Share

Kabanata 173

"Cal-Calex!"

Kapwa natigilan sina Calex at Venice. Puno ng kuryosidad na bumaling ang dalawa sa kanilang likuran kung saan nagmumula ang boses.

Agad na napatayo si Venice nang makita si Krissy. Habang si Calex naman ay bakas ang pagkabigla sa presensiya ng babae.

"Anlakas ng loob mong bumalik pa rito! Hindi ba't pinapalayas ka na ni Calex? So what the hell are you doing here?" Asik ni Venice na kung umasta ay parang pagmamay-ari nito ang resort.

Saglit na natigilan si Krissy. Laking pagtataka niya sa inaasta ni Venice. Kung bakit napakalakas ng loob nitong magtapang-tapangan gayung sa kanilang dalawa ay siya itong may karapatang magalit dahil siya ang legal na asawa.

"Shut up! Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan? Baka nakakalimutan mong asawa ko yang nilalandi mo!" Galit na sagot ni Krissy. Nakuyom pa niya ang kamao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.

Ngunit bago pa tuluyang magkainitan ang dalawa ay kapwa sila natigilan nang galit na nagsalita si Calex.

"What the fu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status