar na tawa. Napaluha naman si Amanda dahil hindi niya magawang makuha ang kanyang laruan. “Huhu ibalik n‘
Kasalikuyang nagmumukmok si Amanda sa labas ng terrace ng kanilang bahay. Hindi niya maiwasang malungkot sa naging resulta ng kaniyang entrance exam sa Southern Island University para makapag-aral doon ng high school. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang kuya Zeil. Dahil ngayong araw ang uwi nito sa kanilang bahay para magbakasyon. Napabuntong hininga na lang si Amanda habang naka tanaw sa labas kanilang gate habang hinihintay ang pagdating ng kapatid. "Hays, ang bobo bobo mo talaga Amanda. Bakit ba kasi di ka nagmana sa kuya mong matalino." inis na ani niya sa kanyang sarili habang naka subsub ang kanyang mukha sa maliit na tea table na inuupuan niya. Muli na naman siyang napatingin sa papel na hawak niya na naglalaman ng resulta na nakuha niya sa kanyang entrance exam. "Ahh!!! Nakakainis talaga! Bakit naman kasi hindi pa umabot!" maiyak iyak na ani niya sa sobrang inis. Dahil dalawang puntos na lang sana ay makakapag-aral na siya sa Southern Island University. Napat
"Amanda" tawag sa kanya ni Kian nang makita siya nitong nakaupo sa isang swing ng isang mini playground na malapit lang sa kanilang subdivision. Si Kian nga pala ang kanyang kababata at unang kaibigan na nakilala n'ya nang lumipat sila sa bahay ng kanyang ama. "Oh! Kian nandito ka?" takang wika n'ya sa binata nang makalapit ito sa kanya. "Ako nga dapat magtanong n'yan sa'yo e. Bakit ka ba nandito? Gabi na." ani ni Kian sa kanya at naglakad papunta sa katabing swing na kinauupuan niya at doon umupo. "Ah mag babasketball ka pala." ani Amanda nang mapansin n'yang naka suot ito ng Jersey. Isa kasi si Kian sa mga athlete sa kanilang paaralan. "Oo, eh ikaw? Mukha kang problemado na naka upo d'yan e. Bumagsak ka na naman ba?" tanong nito sa kanya. Pangatlong entrance exam niya na kasi ito sa Southern Island University. At ito na rin ang huling pagkakataon na makapag exam siya. Dahil ang mga naunang exam niya ng High School at Senior High School ay bumagsak siya. Dahil hindi naman talaga
Manghang mangha si Amanda habang nakatanaw sa karagatan. Kasalukuyan na kasi silang bumabyahe papuntang Southern Island University kasama ang mga bagong mag-aaral or freshman na katulad n'yang pumasa rin sa entrance exam kabilang na rin' ang mga dating mag-aaral na galing sa mga bakasyon nito.Malaking barko ang kanilang sinasakyan na pagmamay-ari mismo ng kanilang paraaralan.Habang nasa barko, ay mahahala agad kung freshmen pa ba o old students na ng SIU. Naka-suot na kasi ang karamihan ng mga uniform at habang silang mga freshmen naman ay naka-suot pa lang ng civilian attire.Simpleng white top at kulay bughaw na jeans lang ang suot ni Amanda na pinaresan nang i white korean shoes para magmukha naman siyang prisentable sa pagpunta roon. Naglagay lang siya ng light make-up at inilugay ang straight na buhok."Wowww!" manghang ani niya nang makitang papalapit na sila sa isla na pinagtatayuan ng Unibersidad.Nang makarating na ang barko sa daungan n
Nang matapos ang ceremony ay binigyan na silang lahat ng kanya kanya nilang room number at susi ng kanilang magiging dorm. Ang nakuha niya ay number G 2-8, na ibig sabihin ay nasa pangalawang palapag ng girls dormitory ang kanyang magiging silid. Napabuntong hininga na lamang si Amanda habang sinusundan ang kanilang dorm supervisor habang tinatahak ang daan patungo sa nasabing building. Matapos kasi ang ceremony ay hindi niya na muli pang nahagilap ang kanyang kapatid kaya naman ganun na lang ang pagkadismaya ni Amanda. Umaasa pa naman siya na naghihintay ito sa labas at mag kikita sila sa labas ng covered court. Napatingala si Amanda nang makita ang pastel color pink na may limang palapag na gusali. Halos malola s’ya sa sobrang taas nito. Napakaganda rin nito at napaka aliwalas tingna. Sa gilid naman nito ay may mga nakatatim na mga rosas. Kaya masasabing pang babaeng pang babae talaga ang aurahan ng buong paligid. Mula sa unang palapag ay isa-isa nang tinawag ang kanilang mga pan
Napakuyom ng kamaong tinitignan ni Zeil ang papalayong si Amanda, hindi na kasi ito nag pahatid sa kanya sa tapat ng dorm nito. Ngunit hindi iyon ang kinaiinisan ni’ya. Wala na sana s’yang balak na pansinin pa ito matapos n’yang maipadala ang reviewer na ibinigay nito sa kanya. Umaasa pa naman s’yang wala na itong pag-asa pang maipasa ang college entrance exam nito sa SIU. Napabuntong hininga na lamang si Zeil at naglakad atungo sa pinaka paborito n’yang tambayan sa SIU. May kalayuan ito mula sa kanilang dorm ngunit sapat lang para matanaw ang ganda nang karagatan na nagdudugtong sa maliwanag na kalangitan. Dito s’ya naglalagi kung meron s’yang mga problema o malalim na iniisip. Gustuhin n’ya mang lumangoy at magtampisaw para malamigan ang kanyang ulo ngunit sa ibaba ng maliit na burol na kanyang kina-uupuan ay isang malalim na bangin at sa ibaba nito ay lalalim na karagatan na may malalakas na hampas ng alon. “Hay Amanda, paano ba kita maiiwasan?” ani ni Zeil at inis na inihiga a
Halos ilang lingo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin muling dumalaw si Zeil sa dorm nina Amanda. Kaya naman hindi na naman maiwasang ma dismaya ng dalaga. “Hoy girl, ilang oras ka na atang naka upo d’yan pero mukhang wala ka pang nasisimulan.” Ani ni Jenny sa kanya at sumilip sa kanyang lamesa. Napatakip naman ng papel si Amanda dahil kahit isa ay wala pa s’yang nasusulat sa kaniyang papel. At tangging title pa lang ito ng kaniyang research paper sa subject nilang entrepreneurship. “Hay nako ate Jenny, ang hirap kaya nito no. At kahit ano atang research ko sa internet ay walang lumalabas na issue about dito.” Ani naman ni Amanda sa kanya. “Hmm… Lokohin mo lasing Amanda huwag ako. Haha alam mong alam ni G****e ang lahat. At isa pa, hindi naman ata y’an ang pino-problema mo ngayon eh. Mukhang…. Loveeeee lifeeeee ayieeeeee.” Mapang-asar na tukso ni Jenny sa kanya at hinila nito ang upuan ng kanyang mesa at tumabi kay Amanda. “Sabihin mo nga Amanda? Bukod sa kwentong buhay mo na h
“Ok class dismissed.” Ani ng kanilang matandang professor nang matapos ang kanilang mag-hapong klase. Ito na kasi ang huling subject teacher nila ngayong araw. Lahat ay naghahanda nang umuwi at nagsimula na rin’ mag-ingay ang buong klase ngunit napahinto ang lahat nang pumunta sa harapan si Sherwin ang kanilang classroom president. “Ok guys, I have an announcement. I hope all of you will participate to this given activity.” Panimula nito. “Hah? Para saan ba ‘yan? Gusto na naming umuwi.” Ani ng kanilang ka-klaseng lalaki na mukhang bagot na bagot na sa buong araw na pagkaka upo. “Makinig muna kayo saglit. Importante kasi to’. At ‘saka alam kong lahat kayo ay excited na sa activity na ito.” Ani nito sa kanilang kahat. “Eto na, hindi ko na patatagalin. Next week is “Freshmen Day” ng Southern Island University. Last week pa sana pero na delay lang ng ilang days because of some inconvenience. This activity is only available sa tulad natin mga freshmen kaya hindi natin makakalaban ang m
Pagbukas pa lang ni Ericka sa pinto ng kwarto ni Zeil ay nagkalat na bote ng alak agad ang bumungad sa kaniya. Napapailing na lamang ang dalaga at naglakad patungo sa lalaking naka-upo sa sahig habang naka sandig ang kaniyang likuran sa pader. Malayo ang tingin at para bang walang pake kung sino ba ang pumasok sa kanyang silid.“Zeil,” tawag niya sa pangalan nito upang matawag ang pansin ng binata. Nakatulala lamang ito sa isang sulok ng kaniyang kwarto.“Ikaw pala,” tipid na ani ng lalaki nang mapansin siya. Mukha itong kababalik lang sa sariling wisyo, ni hindi man lang siya nito napansin na pumasok sa loob.“May balita ka na ba kay Amanda?” tanong ni Ericka sa lalaki. Umiling lamang ito bago itinunga ang hawak na bote at saka ipinagulong sa sahig. Napabuntong hinga na lang si Ericka at naglakad patungo sa higaan ni Zeil upang doon maupo.Mag-iisang linggo na kasing hindi umuuwi si Amanda matapos ang pagkikita n
