Habang hinihintay ni Jasper ang doktora ay umupo siya sa isang upuan na madalas niyang ginagamit kapag nandito siya sa opisina nito. Ipinikit niya ang mga mata at isang alaala ang binalikan niya. “Hindi ako natatakot na mamatay, mga anak. Mas natatakot akong maisama kong maibaon ang katotohanan,”pahayag ng isang matandang lalaki. Nakahiga ito sa isang kama ng ospital. Sa tabi nito ay may dalawang taong nakatalikod. Sa kaliwa ay isang babae na hawak ang kamay nito samantalang nasa kanan naman nito ang isang lalaki. Panaka-naka siyang sumisilip sa loob ng kuwarto. Sa kanyang pagtatago sa likod ng pinto ay pinipilit niyang pakinggan nang maigi ang pahina nang pahinang boses ng nakaratay sa kama. Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay nito dahil sa sakit sa baga. Matagal na rin niyang sinusundan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng ama. “Kung gano’n bakit po kayo ang umamin, tay?” tanong ng babae na halatang pinipigil ang pag-iyak dahil sa basag na boses nito.
Di kita malilimutan… Di kita malilimutan…Hinanap ni Blue kung saan nanggagaling ang tugtog. Wala na ngang iba. Sa cellphone niya. Perwisyo ka talaga CJ!Natigilan si Blue nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya. For the past 5 years niya sa pag-aartista ay hindi tumawag ang kanyang ama sa kanya. Matagal nang lumayo ang loob niya dito simula ng pangyayaring ‘yon.“Napatawag ka?” Halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig.“Hmm, about the post sa Facebook mo?” nag-aalinlangang sagot ng Papa niya sa kabilang linya.“Katulad ng sinabi ko sa news, someone hacked my account.”“Gano’n ba. Ikaw, kumusta ka na?”Ramdam ni Blue ang awkwardness sa boses ng ama. “Don’t worry. Matagal ko nang kinalimutan ‘yon. Sige Pa. I need to go. May taping pa kasi ‘ko.”Nagmadali siyang ibaba ang linya kahit narinig niyang parang may gusto pa itong sabihin sa kanya.Totoo naman na may taping siya pero bukas pa ng madaling araw ‘yon. Hindi nga lang kasi siya sanay
Nagpapahangin si Blue sa terrace ng kanyang bagong bahay sa Pampanga. Tinatanaw ang mga puno at ang iba niyang mga kapitbahay sa paligid. Nakita niya na unti-unting lumilitaw ang buwan sa silangang bahagi ng langit na kanina ay natatakpan ng mga burol. Kapag ganitong mag-isa siya ay napakarami ng kanyang iniisip pero ang kadalasang pumapasok sa kanya ay ang mga alaalang kasama niya si Jamie. Lumaki silang magkababata kaya sila ang madalas magkasama, ang madalas magbangayan pero madalas magkakampi. Ngunit nang dumating sa buhay ni Jamie si Raven two years ago ay nagbago ang lahat. Kung kailan nakapag-ipon na siya ng lakas ng loob na umamin sa tootong nararamdaman niya sa dalaga ay siya namang pagdating nito. Minsan hindi niya maintindihan si universe kung bakit palaging ganito ang nangyayari kapag nagbabalak siyang magtapat kay Jamie. Aba sino ba naman ang hindi magtataka. Noong unang sinubukan niya ay noong high school sila. Valentine’s day noon, bibigyan niya dap
Nakalatag ang mga litrato at ang mga dokumentong nakuha ni Alvarez at Dimafelis sa lamesa ng kanilang opisina. Parehas silang naka-aasign sa Violence Against Women and their Children Division o mas kilala sa tawag na VAWC. So far, ay hindi pa sila makahanap ng impormasyon tungkol kay Sadako. Fingerprint or anything else ay wala pa siyang nakukuha mula sa database ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). Dalawang linggo pa siyang maghihintay dahil sa mga papeles at mga proseso na kailangan pang pagdaanan. Ang pinakamadaling paraan na lang ay bumalik ang alaala nito. Nasa gitna siya ng paghahalungkat ng mga dokumento nang may tumawag sa kanya. “Nag-send ako ng picture sa cellphone mo,” pahayag ng tao sa kabilang linya. Sandali niyang tinanggal sa tainga ang cellphone at tiningnan ang mensahe sa kanya. Isang litratong napakapamilyar sa kanya ang laman ng message. “Yes sir. Ito ang unang kasong nahawakan ko noong nandiyan pa ‘k
Nagpunta sila Blue, CJ at si Sadako sa isang clinical psychologist na inirekomenda sa kanila ni Dr. Alcantara. Ito ay para ipasuri ang kalagayan ni Sadako rito.“Sonambulism? Ano ‘yon, Doc?” tanong ni CJ. “Sleepwalking. Sleepwakers arise from slow wave sleep stage in a state of low consciousness and perform activities that are usually performed during a state of consciousness.” “Wait. Are we talking in English? I don't understand,” si Blue. “Ganito na lang, Blue. Kapag aware tayo sa kapaligiran at sa ating sarili, we are conscious. Ano ‘yong madalas mong gawin sa bahay?” tanong ng doktora. “Magluto, manood ng TV, mag-picture, just the ordinary,” tugon ng binata. “We are in a state of full consciousness kapag ginagawa natin ‘yan. But in sleepwalkers, nasa low state of consciousness sila pero ginagawa din nila ‘yong mga bagay na madalas nilang gawin,” paliwanag ng clinical psychologist na si Dr. Reyes. Isa itong matandang babae na may clinic sa bayan. “Paano
Nagsimula na ang shooting ng pelikula niya kaya mas naging hectic pa ang schedule ni Blue.“Cut! Cut! Cut!” galit na galit na sigaw ni Direk Paul matapos ang eksenang kinukunan si Blue at Julia. “Sino ‘tong nerdy na ‘to na palaging nahahagip ng camera?” Tinuro ng metikulosong director ang mukha ng isang babae sa screen. Si Sadako! Napabuntung-hininga na lang si Blue. As in wala siyang masabi. Definitely a bad idea, CJ.Umiiling-iling pa siya habang inaalala ang pag-uusap nila ni CJ kanina bago sila pumunta sa location ng taping. “Si Sadako na ang kukunin kong PA mo starting today,” deklarasyon ni CJ. “Whaaaat! CJ naman.” “Blue, it’s not a bad idea. We can’t hide her for long. Walang fans, media o paparazzi ang maghihinala tungkol sa pagkatao niya kung ‘yon ang trabaho niya while with us. And besides, payo na rin ng psychologist na bigyan natin siya ng gagawin para bumalik agad ang alaala niya. So it’s a win-win situation for us.” “Paano kung nasa delika
Magdamag ang ulan sa Pampanga kaya naman umapaw ang tubig sa Cagayan River na dumadaan dito. Ang resulta ay maputik na daan. Ipapasok na sana ng driver niya ang sasakyan sa gate nang bumaon ang gulong nito sa lupa sa gutter ng kalsada. Kaya lumabas siya para makagaan sa bigat ng kotse. Tiyempo naman na papalabas ang kanyang kapitbahay kaya tumulong ito na itulak ang sasakyan. “Salamat, pare,” pahayag ni Jasper na nakipagkamay sa tumulong. “Jasper by the way.” “Blue. Diyan ka nakatira sa malaking bahay na ‘yan?” “Oo. Sa amin originally ‘to, pero recently nabawi ko ulit.” “Good for you. Dito naman ako sa kabila.” “Maganda rin naman bahay mo. Minsan, imbitahan kita dito sa bahay. Inuman tayo. May ihawan ako sa rooftop.” “Sige ba. Nice meeting you, pare.” Nagpaalam na ito sa kanya na halatang naka-disguise para hindi ito makilala ng tao. “Mga artista nga naman. Gustong sumikat, pag sumikat naman, ayaw makilala. Tsk. Tsk.” They always say that make y
Isang pamilyar na boses ang kanyang naririnig. Mas natatakot akong mabaon ang katotohanan. Napakapamilyar nito ngunit hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito. Paulit-ulit. Pahina nang pahina ang boses hanggang sa naglaho sa kawalan. “Miss! Miss!” Naalimpungatan siya. Iminulat ang mga mata at tiningnan niya ang tumatapik sa kanyang braso. Isang security guard pala. Inilibot ni Sadako ang paningin sa paligid. Nasa loob siya ng mataas na building malapit sa MRT station dahil kitang-kita mula sa kanyang kinalalagyan ang mga bagon. Ito ang 14th floor ng ELF Building. Ang 14th floor ang tinaguriang floor ng mga executives ng TVN, short for TV Natin, isang malaking TV network ng Pilipinas. Nakatulog na pala siya sa waiting area. Nasa loob ng isa sa mga executive rooms sina CJ at Blue para sa meeting ng bagong drama na ginagawa nito para sa artista na isusunod sa slot ng primetime show “Ang Probinsiyana” kapag nagwakas na ito. “Hindi ka puwed
Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver
“Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b
“Narito ang pahayag ng chairwoman ng Happy-Go-Family Corporation na si Sophia Buenavidez kanina sa press conference na inihanda nito tungkol sa isyu ng kanilang anak na si Jasper Buenavidez at ang pagkakasangkot nito sa artistang si Blue Sandejas,” pahayag ng reporter sa TV. “I am here in front of you to reveal the truth regarding my son and also the accident twelve years ago. April 19, 2006 when my husband died. We were supposed to celebrate my son’s birthday sa isa sa aming resort sa Bulacan. However, we got involved in a tragic car accident…” Itinigil muna ni Blue ang panonood ng balita sa Facebook nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Alvarez. “Blue, tayo na sa loob,” alok ni Sir Alvarez sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa tainga para marinig niya ang sinasabi nito at sumunod sa pulis. Pagpasok sa loob ng kuwarto ay nakita niyang bumangon agad si Jasper. Pinanlisikan agad sila ng tingin nito. “Anong ginagawa n’yo rito?” agad na tanong nito
Isang araw bago makalabas ng ospital si Blue ay nagkaroon sila ng kanyang ama ng pagkakataon na mag-usap.“Nagkakilala kayo ni Porsche?” tanong niya sa ama. “Oo. Siya ang nagligtas sa akin no’ng inaatake ako. Magiliw at masayang kausap. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang batang ‘yon sa ‘kin.” Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol kay Porsche samantalang mataman siyang nakikinig habang nakahiga sa kama. “Nagkita rin kami sa emergency room. Nagkuwentuhan kami sa ospital lalo na tungkol sa boss niyang masungit at matatakutin sa multo. Pero kahit daw masungit ang boss niya, alam niyang mabuting tao ito. I really can’t imagine na ikaw pala ang tinutukoy niya.” “Hindi ko alam na ibinuking na pala ‘ko ng babaeng ‘yon?” nasabi niya na ngumiti na rin. “Blue, I’m sorry. For making you hide the truth. I did not know how much of a burden it is to you. I’m proud of you that after all that I’ve done, hindi naging twisted ang personality mo,” seryos
“Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira
Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba
Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy
Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”
Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo