Home / All / Love is a Horror Story / Friday The 13th Ba Ngayon?

Share

Friday The 13th Ba Ngayon?

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:31
 

Multo?

 

Biglang preno si Blue sa kanyang gray na Honda civic. May nakita kasi siyang babae sa harapan pero sa isang iglap ay nawala ito. Bumaba siya ng sasakyan. Nanindig ang balahibo niya pagkakita sa babaeng nakahandusay sa harapan nito. Unti-unti niyang nilapitan ang nakadapang babae. Napalunok muna siya bago hinawakan ito.

Tao nga. Nabangga ko ba siya?

“Miss?” Sabay dutdut ng mukha nito na parang nadidiri o natatakot. “Miss… Gising…”

Walang reaksyon.

Dutdut... Wala pa din.

Pinaharap niya ito at inangat ang katawan nito. Pinakiramdaman niya muna ang ilong nito kung humihinga pa.

Buhay pa!

Lumingon siya sa paligid. Walang katao-tao doon dahil papaliko pa lang siya papunta sa highway. Mabilis siyang nagdesisyon. Sa kanyang pagbuhat sa babae ay siya namang paglaglag ng suot niyang relo na birthday gift sa kanya ni Jamie nitong taon.

Sa ospital na inabutan ng hapunan si Blue. Tiningnan niya kung anong oras na sa relo niya pero saka niya lang napansin na wala na ito.

Hindi talaga kami nakatakda.

“Paging the guardian of Miss Sadako, please proceed to Nurse’s Station.” Pagkarinig niya sa page ay pumunta siya sa nurse’s station para pirmahan ang mga forms.

Nagtext ulit siya sa manager. Halos pangsampung text na yata itong naisend niya rito dahil hindi ito sumasagot sa tawag niya.

Ibinaling niya ang mga mata sa pasyente. Wala itong identification at kung ano pa man.

“Tsk.Tsk. Tsk. Mukha talaga siyang multo. Naka-gown pa ng white lady,” tanging nasabi niya habang nakatitig sa babaeng nakahiga nang makabalik siya sa room nito.

Maya-maya ay biglang iminulat nito ang kanyang mga mata dahilan para magulat ang binata.

“Oh My!.” Biglang bumangon ang babae at biglang lumapit sa kanya at kinagat siya sa balikat. “Ouch!…” Pinindot niya ang intercom na nasa loob ng kuwarto. “Doc…Nurse... Help me!”

“Sino ka? Anong ginawa mo sa’kin? Nasa’n ako?” tanong ng pasyente sa kanya habang sobrang higpit ng pagkakahawak sa mga braso niya.

“Ako dapat magtanong sa’yo niyan,” tarantang sagot niya.

Nagsitakbuhan ang mga nurse at ang isang lalaking doctor papasok sa kuwarto ng pasyente pagkarinig ng sigaw niya. Ayaw pa sana siyang bitawan mabuti na lang ay tinurukan ang babae ng pampakalma.

Nakahinga nang maluwag ang lahat pagkakita na nakatulog uli ang babae.

“Dr. Ramon Alcantra by the way, Mr. Sandejas or shall I call you Blue?”

“Blue,” sagot ni Blue.

Nakipagkamay ito sa kanya pero inilagay nito sa kamay niya ang isang papel. Reseta pala. “Pain reliever ‘yan. Mukhang malakas ang kagat sa’yo ng babaeng ‘yon. Inumin mo agad yan.”

“Thanks. I really don’t know kung bakit niya ako kinagat. Sigurado ka ba talaga Doc na tao ‘yon?”

Natawa ang doctor. Halos singkwenta na ang edad ng doctor sa tantiya niya dahil sa nakakalbo nitong buhok. Medyo matanda ang ama ni Blue rito kung itsura ang pagbabasehan.

“Definitely yes, Mr. Sandejas. Sa tingin ko may dahilan kung bakit ganoon ang behavior niya.”

“Whatever reasons man ‘yan, hindi puwedeng basta na lang siya nangangagat.”

Pumasok sila sa opisina ng doctor.

“Magka-conduct kami ng tests pagkagising niya para malaman talaga ang totoong kalagayan niya. For the meantime we need to wait and observe. Pero, are you sure na wala ka man lang nakuha kahit anong identification niya?”

“Wala, Doc. Walang wallet o kahit ano pa man na dala.”

“Paano na natin ngayon malalaman ang pagkatao niya? By the way, kailangan natin ‘tong i-report sa pulis na nakabangga ka.”

“Doc, I can't report this. Sabi mo, wala namang damage sa utak niya base sa CT scan results. Besides, malaking intriga ito kapag nagkataon. Ayokong maging dahilan pa ‘to ng pagkabulilyaso ng upcoming movie ko. Alam mo naman ang media. Ayaw n’yo naman sigurong dumugin din kayo ng media rito.”

“Well…Tama ka diyan. Let’s wait for her na magising. Saka tayo magdesisyon after that. I also have to adhere to patient-doctor confidentiality. The hospital and staff can keep secrets pero hindi namin hawak ang ibang mga tao. For the meantime, ikaw ang guardian niya so ‘wag na ‘wag kang aalis kahit umagahin ka pa rito.”

Isinara niya ang pinto pagkalabas sa opisina ng doctor.

Nakatulog siya sa waiting stool sa labas ng kuwarto sa kakahintay kay CJ na suot ang face mask na binili niya sa pharmacy. Alas singko na ng umaga ito dumating na may bitbit na kape at sandwich.

“Bakit ngayon ka lang?” Para siyang nabunutan ng tinik pagkakita kay CJ.

“Sorry. Magkape ka muna. Tulog na tulog ako kagabi. Kanina ko lang nakita ang call logs at messages mo. Nasaan na ang biktima mo?”

“Follow me.” Magkasunuran silang pumunta sa kuwarto ng babae.

“Siya ba ang biktima?” tanong ni CJ na nakatingin sa tulog na babae.

“Biktima ka diyan.Wala tayo sa SOCO. Marinig ka nga.”

“In fairness ang ganda niya,” puri nito nang sumilip sa loob. “Parang kamukha siya ni Shaina Magdayao. Dumito ka muna, magtatanong lang ako sa isang kakilala kong pulis.”

Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang iniinom na kape para tingnan ang hitsura ng babaeng tulog. May pasa at galos ang mga paa nito na parang galing sa pagkadapa at pagtakbo. Ang kaputian ang nangingibabaw dito na aakalain talagang multo kung masasalubong ito sa madilim na lugar. Mahaba pa ang buhok. Napatingin siya sa mukha nito. Maamo naman ang mukha nito. Matangos ang ilong, pero mapuputla nga lang ang mga labi nito...

Bakit parang pamilyar si Sadako?

Napalunok ang binata. Natigilan siya sa pagmasid sa babae dahil parang gumalaw ito.

“By the way, may meeting si Direk sa FDCP sa Manila kaya bukas pa magsisimula ang script reading,” ani CJ habang busy pa din sa kakapindot ng cellphone nito.

Nabaling ang atensiyon nila parehas nang mapansing nagising na ang pasyente. Agad na nagtago sa likod ni CJ si Blue.

“Ako nga pala si CJ. Ito naman si Blue. Muntik ka nang masagasaan ng kasama kong ‘to kaya ka dinala rito. Wag kang mag-alala. Hindi kami masamang tao. Anong pangalan mo?”

“Ako nga pala si…” hindi mapalagay na sagot ng babae. “Sino nga ba ‘ko?”

“Naku! Mukhang may mas malaking problema pa tayo,” pahayag ni CJ na napahawak sa noo.

Matapos masaksihan ang babae ay magkahawak na pumunta sa opisina ni Dr. Alcantara para sa isa pang problema sina Blue at CJ.

“It’s amnesia,” pahayag ng doctor.

“Amnesia?” pag-uulit ni Blue. “Hindi siya pwedeng magka-amnesia. Sobrang hassle na ‘to sa ‘kin.”

“It’s a temporary amnesia caused by Post Traumatic Stress Disorder o PTSD. Wala siyang maalala pero balisa siya na parang may kinatatakutan,” patuloy ni Dr. Alcantara.

“Paano nangyari ‘yon? ‘Di ba, wala namang na-detect na brain damage sa CT scan?” usisa ni CJ.

“Yes. Physically, she’s ok, just a few bruises, concussions at dehydration pero mentally, she’s not.”

“Bakit?” pagtataka ni Blue.

“Our brain has this ability called defense mechanism. Iba-iba ang paraan ng utak natin to deal with pain. Minsan distorted memories at minsan naman ay temporary amnesia kung saan isinasara ng utak ang mga alaala na nakapagbigay ng extreme pain caused by a lot of factors, for example fear or trauma. At sa tingin ko, ‘yon ang kaso niya but then, possible rin ang amnesia if medically-induced.”

“Pa’no mo nasabi yan, Doc,” tanong ni CJ na may bahid ng pag-aalala.

“May anti-depressant sa dugo niya. According to the result sa blood test ay sobra sa normal ang dosage nito,” tugon ng doktor.

“What should I do?” si Blue naman ang nagtanong.

“By the rules, Blue. You need to report this to the police. Hindi naman magiging hit and run ang kaso mo kung mase-settled n’yo ‘to at hindi siya magko-complain. May napansin pa ako. Hindi man ako detective but I can tell na ang mga pasa niya sa katawan ay hindi bago. I think she’s a victim of an abuse. Hindi natin puwedeng pabayaan na lang siya lalo na kung may banta sa kaligtasan niya.”

“Excuse me, Doc. I need to make some calls,” paalam ni CJ sa dalawa at nagsimulang makipag-usap sa kabilang linya pagkalabas ng pinto.

“Kailan babalik ang alaala niya, Doc? Maso-solve ang mess na ‘to kapag bumalik ang memories niya.”

“Days, weeks or months. I don’t know. ”

“Oh My! This is the day of my life. Hindi naman siguro Friday the 13th ngayon at minamalas ako…” bulong niya nang papalabas siya ng opisina.

Narinig siya ng doctor. “Friday the 13th ngayon, Blue. Tingnan mo calendar mo.”

Tiningnan niya ang calendar sa cellphone niya – April 13, 2018, Friday. 8:00 a.m.

“May pupunta daw ditong pulis mamaya. Itatanong ang ibang detalye. Kaya don’t worry. Let’s just be careful na ‘wag lumabas ‘to sa media and online,” sabi ni CJ.

Nakahinga nang maluwag si Blue. The best in the field talaga si CJ sa pagiging manager. Kayang-kaya nitong gawan ng paraan ang mga ganitong bagay kaya sobra-sobra ang tiwala niya rito. Ito ang strategist nila para ma-build ang image niya. Kapag nagdesisyon naman ay firm kasi dumaan sa masusi nitong pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

Ilang hakbang ang layo mula sa kinaroronan ni Blue ang information desk. May dalawang lalaki ang nagtatanong sa information desk tungkol sa hinahanap nilang tao. Nagpakita ang mga ito ng litrato pero umiling ang babaeng staff na nasa desk.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

  • Love is a Horror Story   The Stage Is Set

    Siya ang tinaguriang “The Wonderland King ng Pilipinas” dahil siya ang CEO ng HAPPY-GO-FAMILY Corp., isang kompanya na binubuo ng limampung theme park-resort. Aqualand, Sand Palace, Blue Island at Haunted Kingdom-iilan lang ito sa theme park-resort na pag-aari niya na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga at sa iba pang probinsiya ng Pilipinas.Two kilometers away from Haunted Kingdom is the main office of the Happy-Go-Family Corp. in Pampanga. Ang nasabing kompanya ay may tagline na “Gusto ko happy ka kasama ng iyong pamilya” na makikita sa mga TV at print advertisements. Layunin ng kompanya na maging masaya ang bawat pamilyang Pilipino sa pinakamahahalagang araw ng kanilang buhay kaya nilikha ng ama niya ang kompanyang ito.Sa malawak na CEO’s office, naroon ang models ng bawat theme park-resort na mistulang diorama na nagsama-sama. Bawat detalye ay carefully crafted at may mga collection siya ng limited action figures ng mg

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   You Have To Take Responsibility

    “Ang gara naman. Galing sa sasakyan ang pangalan n’yong magkapatid.”Manghang-mangha ang kausap niyang binatilyo. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti.“Mahilig kasi si Tatay sa sasakyan,”nahihiya niyang pahayag habang abala siya sa pagkalikot ng motorsiklo ng tatay niya. “Halata nga. Sobra ang pag-aalaga niya sa mga sasakyan namin.” “Marunong ka magmaneho ng kotse?”“Hindi. Motor lang.”“Wag mong sabihing ito?” Itinuro ng binatiyo ang motorsiklong nakaparada katabi ng kotse. Tango ang isinagot niya.“Hindi ko alam magpatakbo ng motor. Kotse pa lang alam kong imaneho.”“Wow. Ang galing mo naman. Ilang taon ka na?” Nakuha nito ang curiosity ng dalagita.“14.”“14 ka pa lang pero marunong ka na magdrive.”“Ikaw nga, magrunong magmotor. Ako, hindi ko natutuhan ‘yan eh. Sige nga, ipakita mo sa’kin kung kaya mong paandarin.”“Sige ba. Gusto mo karera pa tayong dalawa eh.”Pinaandar ng dalagita ang motorsiklo, sa binatilyo naman ang kotse.Naunang tumatakbo n

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Gusto Kong Mapag – Isa!

