Good evening to my new readers! Happy reading Loving His Cruelty! Pasensiya na ngayon lang ulit nakapag update. Medyo nagaganahan na ako dahil meron nang 17 subscribers at 270 readers sina Amanda at Zeil. Hoping na madadagdagan pa. I love you all, muaahhh!!!!
Halos ilang lingo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin muling dumalaw si Zeil sa dorm nina Amanda. Kaya naman hindi na naman maiwasang ma dismaya ng dalaga. “Hoy girl, ilang oras ka na atang naka upo d’yan pero mukhang wala ka pang nasisimulan.” Ani ni Jenny sa kanya at sumilip sa kanyang lamesa. Napatakip naman ng papel si Amanda dahil kahit isa ay wala pa s’yang nasusulat sa kaniyang papel. At tangging title pa lang ito ng kaniyang research paper sa subject nilang entrepreneurship. “Hay nako ate Jenny, ang hirap kaya nito no. At kahit ano atang research ko sa internet ay walang lumalabas na issue about dito.” Ani naman ni Amanda sa kanya. “Hmm… Lokohin mo lasing Amanda huwag ako. Haha alam mong alam ni G****e ang lahat. At isa pa, hindi naman ata y’an ang pino-problema mo ngayon eh. Mukhang…. Loveeeee lifeeeee ayieeeeee.” Mapang-asar na tukso ni Jenny sa kanya at hinila nito ang upuan ng kanyang mesa at tumabi kay Amanda. “Sabihin mo nga Amanda? Bukod sa kwentong buhay mo na h
“Ok class dismissed.” Ani ng kanilang matandang professor nang matapos ang kanilang mag-hapong klase. Ito na kasi ang huling subject teacher nila ngayong araw. Lahat ay naghahanda nang umuwi at nagsimula na rin’ mag-ingay ang buong klase ngunit napahinto ang lahat nang pumunta sa harapan si Sherwin ang kanilang classroom president. “Ok guys, I have an announcement. I hope all of you will participate to this given activity.” Panimula nito. “Hah? Para saan ba ‘yan? Gusto na naming umuwi.” Ani ng kanilang ka-klaseng lalaki na mukhang bagot na bagot na sa buong araw na pagkaka upo. “Makinig muna kayo saglit. Importante kasi to’. At ‘saka alam kong lahat kayo ay excited na sa activity na ito.” Ani nito sa kanilang kahat. “Eto na, hindi ko na patatagalin. Next week is “Freshmen Day” ng Southern Island University. Last week pa sana pero na delay lang ng ilang days because of some inconvenience. This activity is only available sa tulad natin mga freshmen kaya hindi natin makakalaban ang m
*Last Day of Freshmen Day* Humugot muna ng isang malalim na hininga si Amanda bago siya bumunot sa kahon. Dito pagbabasehan kung saang grupo s’ya ng kanyang team ma-a-sign. Nahahati kasi sa apat na parte ang Treasure Hunting at bawat team ay mahahati sa north, south, east, at west. Nang makakuha na ang lahat ng papel ay sabay sabay na nila itong binuksan. Bakas sa mga mukha nilang lahat na partesepante ang pagkadismaya dahil karamihan sa kanila ay hindi pa ganoon ka kilala ang bawat isa at hindi pa nila ganoon ka-close. “Hays, mag ka-kaiba tayo girls.” dismayadong ani ni Sherwin nang makita ang papel na hawak ng kanyang mga kaibigan. “Ok lang ‘yan. Ang mahala ay gawin natin ang best nating lahat.” masayang wika ni Amanda sa kanila kahit na nakakaramdam siya ng kaba sa kanilang activity. “Ok, nasa gitna tayo ngayon ng Southern Island University, Island. Pumwesto na kayo sa inyo inyong mga grupo. At sa bawat grupo ay may tag-iisang kahon na naroon. Pagbilang ko ng tatlo ay sabay sab
Nagsimula nang dumilim ang paligid. Ang kaninang maliwanag na buwan ay natatabunan na ng itim na mga ulap at may kasama pang kulog at pagkidlat. Kasama ang mga facilitators ng south team ay nag-aabang sina Zeil ng mga grupong natapos na sa kanilang treasure hunting. May ilang minuto pa ang nalalabi bago matapos ang laro. Hindi namam maipagkakaila na nag-aalala rin si Zeil para sa kanyang kapatid sa kabila nang ginagawang pag-iwas niya rito. "Ok, may nauna nang dumating!" masayang wika ng isang facilitator na may hawak na mic. Agad namang lumingon si Zeil sa dako ng mga ito. "Teka! Teka! Nasaan ang isang kasama niyo?" gulat na wika nito. Mabilis namang tumakbo papalapit ang ka-grupo ni Amanda sa kamila at hingal na hingal pang tinawag ang isang facilitator. "Miss! Miss! Ang isa naming kasama hindi namin makita! Please, tulungan ni'yo kami na hanapin s'ya!" hingal na hingal na wika ni Nicole sa babae. "Sige, Tatawag kami agad ng rescue." nagpapanic tugon nito sa dalawa at mabilis n
"I found you, Amanda." ani ni Zeil nang makita niya ito. Ngunit laking gulat niya nang bigla itong tumakbo papalayo sa kanya kaya naman ay mabilis niya itong hinabol. Nang malapitan niya ito at mabilis niyang hinila sa braso si Amanda. "Amanda, bakit ka ba bigla na lang tumakbo palayo?" inis na ani ni Zeil sa kanya. Halos ayaw namang humarap ni Amanda sa kanyang kuya. Nanatili lang itong nakatalikod habang hawak ang kanyang braso mula sa kanyang likuran. Ayaw niya ring makita nito ang kanyang magang mga mata at magkahalos inis niya sa kanyang kuya. "Bakit ka ba nandito? Alam ko naman ang daan pabalik." inis na ani niya at pili na iwinaksi ang kamay nito sa kanyang braso. "No! Naliligaw ka kaya kita hinanap. Alam mo bang kanina pa nakarating sa finish line ang mga kasama mo! At kanina pa ako paikot ikot dito sa kagubatan para hanapin ka! Tapos ikaw pa ang magmamatigas! Ikaw na nga ang tinutulungan!" inis na ani ni Zeil sa kanya. "Well I don't need your help!" inis na ring wika ni Am
Pasikat na ang araw nang magpasyang bumalik sina Zeil at Amanda kaya naman nang makarating sila sa dulong bahagi ng west part ng isla ay sakto lang na naka sikat na ang haring araw. Nag pre-prepare na rin ang mga officers na naroon at inaayos na ang itinayo nilang tent."Amanda!" masaya at patakbong salubong nina Deviane at Nicole nang makita nila sina Amanda at Zeil na papalabas ng kagubatan."Amanda, ano bang nangyari sayo? saan ka ba kasi nagpupunta?" maiyak-iyak na wika ni Nicole sa kaniya at mabilis na yumakap."Alam mo bang pinag-alala mo kami." ani ni Deviane at yumakap na rin. Hindi na ginambala pa ni Zeil ang tatlo at nagtungo na sa mga officers na naka assign roon.Hindi man sila ang overall champion sa naganap freshman day ay naging masaya naman at na enjoy nilang lahat ang naganap na activity. At bilang pagtatapos ng kanilang aktibidad ay nagkaroon sila ng bonfire party sa kanilang malawak na university field. Bawat section ay may tag-iisang bonfire na pinapalibutan nila. N
"Aira kanina pa ba naka alis yung barko?" tanong ni Angel matapos ang kanilang klase habang nagre-retouch ito ng kaniyang make-up. Isa sila sa mga estudyanteng iniwan para sa sime-summer class."Yep, sayang nga hindi tayo makakabakasyon. Pupunta pa naman kami nila mommy sa boracay ngayong semestral break. Feel ko pa namang magsuot ngayon ng swim suit ngayong tag-init." ani ni Aira sa kaniyang mga kaibigan habang naka simangot."Nakakainis naman kasi ang matandang uugod ugod na 'yun. Kung nadala ang mga lalaking mga guro sa alindog ko para hilain ang mga bagsak kong grades sa kanila. Bagsak naman ako sa iba ko pang subject. Lalo na sa matandang 'yun na nag bigay sa akin ng 69 na grade. Ang sabihin niya ay naiingit lang siya sa ganda ko na ipinagkait sa kanya." dagdag pa nito habang tinitukoy ang kanilang matatandang guro."Ok lang 'yun, masusolo mo naman si Mark." ani ni Rose sa kaniya na ikinairap niya nang banggitin nito ang kaniyang nobyo."Paano ko ba siya masusolo? Eh nag-away nga