Hindi na muna sumama si Amanda kay John, kailangan niya munang bumalik sa mansion. Gusto niyang kausapin si Zeil tungkol sa babae niya. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.Naiayos niya na rin ang kaniyang mga gamit at handa nang umalis bukas matapos ang kaniyang klase sa umaga. Gusto niya rin munang makausap si Kian upang hindi na mag-alala ang kaibigan.Nang marinig niya ang mga yapak ng paa ay mabilis na tumayo si Amanda sa kaniyang higaan upang salubungin si Zeil. Ngunit mga ilang sandali na ang nakakalipas hindi parin ito pumasok sa kaniyang kwarto.Mabilis namang naglakad si Amanda papalabas sa kaniyang kwarto upang siya na ang kusang pumunta roon. Ngunit nang buksan niya ang siradura ng pinto ay napatigil siya nang marinig ang kaniyang pangalan sa usapan ng kaniyang tito Henry at ni Zeil.“So anong gagawin mo sa kaniya?” ani ng kaniyang tito Henrry, nasa corridor nag-uusap ang dalawa kaya rinig na rinig ni Amanda a
Mabilis na bumaba si Amanda palabas ng kanilang bahay matapos niyang sabihin kay John ang eksaktong address ng kaniyang tinutuluyan."Hey, Amanda. Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Zeil nang makasalubong niya ito sa labas. Hindi niya ito pinansin kahit ilang beses na nitong tinawag ang kaniyang pangalan.Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa lalaki dahil sa nangyari kay Jene. Pakiramdam niya ay may kinalaman roon sina Zeil at Trey at bumabalik na naman ang nangyaring bangungot sa kanilang paaralan.Nang matanaw niya ang sasakyan ni John ay mabilis siyang pumasok roon."Tara na?" ani nito sa kaniya, tumango naman si Amanda bilang tugon."Amanda, hindi na maganda ang nangyayari. Tingnan mo itong bagong news." ani ni John at iniabot ang kaniyang cellphone kay Amanda.Kahit hindi basahin ni Amanda ang kabuohan ng balita ay malalaman niya na kung ano iyon dahil sa mga pictures na naroon. Halos mapatakip naman siya ng kaniyang bibig dah
Pagmulat ni Amanda ay nasa kaniyang kwarto na ito, meron na rin siyang suot na damit. Wala na rin si Zeil sa kaniyang tabi. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata bago nagpasyang bumangon upang maligo at makapag-repare papasok sa kanilang paaralan.Napapakanta pa siya dahil maganda ang kaniyang naging gising. Mukha siyang teenager na ngayon lang kinikilig, kung sabagay dalaga pa rin naman talaga siya. Sa dami ng lalaking naging crush niya noon ay 'saka niya lang naranasan ang mga nakakatwang bagay na iyon.Hindi niya na kailangan pang tanungin ng direkta ang lalaki dahil alam niya na ang sagot sa mga iyon. Malinaw na sa kaniya na mahal rin siya nito at nahihiya lang itong ipahalata sa kaniya."Shit ka Amanda! Kumalma ka nga!" ani niya sa kaniyang sarili habang tinatapik tapik ang kaniyang pisngi sa sobrang kilig.Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sunod sunod na miss calls ni Jene sa kaniya kagabi. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na ito m
Halos mag-sasara na ang mental hospital at nag-uuwian na rin ang ibang mga nurse at ibang stuffs ng ospital na nasa day shift ngunit hindi pa rin bumabalik si John."Miss, bumalik na lang po kayo bukas. Magsasara na po kasi kami eh." ani ng babaeng nurse na nakausap nila kanina na ngayo'y nasa kaniyang harapan. Agad namang iniangat ni Jene ang kaniyang ulo upang salubungin ang tingin nito."Pero paano si Marie," nag-aalalang ani niya sa babae."Huwag po kayong mag-alala kay miss Rodriquez, pina blatter na po siya ni Doctor Morales. Baka hinahanap na rin po siya ng mga pulis ngayon." ani nito kaya muli namang napatango si Jene."Anong oras ba bukas magbubukas ang ospital?" muling tanong ni Jene sa nurse."7:00 am po maam." magalang na sagot ng nurse sa kaniya."Sige miss, babalik na lang ulit ako bukas. Maraming salamat sa pag-asikaso." nakangiting ani ni Jene sa nurse, ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. "Nako wala po iyon maam." ani
