Home / All / Love is a Horror Story / Gusto Kong Mapag – Isa!

Share

Gusto Kong Mapag – Isa!

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:31
 

 

After exhausting 3 days and 2 nights ay nakapagpahinga na rin sa wakas si Blue. Maginhawa ang pakiramdam niya na nagising at maghanda para sa schedule ng script reading ng pelikula.

It’s nice to be back home.

Kinuha niya ang tuwalya at bumaba para maligo. Humihikab pa siyang pumasok sa banyo pero…

“Aaah!…”

Muntik na siyang matumba buti na lang ay nasalo siya ni Alvarez. But in a very very familiar pose. Iyong pose na naalala niya na karaniwang eksena sa mga pelikula na nakahawak si leading man sa baywang ng niligtas na leading lady in an erotic and slow motion.

Ang problema ay nasa posisyon siya ng leading lady!

AWKWARD!

Tumuwid agad siya ng tayo. Grabe ang gulat niya kay PO2 Napoleon Alvarez na puno ng shaving cream ang mukha at nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibaba.

“Sir, sa susunod pakilock naman ng pintuan,” gigil niyang paalala.

“Sorry, Sir Blue.”

Lumabas siya uli. Siya namang paglitaw ng isang babae sa harapan niya na magulo ang buhok at nakalaylay sa harapan ang mga ito.

“Aaah!...”

Tatakbo sana siya paakyat kaso may nakasalubong siya ulit na isang babae naman na sobrang puti ang mukha.

“Sino ka!” Sa pagkakataong ito ay nawalan na siya ng lakas at naghanap ng upuan.

“Ang aga naman ng ingay na ‘yan,” maktol ng babae na pupungas pungas at nagtatanggal ng muta sa mata.

““Eh, ang aga ko ring aatakehin sa puso dahil sa inyo. Wait, CJ, ikaw ba yan?” tanong ni Blue.

“Bakit? Sino pa ba?” galit na tugon ng manager niya.

“Anong akala mo sa sarili mo JABBAWOCKEEZ? Ba’t ganyan itsura mo?”

Sinipa siya ni CJ sa paa. “Aray!”

“Facial mask to. Nakatulugan ko. Ipagpatuloy mo ‘yan nang ipa-cancel ko kay Direk ‘yong movie mo,” galit na sagot ni CJ.

“Sorry na.”

Ganito na ba ang mapag-isa ngayon?

Palakad-lakad siya habang nakatingin sa kanya ang tatlo na magkakatabi sa mahabang sofa. Kailangan niya ng house rules dahil kung hindi baka maaga niyang ikamatay ito bago pa niya magawa ang kanyang big break movie.

“Okay ka lang ba Blue? Bakit parang nakaamoy ka ng mabaho diyan sa itsura mo?” tanong ni CJ.

Sino ba naman ang hindi sisimangot sa kanila? Lalo na nang makita niya ulit si PO2 Alvarez habang nagluluto ng almusal kanina. Nakasuot ito ng apron na parang isang housewife lang. Baligtad sa image ng pulis! Ang hindi pa niya makakalimutan ay ang eksena sa banyo na kamuntik na niyang ikamatay sa gulat.

Si Sadako naman, hindi niya maintindihan. Minsan masigla, minsan malungkot kaso kadalasan parang multo. Grabe! Ngayon lang siya nakakita ng may amnesia na nanood ng TV na iyak-tawa ang ginagawa nang salitan. Normal pa ba ‘yon? Tapos ang resulta eh mukha na naman itong multo sa laki ng eye bags.

Si CJ kahit ramdam ang presensiya ay dakilang perwisyong pinsan naman. Maganda sana ang pinsan niya. Payat na version ni Camille Prats. Matalino din at masipag. Ang problema, kung gaano ito kasipag at kadedikado sa trabaho ay ganoon din sa pang-aasar. Napakabayolente pa!

“Listen everybody. Before anything else, we need some rules in this house so that we can live here harmoniously. First… Let’s be casual. Masyado tayong formal at awkward,” pagsisimula niya.

“Let’s call each other na lang according to our age. Kuya or ate or first names kapag mas matanda ka,” suhestiyon ni CJ. “29 na ‘ko.”

“I’m 26,” si Blue.