Around 6:30 pm ay nagpasya nang magpunta ang grupo ni Angel sa nasabing beach party ng mga ka-batch mate nilang mga lalaki.Nang makarating ang mga magkakaibigan sa lugar na iyon ay hindi nila nakita ang kanilang kaibigan na si Aira. Tanging si Mark lang ang naroon habang masayang nakikipag inuman sa kaniyang mga kaibigan.Agad na nilapitan ni Angel si Mark upang makausapin ito. “Mark, nasaan si Aira?” nagtatakang tanong nito sa lalaki.“Si Aira? Di ‘ba break na nga kami.” sabi niya sabay tungga ng bote ng beer na hawak nito. Nagtataka naman si Angel sa sinabi ng lalaki dahil sa pagkakaalala niya’y nakikipagbati na ito kay Aira.“Anong break ang pinagsasabi mo? Eh, ang sabi niya lang sa amin ay may LQ kayo. At may nilagay ka pa ngang isang piraso ng red rose at lover letter sa locker niya kanina. Don’t tell me na prank lang ‘yun at naghihintay siya sa ‘yo sa likod nga faculty at umaasang darating ka.” hindi makapaniwalang ani ni Angel at pinag-cross ang dalawa niyang braso habang masama
Pagbukas pa lang ni Ericka sa pinto ng kwarto ni Zeil ay nagkalat na bote ng alak agad ang bumungad sa kaniya. Napapailing na lamang ang dalaga at naglakad patungo sa lalaking naka-upo sa sahig habang naka sandig ang kaniyang likuran sa pader. Malayo ang tingin at para bang walang pake kung sino ba ang pumasok sa kanyang silid.“Zeil,” tawag niya sa pangalan nito upang matawag ang pansin ng binata. Nakatulala lamang ito sa isang sulok ng kaniyang kwarto.“Ikaw pala,” tipid na ani ng lalaki nang mapansin siya. Mukha itong kababalik lang sa sariling wisyo, ni hindi man lang siya nito napansin na pumasok sa loob.“May balita ka na ba kay Amanda?” tanong ni Ericka sa lalaki. Umiling lamang ito bago itinunga ang hawak na bote at saka ipinagulong sa sahig. Napabuntong hinga na lang si Ericka at naglakad patungo sa higaan ni Zeil upang doon maupo.Mag-iisang linggo na kasing hindi umuuwi si Amanda matapos ang pagkikita n
Hindi na muna sumama si Amanda kay John, kailangan niya munang bumalik sa mansion. Gusto niyang kausapin si Zeil tungkol sa babae niya. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.Naiayos niya na rin ang kaniyang mga gamit at handa nang umalis bukas matapos ang kaniyang klase sa umaga. Gusto niya rin munang makausap si Kian upang hindi na mag-alala ang kaibigan.Nang marinig niya ang mga yapak ng paa ay mabilis na tumayo si Amanda sa kaniyang higaan upang salubungin si Zeil. Ngunit mga ilang sandali na ang nakakalipas hindi parin ito pumasok sa kaniyang kwarto.Mabilis namang naglakad si Amanda papalabas sa kaniyang kwarto upang siya na ang kusang pumunta roon. Ngunit nang buksan niya ang siradura ng pinto ay napatigil siya nang marinig ang kaniyang pangalan sa usapan ng kaniyang tito Henry at ni Zeil.“So anong gagawin mo sa kaniya?” ani ng kaniyang tito Henrry, nasa corridor nag-uusap ang dalawa kaya rinig na rinig ni Amanda a