"Hoy Amanda nasaan ba si Zairon?" mataray na ani ni Ericka sa kaniya habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umuwi."Hindi ko alam Ericka. Hindi pa siya umuuwi simula nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo noong gabi ng graduation ball." sagot naman ni Amanda rito habang nagpapatuloy sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Napatawa naman ng pagak ang dalaga sa sagot nito. "Umayos ka Amanda. Kapag umuwi siya, sabihin mong puntahan niya agad ako sa bahay, kung hindi magpapakamatay ako!" ani nito sa kaniya na ikinataas niya ng kilay."E'di maganda kung ganon." sarcastikong ani ni Amanda sa kaniya at tinalikuran na ang babae."What the... Hey! Bitch!" umuusok na ilong na tawag nito sa kaniya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagmamadali nang maglakad pauwi.Hindi rin niya kasabay ngayon ang kaniyang mga kaibigan dahil may importante itong pinuntahan. At dahil maaga rin namang natapos ang kanilang klase at wala ang kanilang g
"Amanda bakit bigla bigla mo na lang kami iniwan kahapon? Hindi ka man lang nagpaalam!" galit na bungad ni Anne kay Amanda nang makarating ito sa kanilang silid aralan."Sorry, medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko kahapon." pagsisinungaling naman ni Amanda sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang suot na damit."Halata ngang giniginaw ka." ani nito sa kaniya na patango tango pa. Mukha naman itong naniwala sa mga palusot niya."Nilamig ka ba sa suot mong crimson red hot long gown kagabi kaya bigla ka nalang naglaho?" ani ni Charry sa kaniya. Naka suot kasi siya ng tutle neck brown sweather at kung titingnan ay mukha nga siyang may lagnat.Sinabi niyang nilalagnat siya kaya siya'y nakasuot ng ganong sweather ngunit ginamit niya lamang ito upang takpan ang mga markang ginawa sa kaniya ni Zairon sa kaniyang katawan, braso, at leeg. Kulang na lang ay markahan nito ang buo niyang katawan. Mabuti na lang rin ay nakikisabay rin a
Ericka’s POVFlashbackKasalukuyan nang papauwi sa Ericka sa pinapasukang paaralan ng kaniyang kakambal. Wala siyang sasakyan dahil binabawalan siyang gumamit ng kaniyang kakambal. Kahit ang luma nilang sasakyan na kulang na lang ay pwede nang ibenta sa bote bakal ay pinagdadamot pa rin nito sa kaniya.Napabuntong hinga na lang siya nang sinimulan niya nang bagtasin ang mabaho at maduming iskinita patungo sa kanilang bahay. Ito lang kasi ang pinaka mabilis na daan upang maka uwi sa kanilang subdivision. Kung sa mismong main way kasi siya dadaan ay aabutan siya ng gabi sa daan bago makarating. Idagdag pa ang kakarampot na perang ibinigay sa kaniya ng kakambal. Hindi na nga siya pinakain ng agahan ay hindi pa siya binigyan ng sapat na salapi para pumasok sa paaralan.Ang perang ibinigay nito sa kaniya ay mapupunta lang sa isang desisyon. Mamatay siya sa gutom sa kanilang paaralan ngunit may pamashe naman siya pasakay ng jeep at tricycle pauwi o Mairar
“How’s the party?” sarcastic na tanong ni Erich sa kaniyang kakambal na si Ericka nang makita siya nitong papaakyat na ng hagdan patungo sa kaniyang kwarto.“Ok lang.” walang gana niyang sagot sa tanong nito, nawalan na kasi siya ng gana matapos siyang iwan na lang ni Ziel sa kanilang pwesto, ni hindi man lang siya inayang sumayaw nito.Hindi niya na ito muli pang pinansin at derederetsong naglakad paakyat ngunit napadaing siya nang bigla nalang hilahin ng kakambal ang kaniyang buhok. Malapit pa siyang ma-out balance at mahulog sa hagdanan, mabuti na lang at naka-kapit siya sa staircase ng kanilang hagdan.“Kapag kinakausap ka pa, huwag kang tatalikod!” madiin nitong sagot kay Ericka at mas hinigpitan pa ang pagkaka sabunot nito sa buhok ng kaniyang kakambal.“Ouch ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw niya sa kaniyang kakambal.“Masasaktan ka talaga kapag sunusuway mo ako!” sigaw nito sa k