Home / All / Love is a Horror Story / I wished Iam That Someone Else

Share

I wished Iam That Someone Else

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:31
 

 

Kinukuha na ba ako ni Lord? Ito ang nasa isip niya habang pinapakinggan ang musika na karaniwan niyang napapakinggan sa simbahan. Isang himig na tila ba may aparisyon na nagaganap at humihila sa kanya papunta sa liwanag na kanyang natatanaw.

Pinuntahan niya ang pinanggagalingan ng liwanag na iyon. Pero sa halip na anghel ang kanyang makita ay ang mukha ng kanyang pinsang talent manager na tumatawa nang malakas na animo’y isang demonyita.

Bigla siyang bangon. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang musikang kanina pa niya naririnig na tumutugtog. Napabuntung-hininga siya nang makita ang pinagmumulan nito. Ang cellphone niya. Pinalitan na naman ng talent manager niya ang ringtone nito. Kaya pala nanghiram ito kahapon at pati sa panaginip, este, bangungot niya ay ginugulo siya nito sa pang-aasar.

“Hello?” pagbati niya nang pinindot ang receive icon ng smartphone niya.

“Anong hello, hello ka diyan. Nakalimutan mo na ba kung ano’ng araw ngayon?” halos pasigaw na sagot ng kausap sa kabilang linya.

“I’m sorry. Late na ‘ko nakatulog kagabi.” Sa totoo lang hindi siya makatulog at nang dinalaw na siya ng antok ay umaga na. “Papunta na ‘ko diyan. Mabilis lang ako.”

“Sige. ‘Wag na ‘wag kang mawawala sa araw na ‘to ah kung hindi I will hate you forever,” paalala sa kanya ni Jamie.

“I promise,” pilit niyang pinasigla ang boses at tumawa.

Pagkatapos ibaba ang telepono ay bumalik sa dating lungkot ang mga mata at labi niya.

Oo na. Isa siyang masokista. Ang babaeng una niyang minahal, ang kababata, ang kanyang superhero at ang mentor niya ay ikakasal na pero hindi sa kanya. At heto siya, dadalo pa ng kasal nito.

Hindi siya isang santo. Mas lalong hindi rin siya isang anghel na nalaglag dito sa lupa. Pero siya ang tinaguriang “Pambansang Good Boy ng Pilipinas”, “Nation’s Second Leading Man”, “Pambansang Bestfriend”, “Friendzone Expert” at iba pa. In short, pambansang thirdwheel.

Miyembro siya dati ng boy group na sumasayaw at kumakanta sa mga variety shows tulad ng ‘Eat Showtime’. Pero nang ma-discover siya sa kanyang pag-arte bilang supporting actor sa isang drama ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang career bilang artista.

Sumikat siya sa kanyang mga role na good boy sa mga pelikula at teleserye kung saan siya gumanap. Siya ‘yong mabait, gentleman at understanding na palaging nandiyan para sa bida pero hindi nga lang siya ang pinipili ng heroine sa huli. Ang kadalasang pinipili nila ay ‘yong bad boy, gangster at suplado pero medyo bastos na lalaki. Lalo pa siyang sumikat sa kanyang mga bansag dahil sa pinakahuli niyang teleserye na Filipino remake ng Boys Over Flowers at siya ang gumanap ng role ni Yoon Ji Hoo, ang bestfriend ng bidang lalaki na si Goo Jun Pyo sa F4. Nagtataka siya sa ibang mga babae kung bakit mas pinipili nila ang bad boy eh may lalaki namang katulad niya na nag-e-exist.

Napabuntung-hininga siya habang nakatingin sa unahan. Ilang segundo pa bago ang green light. Lumingon siya sa isang billboard na nakalagay sa ilalim ng MRT station. May nakita siyang babae sa larawan na nakaupo at nakatungo. Binasa niya ang nakasulat sa itaas ng ulo nito. Isang sikat na beauty clinic pala ito.

“The hardest thing in life is to see the one you love, love someone else. Sa SOMEBODY CLINIC hindi na siya maghahanap pa ng someone else.”

“Tsk… Grabe makahugot ang mga advertisements ngayon. Sino ba nagpauso ng kasabihan na yan nakiuso pa sa pagmo-moment ko. I wished I am that someone else for her but I am not.”

Ang totoong buhay niya ay hindi nalalayo sa mga kuwento ng mga pelikula at teleseryeng ginawa niya. Katulad ngayon na hindi siya pinili ni Jamie na pakasalan.

Hindi lang sa career at love kung ‘di pati sa pamilya. Pangalawang anak siya sa magkakapatid, option na nga sa pagmamahal pati rin sa kanyang pamilya. Hindi niya naramadaman na naging priority siya sa kanyang buhay kaya siya nag-artista.

