Kumusta po? Comment naman diyaan sa mga active readers, pampagana lang po para malam ang may nagbabasa sa akda kong ito. Salamat sa lahat at patuloy na nagbibigay ng gems.
"Nakuha ko na yung pinadala mo. Mabuti naman Zelena at malaki na ang pakinabang mo ngayon. Sana laging ganito ha para hindi naman sumasakit ang ulo ko sa mga bayarin. Ayos lang na wag ka munang umuwi rito at tumulong sa 'kin basta ba makakapagpadala ka palagi ay wala tayong magiging problema."Ganito ang bungad sa 'kin ni Tiya Lucita sa kabilang linya. Yung imbes na magpasalamat ay parang pinapamukha pa sa 'kin na wala akong naging pakinabang sa kanya. Na kung tutuusin ay hindi ko naman obligasyon ang mga bayarin niya sa bahay. Gusto ko nalang talagang magmura sa isipan ko."Sige po Tiyang, ibababa ko na po." Tanging nasabi ko bago pinutol ang tawag at baka makapagsalita pa ako ng masakit."Why are you sad sweety?" Naramdaman ko kaagad ang yakap ni Cole sa beywang ko habang hinahalik halikan nito ang buhok ko."Si Tiyang, pero wala yun! Sanay na naman ako." Ani ko at mapait na ngumiti.Pinaharap niya ako. Marahan niyang hinahaplos ang mukha ko bago nito hinalikan ang tungki ng ilong ko
[ MATURE CONTENT AHEAD. NOT INTENTED FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS. ]Napahawak ako sa batok niya nang kabigin niya ako at uhaw na tinugunan ang halik ko."Cole," Nanghihinang usal ko nang maramdaman ang isang kamay niyang nakahaplos na sa may hita ko.Napahinto siya, nilagay sa aking tainga ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha ko."Kung hindi ka pa handa, huwag na muna nating ulitin yun. Makakapaghintay ako sweetheart." Sincere at puno ng pagmamahal na sambit niya.Ilang beses akong napakurap dahil sa lapit ng mukha namin. Nanghihina ako sa mabangong hininga niya. At ramdam ko sa puso ko na handang handa na naman ako. Para saan pa ang pagpipigil namin gayung nakuha niya na naman ang puri ko. Nakakatawa nga dahil wala pa kaming relasyon nung mangyar iyon.I kissed him again. Nanunuksong halik ang iginawad ko sa kanya."Uhmmm paano kung gusto kong maulit? Hihindi ka pa ba?" Nanunudyong sabi ko. Kita ko ang pagalaw ng panga niya, halatang nagalak ng sobra sa narinig."Damn sw
"Sweetheart tingnan mo! Ang daming stars." Manghang turan ko habang nakaturo ang mga mata sa maliwanag na kalangitan. Napakagandang tingnan ang ningning ng mga bituin sa langit."Yeah, ang ganda. Kasing ganda mo." Sagot naman ni Cole kaya natatawang hinampas ko siya sa braso. Ang loko puro na lamang pakilig! Nakaupo kami ngayon sa may buhangin habang sumisimsim ng wine. Sadyang napakaromantic ng lugar, bagay na bagay sa magkasintahang gaya namin. Nag overnight kami ngayon, sinusulit ang araw na magkasama, ang araw wala akong pasok at pareho kaming hindi busy.He chuckled at kinabig ako ng yakap kaya napasiksik ako sa matipuno niyang mga braso."Totoong kasing ganda ka ng bituin na yun sweetheart." Anito sabay turo sa malaki at pinakamakinang na bituin. "Kasi sa dinami dami ng babae, namumukod tangi ang kinang mo. Nakuha mo nga ang puso ko ng walang kahirap hirap." Dagdag na puri pa niya kaya di ko mapigilan ang sariling sumiksik sa bandang leeg niya para dampian ito ng pinong halik d
( Zelena's POV )Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Tapos na ang klase at bakasyon na. Ginugol ko ang panahon na kasama si Cole pero sumasideline pa rin ako sa palengke at kay Mrs. Fuentes para may maitabi para sa susunod na semester at may maipadala na rin kay Tiyang.Gusto sana ni Cole na magpaenroll ako para sa summer class ngunit nahihiya na ako sa rami ng naitulong niya. Kahit naman ramdam ko ang suporta at pagmamahal niya ay ayaw ko namang abusuhin. Hangga't kaya ko ay magsisikap din ako. Ayaw kong iasa sa kanya lahat."Napagod ba ang sweetheart ko? Hali ka na, sakay na." Tanong nito matapos ang trabaho ko sa palengke. Ilang minuto rin siyang naghintay para sunduin ako. Nakabili na rin kasi siya ng motorsiklo.Pagod akong ngumiti at dali daling umangkas. Yumakap ako sa beywang niya at isinandal sa malapad niyang likuran ang pagod kong katawan."Sabi ko naman kasi sayo na wag ka ng magpakapagod. Kaya naman kitang suportahan." Mahinahong turan nito bago tuluyang paandarin ang
Naging abala na ako nang makarating sa bahay ni Tiyang. Nasa ospital na sila nina Emily at Ericka kaya pumunta agad ako ng palengke para makapagbukas sa tindahan niya.Marami na agad mamimili kaya maging pagtext kay Cole ay nakaligtaan ko na. Tanghali na ng maalala kong tingnan ang cellphone ko.At di nga ako nagkamali dahil marami ng missed calls na galing sa kanya."Sweetheart, nakarating ka na ba?""Kumusta ka diyan? Busy ka ba? You're not answering my calls.""I miss you already. Please bumalik ka kaagad."Kilig na kilig naman ako habang binabasa ang mga mensahe niya. Di na ako nagreply at tinawagan na lamang siya."Salamat naman at nagparamdama ka na. Nag- aalala na 'ko sayo eh at the same time nagtatampo na rin." Bungad nito sa kabilang linya na may himig pagtatampo nga. Naiimagine ko na kung anong hitsura niya ngayon kaya napangiti ako."Sweety, sorry na kasi ngayon lang ako nakapagcellphone. Sobrang busy kasi dito at ako lang mag- isa ngayon. Babawi ako sayo mamaya kapag hindi
Nagtinda pa rin ako sa palengke kahit bumabagabag sa aking isipan ang posibilidad na baka buntis nga ako. Samo't sari ang nararamdaman ko sa naiisip. May parte sa aking puso ang masaya at nagagalak, ngunit may parte rin ang natatakot sa maaaring gawin ni Tiyang Lucita sa 'kin, lalo pa't hindi pa ako tapos sa pag-aaral.Nagkakatext pa rin kami ni Cole ngayon ngunit wala pa akong balak na sabihin sa kanya ang hinala ko. Saka na kapag sigurado na talaga. At kung anuman ang resulta, gusto ko mismo na sa personal niya malaman.Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag- iisip nang tumunog ang cellphone ko. Napapitlag ako at dali daling kinuha sa pag- aakalang si Cole ito ngunit napakunot ang noo ko nang makitang hindi nakaphonebook ang numero. Puno ng pagtataka ko itong sinagot."Hello Ze, Kumusta? Si Aaron 'to." Pakilala agad ng nasa kabilang linya kaya parang nawala sa isip ko inaalala."Aaron, hi! Napatawag ka?" Tanong ko at naalala din bigla na hiningi pala nito ang numero ko noong minsang
Dahil hindi pa humuhupa ang galit ni Tiyang nang makauwi ay sa labas ng bahay niya ako pinatulog, sa isang maliit na balkonahe. Parusa raw ito dahil sa kalandian ko na hangga't hindi ko naihaharap sa kanya ang ama ng anak ko, para pagbayarin na rin sa mga nagastos niya, ay hinding hindi ako makakapasok muli sa pamamahay niya. At alam ko na tototohanin niya lahat ng mga sinabi niya.Pero syempre hindi ko naman hahayaang si Cole ang magbayad sa kung anumang halaga ang hihingin ni Tiyang. Kung magbibigay man siya sa ngayon ay babayaran ko rin siya pagdating ng panahon, kapag may stable na akong trabaho balang araw."Ate gamitin mo 'to." Abot sa 'kin ni Emily ng unan at kumot. "Pagpasensiyahan mo na kung wala kaming magagawa sa ngayon para makatulong sayo." Naluluhang turan pa nito na ikinahaplos ko sa braso niya."Salamat Emz. Nauunawaan ko naman si Tiyang. Ayos lang ako dito. Aalis din ako bukas ng umaga para hintayin ang nobyo ko sa terminal." Kampanteng sagot ko dahil alam ko namang s
Nayakap ko nalang ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa street light ang nagbibigay liwanag sa waiting area kung saan ako nakaupo at walang sawang naghihintay."Nasaan ka na ba." Nag-aalalang usal ko sa sarili. Sisinghot singhot dahil sa walang katapusang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Wala ng masyadong tao sa lugar ngunit hindi ako nababahala sa anumang takot o peligro para sa sarili ko dahil mas nanaig ang pagkabahala ko para kay Cole.Lagpas dalawang oras na ako naghihintay sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating. At ngayon lamang ito nangyari magmula ng naging kami. Ngayon lamang kaya sobra sobra akong nababahala at kinakabahan."More patience pa Zelena." Mariing payo ko pa sa sarili. Na kahit abutin na ako ng madaling araw sa paghihintay ay maghihintay ako lalo na ngayong wala na akong mauuwian dahil alam kong hindi na ako tatanggapin pa ni Tiyang.Huminga ako ng malalim b
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la