공유

Kabanata 178

Mabilis lumipas ang mga araw, naging malapit na sina Krissy at Brenda kay Jaxon. Halos araw-araw pumupunta sa ospital ang lalaki para kumustahin si Krissy at ang kalagayan ng baby nito. At sa pagpunta nito ay lagi na lamang may dalang pasalubong at pagkain. Para itong isang ulirang asawa kung makaalaga.

May time naman na kasama nito ang mommy nitong si Mrs. Sally Robinson kapag hindi abala ang ginang sa pinapatakbo nitong mga negosyo.

At sobrang nakakagaan sa pakiramdam ni Krissy na may pamilya siyang maituturing dito lalo pa't simula pagdating nila ni Brenda ay hindi pa nakakasunod ang kanyang daddy Henry. Lagi naman silang magkausap sa telepono at nangako itong tatapusin lang lahat ng trabahong maiiwanan bago babiyahe. Sobrang excited na nga rin ng kanyang daddy na makita ang napakagwapo nitong apo.

At dahil sa mga taong concern at nagmamahal sa kanya ay kahit papaano'y medyo nakakalimutan niyang isipin si Calex.

Kinausap din kasi niya ang kanyang abogado at sinabihan niyang saka
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status