Mabilis na bumaba si Amanda palabas ng kanilang bahay matapos niyang sabihin kay John ang eksaktong address ng kaniyang tinutuluyan."Hey, Amanda. Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Zeil nang makasalubong niya ito sa labas. Hindi niya ito pinansin kahit ilang beses na nitong tinawag ang kaniyang pangalan.Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa lalaki dahil sa nangyari kay Jene. Pakiramdam niya ay may kinalaman roon sina Zeil at Trey at bumabalik na naman ang nangyaring bangungot sa kanilang paaralan.Nang matanaw niya ang sasakyan ni John ay mabilis siyang pumasok roon."Tara na?" ani nito sa kaniya, tumango naman si Amanda bilang tugon."Amanda, hindi na maganda ang nangyayari. Tingnan mo itong bagong news." ani ni John at iniabot ang kaniyang cellphone kay Amanda.Kahit hindi basahin ni Amanda ang kabuohan ng balita ay malalaman niya na kung ano iyon dahil sa mga pictures na naroon. Halos mapatakip naman siya ng kaniyang bibig dah
Pagmulat ni Amanda ay nasa kaniyang kwarto na ito, meron na rin siyang suot na damit. Wala na rin si Zeil sa kaniyang tabi. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata bago nagpasyang bumangon upang maligo at makapag-repare papasok sa kanilang paaralan.Napapakanta pa siya dahil maganda ang kaniyang naging gising. Mukha siyang teenager na ngayon lang kinikilig, kung sabagay dalaga pa rin naman talaga siya. Sa dami ng lalaking naging crush niya noon ay 'saka niya lang naranasan ang mga nakakatwang bagay na iyon.Hindi niya na kailangan pang tanungin ng direkta ang lalaki dahil alam niya na ang sagot sa mga iyon. Malinaw na sa kaniya na mahal rin siya nito at nahihiya lang itong ipahalata sa kaniya."Shit ka Amanda! Kumalma ka nga!" ani niya sa kaniyang sarili habang tinatapik tapik ang kaniyang pisngi sa sobrang kilig.Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sunod sunod na miss calls ni Jene sa kaniya kagabi. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na ito m
Halos mag-sasara na ang mental hospital at nag-uuwian na rin ang ibang mga nurse at ibang stuffs ng ospital na nasa day shift ngunit hindi pa rin bumabalik si John."Miss, bumalik na lang po kayo bukas. Magsasara na po kasi kami eh." ani ng babaeng nurse na nakausap nila kanina na ngayo'y nasa kaniyang harapan. Agad namang iniangat ni Jene ang kaniyang ulo upang salubungin ang tingin nito."Pero paano si Marie," nag-aalalang ani niya sa babae."Huwag po kayong mag-alala kay miss Rodriquez, pina blatter na po siya ni Doctor Morales. Baka hinahanap na rin po siya ng mga pulis ngayon." ani nito kaya muli namang napatango si Jene."Anong oras ba bukas magbubukas ang ospital?" muling tanong ni Jene sa nurse."7:00 am po maam." magalang na sagot ng nurse sa kaniya."Sige miss, babalik na lang ulit ako bukas. Maraming salamat sa pag-asikaso." nakangiting ani ni Jene sa nurse, ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. "Nako wala po iyon maam." ani
"Hoy Amanda nasaan ba si Zairon?" mataray na ani ni Ericka sa kaniya habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umuwi."Hindi ko alam Ericka. Hindi pa siya umuuwi simula nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo noong gabi ng graduation ball." sagot naman ni Amanda rito habang nagpapatuloy sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Napatawa naman ng pagak ang dalaga sa sagot nito. "Umayos ka Amanda. Kapag umuwi siya, sabihin mong puntahan niya agad ako sa bahay, kung hindi magpapakamatay ako!" ani nito sa kaniya na ikinataas niya ng kilay."E'di maganda kung ganon." sarcastikong ani ni Amanda sa kaniya at tinalikuran na ang babae."What the... Hey! Bitch!" umuusok na ilong na tawag nito sa kaniya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagmamadali nang maglakad pauwi.Hindi rin niya kasabay ngayon ang kaniyang mga kaibigan dahil may importante itong pinuntahan. At dahil maaga rin namang natapos ang kanilang klase at wala ang kanilang g
"Amanda bakit bigla bigla mo na lang kami iniwan kahapon? Hindi ka man lang nagpaalam!" galit na bungad ni Anne kay Amanda nang makarating ito sa kanilang silid aralan."Sorry, medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko kahapon." pagsisinungaling naman ni Amanda sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang suot na damit."Halata ngang giniginaw ka." ani nito sa kaniya na patango tango pa. Mukha naman itong naniwala sa mga palusot niya."Nilamig ka ba sa suot mong crimson red hot long gown kagabi kaya bigla ka nalang naglaho?" ani ni Charry sa kaniya. Naka suot kasi siya ng tutle neck brown sweather at kung titingnan ay mukha nga siyang may lagnat.Sinabi niyang nilalagnat siya kaya siya'y nakasuot ng ganong sweather ngunit ginamit niya lamang ito upang takpan ang mga markang ginawa sa kaniya ni Zairon sa kaniyang katawan, braso, at leeg. Kulang na lang ay markahan nito ang buo niyang katawan. Mabuti na lang rin ay nakikisabay rin a
Ericka’s POVFlashbackKasalukuyan nang papauwi sa Ericka sa pinapasukang paaralan ng kaniyang kakambal. Wala siyang sasakyan dahil binabawalan siyang gumamit ng kaniyang kakambal. Kahit ang luma nilang sasakyan na kulang na lang ay pwede nang ibenta sa bote bakal ay pinagdadamot pa rin nito sa kaniya.Napabuntong hinga na lang siya nang sinimulan niya nang bagtasin ang mabaho at maduming iskinita patungo sa kanilang bahay. Ito lang kasi ang pinaka mabilis na daan upang maka uwi sa kanilang subdivision. Kung sa mismong main way kasi siya dadaan ay aabutan siya ng gabi sa daan bago makarating. Idagdag pa ang kakarampot na perang ibinigay sa kaniya ng kakambal. Hindi na nga siya pinakain ng agahan ay hindi pa siya binigyan ng sapat na salapi para pumasok sa paaralan.Ang perang ibinigay nito sa kaniya ay mapupunta lang sa isang desisyon. Mamatay siya sa gutom sa kanilang paaralan ngunit may pamashe naman siya pasakay ng jeep at tricycle pauwi o Mairar
“How’s the party?” sarcastic na tanong ni Erich sa kaniyang kakambal na si Ericka nang makita siya nitong papaakyat na ng hagdan patungo sa kaniyang kwarto.“Ok lang.” walang gana niyang sagot sa tanong nito, nawalan na kasi siya ng gana matapos siyang iwan na lang ni Ziel sa kanilang pwesto, ni hindi man lang siya inayang sumayaw nito.Hindi niya na ito muli pang pinansin at derederetsong naglakad paakyat ngunit napadaing siya nang bigla nalang hilahin ng kakambal ang kaniyang buhok. Malapit pa siyang ma-out balance at mahulog sa hagdanan, mabuti na lang at naka-kapit siya sa staircase ng kanilang hagdan.“Kapag kinakausap ka pa, huwag kang tatalikod!” madiin nitong sagot kay Ericka at mas hinigpitan pa ang pagkaka sabunot nito sa buhok ng kaniyang kakambal.“Ouch ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw niya sa kaniyang kakambal.“Masasaktan ka talaga kapag sunusuway mo ako!” sigaw nito sa k