Nalulungkot lang ako ngayon dahil pakiramdam ko walang nagbabasa nito o kung meron man ay napakakonti lang. But still, ipagpapatuloy ko pa rin lalo pa't nasa exciting part na tayo. Sana may magbigay ng gems and comments, pampagana lang po. Salamat sa inyo mga solid supporters ko!
Naging abala na ako nang makarating sa bahay ni Tiyang. Nasa ospital na sila nina Emily at Ericka kaya pumunta agad ako ng palengke para makapagbukas sa tindahan niya.Marami na agad mamimili kaya maging pagtext kay Cole ay nakaligtaan ko na. Tanghali na ng maalala kong tingnan ang cellphone ko.At di nga ako nagkamali dahil marami ng missed calls na galing sa kanya."Sweetheart, nakarating ka na ba?""Kumusta ka diyan? Busy ka ba? You're not answering my calls.""I miss you already. Please bumalik ka kaagad."Kilig na kilig naman ako habang binabasa ang mga mensahe niya. Di na ako nagreply at tinawagan na lamang siya."Salamat naman at nagparamdama ka na. Nag- aalala na 'ko sayo eh at the same time nagtatampo na rin." Bungad nito sa kabilang linya na may himig pagtatampo nga. Naiimagine ko na kung anong hitsura niya ngayon kaya napangiti ako."Sweety, sorry na kasi ngayon lang ako nakapagcellphone. Sobrang busy kasi dito at ako lang mag- isa ngayon. Babawi ako sayo mamaya kapag hindi
Nagtinda pa rin ako sa palengke kahit bumabagabag sa aking isipan ang posibilidad na baka buntis nga ako. Samo't sari ang nararamdaman ko sa naiisip. May parte sa aking puso ang masaya at nagagalak, ngunit may parte rin ang natatakot sa maaaring gawin ni Tiyang Lucita sa 'kin, lalo pa't hindi pa ako tapos sa pag-aaral.Nagkakatext pa rin kami ni Cole ngayon ngunit wala pa akong balak na sabihin sa kanya ang hinala ko. Saka na kapag sigurado na talaga. At kung anuman ang resulta, gusto ko mismo na sa personal niya malaman.Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag- iisip nang tumunog ang cellphone ko. Napapitlag ako at dali daling kinuha sa pag- aakalang si Cole ito ngunit napakunot ang noo ko nang makitang hindi nakaphonebook ang numero. Puno ng pagtataka ko itong sinagot."Hello Ze, Kumusta? Si Aaron 'to." Pakilala agad ng nasa kabilang linya kaya parang nawala sa isip ko inaalala."Aaron, hi! Napatawag ka?" Tanong ko at naalala din bigla na hiningi pala nito ang numero ko noong minsang
Dahil hindi pa humuhupa ang galit ni Tiyang nang makauwi ay sa labas ng bahay niya ako pinatulog, sa isang maliit na balkonahe. Parusa raw ito dahil sa kalandian ko na hangga't hindi ko naihaharap sa kanya ang ama ng anak ko, para pagbayarin na rin sa mga nagastos niya, ay hinding hindi ako makakapasok muli sa pamamahay niya. At alam ko na tototohanin niya lahat ng mga sinabi niya.Pero syempre hindi ko naman hahayaang si Cole ang magbayad sa kung anumang halaga ang hihingin ni Tiyang. Kung magbibigay man siya sa ngayon ay babayaran ko rin siya pagdating ng panahon, kapag may stable na akong trabaho balang araw."Ate gamitin mo 'to." Abot sa 'kin ni Emily ng unan at kumot. "Pagpasensiyahan mo na kung wala kaming magagawa sa ngayon para makatulong sayo." Naluluhang turan pa nito na ikinahaplos ko sa braso niya."Salamat Emz. Nauunawaan ko naman si Tiyang. Ayos lang ako dito. Aalis din ako bukas ng umaga para hintayin ang nobyo ko sa terminal." Kampanteng sagot ko dahil alam ko namang s
Nayakap ko nalang ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa street light ang nagbibigay liwanag sa waiting area kung saan ako nakaupo at walang sawang naghihintay."Nasaan ka na ba." Nag-aalalang usal ko sa sarili. Sisinghot singhot dahil sa walang katapusang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Wala ng masyadong tao sa lugar ngunit hindi ako nababahala sa anumang takot o peligro para sa sarili ko dahil mas nanaig ang pagkabahala ko para kay Cole.Lagpas dalawang oras na ako naghihintay sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating. At ngayon lamang ito nangyari magmula ng naging kami. Ngayon lamang kaya sobra sobra akong nababahala at kinakabahan."More patience pa Zelena." Mariing payo ko pa sa sarili. Na kahit abutin na ako ng madaling araw sa paghihintay ay maghihintay ako lalo na ngayong wala na akong mauuwian dahil alam kong hindi na ako tatanggapin pa ni Tiyang.Huminga ako ng malalim b
