Dahil hindi pa humuhupa ang galit ni Tiyang nang makauwi ay sa labas ng bahay niya ako pinatulog, sa isang maliit na balkonahe. Parusa raw ito dahil sa kalandian ko na hangga't hindi ko naihaharap sa kanya ang ama ng anak ko, para pagbayarin na rin sa mga nagastos niya, ay hinding hindi ako makakapasok muli sa pamamahay niya. At alam ko na tototohanin niya lahat ng mga sinabi niya.Pero syempre hindi ko naman hahayaang si Cole ang magbayad sa kung anumang halaga ang hihingin ni Tiyang. Kung magbibigay man siya sa ngayon ay babayaran ko rin siya pagdating ng panahon, kapag may stable na akong trabaho balang araw."Ate gamitin mo 'to." Abot sa 'kin ni Emily ng unan at kumot. "Pagpasensiyahan mo na kung wala kaming magagawa sa ngayon para makatulong sayo." Naluluhang turan pa nito na ikinahaplos ko sa braso niya."Salamat Emz. Nauunawaan ko naman si Tiyang. Ayos lang ako dito. Aalis din ako bukas ng umaga para hintayin ang nobyo ko sa terminal." Kampanteng sagot ko dahil alam ko namang s
Nayakap ko nalang ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa street light ang nagbibigay liwanag sa waiting area kung saan ako nakaupo at walang sawang naghihintay."Nasaan ka na ba." Nag-aalalang usal ko sa sarili. Sisinghot singhot dahil sa walang katapusang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Wala ng masyadong tao sa lugar ngunit hindi ako nababahala sa anumang takot o peligro para sa sarili ko dahil mas nanaig ang pagkabahala ko para kay Cole.Lagpas dalawang oras na ako naghihintay sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating. At ngayon lamang ito nangyari magmula ng naging kami. Ngayon lamang kaya sobra sobra akong nababahala at kinakabahan."More patience pa Zelena." Mariing payo ko pa sa sarili. Na kahit abutin na ako ng madaling araw sa paghihintay ay maghihintay ako lalo na ngayong wala na akong mauuwian dahil alam kong hindi na ako tatanggapin pa ni Tiyang.Huminga ako ng malalim b
"Stop calling my fiance!""My fiance!""My fiance...."Umalingawngaw sa aking tainga ng paulit ulit ang boses ng babaeng iyon sa tawag na nagpakilalang fiance ni Cole, dahilan para magising ang diwa ko. Napahawak ako sa dibdib kong parang tinutusok ng ilang libong karayom sa sobrang sakit. Pinahid ko ang luhaang mga mata nang mapansin ko ang swerong nakakabit sa isang kamay ko.Taka akong napalinga sa paligid at agad na napagtanto na nasa loob pala ako ng kwarto ng isang ospital. At hindi lang basta ospital kundi pribadong ospital pa dahil mag- isa lang ako sa malawak na kwartong ito na may aircon pa."Sino kayang nagdala sa 'kin dito? Paano ako magbabayad nito?" Nababahalang tanong ko sa sarili dahil natitiyak kong mahal ang kwarto rito. Imbes na matuwa na may tumulong sa 'kin ay dumagdag pa ito sa problema ko.Pilit kong inaalala sa isipan ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Napasinghap akong napahawak sa ulo ng maisip ang kagagahang ginawa ko. Napayuko akong sinapo ang maliit n
Mabuti nalang at nagkasya ang natirang barya ko para pamasahe patungong San Agustin. Binalewala ko ang labis labis na sakit na nararamdaman sa kagustuhang makausap si Cole. I deserve an explanation, lalo na ngayong nagbunga ang ilang beses na may nangyari sa amin. Sa kung bakit hinayaan niyang umabot kami sa ganoong ponto kung niloloko niya palang ako.Sakay ng bus ay bumiyahe ako ng ilang oras bago makarating sa San Agustin. Buong loob akong dumiritso sa unit ni Cole ngunit nadismaya lang ako lalo ng maabutan ko itong nakasarado."Nakita kong kahapon pa yun umalis Ze. Di pa naman umuuwi. Hindi ba nagpaalam sayo?" Ani Mang Jun, nangungupahan sa katabing unit ni Cole. Di naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ng nangungupahan dito ang status namin ni Cole kaya ramdam ko ang pagtataka sa mga mata ng matanda.Mapait lang akong ngumiti at di na nagsalita dahil mas dumoble lang yung sakit. Di na ako nagtagal at nagpaalam na rin sa matanda. Sunod kong naisip na puntahan ay si Mrs. Fuentes.
