"Are you really sure about this Kris?" Kinakabahang tanong ni Jaxon kay Krissy habang nasa sasakyan ang dalawa. Noong nakaraang araw pa kasi nila ito napag-usapan kaya hindi na ito aatrasan pa ni Krissy. Gagawin niya ang pinangakong tulong sa kaibigan.Eme-meet ni Jaxon ang kanyang kaibigang si Aries over lunch at ipapakilala niya si Krissy bilang girlfriend niya, ganoon ang kasunduan na napag-usapan nila. Kaya pinakiusapan ni Krissy sina Brenda at Wesley na sila na muna ang tumingin-tingin kay baby CK sa NICU hangga't wala pa siya.Tumango si Krissy at tipid na ngumiti. "Yeah, I am sure about this. If it's the only way para makatulong sayo." Marahang sambit niya na ikinangiti ni Jaxon."Thank you so much Kris, or should I call you 'love' for just a couple of hours?" Saad ni Jaxon na may halo pang panunukso.Natawa naman si Krissy at tumango. "Ofcourse love. Para naman magmukhang totoo kahit papaano." "Okay love, let's go." Nakahagikhik na saad ni Jaxon na may kasama pang pakindat.
Nakaramdam ng kaba si Calex pagkalapag pa lamang ng eropano sa airport. Di mawala ang excitement sa puso niya sapagka't makikita niya na rin si Krissy ulit. Na hindi lang pala ang kanyang asawa kundi ang kanilang bagong silang na anak din. And that makes him even more excited and nervous at the same time.Hindi na siya makapaghintay na makasama ang kanyang mag-ina at makabawi sa maraming panahon na puro pagdurusa at sakit lang ang pinaramdam niya kay Krissy.Mabuti na lamang at binigay lahat ni daddy Henry ang impormasyong kailangan ni Calex kaya't hindi siya mahihirapang maghagilap kahit gaano pa kalaki ang London. Ibinigay ng ginoo ang kompletong address ng apartment na tinutuluyan ni Krissy, pati na rin ang impormasyong kinaroroonan ng kaibigan ng ginoo na si Mrs. Sally Robinson, na siyang tumatayong guardian ni Krissy rito.After nakapagpabook ng cab ay agad na tinungo ni Calex ang nasabing lugar ni daddy Henry, ang lokasyon ng bahay ni Mrs. Robinson.At makalipas lang ang halos i
"What!? Nandito si Calex? How on earth na nalaman niya ang kinaroroonan namin ng anak ko?" Magkasunod na tanong ni Krissy gawa ng pagkagulat."According to him, sinabi raw ng dad mong si Mr. Henry Parker. I guess your dad knew about it. And your ex said na kaya siya nandito it's because gusto niyang makita ang baby niyo." Paliwanag naman ni Jaxon.Nasapo ni Krissy ang kanyang noo. Sumibol na ang kaba sa kanyang dibdib sa pag-aakalang kaya marahil nandito si Calex ay para asikasuhin ang custody nito kay baby CK. At ang malala ay baka ilayo ni Calex ang bata sa kanya.Ngunit hindi siya makakapayag na mangyari iyon! Higit mas mahalaga sa kanya ang kanyang anak sa kahit ano pa mang bagay. At kahit mahal pa niya si Calex ay handa siyang isantabi ang kanyang nararamdaman alang-alang sa kapakanan ng kanyang anak. Matapos siyang saktan at pahirapan ng lalaki ay tila ba gusto niyang tanggalan na ito ng karapatan sa bata. Kung noon ay gusto at hiniling niyang magpakaama si Calex, ngayon gusto
Si Brenda na ang nagbukas ng pintuan. Napag-usapan nila ni Krissy na bibigyan niya ng privacy ang mag-asawa kaya napagdesisyunan niyang lumabas na muna kahit gustong-gusto niyang malaman ang paliwanag ni Calex kung bakit ito nagpunta rito.'Sadyang umiiral ang pagkamarites nitong si Brenda'Hindi umiimik si Brenda ngunit sinamaan nito ng tingin si Calex bago ito tuluyang lumabas.Pagkabukas palang ng pintuan ay labis ang kabog sa dibdib ni Krissy. Lalo na nang bumungad sa kanya ang napakagwapong mukha ni Calex.At habang palihim ang titig niya sa lalaki ay napagtanto niyang sobra niya itong namiss. Gusto niya itong salubungin ng napakahigpit na yakap at pugpugin ng halik. Ganoon ang sinisigaw ng kanyang puso ngunit mahigpit naman na ipinagbawal ng kanyang utak.Sa isang iglap lang ay biglang tumingin si Calex sa direksyon niya at nagtama ang kanilang mga mata. Parang isang kuryente ang titig ng lalaki na dumaloy sa mga ugat ni Krissy. Hindi maipaliwanag ni Krissy kung bakit malamlam a