“40 na ‘ko,”si Alvarez.

“40?” Sabay-sabay silang tatlo.

“Wah. This is the most absurd thing so early in the morning,” sagot ni Blue.

“Bakit, ilang taon na ‘ko sa tingin n’yo?” inosenteng tanong ng pulis.

“50!” Sabay-sabay ulit ang tatlo.

“Ako, hindi ko alam,” sagot naman ni Sadako.

Parang chorus na nagsipagbuntung-hininga ang tatlo pagkarinig kay Sadako.

“Alam ko na! By first names na lang,” suggestion ni CJ ulit. “Crystal Jade ako.”

“Napoleon sa’kin.”

“As you all know, my first name is Blue.”

Hinihintay nila na sumunod magsalita si Sadako kaya tumingin silang lahat dito.

“Hmm. Ako si– ” mabagal na sagot ng babae habang nag-iisip.

“Ano? May naalala ka na?” tanong ni Blue na sa sobrang excited ay lumapit pa kay Sadako.

“Hindi ko rin alam,” sagot ni Sadako.

“Let’s wrap this up,” walang kagana-gana niyang sabi. Pagod na ang boses niya. “Bahala na lang kayo sa gusto n’yong itawag sa isa’t isa. Sabihin n’yo na lang kung ano ang gusto n’yong itawag sa inyo, I prefer na Blue na lang sa’kin.”

“I prefer to be called, CJ.”

“Sir Alvarez na lang sa’kin. Sanay na kasi ako.”

Nagtinginan ulit sila kay Sadako. Nag-isip naman ito. Tumingin isa-isa kina Alvarez, CJ at Blue.

“Sa’kin, ahm – .” seryoso ang mukha nito habang nag-iisip ulit.

“Ano? May naalala ka na ulit?” maganang tanong ulit ni Blue.

“Sadako. May pagpipilian pa ba ‘ko?”

“Ah.” Silang tatlo naman ang nagsabay-sabay.

Back to walang gana mode uli si Blue.

“Next, pakisarado ng CR kapag gagamit.” Nakatingin siya kay Alvarez.

Natapos ang kanilang meeting ng isang oras. Halos exhausted ang lahat sa mga sinabing rules ni Blue. Hindi niya alam kung matatandaan ba ng mga kasama ang lahat ng ‘yon.

Palabas sila ng bahay nang makarinig sila ng doorbell.

“Hi everyone! Hi Sir Blue,” bati ng bagong dating. Mataba at maputing lalaki ito na nasa trenta ang edad. May suot itong malaking backpack at may bitbit na isang malaking maleta. Inilapag nito ang mga bitbit sa sala. Dumiretso sa kusina at naghanap ng inumin. Matapos lagukin ang isang baso ng malamig na tubig ay umupo na parang sa kanya ang bahay. Feel at home din ito. “Makakasama n’yo ‘ko sa bahay na ‘to simula ngayon. Dito muna ‘ko titira. Ako si Roger, ang road manager ni Sir Blue.”

“Pati ikaw? Anong akala n’yo dito sa bahay ko? Hotel?” protesta ni Blue.

“By the way, Sir Blue, dala ko na ang bagong celebrity van ng kompanya. Hindi na tayo masikip diyan sa kotse mo. Personal Assistant na lang ang kulang, Sir Blue.”

Napatigil sila ulit dahil may nag-doorbell na naman. Si Alvarez ang nagbukas ng gate.

“Magandang umaga po. Oh. Naku! Naku! Blue Sandejas ikaw nga talaga ‘yan? Ang guwapo n’yo naman lalo na sa personal. Ako nga pala ang partner ni PO2 Alvarez. Ako si Jeanette Dimafelis ng Violence Against Women and Children Division.” Kinikilig habang nagpakilala ang babaeng pulis na bagong dating. Tinanggal nito ang sombrero para titigan nang mabuti ang hinahangaang artista. Nakauniporme ito ng kulay asul. Mahaba ang buhok nito na nakapuyod nang maayos. Hindi rin nalalayo ang edad nito kay Alvarez.

“Oh My! Heto at may dumagdag pa!” maktol ni Blue at naunang sumakay ng van.