Tinanggal niya ang butones sa leeg ng pang-ilalim na puting polo. Para kasing nagsikip ang pakiramdam niya. Tiningnan niya rin ang sarili sa salamin. Kung sa looks naman ang pagbabasehan ay baka mahiya sa kanya si Paulo Avelino lalo ngayon na nakasuot siya ng suit. Sa taglay niyang tangkad, tikas at porma ay sino ba naman ang hindi mapapalingon sa kanya. Sabi pa ng mga tao sa kanya ay talented at good looking na, mabait pa. Naalala pa niyang may isang nag-confess sa kanya sa campus no’ng nag-aaral pa siya pero tinanggihan niya ito dahil si Jamie ang matagal nang tinitibok ng puso niya.

Agad naman siyang nakarating sa venue ng garden wedding. Nakipagkamay siya sa groom-to-be na si Raven.

“Congratulations,” pagbati niya pagbungad niya sa ikakasal.

Niyakap naman siya ni Jamie. Sa una ay hindi siya yumakap pero nang marinig na parang humikbi si Jamie ay gumanti siya ng yakap dito. Ito ang kanyang one last hug bilang paalam sa kanyang first love at katapusan sa kanyang unrequitted love. Kasabay ng pagkawala niya sa yakap ni Jamie ay ang pamamaalam niya sa natitirang pag-asa niya rito.

Pagkatapos ng seremonya ay umalis na siya.

Kasabay ng pagtalikod niya sa kanyang unang pag-ibig ay siya namang simula ng pangakong pagbabago niya sa kanyang sarili. Kung kailangan magpaka-bad boy siya ay gagawin niya. Gusto rin naman niyang maramdaman na siya ang first choice, ang priority at first sa lahat. Sa bawat hakbang na ginawa niya palayo ay bitbit ang takot at pag-aalinlangan ng pagsisimulang muli.

Sa Bulacan ang susunod na shooting ng kanyang pelikula na ipapalabas sa November. Tamang-tama dahil malapit ito sa pinatayo niyang bahay sa Pampanga na konting finishing touch na lang ang kulang. Napagdesisyunan niyang lumipat na kaagad dito. Malaking proyekto ito na hatid ng Scar Cinema na ibinigay sa kanya bilang kauna-unahan niyang pagbibida kaya gagawin niya ang lahat para hindi mabalewala ang big break na matagal na niyang inaasam.

Halos dalawang oras rin siyang bumiyahe. Sa wakas nakalabas na rin siya ng expressway. Paglagpas niya sa NLEX ay sariwang hangin at maraming puno ang sumalubong sa kanya sa Pampanga. Lumiko siya sa isang themed park at natanaw ang location ng kanyang panibagong bahay.

Excuse man kung matatawag ito pero mas hindi siya masasaktan kung lalayo siya. Kailangan niya ngayon ang mapag-isa.

Two-storey ang bahay. Nakakaaliw ang disenyo nito na may modern at futuristic concept. Sa loob ay may isang maliit na garden na nasisikatan ng araw dahil fiber glass ang bubong sa bandang iyon. Black and white ang interior pero ang mga gamit ay mga kulay lang na blue, green at mint green ang makikita. Puti ang lahat ng sulok ng bahay maliban sa itim ang tiles na sahig at ang ibang mga furniture. Presko sa mata. Tamang-tama sa minimal design at detalye na ibinigay niya.

Lumabas siya ng kuwarto papuntang terrace kung saan paglabas ng sliding window ay makikita na ang labas. Mula sa labas ay mistulang isang 2x2 cube ito na puti ang pintura pero itim naman ang kulay ng linya at bawat kanto. Ang terrace ay DNA ang hitsura nito, ‘yong parang isang twisted na hagdan. Tanaw niya mula sa terrace ang mga ilaw na nagmumula sa mga katabing bahay.

Simula nang magkaroon siya ng mga projects, pelikula, drama, commercials, at endorsements ay ito na ang pinaglaanan niya. Matagal na niyang gustong bumukod pero madalas pinipigilan siya ng kanyang ina with matching tears and heart attack moment kunwari pero ngayon ay hindi na siya nagpapigil pa. Mabuti na lang na nasa abroad ito at ang kuya niya for business trip. Hindi niya ipinaalam sa kanila lalo na sa ama na bubukod na siya.

Humugot siya ng malalim na buntung-hininga habang hawak ang canned beer sa kanyang kamay. Hindi niya alam kung paano niya pa magagawang magmahal ulit kung ganoon na katindi ang ibinuhos niya para kay Jamie.

Let it go? Move on? Tsk. Sa kanta at pelikula lang nangyayari ang mga iyon but in reality, it was, is and will never be that easy.

Inilibot niya ang paningin. Nasa gitna siya ng pag-iisip nang marinig ang nakakaasar na ringtone ng kanyang cellphone na parang kinukuha na siya ng Maykapal. Ang pinsan niyang talent manager ang tumatawag.