"Brenda, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Wesley nang makita si Brenda na nakaupo sa isang bench sa labas ng kwarto ni Krissy."Gosh Wesley, where have you been? Bakit ngayon ka lang?" Instead na sagutin ang tanong ng lalaki ay nagtanong din si Brenda pabalik. Kasama niya kasi ito sa mall kanina ngunit mas nauna itong nagpaalam kaya nagtaka ang babae kung bakit kakarating lamang nito."May dinaanan lang akong isang kaibigan. Bakit ka ba naririto sa labas? Si Krissy ba nasa loob? Nagpatake out kasi ako ng pizza for her." Nakangiting sagot ng lalaki. Ngayon lang napansin ni Brenda na may bitbit pala itong dalawang box ng pizza.Namilog naman sa tuwa ang mga mata ni Brenda. Isa kasi ito sa paborito nilang pagkain."Naku! Tiyak matutuwa niyan si Krissy. Favorite naming dalawa yan eh." Bulalas nito na talagang sinama niya pa ang sarili."Edi much better pala kung ganun." Nakangiting turan ni Wesley.Akmang papasok na sana siya nang biglang tumayo si Brenda at mabilis na ini
Mabilis lumipas ang buong araw, at sa tulong ni daddy Henry na siyang nakiusap kay Mrs. Robinson ay pinatuloy rin ng ginang si Calex sa kanyang luxury apartment, iisang building lang sa kwartong tinutuluyan nina Krissy at Brenda.Tinawagan lang din ni Mrs. Robinson ang caretaker nito dahil nasa opisina pa ang ginang. Matapos maibigay kay Calex ang susi ng apartment ay agaran ding umalis ang caretaker.Laglag ang balikat na nilagay ni Calex sa loob ang dala niyang mga gamit. Matamlay ang kanyang katawan gawa ng magkahalong nararamdaman, pagod sa mahabang biyahe at sakit na nararamdaman ng kanyang puso.Gustuhin man niyang magpahinga ng matagal o di kaya'y matulog sa malambot na kama ngayon ay hindi niya magawa dahil gusto niyang doon na sa ospital magpalipas ng gabi. Wala siyang pakialam kung sa sahig o sa labas siya matulog basta masamahan niya lang si Krissy. Ganoon siya kadesididong mag-effort para sa kanyang asawa.Agad niya ring inayos ang kanyang mga gamit. Nagpahinga muna siya s
Nagising si Krissy ng madaling araw. At dahil nahirapan na siyang makatulog pa ulit ay napagdesisyunan niya nalang na puntahan si baby CK sa NICU.Marahan siyang bumangon. Rinig pa niya ang malakas na hilik ni Brenda na nakahiga sa couch. Hilik na para bang pagod na pagod ito buong araw. Sabagay, ito lang din kasi ang madali niyang nauutusan sa lahat. Kaya dahan-dahan ang kanyang kilos para hindi maistorbo ang tulog nito. Hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kwarto.Gayun na lamang ang pagkabog ng puso ni Krissy nang makita si Calex na natutulog sa bench sa labas. Pinagkasya lang ng lalaki ang sarili nito na bahagya pang nakabaluktot para lang makatulog. Nakaramdam siya ng awa para sa lalaki dahil tiyak hirap na hirap itong makaposisyon dahil sa katangkaran nito. Talagang tinotoo nito ang sinabi na 24/7 ito magbabantay sa kanilang anak.Pumintig ng malakas ang dibdib ni Krissy habang di niya magawang ialis ang kanyang mga mata sa napakagwapong mukha nito. He looks so perfect kahit
"Babe, sigurado ka ba sa inaalok mo? Kaya ko namang maghanap ng paraan eh." Pahayag ng boyfriend ni Brenda na si Philip sa kabilang linya. Nang malaman kasi ng babae na nangangailangan ng pera ang lalaki para sa maintenance na gamot ng lolo nito ay hindi na siya nagdalawang isip na tulungan ang nobyo. Agad siyang nagtransfer ng malaking pera sa bank account nito. Actually noon pa niya inaalok ng tulong ang lalaki, hindi lang nito tinatanggap.Sadyang labis itong mahal ni Brenda at hindi niya kayang isipin na nahihirapan ang lalaking minamahal.Nasa dugo na nga ata nila ni Krissy na todo bigay lahat ng kanilang pagmamahal kapag talaga natamaan na ng pana ni kupido ang kanilang mga puso."Oo naman babe, para wala ka ng alalahanin pa. Gusto ko happy ka lang ganern!" Puno ng pagmamahal na sambit ni Brenda. Bakas ang labis na tuwa sa boses ni Philip pero at the same time ay may pait pa rin sa boses ng binata. Pait hindi dahil hindi ito natutuwa kundi pait dahil sa guilt na nararamdam nit