“Pagpasensiyahan mo na siya. Broken-hearted kasi,” paliwanag ni CJ sa bagong dating.

Sa loob ng itim na van ay tutop ni Blue ang kanyang ulo. Sa tanang buhay niya ngayon lang niya na-experience ang magkaro’n ng sobrang daming tao sa bahay niya. Lagi kasing wala siyang naabutan sa kanilang mansion sa Maynila.

Habang sa loob ay natanaw ni Blue ang katapat na bahay. Two-storey din ito. Sa bintana sa ikalawang palapag ay nakita niyang may nakasilip na lalaki. Nang mapansin nitong may mga tao na palabas sa katapat na bahay ay isinarado nito ang bintana.

 

 

 

 

Related chapters

  • Love is a Horror Story   Haunted

    Standing at 39,000 square meters is the Haunted Kingdom, a theme park located in Bocaue, Bulacan. It is two-hour drive from Quezon City with traffic combined. Pero kung manggagaling sa Pampanga ay 30 minutes lang.Sa harapan pa lang ay matatanaw na ang limang malapalasyong mga istruktura na inspired ng mga kaharian sa iba’t ibang bansa.Sa loob ng mga palasyong ito ay hindi lang mga action figures ang makikita dito kung ‘di mga tao na makatotohanang nananakot sa pamamagitan ng pagko-cosplay ng mga nakakatakot na characters sa pelikula, TV series, anime, libro, manga, webtoon at comics.Ang unang palasyo ay Japanese-inspired, isang replica ng Japanese Imperial Palace. Makikita sa loob ang mga characters na tulad ng mag-ina sa The Grudge, Sadako sa The Ring, mga samurai, ghoul sa Tokyo Ghoul at iba pa.Ang ikalawang palasyo ay Filipino-inspired. Isang mala-kaharian ng engkanto sa gitna ng gubat kung saan makikita ang mga engkanto, kapre, duwende, maligno, aswang, at k

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Ang Ugat

    Habang hinihintay ni Jasper ang doktora ay umupo siya sa isang upuan na madalas niyang ginagamit kapag nandito siya sa opisina nito. Ipinikit niya ang mga mata at isang alaala ang binalikan niya. “Hindi ako natatakot na mamatay, mga anak. Mas natatakot akong maisama kong maibaon ang katotohanan,”pahayag ng isang matandang lalaki. Nakahiga ito sa isang kama ng ospital. Sa tabi nito ay may dalawang taong nakatalikod. Sa kaliwa ay isang babae na hawak ang kamay nito samantalang nasa kanan naman nito ang isang lalaki. Panaka-naka siyang sumisilip sa loob ng kuwarto. Sa kanyang pagtatago sa likod ng pinto ay pinipilit niyang pakinggan nang maigi ang pahina nang pahinang boses ng nakaratay sa kama. Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay nito dahil sa sakit sa baga. Matagal na rin niyang sinusundan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng ama. “Kung gano’n bakit po kayo ang umamin, tay?” tanong ng babae na halatang pinipigil ang pag-iyak dahil sa basag na boses nito.

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Warning Lang

    Di kita malilimutan… Di kita malilimutan…Hinanap ni Blue kung saan nanggagaling ang tugtog. Wala na ngang iba. Sa cellphone niya. Perwisyo ka talaga CJ!Natigilan si Blue nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya. For the past 5 years niya sa pag-aartista ay hindi tumawag ang kanyang ama sa kanya. Matagal nang lumayo ang loob niya dito simula ng pangyayaring ‘yon.“Napatawag ka?” Halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig.“Hmm, about the post sa Facebook mo?” nag-aalinlangang sagot ng Papa niya sa kabilang linya.“Katulad ng sinabi ko sa news, someone hacked my account.”“Gano’n ba. Ikaw, kumusta ka na?”Ramdam ni Blue ang awkwardness sa boses ng ama. “Don’t worry. Matagal ko nang kinalimutan ‘yon. Sige Pa. I need to go. May taping pa kasi ‘ko.”Nagmadali siyang ibaba ang linya kahit narinig niyang parang may gusto pa itong sabihin sa kanya.Totoo naman na may taping siya pero bukas pa ng madaling araw ‘yon. Hindi nga lang kasi siya sanay

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Scared To Death

    Nagpapahangin si Blue sa terrace ng kanyang bagong bahay sa Pampanga. Tinatanaw ang mga puno at ang iba niyang mga kapitbahay sa paligid. Nakita niya na unti-unting lumilitaw ang buwan sa silangang bahagi ng langit na kanina ay natatakpan ng mga burol. Kapag ganitong mag-isa siya ay napakarami ng kanyang iniisip pero ang kadalasang pumapasok sa kanya ay ang mga alaalang kasama niya si Jamie. Lumaki silang magkababata kaya sila ang madalas magkasama, ang madalas magbangayan pero madalas magkakampi. Ngunit nang dumating sa buhay ni Jamie si Raven two years ago ay nagbago ang lahat. Kung kailan nakapag-ipon na siya ng lakas ng loob na umamin sa tootong nararamdaman niya sa dalaga ay siya namang pagdating nito. Minsan hindi niya maintindihan si universe kung bakit palaging ganito ang nangyayari kapag nagbabalak siyang magtapat kay Jamie. Aba sino ba naman ang hindi magtataka. Noong unang sinubukan niya ay noong high school sila. Valentine’s day noon, bibigyan niya dap

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   I Deserve To Know The Truth

    Nakalatag ang mga litrato at ang mga dokumentong nakuha ni Alvarez at Dimafelis sa lamesa ng kanilang opisina. Parehas silang naka-aasign sa Violence Against Women and their Children Division o mas kilala sa tawag na VAWC. So far, ay hindi pa sila makahanap ng impormasyon tungkol kay Sadako. Fingerprint or anything else ay wala pa siyang nakukuha mula sa database ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). Dalawang linggo pa siyang maghihintay dahil sa mga papeles at mga proseso na kailangan pang pagdaanan. Ang pinakamadaling paraan na lang ay bumalik ang alaala nito. Nasa gitna siya ng paghahalungkat ng mga dokumento nang may tumawag sa kanya. “Nag-send ako ng picture sa cellphone mo,” pahayag ng tao sa kabilang linya. Sandali niyang tinanggal sa tainga ang cellphone at tiningnan ang mensahe sa kanya. Isang litratong napakapamilyar sa kanya ang laman ng message. “Yes sir. Ito ang unang kasong nahawakan ko noong nandiyan pa ‘k

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Intersection

    Nagpunta sila Blue, CJ at si Sadako sa isang clinical psychologist na inirekomenda sa kanila ni Dr. Alcantara. Ito ay para ipasuri ang kalagayan ni Sadako rito.“Sonambulism? Ano ‘yon, Doc?” tanong ni CJ. “Sleepwalking. Sleepwakers arise from slow wave sleep stage in a state of low consciousness and perform activities that are usually performed during a state of consciousness.” “Wait. Are we talking in English? I don't understand,” si Blue. “Ganito na lang, Blue. Kapag aware tayo sa kapaligiran at sa ating sarili, we are conscious. Ano ‘yong madalas mong gawin sa bahay?” tanong ng doktora. “Magluto, manood ng TV, mag-picture, just the ordinary,” tugon ng binata. “We are in a state of full consciousness kapag ginagawa natin ‘yan. But in sleepwalkers, nasa low state of consciousness sila pero ginagawa din nila ‘yong mga bagay na madalas nilang gawin,” paliwanag ng clinical psychologist na si Dr. Reyes. Isa itong matandang babae na may clinic sa bayan. “Paano

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Special

    Nagsimula na ang shooting ng pelikula niya kaya mas naging hectic pa ang schedule ni Blue.“Cut! Cut! Cut!” galit na galit na sigaw ni Direk Paul matapos ang eksenang kinukunan si Blue at Julia. “Sino ‘tong nerdy na ‘to na palaging nahahagip ng camera?” Tinuro ng metikulosong director ang mukha ng isang babae sa screen. Si Sadako! Napabuntung-hininga na lang si Blue. As in wala siyang masabi. Definitely a bad idea, CJ.Umiiling-iling pa siya habang inaalala ang pag-uusap nila ni CJ kanina bago sila pumunta sa location ng taping. “Si Sadako na ang kukunin kong PA mo starting today,” deklarasyon ni CJ. “Whaaaat! CJ naman.” “Blue, it’s not a bad idea. We can’t hide her for long. Walang fans, media o paparazzi ang maghihinala tungkol sa pagkatao niya kung ‘yon ang trabaho niya while with us. And besides, payo na rin ng psychologist na bigyan natin siya ng gagawin para bumalik agad ang alaala niya. So it’s a win-win situation for us.” “Paano kung nasa delika

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Summer Rain

    Magdamag ang ulan sa Pampanga kaya naman umapaw ang tubig sa Cagayan River na dumadaan dito. Ang resulta ay maputik na daan. Ipapasok na sana ng driver niya ang sasakyan sa gate nang bumaon ang gulong nito sa lupa sa gutter ng kalsada. Kaya lumabas siya para makagaan sa bigat ng kotse. Tiyempo naman na papalabas ang kanyang kapitbahay kaya tumulong ito na itulak ang sasakyan. “Salamat, pare,” pahayag ni Jasper na nakipagkamay sa tumulong. “Jasper by the way.” “Blue. Diyan ka nakatira sa malaking bahay na ‘yan?” “Oo. Sa amin originally ‘to, pero recently nabawi ko ulit.” “Good for you. Dito naman ako sa kabila.” “Maganda rin naman bahay mo. Minsan, imbitahan kita dito sa bahay. Inuman tayo. May ihawan ako sa rooftop.” “Sige ba. Nice meeting you, pare.” Nagpaalam na ito sa kanya na halatang naka-disguise para hindi ito makilala ng tao. “Mga artista nga naman. Gustong sumikat, pag sumikat naman, ayaw makilala. Tsk. Tsk.” They always say that make y

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Love is a Horror Story   Epilogue

    Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver

  • Love is a Horror Story   Tuldok

    “Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b

  • Love is a Horror Story   The Truth

    “Narito ang pahayag ng chairwoman ng Happy-Go-Family Corporation na si Sophia Buenavidez kanina sa press conference na inihanda nito tungkol sa isyu ng kanilang anak na si Jasper Buenavidez at ang pagkakasangkot nito sa artistang si Blue Sandejas,” pahayag ng reporter sa TV. “I am here in front of you to reveal the truth regarding my son and also the accident twelve years ago. April 19, 2006 when my husband died. We were supposed to celebrate my son’s birthday sa isa sa aming resort sa Bulacan. However, we got involved in a tragic car accident…” Itinigil muna ni Blue ang panonood ng balita sa Facebook nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Alvarez. “Blue, tayo na sa loob,” alok ni Sir Alvarez sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa tainga para marinig niya ang sinasabi nito at sumunod sa pulis. Pagpasok sa loob ng kuwarto ay nakita niyang bumangon agad si Jasper. Pinanlisikan agad sila ng tingin nito. “Anong ginagawa n’yo rito?” agad na tanong nito

  • Love is a Horror Story   Picture! Picture!

    Isang araw bago makalabas ng ospital si Blue ay nagkaroon sila ng kanyang ama ng pagkakataon na mag-usap.“Nagkakilala kayo ni Porsche?” tanong niya sa ama. “Oo. Siya ang nagligtas sa akin no’ng inaatake ako. Magiliw at masayang kausap. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang batang ‘yon sa ‘kin.” Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol kay Porsche samantalang mataman siyang nakikinig habang nakahiga sa kama. “Nagkita rin kami sa emergency room. Nagkuwentuhan kami sa ospital lalo na tungkol sa boss niyang masungit at matatakutin sa multo. Pero kahit daw masungit ang boss niya, alam niyang mabuting tao ito. I really can’t imagine na ikaw pala ang tinutukoy niya.” “Hindi ko alam na ibinuking na pala ‘ko ng babaeng ‘yon?” nasabi niya na ngumiti na rin. “Blue, I’m sorry. For making you hide the truth. I did not know how much of a burden it is to you. I’m proud of you that after all that I’ve done, hindi naging twisted ang personality mo,” seryos

  • Love is a Horror Story   Everything Is According To Plan

    “Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira

  • Love is a Horror Story   Nananaginip Ba Ako

    Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 1

    Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy

  • Love is a Horror Story   Magging Ok Din Ang Lahat

    Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 2

    Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status