This ringtone is really…

“Hello!” sigaw niya sa kausap.

“Hello, Blue. Nakalipat ka na ba?” aniya sa kabilang linya.

“Oo!” sagot niya na sinabayan ng malalim na bunting-hininga.

“Hmm… Buti naman. Teka, bakit parang mainit yata ulo mo? Naka-rising intonation ka ngayon. Dahil ba nakita mong ikinakasal si Jamie?”

“Hindi ‘yon! Itong ringtone! Sinabi ko nang ‘wag mong pinapalitan ang ringtone ko. Last time haringking, and now–. CJ naman.” Hindi na niya itinuloy dahil narinig niya ang lakas ng tawa nito sa kabilang linya.

“Ah ‘yan ba? Nagustuhan mo ba?” sagot ni CJ na talaga namang sinamahan pa ng malutong na halakhak.

“Please Crystal Jade, stop it.”

Hindi niya alam kung tumutulong ba sa kanya ang pinsan na maka-move on siya kung ganitong pamemerwisyo ang ginagawa nito.

“Di ko maipapangako ‘yan. By the way, let’s go back to business. Pumunta ka dito ngayon sa location. Na-resched ngayon ang look test na dapat bukas. May meeting kasi si Direk sa FDCP. Bilisan mo lang kasi may mga cast nang dumating dito.”

“Ok. I’ll be there. 30 minutes will do.”

Agad naman niyang pinuntahan ang location ng shoot. Ang kagandahan dito sa probinsiya ay walang gaanong traffic.

Nagtilian ang mga tao pagbaba niya sa sasakyan. Meron pang mga nagpapa-autograph sa kanya. Sinalubong naman siya ng manager niya at humarang sa mga babeng nagkakagulo sa kanya.

“Girls, girls, maya na muna ‘yan. May importante pa kasi kaming gagawin. Pasensiya na.” Kinurdonan na nito ang pinsan.

Pumasok silang dalawa sa tent ng director.

“Blue, it’s good that you’re here. Hindi ako makapili sa dalawang ‘to.” Itinuro ng direktor ang dalawang 3r picture sa lamesa.

Sa totoo lang, wala naman sa kanyang problema kung sino ang magiging leading lady niya. Professionals naman lahat ng nagiging katrabaho. Basta maipakita sa camera ang dapat ipakita base sa script at gusto ng director. Besides, ganoon naman talaga ang mga artista.

Tiningnan naman niya ang mga nasa picture. Magkaiba ang personalidad ng dalawang nasa picture pero ang nakatawag ng atensyon sa kanya ang picture ng isang babae na mahaba ang buhok na napakainosenteng tingnan pero may itinatagong tapang. Kahawig ni Jamie.

“Let’s try kung sino ang babagay sa iyo.” Inutusan ni Direk ang PA nito at agad namang sumunod at tinawag ang dalawang aplikante. Lumabas naman ang dalawa mula sa isang tent at lumapit sa kanila. “Tumabi ka sa kanila si Blue.”

Sumunod naman ang binata. “Hi! I’m Blue,” agad na nilahad ang kamay sa unang nilapitan.

“I’m Janelle,” pagpapakilala ng isa. Nakikita lang niya ito sa TV. Maganda talaga siya sa personal.

“Yeah. I know you. Janelle Salvatori, right?”

Ngumiti ito sa kanya at tumango.

Bumaling siya sa katabi nito. “I’m Dories Day. Nice to meet you”, pagpapakilala nito. Unfamiliar sa kanya ang pangalan nito pero ang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Napakunot ang noo niya at nag-isip kung kilala ba niya ito. “Sorry, nakalimutan ko. Tawagin mo na lang akong Julia Cortes.”

May naalala siya bigla.

“Ako nga pala si Maria Jamaica. Tawagin mo na lang akong Jamie. Ikaw? Anong pangalan mo?”

Ipinilig niya ang kanyang ulo.

Jamie… Naalala ko na naman siya.

Ibinaling niya ang atensiyon sa bagong kakilala. “Ah… Ikaw ang kontrabida ng Doble Asintado. Nice to meet you too.”

“Ok. Ladies, isa-isa kayong yumakap kay Blue na parang mahal na mahal n’yo siya. Backhug scene ang gusto ko. Bigyan n’yo ‘ko ng emotions na ikamamatay n’yo kapag nawala siya, ‘yong hindi n’yo kakayaning mabuhay ‘pag hindi n’yo siya kasama. Yun ang kailangan kong shot,” utos ng director. “Understood?”

“Yes, Direk.” Halos sabay pang sagot ng dalawang artista.

“Ikaw muna, Janelle.”

“Ok po Direk.”

Tumayo si Blue sa harap ng camera. Pinapakiramdaman na unti-unting yumakap sa kanya si Janelle. Sa totoo lang ay dapat masanay na siya na ginagawa niya ang mga ‘yon pero sa ngayon ay parang hindi siya gaanong komportable sa yakap mula sa isang babae dahil nagpapaalala ito sa kanya ng one last hug niya kay Jamie kanina.

“Ok. It’s enough. Next is Julia.”

“S-sige po.” Naglakad ito palapit sa kanya ngunit dahil sa sobrang kabang nararamdaman ay natapilok ang dalaga at sumubsob na naging sanhi ng pagkawala nila ng balanse.

Nadaganan siya nito habang nakadapa siya. Agad itong tumayo.

“Ok ka lang ba? Sorry Blue ha,” inilihad nito ang kamay sa kanya. “Kinakabahan kasi ako.”

Bigla na namang may naalala si Blue.

“OK ka lang ba?” inilahad nito ang kamay sa kanya.

Umiiyak ang batang si Blue nang maramdaman ang sugat sa kanyang tuhod.

“Lagi ka talagang pagtitripan ng mga kaklase mo kapag iyakin ka. Ako nga pala si Maria Jamaica. Tawagin mo na lang akong Jamie. Bata, anong pangalan mo?”

Natawa si Blue sa pangalan ng bagong kakilala.

“Pinagtatawanan mo ba pangalan ko? Ayos ka ah, kanina lang umiiyak ka tapos ngayon tumatawa na.”

“Makaluma naman kasi pangalan mo. Ako si Blue Sandejas.”

“Kayo ang bagong lipat doon sa katabi naming bahay, di ba?”

“Oo.”

“Ilang taon ka na?”

“Seven.”

“Aba, mas matanda ako sayo ng dalawang taon. Ate dapat itawag mo sa’kin. Sabihin mo lang sa’kin kapag inaway ka ulit nila.”

Ipinilig ni Blue ang kanyang ulo at ibinalik ang isip sa kasalukuyan.

Si Jamie ulit.

“I’m ok.” Tinanggihan niya ang kamay ni Julia.

Nilapitan sila ni CJ. “Uy, Ok ka lang?”

“Yeah. Let’s start.” Inayos niya ang nagusot na damit.

“Julia, Ok ka na?” tanong ni Direk na nanonood sa kanila.

“Ok na po. Sorry Direk. Ninerbiyos kasi ako bigla pero ngayon wala na.”

“Ok, Ready, Action!” utos ng batikang director.

“Mahal kita,” nasambit ng babae habang niyakap si Blue na punung-puno ng emosyon.

Nagulat siya nang maramdaman nito ang hininga sa likod niya.

“Cut! Good.” Agad na humiwalay ang dalaga kay Blue pagkarinig sa boses ni Direk Paul. Pulang-pula ang mukha nito. “Tatawagan ko na lang ang mga manager n’yo kung ano ang magiging role n’yo sa movie, schedule ng shoot para sa poster and sa script reading. Thank you, ladies. Bye.”

Nang umalis na ang ibang mga casts ay naiwan si Blue kasama ni Direk Paul at ng mga writers.

“Sa tingin ko bagay si Julia na leading lady mo. May chemistry kayong dalawa eh. Pero maganda rin ang rehistro n’yong dalawa ni Janelle sa camera kaya kukunin ko din siya bilang ka-love triangle,” pahayag ni Direk Paul sa harap ng mga writers.

Tahimik na nakinig si Blue sa kanila na nag-uusap usap habang tinitingnan ang litrato ng casting. Nang matapos ang meeting ay nakangiti siyang nagpaalam. Ngiting hindi abot sa kanyang mga mata.

Ilang kilometro mula sa kanyang kinaroroonan ay may isang taong nakamasid at panaka-nakang kumukuha ng litrato ni Blue.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

  • Love is a Horror Story   Friday The 13th Ba Ngayon?

    Multo?Biglang preno si Blue sa kanyang gray na Honda civic. May nakita kasi siyang babae sa harapan pero sa isang iglap ay nawala ito. Bumaba siya ng sasakyan. Nanindig ang balahibo niya pagkakita sa babaeng nakahandusay sa harapan nito. Unti-unti niyang nilapitan ang nakadapang babae. Napalunok muna siya bago hinawakan ito. Tao nga. Nabangga ko ba siya? “Miss?” Sabay dutdut ng mukha nito na parang nadidiri o natatakot. “Miss… Gising…”Walang reaksyon. Dutdut... Wala pa din. Pinaharap niya ito at inangat ang katawan nito. Pinakiramdaman niya muna ang ilong nito kung humihinga pa. Buhay pa! Lumingon siya sa paligid. Walang katao-tao doon dahil papaliko pa lang siya papunta sa highway. Mabilis siyang nagdesisyon. Sa kanyang pagbuhat sa babae ay siya namang paglaglag ng suot niyang relo na birthday gift sa kanya ni Jamie nitong taon. Sa ospital na inabutan ng hapunan si Blue. Tiningnan niya kung anong oras na sa relo niya pero saka niya lang napansin na w

