Nayakap ko nalang ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa street light ang nagbibigay liwanag sa waiting area kung saan ako nakaupo at walang sawang naghihintay."Nasaan ka na ba." Nag-aalalang usal ko sa sarili. Sisinghot singhot dahil sa walang katapusang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Wala ng masyadong tao sa lugar ngunit hindi ako nababahala sa anumang takot o peligro para sa sarili ko dahil mas nanaig ang pagkabahala ko para kay Cole.Lagpas dalawang oras na ako naghihintay sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating. At ngayon lamang ito nangyari magmula ng naging kami. Ngayon lamang kaya sobra sobra akong nababahala at kinakabahan."More patience pa Zelena." Mariing payo ko pa sa sarili. Na kahit abutin na ako ng madaling araw sa paghihintay ay maghihintay ako lalo na ngayong wala na akong mauuwian dahil alam kong hindi na ako tatanggapin pa ni Tiyang.Huminga ako ng malalim b
"Stop calling my fiance!""My fiance!""My fiance...."Umalingawngaw sa aking tainga ng paulit ulit ang boses ng babaeng iyon sa tawag na nagpakilalang fiance ni Cole, dahilan para magising ang diwa ko. Napahawak ako sa dibdib kong parang tinutusok ng ilang libong karayom sa sobrang sakit. Pinahid ko ang luhaang mga mata nang mapansin ko ang swerong nakakabit sa isang kamay ko.Taka akong napalinga sa paligid at agad na napagtanto na nasa loob pala ako ng kwarto ng isang ospital. At hindi lang basta ospital kundi pribadong ospital pa dahil mag- isa lang ako sa malawak na kwartong ito na may aircon pa."Sino kayang nagdala sa 'kin dito? Paano ako magbabayad nito?" Nababahalang tanong ko sa sarili dahil natitiyak kong mahal ang kwarto rito. Imbes na matuwa na may tumulong sa 'kin ay dumagdag pa ito sa problema ko.Pilit kong inaalala sa isipan ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Napasinghap akong napahawak sa ulo ng maisip ang kagagahang ginawa ko. Napayuko akong sinapo ang maliit n
Mabuti nalang at nagkasya ang natirang barya ko para pamasahe patungong San Agustin. Binalewala ko ang labis labis na sakit na nararamdaman sa kagustuhang makausap si Cole. I deserve an explanation, lalo na ngayong nagbunga ang ilang beses na may nangyari sa amin. Sa kung bakit hinayaan niyang umabot kami sa ganoong ponto kung niloloko niya palang ako.Sakay ng bus ay bumiyahe ako ng ilang oras bago makarating sa San Agustin. Buong loob akong dumiritso sa unit ni Cole ngunit nadismaya lang ako lalo ng maabutan ko itong nakasarado."Nakita kong kahapon pa yun umalis Ze. Di pa naman umuuwi. Hindi ba nagpaalam sayo?" Ani Mang Jun, nangungupahan sa katabing unit ni Cole. Di naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ng nangungupahan dito ang status namin ni Cole kaya ramdam ko ang pagtataka sa mga mata ng matanda.Mapait lang akong ngumiti at di na nagsalita dahil mas dumoble lang yung sakit. Di na ako nagtagal at nagpaalam na rin sa matanda. Sunod kong naisip na puntahan ay si Mrs. Fuentes.