"Stop calling my fiance!""My fiance!""My fiance...."Umalingawngaw sa aking tainga ng paulit ulit ang boses ng babaeng iyon sa tawag na nagpakilalang fiance ni Cole, dahilan para magising ang diwa ko. Napahawak ako sa dibdib kong parang tinutusok ng ilang libong karayom sa sobrang sakit. Pinahid ko ang luhaang mga mata nang mapansin ko ang swerong nakakabit sa isang kamay ko.Taka akong napalinga sa paligid at agad na napagtanto na nasa loob pala ako ng kwarto ng isang ospital. At hindi lang basta ospital kundi pribadong ospital pa dahil mag- isa lang ako sa malawak na kwartong ito na may aircon pa."Sino kayang nagdala sa 'kin dito? Paano ako magbabayad nito?" Nababahalang tanong ko sa sarili dahil natitiyak kong mahal ang kwarto rito. Imbes na matuwa na may tumulong sa 'kin ay dumagdag pa ito sa problema ko.Pilit kong inaalala sa isipan ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Napasinghap akong napahawak sa ulo ng maisip ang kagagahang ginawa ko. Napayuko akong sinapo ang maliit n
Mabuti nalang at nagkasya ang natirang barya ko para pamasahe patungong San Agustin. Binalewala ko ang labis labis na sakit na nararamdaman sa kagustuhang makausap si Cole. I deserve an explanation, lalo na ngayong nagbunga ang ilang beses na may nangyari sa amin. Sa kung bakit hinayaan niyang umabot kami sa ganoong ponto kung niloloko niya palang ako.Sakay ng bus ay bumiyahe ako ng ilang oras bago makarating sa San Agustin. Buong loob akong dumiritso sa unit ni Cole ngunit nadismaya lang ako lalo ng maabutan ko itong nakasarado."Nakita kong kahapon pa yun umalis Ze. Di pa naman umuuwi. Hindi ba nagpaalam sayo?" Ani Mang Jun, nangungupahan sa katabing unit ni Cole. Di naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ng nangungupahan dito ang status namin ni Cole kaya ramdam ko ang pagtataka sa mga mata ng matanda.Mapait lang akong ngumiti at di na nagsalita dahil mas dumoble lang yung sakit. Di na ako nagtagal at nagpaalam na rin sa matanda. Sunod kong naisip na puntahan ay si Mrs. Fuentes.
Buong magdamag akong nanatili sa unit ni Cole. Kahit galit ako at nasasaktan ay umasa pa rin ako na baka uuwi siya o baka kunin niya man lang yung mga gamit niya na naiwan dito nang sa gayun ay makapag- usap kami at marinig ko man lang ang paliwanag niya. Ngunit nabigo lang ako, ni maski anino niya ay wala na atang balak na magpakita pa.Kaya naman buong magdamag ko ring pinag isipan ang napakabigat na desisyon ko.Magang maga na ang mga mata ko pero minu- minuto kong pinapangaralan ang sarili na ngayon lang dapat ito, bukas o sa mga susunod na araw ay wala na akong luhang sasayangin. Kailangan kong magpakatatag at magpatuloy sa buhay alang alang sa batang nasa sinapupunan ko."Ze nagdala ako ng pagkain, kumain ka na. Ang tamlay tamlay mo na. Nangangayayat ka pa." Nag- aalalang turan ni Mrs. Fuentes sabay lapag ng dala nitong pagkain sa mesa. Maaga itong nagtungo si unit ni Cole para kumustahin ang kalagayan ko dahil alam naman niyang dito ako natulog.Nanghihinang tango lang ang nagin
( Makalipas ang Limang Taon)"Congratulations! You passed the initial interview and you are invited for the final interview tomorrow!"Kakabukas ko pa lamang sa aking cellphone at ito agad ang email na bumungad sa akin. Unang basa ko pa lamang sa mensahe ay napatili na ako sa saya.Sa wakas kinontak din ako kaagad ng kompanyang inapplayan ko bilang isang receptionist sa isa sa napakalaki at sikat na hotel sa buong Asya."Mama, why are you so loud? I'm sleepy pa." Nagmamaktol na turan ng aking maglilimang taong gulang na anak na si Connor. Bihasa at tuwid itong magsalita ng Ingles dahil sa mga napapanood nitong palabas na cartoons. Gustuhin ko man maging isang simpleng bata ang anak ko ay wala akong magagawa dahil talagang inborn ang katalinuhan nito. Idagdag pa na super gwapo ito at mestisohin ang kutis kaya kadalasan rin itong napagkakamalan na anak ng isang mayaman.At aaminin kong napakalaki ng pagkakahawig nito sa ama niyang si Cole. Ang lalaking nang- iwan sa akin limang taon na a