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   The Stage Is Set

    Siya ang tinaguriang “The Wonderland King ng Pilipinas” dahil siya ang CEO ng HAPPY-GO-FAMILY Corp., isang kompanya na binubuo ng limampung theme park-resort. Aqualand, Sand Palace, Blue Island at Haunted Kingdom-iilan lang ito sa theme park-resort na pag-aari niya na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga at sa iba pang probinsiya ng Pilipinas.Two kilometers away from Haunted Kingdom is the main office of the Happy-Go-Family Corp. in Pampanga. Ang nasabing kompanya ay may tagline na “Gusto ko happy ka kasama ng iyong pamilya” na makikita sa mga TV at print advertisements. Layunin ng kompanya na maging masaya ang bawat pamilyang Pilipino sa pinakamahahalagang araw ng kanilang buhay kaya nilikha ng ama niya ang kompanyang ito.Sa malawak na CEO’s office, naroon ang models ng bawat theme park-resort na mistulang diorama na nagsama-sama. Bawat detalye ay carefully crafted at may mga collection siya ng limited action figures ng mg

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   You Have To Take Responsibility

    “Ang gara naman. Galing sa sasakyan ang pangalan n’yong magkapatid.”Manghang-mangha ang kausap niyang binatilyo. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti.“Mahilig kasi si Tatay sa sasakyan,”nahihiya niyang pahayag habang abala siya sa pagkalikot ng motorsiklo ng tatay niya. “Halata nga. Sobra ang pag-aalaga niya sa mga sasakyan namin.” “Marunong ka magmaneho ng kotse?”“Hindi. Motor lang.”“Wag mong sabihing ito?” Itinuro ng binatiyo ang motorsiklong nakaparada katabi ng kotse. Tango ang isinagot niya.“Hindi ko alam magpatakbo ng motor. Kotse pa lang alam kong imaneho.”“Wow. Ang galing mo naman. Ilang taon ka na?” Nakuha nito ang curiosity ng dalagita.“14.”“14 ka pa lang pero marunong ka na magdrive.”“Ikaw nga, magrunong magmotor. Ako, hindi ko natutuhan ‘yan eh. Sige nga, ipakita mo sa’kin kung kaya mong paandarin.”“Sige ba. Gusto mo karera pa tayong dalawa eh.”Pinaandar ng dalagita ang motorsiklo, sa binatilyo naman ang kotse.Naunang tumatakbo n

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Gusto Kong Mapag – Isa!

    After exhausting 3 days and 2 nights ay nakapagpahinga na rin sa wakas si Blue. Maginhawa ang pakiramdam niya na nagising at maghanda para sa schedule ng script reading ng pelikula. It’s nice to be back home.Kinuha niya ang tuwalya at bumaba para maligo. Humihikab pa siyang pumasok sa banyo pero… “Aaah!…” Muntik na siyang matumba buti na lang ay nasalo siya ni Alvarez. But in a very very familiar pose. Iyong pose na naalala niya na karaniwang eksena sa mga pelikula na nakahawak si leading man sa baywang ng niligtas na leading lady in an erotic and slow motion. Ang problema ay nasa posisyon siya ng leading lady! AWKWARD! Tumuwid agad siya ng tayo. Grabe ang gulat niya kay PO2 Napoleon Alvarez na puno ng shaving cream ang mukha at nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibaba. “Sir, sa susunod pakilock naman ng pintuan,” gigil niyang paalala. “Sorry, Sir Blue.” Lumabas siya uli. Siya namang paglitaw ng isang babae sa harapan niya na magulo ang buhok at nak

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Haunted

    Standing at 39,000 square meters is the Haunted Kingdom, a theme park located in Bocaue, Bulacan. It is two-hour drive from Quezon City with traffic combined. Pero kung manggagaling sa Pampanga ay 30 minutes lang.Sa harapan pa lang ay matatanaw na ang limang malapalasyong mga istruktura na inspired ng mga kaharian sa iba’t ibang bansa.Sa loob ng mga palasyong ito ay hindi lang mga action figures ang makikita dito kung ‘di mga tao na makatotohanang nananakot sa pamamagitan ng pagko-cosplay ng mga nakakatakot na characters sa pelikula, TV series, anime, libro, manga, webtoon at comics.Ang unang palasyo ay Japanese-inspired, isang replica ng Japanese Imperial Palace. Makikita sa loob ang mga characters na tulad ng mag-ina sa The Grudge, Sadako sa The Ring, mga samurai, ghoul sa Tokyo Ghoul at iba pa.Ang ikalawang palasyo ay Filipino-inspired. Isang mala-kaharian ng engkanto sa gitna ng gubat kung saan makikita ang mga engkanto, kapre, duwende, maligno, aswang, at k

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Ang Ugat

    Habang hinihintay ni Jasper ang doktora ay umupo siya sa isang upuan na madalas niyang ginagamit kapag nandito siya sa opisina nito. Ipinikit niya ang mga mata at isang alaala ang binalikan niya. “Hindi ako natatakot na mamatay, mga anak. Mas natatakot akong maisama kong maibaon ang katotohanan,”pahayag ng isang matandang lalaki. Nakahiga ito sa isang kama ng ospital. Sa tabi nito ay may dalawang taong nakatalikod. Sa kaliwa ay isang babae na hawak ang kamay nito samantalang nasa kanan naman nito ang isang lalaki. Panaka-naka siyang sumisilip sa loob ng kuwarto. Sa kanyang pagtatago sa likod ng pinto ay pinipilit niyang pakinggan nang maigi ang pahina nang pahinang boses ng nakaratay sa kama. Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay nito dahil sa sakit sa baga. Matagal na rin niyang sinusundan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng ama. “Kung gano’n bakit po kayo ang umamin, tay?” tanong ng babae na halatang pinipigil ang pag-iyak dahil sa basag na boses nito.

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Warning Lang

    Di kita malilimutan… Di kita malilimutan…Hinanap ni Blue kung saan nanggagaling ang tugtog. Wala na ngang iba. Sa cellphone niya. Perwisyo ka talaga CJ!Natigilan si Blue nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya. For the past 5 years niya sa pag-aartista ay hindi tumawag ang kanyang ama sa kanya. Matagal nang lumayo ang loob niya dito simula ng pangyayaring ‘yon.“Napatawag ka?” Halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig.“Hmm, about the post sa Facebook mo?” nag-aalinlangang sagot ng Papa niya sa kabilang linya.“Katulad ng sinabi ko sa news, someone hacked my account.”“Gano’n ba. Ikaw, kumusta ka na?”Ramdam ni Blue ang awkwardness sa boses ng ama. “Don’t worry. Matagal ko nang kinalimutan ‘yon. Sige Pa. I need to go. May taping pa kasi ‘ko.”Nagmadali siyang ibaba ang linya kahit narinig niyang parang may gusto pa itong sabihin sa kanya.Totoo naman na may taping siya pero bukas pa ng madaling araw ‘yon. Hindi nga lang kasi siya sanay

    Last Updated : 2021-07-12
  • Love is a Horror Story   Scared To Death

    Nagpapahangin si Blue sa terrace ng kanyang bagong bahay sa Pampanga. Tinatanaw ang mga puno at ang iba niyang mga kapitbahay sa paligid. Nakita niya na unti-unting lumilitaw ang buwan sa silangang bahagi ng langit na kanina ay natatakpan ng mga burol. Kapag ganitong mag-isa siya ay napakarami ng kanyang iniisip pero ang kadalasang pumapasok sa kanya ay ang mga alaalang kasama niya si Jamie. Lumaki silang magkababata kaya sila ang madalas magkasama, ang madalas magbangayan pero madalas magkakampi. Ngunit nang dumating sa buhay ni Jamie si Raven two years ago ay nagbago ang lahat. Kung kailan nakapag-ipon na siya ng lakas ng loob na umamin sa tootong nararamdaman niya sa dalaga ay siya namang pagdating nito. Minsan hindi niya maintindihan si universe kung bakit palaging ganito ang nangyayari kapag nagbabalak siyang magtapat kay Jamie. Aba sino ba naman ang hindi magtataka. Noong unang sinubukan niya ay noong high school sila. Valentine’s day noon, bibigyan niya dap

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Love is a Horror Story   Epilogue

    Nakaupo silang dalawa ni Porsche na magkaharap sa garden ng kanyang bahay sa ikalawang palapag. Abalang-abala ang kaharap niya sa pagbabasa ng script ng bago niyang pelikula samantalang hawak naman ni Blue ang isang motorsiklong laruan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano niya nakuha ito. Napangiti siya habang inaalala ang pangyayaring iyon na tinawag niyang una nilang pagkikita… “Akin ‘tong laruan na ‘to,” sabi ng batang si Blue. “Anong sa’yo. Sige ka, kapag kinuha mo ‘yang laruan kong motor, hindi ko na rin ibabalik sa’yo ‘tong laruan mong kotse,” sagot sa kanya ng isang batang babaeng nakasumbrero at nakasuot ng panlalaking damit. “Akin din, yan!” sigaw niya rito. Sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ng kalaro. “Ang kulit mong bata ka, mas matanda ako sayo ah.” “Isusumbong kita sa Papa ko na inagaw mo ang laruan kong kotse.” “Eh di magsumbong ka. Akin na ‘to. Belat!” “Porsche, halika na. Uuwi na tayo,” tawag ng matandang driver