Buong magdamag akong nanatili sa unit ni Cole. Kahit galit ako at nasasaktan ay umasa pa rin ako na baka uuwi siya o baka kunin niya man lang yung mga gamit niya na naiwan dito nang sa gayun ay makapag- usap kami at marinig ko man lang ang paliwanag niya. Ngunit nabigo lang ako, ni maski anino niya ay wala na atang balak na magpakita pa.Kaya naman buong magdamag ko ring pinag isipan ang napakabigat na desisyon ko.Magang maga na ang mga mata ko pero minu- minuto kong pinapangaralan ang sarili na ngayon lang dapat ito, bukas o sa mga susunod na araw ay wala na akong luhang sasayangin. Kailangan kong magpakatatag at magpatuloy sa buhay alang alang sa batang nasa sinapupunan ko."Ze nagdala ako ng pagkain, kumain ka na. Ang tamlay tamlay mo na. Nangangayayat ka pa." Nag- aalalang turan ni Mrs. Fuentes sabay lapag ng dala nitong pagkain sa mesa. Maaga itong nagtungo si unit ni Cole para kumustahin ang kalagayan ko dahil alam naman niyang dito ako natulog.Nanghihinang tango lang ang nagin
( Makalipas ang Limang Taon)"Congratulations! You passed the initial interview and you are invited for the final interview tomorrow!"Kakabukas ko pa lamang sa aking cellphone at ito agad ang email na bumungad sa akin. Unang basa ko pa lamang sa mensahe ay napatili na ako sa saya.Sa wakas kinontak din ako kaagad ng kompanyang inapplayan ko bilang isang receptionist sa isa sa napakalaki at sikat na hotel sa buong Asya."Mama, why are you so loud? I'm sleepy pa." Nagmamaktol na turan ng aking maglilimang taong gulang na anak na si Connor. Bihasa at tuwid itong magsalita ng Ingles dahil sa mga napapanood nitong palabas na cartoons. Gustuhin ko man maging isang simpleng bata ang anak ko ay wala akong magagawa dahil talagang inborn ang katalinuhan nito. Idagdag pa na super gwapo ito at mestisohin ang kutis kaya kadalasan rin itong napagkakamalan na anak ng isang mayaman.At aaminin kong napakalaki ng pagkakahawig nito sa ama niyang si Cole. Ang lalaking nang- iwan sa akin limang taon na a
Nang makalabas sa inuupahang apartment ay pumara kaagad ako ng taxi. Maaga pa naman but I wanted to be early. Kaya maaga rin akong nakarating dahil hindi pa rush hour.Di ko maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatayo sa harapan ng matayog na gusali ng five star hotel, ang 'Farris Diamond Suite' na pangalan pa lang ay halatang luxurious na.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng di mapangalanang emosyon habang humahakbang papasok sa loob. It's just weird. First time ko pa nga lang makatuntong sa gusaling ito but I already felt something unexplainable. Nagwawala ang puso ko sa di maipaliwanag na dahilan.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil baka kinakabahan lang ako, bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Binati ko ang mga gwardiyang nakabantay at ganoon din ang mga ito sa akin. Nagpakilala akong aplikante kaya agaran din akong pinapasok sa loob matapos akong igiya ng mga ito sa unang hakbang na gagawin.Mangha kong inilibot ang mga mata sa loob nang tuluy
"Congratulations Ms. Dawn Zelena Agustino! You're hired! Please prepare yourself for the training tomorrow."Isang araw pa lamang magmula ng mag-apply ako sa Farris Diamond Suite ay nakatanggap agad ako ng email sa naturang hotel.Napakurap ako at naluluha habang nakatutok sa mensahe, di makapaniwala sa nababasa.But it's real! So much real kaya napaiyak na ako sa saya."Baby!"I screamed. Naluluhang tinawag ko si Connor at niyakap ito ng sobrang higpit."What's wrong mom?" Taka at seryoso ang mga mata nito kaya pinupog ko ng halik sa mukha."Magbihis na kayo ni Tita Charo, magce-celebrate tayo sa labas. Natanggap si mama sa work anak!" Masayang balita ko kaya namungay ang mga mata nito."Woooh! Really? Congratulations mom! Yehey!" Tili nito na mukhang nauunawaan agad ang magandang balita ko."Ui ui narinig ko yun! Totoo ba Zelena?" Ani tita na kakalabas lang galing kwarto. Sa liit ng apartment na inuupuhan namin ni Connor ay talagang magkakarinigan lang.Naluluha akong tumango sabay
Excited at maaga akong pumasok kinabukasan dahil unang araw ito ng training ko sa hotel bilang Front Desk Receptionist. Kailangan kong ipakita na deserving ako at di nila pagsisisihan ang paghire sa akin.At yung tungkol sa nangyari kahapon ay di ko nalang inisip pa. Masyadong malawak ang Maynila para muli kaming pagtagpuin ng lalaking di ko rin naman nakita ang mukha.Sinalubong ako ng isang staff at dinala sa opisina ng HR na si Mrs. Lilibeth Tizon, na siyang nag interview din sa akin kahapon. Ipinakilala nito sa 'kin ang isang staff na siya raw magtatraining, si Ms. Jessa, na tantiya ko'y kaedaran ko lang. Yun nga lang ay mukhang mataray ito at di man lang ngumingiti habang hinahagod ang kabuuan ko ng mapangmatang tingin."Nextweek na mananatili rito ang bagong CEO kaya kailangang makabisado mo ang trabaho sa loob ng isang linggo. Bawal ang tanga at lampang mga tauhan sa mamahaling hotel na ito. Understood?" Nakataas ang kilay na paliwanag nito sa akin nang makalabas kami sa opisina