Si Brenda na ang nagbukas ng pintuan. Napag-usapan nila ni Krissy na bibigyan niya ng privacy ang mag-asawa kaya napagdesisyunan niyang lumabas na muna kahit gustong-gusto niyang malaman ang paliwanag ni Calex kung bakit ito nagpunta rito.'Sadyang umiiral ang pagkamarites nitong si Brenda'Hindi umiimik si Brenda ngunit sinamaan nito ng tingin si Calex bago ito tuluyang lumabas.Pagkabukas palang ng pintuan ay labis ang kabog sa dibdib ni Krissy. Lalo na nang bumungad sa kanya ang napakagwapong mukha ni Calex.At habang palihim ang titig niya sa lalaki ay napagtanto niyang sobra niya itong namiss. Gusto niya itong salubungin ng napakahigpit na yakap at pugpugin ng halik. Ganoon ang sinisigaw ng kanyang puso ngunit mahigpit naman na ipinagbawal ng kanyang utak.Sa isang iglap lang ay biglang tumingin si Calex sa direksyon niya at nagtama ang kanilang mga mata. Parang isang kuryente ang titig ng lalaki na dumaloy sa mga ugat ni Krissy. Hindi maipaliwanag ni Krissy kung bakit malamlam a
"Brenda, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Wesley nang makita si Brenda na nakaupo sa isang bench sa labas ng kwarto ni Krissy."Gosh Wesley, where have you been? Bakit ngayon ka lang?" Instead na sagutin ang tanong ng lalaki ay nagtanong din si Brenda pabalik. Kasama niya kasi ito sa mall kanina ngunit mas nauna itong nagpaalam kaya nagtaka ang babae kung bakit kakarating lamang nito."May dinaanan lang akong isang kaibigan. Bakit ka ba naririto sa labas? Si Krissy ba nasa loob? Nagpatake out kasi ako ng pizza for her." Nakangiting sagot ng lalaki. Ngayon lang napansin ni Brenda na may bitbit pala itong dalawang box ng pizza.Namilog naman sa tuwa ang mga mata ni Brenda. Isa kasi ito sa paborito nilang pagkain."Naku! Tiyak matutuwa niyan si Krissy. Favorite naming dalawa yan eh." Bulalas nito na talagang sinama niya pa ang sarili."Edi much better pala kung ganun." Nakangiting turan ni Wesley.Akmang papasok na sana siya nang biglang tumayo si Brenda at mabilis na ini
Mabilis lumipas ang buong araw, at sa tulong ni daddy Henry na siyang nakiusap kay Mrs. Robinson ay pinatuloy rin ng ginang si Calex sa kanyang luxury apartment, iisang building lang sa kwartong tinutuluyan nina Krissy at Brenda.Tinawagan lang din ni Mrs. Robinson ang caretaker nito dahil nasa opisina pa ang ginang. Matapos maibigay kay Calex ang susi ng apartment ay agaran ding umalis ang caretaker.Laglag ang balikat na nilagay ni Calex sa loob ang dala niyang mga gamit. Matamlay ang kanyang katawan gawa ng magkahalong nararamdaman, pagod sa mahabang biyahe at sakit na nararamdaman ng kanyang puso.Gustuhin man niyang magpahinga ng matagal o di kaya'y matulog sa malambot na kama ngayon ay hindi niya magawa dahil gusto niyang doon na sa ospital magpalipas ng gabi. Wala siyang pakialam kung sa sahig o sa labas siya matulog basta masamahan niya lang si Krissy. Ganoon siya kadesididong mag-effort para sa kanyang asawa.Agad niya ring inayos ang kanyang mga gamit. Nagpahinga muna siya s
Nagising si Krissy ng madaling araw. At dahil nahirapan na siyang makatulog pa ulit ay napagdesisyunan niya nalang na puntahan si baby CK sa NICU.Marahan siyang bumangon. Rinig pa niya ang malakas na hilik ni Brenda na nakahiga sa couch. Hilik na para bang pagod na pagod ito buong araw. Sabagay, ito lang din kasi ang madali niyang nauutusan sa lahat. Kaya dahan-dahan ang kanyang kilos para hindi maistorbo ang tulog nito. Hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kwarto.Gayun na lamang ang pagkabog ng puso ni Krissy nang makita si Calex na natutulog sa bench sa labas. Pinagkasya lang ng lalaki ang sarili nito na bahagya pang nakabaluktot para lang makatulog. Nakaramdam siya ng awa para sa lalaki dahil tiyak hirap na hirap itong makaposisyon dahil sa katangkaran nito. Talagang tinotoo nito ang sinabi na 24/7 ito magbabantay sa kanilang anak.Pumintig ng malakas ang dibdib ni Krissy habang di niya magawang ialis ang kanyang mga mata sa napakagwapong mukha nito. He looks so perfect kahit
"Babe, sigurado ka ba sa inaalok mo? Kaya ko namang maghanap ng paraan eh." Pahayag ng boyfriend ni Brenda na si Philip sa kabilang linya. Nang malaman kasi ng babae na nangangailangan ng pera ang lalaki para sa maintenance na gamot ng lolo nito ay hindi na siya nagdalawang isip na tulungan ang nobyo. Agad siyang nagtransfer ng malaking pera sa bank account nito. Actually noon pa niya inaalok ng tulong ang lalaki, hindi lang nito tinatanggap.Sadyang labis itong mahal ni Brenda at hindi niya kayang isipin na nahihirapan ang lalaking minamahal.Nasa dugo na nga ata nila ni Krissy na todo bigay lahat ng kanilang pagmamahal kapag talaga natamaan na ng pana ni kupido ang kanilang mga puso."Oo naman babe, para wala ka ng alalahanin pa. Gusto ko happy ka lang ganern!" Puno ng pagmamahal na sambit ni Brenda. Bakas ang labis na tuwa sa boses ni Philip pero at the same time ay may pait pa rin sa boses ng binata. Pait hindi dahil hindi ito natutuwa kundi pait dahil sa guilt na nararamdam nit
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal