Tahimik lang akong nagmasid buong biyahe hanggang sa inihinto ni Sir Keron ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant."Si--- sir, dito po ba tayo kakain? Mukhang mahal naman po rito." Nag- aalangan at nahihiyang wika ko na ikinangisi lang nito."Ofcourse, it's how the way I treat beautiful woman." Anito sabay kindat kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Alam kong biro lang naman niya ito pero pakiramdam ko may laman."Huwag ka ng mahiya. May kasalanan ka pa sa 'kin sa pag alis mo sa ospital. Kaya sana bigyan mo ako ng kaunting oras ngayon na makilala ka." Segundang salaysay pa nito kaya kahit naiilang ay wala sa loob na bumaba nalang ako. Di ko na nga hinintay na pagbuksan pa ako nito ng pintuan.Bahagya ko pang nahagod ng tingin ang sarili. Maong pants at simpleng black T- shirt lang ang suot ko. Buti nga nakapagdala pa ako ng pamalit na masusuot, di na rin ito masama kahit pa man di nababagay sa ganitong sosyaling lugar."Feel at ease, you're so beautiful anyway." Puri nito kaya
Araw ng Biyernes ngayon kaya inagahan ko dahil napakalaki ng reception area na lilinisan namin. Bukas na kasi gaganapin ang malakihang welcome event kaya puspusan na ang paghahanda ng lahat.Ngunit akmang papasok palang ako sa locker room nang marinig ko kaagad ang hagikhikan ng ibang mga janitress dahil sa nakaawang na pintuan."Ang ganda sana kaso maharot. Akala niya siguro ay seseryosohin siya ni Sir Keron." Sa unang narinig ko pa lang ay naunawaan ko agad na ako ang pinagchichismisan ng mga ito."Pag iyon nalaman ni Mrs. Veronica, naku tiyak! Mapapahiya yung Zelena na yun!""Naku sinabi mo pa! Balita ko single mother daw yan eh. Ibig sabihin talaga malandi na!" Hirit naman ng isa pa."Kaya nga raw yan nilipat ni Ma'am Jessa sa pagiging janitress dahil nakikipaglandian daw yan kay Sir Vincent dun sa frontdesk, iyong VIP na anak ng Congressman." Sobrang nag aalburuto na ang dibdib ko kaya nalakasan ko ang pagbukas ng pintuan kaya kumalampag ito. Kita ko ang gulat sa mga mukha ng tat
Nagharap kami ni Ms. Jessa sa opisina ng HR na si Mrs. Tizon at nahuhulaan ko na kung anong pakay nito."With all due respect ma'am, nakakaalarma na ang katangahan ng babaeng ito. Inilipat ko na nga sa pagiging janitress puro kapalpakan pa rin ang ginawa. I want to fired her right now!" Mainit ang ulo na sumbong ni Ms. Jessa. Magkaharap kami na nakaupo sa dalawang upuan sa harapan ng table ni Mrs. Tizon kaya pinandidilatan ako nito ng mga mata.Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa sasabihin. Sasabihin ko kung ano ang totoo, walang labis walang kulang, kahit pa man sisisantihin ako ngayon din."Please be careful with your words Ms. Colonel. Hindi porke't head ka ay pwede mo ng pagsalitaan ng ganyan ang tauhan mo." Pormal ng wika ni Mrs. Tizon bago ako nito binalingan. "Please speak Ms. Agustino." "Aaminin ko po na kasalanan ko ma'am. Nagulat po ako, nasa kalagitnaan po ako ng paglilinis sa may pintuan at di ko po inaasahan na may darating na bisita. Sa gulat ko po naitaas k
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Pwede namang huwag ka munang magtrabaho. I'll pay you instead, I can triple it."Nangunot ang noo ko sa sinabing ito ni Sir Keron. Kasalukuyan kasi kaming nasa biyahe ngayon papauwi. Tinanggihan ko kasi kaagad ang alok niya dahil pinakakailangan bukas ang serbisyo namin. Kaya naman para hindi na ito mangulit pa ay pumayag nalang akong magpahatid ngayon. Pinagbigyan ko na dahil nga tinanggihan ko na para bukas."Po?" Gulat na bulalas ko sa sinabi niya.Nang mapansin nito sa rearview mirror ang naging reaksyon ko ay muli siyang nagsalita."Sorry sorry! Don't get me wrong. Yung sa 'kin lang naman ay party iyon so you supposed to enjoy. Kung inaalala mo naman ang kita ay titriplehin ko na para,"Tumikhim ako kaya hindi nito natapos ang sasabihin niya."Sir, kakahired ko pa lang po sa trabaho kaya hindi pupwedeng aabsent ako para lang unahin na mag enjoy sa party na hindi naman po para sa 'kin. Tutulong po kami sa pagseserve sa mga bisitang dadalo