    After exhausting 3 days and 2 nights ay nakapagpahinga na rin sa wakas si Blue. Maginhawa ang pakiramdam niya na nagising at maghanda para sa schedule ng script reading ng pelikula. It’s nice to be back home.Kinuha niya ang tuwalya at bumaba para maligo. Humihikab pa siyang pumasok sa banyo pero… “Aaah!…” Muntik na siyang matumba buti na lang ay nasalo siya ni Alvarez. But in a very very familiar pose. Iyong pose na naalala niya na karaniwang eksena sa mga pelikula na nakahawak si leading man sa baywang ng niligtas na leading lady in an erotic and slow motion. Ang problema ay nasa posisyon siya ng leading lady! AWKWARD! Tumuwid agad siya ng tayo. Grabe ang gulat niya kay PO2 Napoleon Alvarez na puno ng shaving cream ang mukha at nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibaba. “Sir, sa susunod pakilock naman ng pintuan,” gigil niyang paalala. “Sorry, Sir Blue.” Lumabas siya uli. Siya namang paglitaw ng isang babae sa harapan niya na magulo ang buhok at nak

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Haunted

    Standing at 39,000 square meters is the Haunted Kingdom, a theme park located in Bocaue, Bulacan. It is two-hour drive from Quezon City with traffic combined. Pero kung manggagaling sa Pampanga ay 30 minutes lang.Sa harapan pa lang ay matatanaw na ang limang malapalasyong mga istruktura na inspired ng mga kaharian sa iba’t ibang bansa.Sa loob ng mga palasyong ito ay hindi lang mga action figures ang makikita dito kung ‘di mga tao na makatotohanang nananakot sa pamamagitan ng pagko-cosplay ng mga nakakatakot na characters sa pelikula, TV series, anime, libro, manga, webtoon at comics.Ang unang palasyo ay Japanese-inspired, isang replica ng Japanese Imperial Palace. Makikita sa loob ang mga characters na tulad ng mag-ina sa The Grudge, Sadako sa The Ring, mga samurai, ghoul sa Tokyo Ghoul at iba pa.Ang ikalawang palasyo ay Filipino-inspired. Isang mala-kaharian ng engkanto sa gitna ng gubat kung saan makikita ang mga engkanto, kapre, duwende, maligno, aswang, at k

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Ang Ugat

    Habang hinihintay ni Jasper ang doktora ay umupo siya sa isang upuan na madalas niyang ginagamit kapag nandito siya sa opisina nito. Ipinikit niya ang mga mata at isang alaala ang binalikan niya. “Hindi ako natatakot na mamatay, mga anak. Mas natatakot akong maisama kong maibaon ang katotohanan,”pahayag ng isang matandang lalaki. Nakahiga ito sa isang kama ng ospital. Sa tabi nito ay may dalawang taong nakatalikod. Sa kaliwa ay isang babae na hawak ang kamay nito samantalang nasa kanan naman nito ang isang lalaki. Panaka-naka siyang sumisilip sa loob ng kuwarto. Sa kanyang pagtatago sa likod ng pinto ay pinipilit niyang pakinggan nang maigi ang pahina nang pahinang boses ng nakaratay sa kama. Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay nito dahil sa sakit sa baga. Matagal na rin niyang sinusundan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng ama. “Kung gano’n bakit po kayo ang umamin, tay?” tanong ng babae na halatang pinipigil ang pag-iyak dahil sa basag na boses nito.

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Warning Lang

    Di kita malilimutan… Di kita malilimutan…Hinanap ni Blue kung saan nanggagaling ang tugtog. Wala na ngang iba. Sa cellphone niya. Perwisyo ka talaga CJ!Natigilan si Blue nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya. For the past 5 years niya sa pag-aartista ay hindi tumawag ang kanyang ama sa kanya. Matagal nang lumayo ang loob niya dito simula ng pangyayaring ‘yon.“Napatawag ka?” Halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig.“Hmm, about the post sa Facebook mo?” nag-aalinlangang sagot ng Papa niya sa kabilang linya.“Katulad ng sinabi ko sa news, someone hacked my account.”“Gano’n ba. Ikaw, kumusta ka na?”Ramdam ni Blue ang awkwardness sa boses ng ama. “Don’t worry. Matagal ko nang kinalimutan ‘yon. Sige Pa. I need to go. May taping pa kasi ‘ko.”Nagmadali siyang ibaba ang linya kahit narinig niyang parang may gusto pa itong sabihin sa kanya.Totoo naman na may taping siya pero bukas pa ng madaling araw ‘yon. Hindi nga lang kasi siya sanay

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Scared To Death

    Nagpapahangin si Blue sa terrace ng kanyang bagong bahay sa Pampanga. Tinatanaw ang mga puno at ang iba niyang mga kapitbahay sa paligid. Nakita niya na unti-unting lumilitaw ang buwan sa silangang bahagi ng langit na kanina ay natatakpan ng mga burol. Kapag ganitong mag-isa siya ay napakarami ng kanyang iniisip pero ang kadalasang pumapasok sa kanya ay ang mga alaalang kasama niya si Jamie. Lumaki silang magkababata kaya sila ang madalas magkasama, ang madalas magbangayan pero madalas magkakampi. Ngunit nang dumating sa buhay ni Jamie si Raven two years ago ay nagbago ang lahat. Kung kailan nakapag-ipon na siya ng lakas ng loob na umamin sa tootong nararamdaman niya sa dalaga ay siya namang pagdating nito. Minsan hindi niya maintindihan si universe kung bakit palaging ganito ang nangyayari kapag nagbabalak siyang magtapat kay Jamie. Aba sino ba naman ang hindi magtataka. Noong unang sinubukan niya ay noong high school sila. Valentine’s day noon, bibigyan niya dap

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   I Deserve To Know The Truth

    Nakalatag ang mga litrato at ang mga dokumentong nakuha ni Alvarez at Dimafelis sa lamesa ng kanilang opisina. Parehas silang naka-aasign sa Violence Against Women and their Children Division o mas kilala sa tawag na VAWC. So far, ay hindi pa sila makahanap ng impormasyon tungkol kay Sadako. Fingerprint or anything else ay wala pa siyang nakukuha mula sa database ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). Dalawang linggo pa siyang maghihintay dahil sa mga papeles at mga proseso na kailangan pang pagdaanan. Ang pinakamadaling paraan na lang ay bumalik ang alaala nito. Nasa gitna siya ng paghahalungkat ng mga dokumento nang may tumawag sa kanya. “Nag-send ako ng picture sa cellphone mo,” pahayag ng tao sa kabilang linya. Sandali niyang tinanggal sa tainga ang cellphone at tiningnan ang mensahe sa kanya. Isang litratong napakapamilyar sa kanya ang laman ng message. “Yes sir. Ito ang unang kasong nahawakan ko noong nandiyan pa ‘k

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Love is a Horror Story   Epilogue

    Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver

  • Love is a Horror Story   Tuldok

    “Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b

  • Love is a Horror Story   The Truth

    “Narito ang pahayag ng chairwoman ng Happy-Go-Family Corporation na si Sophia Buenavidez kanina sa press conference na inihanda nito tungkol sa isyu ng kanilang anak na si Jasper Buenavidez at ang pagkakasangkot nito sa artistang si Blue Sandejas,” pahayag ng reporter sa TV. “I am here in front of you to reveal the truth regarding my son and also the accident twelve years ago. April 19, 2006 when my husband died. We were supposed to celebrate my son’s birthday sa isa sa aming resort sa Bulacan. However, we got involved in a tragic car accident…” Itinigil muna ni Blue ang panonood ng balita sa Facebook nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Alvarez. “Blue, tayo na sa loob,” alok ni Sir Alvarez sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa tainga para marinig niya ang sinasabi nito at sumunod sa pulis. Pagpasok sa loob ng kuwarto ay nakita niyang bumangon agad si Jasper. Pinanlisikan agad sila ng tingin nito. “Anong ginagawa n’yo rito?” agad na tanong nito

  • Love is a Horror Story   Picture! Picture!

    Isang araw bago makalabas ng ospital si Blue ay nagkaroon sila ng kanyang ama ng pagkakataon na mag-usap.“Nagkakilala kayo ni Porsche?” tanong niya sa ama. “Oo. Siya ang nagligtas sa akin no’ng inaatake ako. Magiliw at masayang kausap. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang batang ‘yon sa ‘kin.” Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol kay Porsche samantalang mataman siyang nakikinig habang nakahiga sa kama. “Nagkita rin kami sa emergency room. Nagkuwentuhan kami sa ospital lalo na tungkol sa boss niyang masungit at matatakutin sa multo. Pero kahit daw masungit ang boss niya, alam niyang mabuting tao ito. I really can’t imagine na ikaw pala ang tinutukoy niya.” “Hindi ko alam na ibinuking na pala ‘ko ng babaeng ‘yon?” nasabi niya na ngumiti na rin. “Blue, I’m sorry. For making you hide the truth. I did not know how much of a burden it is to you. I’m proud of you that after all that I’ve done, hindi naging twisted ang personality mo,” seryos

  • Love is a Horror Story   Everything Is According To Plan

    “Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira

  • Love is a Horror Story   Nananaginip Ba Ako

    Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 1

    Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy

  • Love is a Horror Story   Magging Ok Din Ang Lahat

    Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 2

    Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status