Buong magdamag akong nanatili sa unit ni Cole. Kahit galit ako at nasasaktan ay umasa pa rin ako na baka uuwi siya o baka kunin niya man lang yung mga gamit niya na naiwan dito nang sa gayun ay makapag- usap kami at marinig ko man lang ang paliwanag niya. Ngunit nabigo lang ako, ni maski anino niya ay wala na atang balak na magpakita pa.Kaya naman buong magdamag ko ring pinag isipan ang napakabigat na desisyon ko.Magang maga na ang mga mata ko pero minu- minuto kong pinapangaralan ang sarili na ngayon lang dapat ito, bukas o sa mga susunod na araw ay wala na akong luhang sasayangin. Kailangan kong magpakatatag at magpatuloy sa buhay alang alang sa batang nasa sinapupunan ko."Ze nagdala ako ng pagkain, kumain ka na. Ang tamlay tamlay mo na. Nangangayayat ka pa." Nag- aalalang turan ni Mrs. Fuentes sabay lapag ng dala nitong pagkain sa mesa. Maaga itong nagtungo si unit ni Cole para kumustahin ang kalagayan ko dahil alam naman niyang dito ako natulog.Nanghihinang tango lang ang nagin
( Makalipas ang Limang Taon)"Congratulations! You passed the initial interview and you are invited for the final interview tomorrow!"Kakabukas ko pa lamang sa aking cellphone at ito agad ang email na bumungad sa akin. Unang basa ko pa lamang sa mensahe ay napatili na ako sa saya.Sa wakas kinontak din ako kaagad ng kompanyang inapplayan ko bilang isang receptionist sa isa sa napakalaki at sikat na hotel sa buong Asya."Mama, why are you so loud? I'm sleepy pa." Nagmamaktol na turan ng aking maglilimang taong gulang na anak na si Connor. Bihasa at tuwid itong magsalita ng Ingles dahil sa mga napapanood nitong palabas na cartoons. Gustuhin ko man maging isang simpleng bata ang anak ko ay wala akong magagawa dahil talagang inborn ang katalinuhan nito. Idagdag pa na super gwapo ito at mestisohin ang kutis kaya kadalasan rin itong napagkakamalan na anak ng isang mayaman.At aaminin kong napakalaki ng pagkakahawig nito sa ama niyang si Cole. Ang lalaking nang- iwan sa akin limang taon na a
Nang makalabas sa inuupahang apartment ay pumara kaagad ako ng taxi. Maaga pa naman but I wanted to be early. Kaya maaga rin akong nakarating dahil hindi pa rush hour.Di ko maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatayo sa harapan ng matayog na gusali ng five star hotel, ang 'Farris Diamond Suite' na pangalan pa lang ay halatang luxurious na.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng di mapangalanang emosyon habang humahakbang papasok sa loob. It's just weird. First time ko pa nga lang makatuntong sa gusaling ito but I already felt something unexplainable. Nagwawala ang puso ko sa di maipaliwanag na dahilan.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil baka kinakabahan lang ako, bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Binati ko ang mga gwardiyang nakabantay at ganoon din ang mga ito sa akin. Nagpakilala akong aplikante kaya agaran din akong pinapasok sa loob matapos akong igiya ng mga ito sa unang hakbang na gagawin.Mangha kong inilibot ang mga mata sa loob nang tuluy
"Congratulations Ms. Dawn Zelena Agustino! You're hired! Please prepare yourself for the training tomorrow."Isang araw pa lamang magmula ng mag-apply ako sa Farris Diamond Suite ay nakatanggap agad ako ng email sa naturang hotel.Napakurap ako at naluluha habang nakatutok sa mensahe, di makapaniwala sa nababasa.But it's real! So much real kaya napaiyak na ako sa saya."Baby!"I screamed. Naluluhang tinawag ko si Connor at niyakap ito ng sobrang higpit."What's wrong mom?" Taka at seryoso ang mga mata nito kaya pinupog ko ng halik sa mukha."Magbihis na kayo ni Tita Charo, magce-celebrate tayo sa labas. Natanggap si mama sa work anak!" Masayang balita ko kaya namungay ang mga mata nito."Woooh! Really? Congratulations mom! Yehey!" Tili nito na mukhang nauunawaan agad ang magandang balita ko."Ui ui narinig ko yun! Totoo ba Zelena?" Ani tita na kakalabas lang galing kwarto. Sa liit ng apartment na inuupuhan namin ni Connor ay talagang magkakarinigan lang.Naluluha akong tumango sabay
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la