Excited at maaga akong pumasok kinabukasan dahil unang araw ito ng training ko sa hotel bilang Front Desk Receptionist. Kailangan kong ipakita na deserving ako at di nila pagsisisihan ang paghire sa akin.At yung tungkol sa nangyari kahapon ay di ko nalang inisip pa. Masyadong malawak ang Maynila para muli kaming pagtagpuin ng lalaking di ko rin naman nakita ang mukha.Sinalubong ako ng isang staff at dinala sa opisina ng HR na si Mrs. Lilibeth Tizon, na siyang nag interview din sa akin kahapon. Ipinakilala nito sa 'kin ang isang staff na siya raw magtatraining, si Ms. Jessa, na tantiya ko'y kaedaran ko lang. Yun nga lang ay mukhang mataray ito at di man lang ngumingiti habang hinahagod ang kabuuan ko ng mapangmatang tingin."Nextweek na mananatili rito ang bagong CEO kaya kailangang makabisado mo ang trabaho sa loob ng isang linggo. Bawal ang tanga at lampang mga tauhan sa mamahaling hotel na ito. Understood?" Nakataas ang kilay na paliwanag nito sa akin nang makalabas kami sa opisina
Ilang saglit pa ay bumalik si Ms. Jessa kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pag order ng pagkain ni Mr. Ricaforte, maging ang gusto niyon na ako pa ang maghatid. Kita ko ang pag- angat ng sulok ng labi ni Ms Jessa na parang hindi nagugustuhan ang sinabi ko."No you can't! I'll handle that instead. May iba kang gagawin ngayon dahil absent ang isang janitress. Napakaraming lilinisan dahil may malaking pa welcome event sa Sabado." Nakahalukipkip na turan nito na nakuha ko naman kaagad. Mukhang tutulong ako sa paglilinis.At tila ba mas nakahinga pa ako ng maluwag sa naiisip na maglinis nalang keysa sa maghatid ng pagkain sa gwapo nga ngunit mukhang manyak na si Mr. Ricaforte na yun. I don't want to judge him pero iyon ang nararamdaman ko sa lagkit ng titig niya kanina."Sige po ma'am. Masusunod po." Walang pag- aalinlangang sagot ko.May tinawagan itong isang empleyado sa intercom at maya maya lang ay may sumundo sa akin na isang janitress."Rina, bigyan mo ng unipormeng pang janitres
Nagkapalagayan agad kami ng loob ni Rina kahit ngayon lang kami nagkasama. Palakwento ito, naikwento na nga ata niya ang buong talambuhay niya kaya hindi ako naboboring habang naglilinis. Sandamakmak kasi ang lilinisan namin na kinailangan pang pakintabin para sa paghahanda sa welcome party sa darating na Sabado."Pagkatapos natin dito ay doon na tayo sa reception area kung saan gaganapin ang pawelcome party ng anak ni Sir. Cris. Iba talaga ang mayayaman ano, may paparty pa na ganoon samantalang tayong mahihirap eh hirap pang ecelebrate ang birthday party." Anito habang nagkukuskos kami ng comfort room na sinang ayunan ko naman.Napakwento na rin kasi ako tungkol sa hirap ng buhay ko, lalong lalo na noong nawala ang nanay ko. Sa kung paano ako nagporsige sa pag- aaral, nabuntis, itinakwil ng sariling tiyahin kaya't nagtrabaho ako hanggang sa nakapanganak at nag aral ulit kaya mas lalo itong bumilib sa akin.Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis habang nagkukwentuhan nang biglang bumukas
Pagod na pagod akong umuwi ng apartment matapos makapag time out. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko sa pabalik balik na trabaho dahil sa mahigpit na utos ni Ms. Jessa na kulang nalang ay pakintabin din maging ang labas ng building."Mama!"Salubong agad sa 'kin ni Connor nang makita ako nito sa hamba ng pintuan. Pumantay ako sa kanya para yakapin siya ng mahigpit dahil nawawala ang pagod ko sa maliliit na bisig ng anak ko."Wait lang po mama. I'll get something to show you po." Anito matapos kong patakan ng halik ang ulo. Dumiritso ito ng takbo papasok sa loob ng kwarto."Ze, nagluto na ako. Pinakain ko na rin si Connor. Kumain ka na." Nakangiting alok sa akin ni Tita Charo na ipinagpapasalamat ko. Mabuti nalang at nagluto ito dahil nawala sa isip kong magtake out ng pagkain dahil sa pagmamadaling makauwi na at ng makapagpahinga."Salamat ta." Turan ko pagkaupo sa maliit na sofa namin."Walang anuman. Mukhang pagod na pagod ka ngayon ah. Kumustang trabaho?" Tanong nito matap
"Ze, nakasalubong ko si Mrs. Tizon sa lobby, pinapapunta ka niya sa opisina niya." Bungad sa 'kin ni Rina nang similip ito sa locker room namin. Kakatapos ko pa lang magpalit ng uniporme samantalang ito ay nakapagsimula ng maglinis sa may lobby ng hotel.Walang pagdadalawang isip akong tumango bago lumabas."Siguro tungkol ito sa paglipat sayo sa trabaho. Nagtaka rin marahil yun sa ginawa sayo ng atribida nating head." Umiiling na sambit pa ni Rina na kasabay ko ng naglalakad sa hallway."Ganoon din ang naiisip ko Rin. Pero mas komportable naman ako sa trabahong ito kaya ayos lang." Matapat na sagot ko.Humiwalay na rin ito sa 'kin kaya kumatok na 'ko s opisina ng HR bago nakakuha ng permisong pumasok."Come in!" Rinig kong sabi nito kaya pormal akong humarap kay Mrs. Tizon."Goodmorning po ma'am." Magalang na bati ko. Ngumiti ito at iminuwestra ang upuan sa harapan niya. "Sit down Ms. Agustino." "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I just want to ask you if you're fine with your job
Tahimik lang akong nagmasid buong biyahe hanggang sa inihinto ni Sir Keron ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant."Si--- sir, dito po ba tayo kakain? Mukhang mahal naman po rito." Nag- aalangan at nahihiyang wika ko na ikinangisi lang nito."Ofcourse, it's how the way I treat beautiful woman." Anito sabay kindat kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Alam kong biro lang naman niya ito pero pakiramdam ko may laman."Huwag ka ng mahiya. May kasalanan ka pa sa 'kin sa pag alis mo sa ospital. Kaya sana bigyan mo ako ng kaunting oras ngayon na makilala ka." Segundang salaysay pa nito kaya kahit naiilang ay wala sa loob na bumaba nalang ako. Di ko na nga hinintay na pagbuksan pa ako nito ng pintuan.Bahagya ko pang nahagod ng tingin ang sarili. Maong pants at simpleng black T- shirt lang ang suot ko. Buti nga nakapagdala pa ako ng pamalit na masusuot, di na rin ito masama kahit pa man di nababagay sa ganitong sosyaling lugar."Feel at ease, you're so beautiful anyway." Puri nito kaya
Araw ng Biyernes ngayon kaya inagahan ko dahil napakalaki ng reception area na lilinisan namin. Bukas na kasi gaganapin ang malakihang welcome event kaya puspusan na ang paghahanda ng lahat.Ngunit akmang papasok palang ako sa locker room nang marinig ko kaagad ang hagikhikan ng ibang mga janitress dahil sa nakaawang na pintuan."Ang ganda sana kaso maharot. Akala niya siguro ay seseryosohin siya ni Sir Keron." Sa unang narinig ko pa lang ay naunawaan ko agad na ako ang pinagchichismisan ng mga ito."Pag iyon nalaman ni Mrs. Veronica, naku tiyak! Mapapahiya yung Zelena na yun!""Naku sinabi mo pa! Balita ko single mother daw yan eh. Ibig sabihin talaga malandi na!" Hirit naman ng isa pa."Kaya nga raw yan nilipat ni Ma'am Jessa sa pagiging janitress dahil nakikipaglandian daw yan kay Sir Vincent dun sa frontdesk, iyong VIP na anak ng Congressman." Sobrang nag aalburuto na ang dibdib ko kaya nalakasan ko ang pagbukas ng pintuan kaya kumalampag ito. Kita ko ang gulat sa mga mukha ng tat
Nagharap kami ni Ms. Jessa sa opisina ng HR na si Mrs. Tizon at nahuhulaan ko na kung anong pakay nito."With all due respect ma'am, nakakaalarma na ang katangahan ng babaeng ito. Inilipat ko na nga sa pagiging janitress puro kapalpakan pa rin ang ginawa. I want to fired her right now!" Mainit ang ulo na sumbong ni Ms. Jessa. Magkaharap kami na nakaupo sa dalawang upuan sa harapan ng table ni Mrs. Tizon kaya pinandidilatan ako nito ng mga mata.Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa sasabihin. Sasabihin ko kung ano ang totoo, walang labis walang kulang, kahit pa man sisisantihin ako ngayon din."Please be careful with your words Ms. Colonel. Hindi porke't head ka ay pwede mo ng pagsalitaan ng ganyan ang tauhan mo." Pormal ng wika ni Mrs. Tizon bago ako nito binalingan. "Please speak Ms. Agustino." "Aaminin ko po na kasalanan ko ma'am. Nagulat po ako, nasa kalagitnaan po ako ng paglilinis sa may pintuan at di ko po inaasahan na may darating na bisita. Sa gulat ko po naitaas k