  • Love is a Horror Story   Tuldok

    “Ang buhay ay hindi naman palaging umuulan. Minsan naman ay makulimlim, minsan naman may araw. Hinahayaan ng Diyos na maulanan tayo paminsan minsan dahil alam niyang pagkatapos ng ulan ay magiging mas malakas ang resistensiya natin mula sa mga sakit. Minsan hindi natin kailangan ng payong kapag umuulan kung ‘di ng taong sasamahan tayo kahit pa sa lamig na dala ng ulan.” Ito ang narration ng huling parte ng pelikula ni Blue habang hinahagod niya ang mahaba at malambot na buhok ng kapareha. Naglakbay ang kamay niya patungo sa pisngi nito. Hinawakan ang malambot na labi habang magkausap ang kanilang mga mata. Paunti-unti ay naglalapit ang mukha nila. Napangiti siya nang makitang ipinikit na nito ang mga mata. Nakatingin siya sa mga labi nito habang unti-unting inilalapit ang kanyang mga labi.Hanggang lumabas na ang mga credits. Nagpalakpakan ang buong team na nanood ng premiere night ng movie niyang “Scared to Love You.”“Congratulations Blue!”Pagkatapos ng pitong b

  • Love is a Horror Story   The Truth

    “Narito ang pahayag ng chairwoman ng Happy-Go-Family Corporation na si Sophia Buenavidez kanina sa press conference na inihanda nito tungkol sa isyu ng kanilang anak na si Jasper Buenavidez at ang pagkakasangkot nito sa artistang si Blue Sandejas,” pahayag ng reporter sa TV. “I am here in front of you to reveal the truth regarding my son and also the accident twelve years ago. April 19, 2006 when my husband died. We were supposed to celebrate my son’s birthday sa isa sa aming resort sa Bulacan. However, we got involved in a tragic car accident…” Itinigil muna ni Blue ang panonood ng balita sa Facebook nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Alvarez. “Blue, tayo na sa loob,” alok ni Sir Alvarez sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa tainga para marinig niya ang sinasabi nito at sumunod sa pulis. Pagpasok sa loob ng kuwarto ay nakita niyang bumangon agad si Jasper. Pinanlisikan agad sila ng tingin nito. “Anong ginagawa n’yo rito?” agad na tanong nito

  • Love is a Horror Story   Picture! Picture!

    Isang araw bago makalabas ng ospital si Blue ay nagkaroon sila ng kanyang ama ng pagkakataon na mag-usap.“Nagkakilala kayo ni Porsche?” tanong niya sa ama. “Oo. Siya ang nagligtas sa akin no’ng inaatake ako. Magiliw at masayang kausap. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang batang ‘yon sa ‘kin.” Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol kay Porsche samantalang mataman siyang nakikinig habang nakahiga sa kama. “Nagkita rin kami sa emergency room. Nagkuwentuhan kami sa ospital lalo na tungkol sa boss niyang masungit at matatakutin sa multo. Pero kahit daw masungit ang boss niya, alam niyang mabuting tao ito. I really can’t imagine na ikaw pala ang tinutukoy niya.” “Hindi ko alam na ibinuking na pala ‘ko ng babaeng ‘yon?” nasabi niya na ngumiti na rin. “Blue, I’m sorry. For making you hide the truth. I did not know how much of a burden it is to you. I’m proud of you that after all that I’ve done, hindi naging twisted ang personality mo,” seryos

  • Love is a Horror Story   Everything Is According To Plan

    “Sa pangalawang pagkakataon ngayong linggong ito ay naging trending ang artistang si Blue Sandejas dahil sa isang post mula sa isang netizen. Usap-usapan sa social media ang post ng nagngangalang Jasper Buenavidez na nagsasabing si Blue ang totoong nakapatay sa kanyang ama labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang comments, reactions at shares ang post na ito sa Facebook at retweets sa Twitter. At marami rin ang nag-aabang kung ano ang paliwanag ng artista na patuloy pa ring nananahimik at hindi nagbibigay ng reaksiyon hanggang ngayon…” Pinatay ni Jasper ang radio, umupo sa driver’s seat at tumabi kay Porsche.“Akala ko ba gaganti ka?” “Ano’ng ginagawa mo, Jasper?” “Lahat ay umaayon na sa plano ko, Porsche pero hindi ko aakalain na made-develop ka sa Blue na ‘yan. Pinapunta kita sa kanya kasi alam ko we’re on the same side. Akala ko magagamit kita para gumanti.” “Inaamin kong galit ako sa kanila, Jasper. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. Mahira

  • Love is a Horror Story   Nananaginip Ba Ako

    Naramdaman ni Blue na may humaplos sa buhok niya. Bumalikwas agad siya. Inilibot niya ang paningin. Nasa sala pala siya nakatulog. Sa sahig ay nakahandusay ang tila walang buhay na si Roger samantalang ginawang unan nito si Lancer. Si CJ naman ay naririnig niyang nagsasalita habang tulog na nakahiga sa isang panig ng sahig samantalang sa table ay puno ng mga pinagkainan nila at mga lata ng beer na wala ng laman. Ang iba ay nagkalat pa sa sahig.Ang malala ay biglang tumayo sa harapan niya si Sadako. Pinigilan niya ang sarili na mapasigaw sa gulat dahil baka mabulabog ang mga tulog.Sleepwalker na lasing? Halos ginawa nitong softdrinks ang beer na iniinom ng mga kasama niya kanina. Uminom ito nang tuluy-tuloy na para bang gusto talagang magpakalasing. At ang resulta, drunk sleepwalking.Lalo pa siyang nagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit.“Sadako, puwede ba gumising ka,” bulong niya dito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. “Sige ka, kapag hindi mo ‘ko binitawan, ba

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 1

    Ang aksidenteng siya ang nagsimula, ang pag-ako ng kanyang ama, ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pagtigil sa pag-aaral ng kapatid, ang pagpapahirap ni Jasper sa kanya at ang buhay niya bilang Sadako. Sa isang iglap ay nagmistulang montage na bumalik sa kanya lahat. “Bakit hindi pa din siya gumigising?” Narinig niyang boses ni CJ ang nagsalita. “Wag kayong maingay, baka magising nga siya. Kailangan niyang magpahinga,” si Lancer naman. “Baka hindi niya matanggap na tinanggal siya ni Blue as PA niya?” pagtatanong ni CJ. “Lately, parang ang sungit sungit mo sa kanya, Blue. Hindi ko akalain na aabot sa pagtatanggal mo sa kanya.” “Wala akong-” Hindi na naituloy nito ang pagsasalita nang dumilat na siya. Lahat nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala. “Ok ka lang ba?” Halos magkakasabay silang nagsalita na para bang may speech choir sila. Tiningnan niya isa-isa. Magsimula kay Roger, Lancer, CJ at finally, kay Blue. Pagkakita niy

  • Love is a Horror Story   Magging Ok Din Ang Lahat

    Naging masinsinan ang pag-uusap ni Blue at Lancer kahapon pagkatapos nilang ma-rescue si Sadako. May mga bagay siyang natuklasan tungkol sa dalaga na talagang ikinagulat at ikinalungkot niya. Isang usapan na hindi nagpatulog sa kanya kagabi… “Ikaw si Lancer? Hindi mo ba ‘ko nakikilala?”tanong ni Blue. “Ikaw si Blue, di’ba? Sinong tao ang hindi makakakilala sa’yo?” “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Pumunta kami sa bahay n’yo 12 years ago. Nakita kitang naglalaro ng laruan na computer.” “Ah. Tanda ko na. At saka natatandaan ko rin na pangalan mo ang huling binanggit ni Tatay. Ikaw ang totoong may kasalananan kung bakit nagkaganyan si Ate Porsche at bakit nagkaganito ang aming pamilya,” galit nitong pahayag sa kanya. Bawat salitang binibitawan ay may diin at pait na hatid sa kanya. “I’m sorry pero hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi mo.” “Pangalan mo ang huling sinabi ni Tatay nang sabihin niya sa amin na hindi siya ang nagmamaneho ng araw na ‘yon.”

  • Love is a Horror Story   Special Rule Number 2

    Nakatitig si Blue sa mga papeles sa harap niya pero wala rito ang kanyang isip.“Bakit n’yo aaminin ang kasalanan ni Kuya, Mang Teodoro?”“Kasalanan ng anak ko kung bakit nagkaroon ng aksidente, Blue. Kung hindi niya kayo inalok na magkarera ay hindi sana kayo maaksidente.”“Kahit na pagsisinungaling pa rin ‘yon. Parehas kayo ni Papa. Ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling.”“Blue, alam kong hindi mo pa siya naiintindihan ngayon, pero balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat ‘pag malaki ka na.”Umiling siya nang maalala ang naging usapan nila ni Mang Teodoro. “Malaki na ‘ko ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo sumang-ayon na akuin ang lahat, Mang Teodoro,” bulong niya sa sarili habang binabasa ang imbestigasyon na nakalap ni Sir Alvarez.Tumayo siya bitbit ang isang beer at tumabi sa kanina pang nakatayo na si Alvarez. “Paano Sir Alvarez kung may alam ka sa isang pangyayari pero hindi mo ito masabi? Ano ang mararamdaman mo kapag ang kasama mo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status