Ngunit ang inakala kong pag iwas kay Sir Keron ay hindi rin naisakatuparan dahil nang papasok na ako sa trabaho kinaumagahan ay nakita ko na lang ang nakaparadang sasakyan nito sa harapan ng apartment namin. Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang anak ko dahil gusto ako nitong ihatid sa may kalsada.Gulat akong napamaang habang nakatingin kay Sir Keron nang lumabas ito sa sasakyan niya. He waived his hand and smiled kaya napahigpit ang hawak ni Connor sa kamay ko bago ito tumingala sa akin at takang nagtanong."Mom, who is he po?"At bago pa man ako makasagot ay nasa harapan na namin si Sir Keron. Yumuko ito para magpantay sila ni Connor."Hi dude!" Nakangiting bati nito sa anak ko kaya kuryusong napatingin sa kanya si Connor."I'm your mommy's new friend. Call me Tito Keron." He winked bago nito inilahad ang kamay. Bahagya pa itong tinitigan ni Connor na parang nag aalangan na tanggapin kaya ako na ang kusang kumausap sa anak ko."Go on baby. Say hi to Sir--- I mean Tito Keron. He'
"Ui Ms. beautiful, ang aga aga pa pero ang lalim na ng iniisip mo." Sita sa akin ni Rina habang nagpapalit ako ng uniporme. Nagkataong nagkasabay kami ng dating dito sa locker namin. Napabuga lang ako ng hangin at tipid na ngumiti."Sino ang iniisip mo? Si Sir Keron ano? Nililigawan ka na ba?" Dagdag pa nito kaya marahan kong natampal ang noo niya."Tumahimik ka nga at baka marinig ka ng mga marites sa paligid. Ligaw agad? Saan mo ba nahagilap yan?" Sagot ko matapos makapagbihis at agad ding inihanda ang mga gamit na gagamitin sa paglilinis."Syempre, iba kasi siya tumitig sayo. Tsaka binibigyan ka ng pagkain, sinusundo pa. O ano walang lang yun? Manhid ka ata eh." Pamimilit pa nito kaya bahagya akong natawa."Sira! Assumera ka naman masyado eh kaibigan lang ang tingin nung tao. Tsaka maraming babae yun, magaganda pa at mayayaman. Alam mo naman siguro ang chismis." Ani ko pa at tuloy tuloy na lumabas bitbit ang mop at timba."Ah basta, hindi ako naniniwalang wala lang yun. Pustahan t
Cole?Hindi ko maunawaan! Alam kong si Cole ang lalaki. Mas lalo nga lang siyang gumwapo sa ayos niya ngayon pero ang tindig, hitsura, pananalita at kilos, kilalang kilala ko siya kahit pa man ilang metro ang pagitan namin ngayon. Pero bakit siya tinatawag na Conrad Lexus Farris? Ang nag iisang anak at tagapagmana ng bilyonaryong si Mr. Crisostomo Farris. Shit! Naguguluhan ako! Parang sasabog ang utak ko.Awang ang mga labi ko sa pagkagulantang at sa kaguluhan ng aking isipan. Wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa pagwawala nito. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata sa lalaking bumuo sa pagkatao ko ngunit siya ring kusang bumasag."Ze! Ze! Zelena!"Ang malakas na pagtawag na ito ni Rina kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko ang nagpabalik sa akin sa realidad. Saka ko pa lamang napansin na naglaglagan na pala ang malalaking butil sa aking mga mata."Ze! Ayos ka lang? Ba--- bakit ka umiiyak?" Nag aalala at naguguluhang tanong ni Rina ngunit t
Inihatid ako ni Keron sa apartment pagkatapos. Ayaw ko sana dahil naabala ko pa siya sa pagdalo sa event but he strongly insisted kaya wala na akong nagawa nang pasakayin ako nito sa sasakyan niya. Magang maga na ang mga mata ko sa kakaiyak ngunit wala naman akong magawa para pigilan ang mga luha sa patuloy na pag agos nito. Hinang hina ako. I am so damn weak to speak.Panay ang sulyap ni Keron sa rearview mirror habang nagmamaneho. Ramdam ko ang pag- aalala at ang maraming katanungan sa hitsura niya ngunit nanatili lang din siyang tahimik sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa apartment ko."Salamat sa paghatid." Garalgal ang boses na sambit ko. At akmang bababa na sana nang pigilan niya ako gamit ang isang kamay niya."Sandali Ze," Usal niya at rinig ko ang pinakawalan niyang malalim na buntong hininga kaya umayos ulit ako ng upo para pakinggan siya."Ayaw ko na sanang mangialam sa desisyon mo but just think about my offer last time. Bukas na bukas ang resto ko kung sakali ma