Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver
“Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b
“Narito ang pahayag ng chairwoman ng Happy-Go-Family Corporation na si Sophia Buenavidez kanina sa press conference na inihanda nito tungkol sa isyu ng kanilang anak na si Jasper Buenavidez at ang pagkakasangkot nito sa artistang si Blue Sandejas,” pahayag ng reporter sa TV. “I am here in front of you to reveal the truth regarding my son and also the accident twelve years ago. April 19, 2006 when my husband died. We were supposed to celebrate my son’s birthday sa isa sa aming resort sa Bulacan. However, we got involved in a tragic car accident…” Itinigil muna ni Blue ang panonood ng balita sa Facebook nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Alvarez. “Blue, tayo na sa loob,” alok ni Sir Alvarez sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa tainga para marinig niya ang sinasabi nito at sumunod sa pulis. Pagpasok sa loob ng kuwarto ay nakita niyang bumangon agad si Jasper. Pinanlisikan agad sila ng tingin nito. “Anong ginagawa n’yo rito?” agad na tanong nito
Isang araw bago makalabas ng ospital si Blue ay nagkaroon sila ng kanyang ama ng pagkakataon na mag-usap.“Nagkakilala kayo ni Porsche?” tanong niya sa ama. “Oo. Siya ang nagligtas sa akin no’ng inaatake ako. Magiliw at masayang kausap. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang batang ‘yon sa ‘kin.” Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol kay Porsche samantalang mataman siyang nakikinig habang nakahiga sa kama. “Nagkita rin kami sa emergency room. Nagkuwentuhan kami sa ospital lalo na tungkol sa boss niyang masungit at matatakutin sa multo. Pero kahit daw masungit ang boss niya, alam niyang mabuting tao ito. I really can’t imagine na ikaw pala ang tinutukoy niya.” “Hindi ko alam na ibinuking na pala ‘ko ng babaeng ‘yon?” nasabi niya na ngumiti na rin. “Blue, I’m sorry. For making you hide the truth. I did not know how much of a burden it is to you. I’m proud of you that after all that I’ve done, hindi naging twisted ang personality mo,” seryos
“Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira
Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba
Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy
Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”
Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo
Haunted Kingdom. 4:00 p.m.The secret to move on is to forget.Tiningnan nang matagal ng bente otso anyos na babae ang mga gamot sa kanyang mga palad. Iba’t ibang uri ito ng gamot. May tubig naman sa kanyang harapan na nakapatong sa lamesa. Ayon sa nagbigay sa kanya ay kaya nitong tanggalin ang sakit at ang kalungkutang nararamdaman niya.Inumin mo na, sabi niya sa sarili. Makakalimutan mo na ang mga masasakit na pangyayari sa buhay mo. Kapag wala kang maalala, hindi ka masasaktan.Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa loob siya ng isang chamber na gawa sa kahoy ang mga dingding at kisame.“Oras na,” bulong ng isang boses.Tiningnan niya ang pinagmulan nito. Nakaupo ito sa isang sulok habang hawak nito ang cellphone sa kabilang kamay.“Gusto mo bang mailigtas ang kapatid mo o hindi?” tanong nito sa kanya.Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagpikit ay inalala niya ang mga mukha ng mga mahal niya sa buhay. Ang kanyang kapatid, ang kanyang ina
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments