"Cal-Calex!"Kapwa natigilan sina Calex at Venice. Puno ng kuryosidad na bumaling ang dalawa sa kanilang likuran kung saan nagmumula ang boses.Agad na napatayo si Venice nang makita si Krissy. Habang si Calex naman ay bakas ang pagkabigla sa presensiya ng babae."Anlakas ng loob mong bumalik pa rito! Hindi ba't pinapalayas ka na ni Calex? So what the hell are you doing here?" Asik ni Venice na kung umasta ay parang pagmamay-ari nito ang resort.Saglit na natigilan si Krissy. Laking pagtataka niya sa inaasta ni Venice. Kung bakit napakalakas ng loob nitong magtapang-tapangan gayung sa kanilang dalawa ay siya itong may karapatang magalit dahil siya ang legal na asawa."Shut up! Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan? Baka nakakalimutan mong asawa ko yang nilalandi mo!" Galit na sagot ni Krissy. Nakuyom pa niya ang kamao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.Ngunit bago pa tuluyang magkainitan ang dalawa ay kapwa sila natigilan nang galit na nagsalita si Calex."What the fu
"Kung nakita mo lang sana yung nakakaawang hitsura kanina nung Krissy na iyon madam, tiyak magbubunyi ka! Pinahiya lang naman siya ni Calex sa harapan ko. Pinamukha sa kanyang mas pipiliin pa rin ako ng lalaking kinababaliwan niya despite sa mga nangyari." Nakabungisngis na pahayag ni Venice habang kausap si Eliz sa kabilang linya."Well, Nakita ko na! Sinend sa akin ng utusan ko ang video. At ngayon pa lang, I want to congratulate you. Good job Venice!" Nakangising turan ni Eliz. Sobrang natutuwa siya nang nakitang durog na durog si Krissy. Mabilis kasi talagang kumilos ang utusan niya kaya hindi niyon nakaligtaan ang malateleseryeng eksena."Salamat madam! But hindi pa ako tapos madam. I'm gonna make sure na pagkatapos ng annulment ng dalawa, ako naman ang papakasalan ni Calex. Sisiguraduhin kong wala ng mahahabol pa ang babaeng yun sa pinakamamahal niya." Confident na pahayag ni Venice. Sa mga narinig niyang sinabi ni Calex ay siguradong-sigurado na siyang makikipagbalikan sa kanya
"Dad I'm sorry, binigyan kita ng kahihiyan dahil sa katangahan ko. Sinira ko pati ang reputasyon mo." Humihikbing turan ni Krissy sa kanyang ama habang nakayakap naman ito sa kanya. Isa kasi ang reputasyon ng daddy niya ang dahilan kung bakit nagpumilit siyang maikasal kay Calex, sa takot niyang mapahiya ito sa lahat lalo na sa mga kasosyo nito sa negosyo. Pero yun pala ay hindi niya rin ito naisalba ngayon sa kahihiyang siya ang may dulot.Pagkarating nila ni Brenda ay hindi niya mapigilang ekwento sa ama ang komplikadong sitwasyon nila ni Calex dahil sa pagbabalik ng ex ng lalaki. Sinabi niya na rin dito ang tungkol sa nanganganib na kalagayan ng kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan.Maluha-luhang hinahaplos ng kanyang dady ang kanyang likuran para daluhan siya sa pagdadalamhati ng kanyang puso."Kahit kailan never naging kahihiyan ang pagkakaroon ng anak sa maling tao hija. Kaya wag na wag mong iisipin ang bagay na iyan. Maraming relasyon ang failure, hindi lang ikaw ang nakak
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makarating sina Krissy at Brenda sa London, United Kingdom. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala na silang inaksaya pang oras at agad na tinungo ang nirekomendang private hospital ni Mrs. Sally Robinson, ang negosyanteng kaibigan na tinutukoy ng kanyang daddy Henry.Bukod sa ang ginang mismo ang naghanap ng mga magagaling na doktor ay libre rin silang pinatuloy sa pagmamay-ari nitong Luxury Apartments.At makalipas lang ang ilang araw, gawa na rin ng determinasyon, tapang at lakas ng loob ni Krissy ay naging mabilis at successful ang operasyon. At dahil premature pa ang kanyang baby ay agad din itong inilagay sa isang Neonatal Intensive Care Unit.Ilang oras pa ang lumipas bago nagising si Krissy matapos ang kanyang operasyon. Sa tulong ng isang pinay nurse at ni Brenda ay sobrang excited na tinungo ni Krissy ang NICU.Walang paglagyan sa galak ang kanyang puso. Her eyes were teary habang tulak-tulak ni Brenda ang kanyang wheelchair patungo s
"May ganito kagwapong anak pala si Mrs. Robinson? Gosh! Bakit ngayon ka lang namin nakita?" Di makapaniwalang bulalas ni Brenda. Hindi man lang ito nahiya sa lantaran pagpuri sa lalaki.Napaismid na lamang si Krissy. She's expecting na sana hindi ito maiintindihan ng lalaki dahil hindi naman ito salitang Ingles. Ngunit kapwa sila nagulat ni Brenda ng sumagot ito gamit ang salitang tagalog."Thanks for the compliment. Medyo may kalayuan kasi ang bahay ko sa bahay ni mommy. And I am also busy running my business kaya madalang ako nakakadalaw kay mommy. Sumaglit lang talaga ako rito dahil gusto itong ipabigay ni mommy sa inyo." Nakangiting paliwanag ng lalaki habang marahang inilapag ang dalang supot ng prutas sa hospital bed table.Napaawang ang dalawang babae. Lalo na si Brenda na pinamulahan agad ng mukha dahil naintindihan pala nito ang mga sinabi niya."Wow you speak tagalog fluently. How did you learned?" Di makapaniwalang tanong ni Krissy. Kung titingnan kasi ang lalaki ay napakad
Mabilis lumipas ang mga araw, naging malapit na sina Krissy at Brenda kay Jaxon. Halos araw-araw pumupunta sa ospital ang lalaki para kumustahin si Krissy at ang kalagayan ng baby nito. At sa pagpunta nito ay lagi na lamang may dalang pasalubong at pagkain. Para itong isang ulirang asawa kung makaalaga.May time naman na kasama nito ang mommy nitong si Mrs. Sally Robinson kapag hindi abala ang ginang sa pinapatakbo nitong mga negosyo. At sobrang nakakagaan sa pakiramdam ni Krissy na may pamilya siyang maituturing dito lalo pa't simula pagdating nila ni Brenda ay hindi pa nakakasunod ang kanyang daddy Henry. Lagi naman silang magkausap sa telepono at nangako itong tatapusin lang lahat ng trabahong maiiwanan bago babiyahe. Sobrang excited na nga rin ng kanyang daddy na makita ang napakagwapo nitong apo.At dahil sa mga taong concern at nagmamahal sa kanya ay kahit papaano'y medyo nakakalimutan niyang isipin si Calex. Kinausap din kasi niya ang kanyang abogado at sinabihan niyang saka
Bumalik si Calex ng La Union ngunit hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan niya ang mga sinabi at payo ng kanyang mommy Liezel. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pa siya umuwi ng Cebu dahil mas lalo lang gumulo ang isip niya ngayon.Kasalukuyan siya ngayong nag-iimpake ng kanyang mga gamit. Lilipat na naman kasi siya sa La Paraiso- Zambales para sa panibagong project for renovations. Napakaganda at napakaayos na ng La Paraiso- La Union kaya kampante na siyang iwan na ito.Balak niyang bumiyahe mamayang hapon. Si Venice naman ay nagpaalam na uuwi na muna sa kanila. Nangako naman ang babae na susunod sa kanya sa Zambales kahit na hindi niya naman ito inanyayahan na sumama. At para lang hindi maoffend ang damdamin ng babae ay tumango na lamang siya para sang-ayunan ito.Mabigat ang naging kilos ng kanyang katawan habang nilalagay paisa-isa ang mga T-shirt niya sa maliit na maleta. Bigla kasing sumagi sa isipan niya ang pinagsaluhan nila ni Krissy na mga masasayang ala-ala rito
Halos paliparin ni Calex ang kanyang sasakyan patungo sa apartment na tinitirhan ni Trisha Venice. Mabuti na lamang at natanong niya sa babae noong nakaraang araw ang eksaktong lokasyon nito. Hindi niya na siya makapaghintay na makompronta ito.Parang sinisilaban si Calex at nag-iinit ang buo niyang kalamnan. Kuyom ang kanyang kamao habang nagbabaga ang kanyang mga mata."Shit!!!" Galit na asik niya. Hindi siya makapaniwalang noon pa siya ginagamit at pinapaikot ni Venice sa mga palad nito. Sumobra ang tiwala niya sa babae. At kahit minsan hindi niya ito pinagdudahan. Never pumasok sa isip niyang magagawa ito ni Venice gayung mabuting babae ang pagkakilala niya rito noon.Siguro nga marahil, kagaya ng panahon ay nagbabago rin ang tao.Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Calex sa labis na pagkadismaya. Hindi siya umiiyak dahil galit siya kay Venice o di kaya dahil nasaktan siya, he's damn crying dahil sa mga ginawa niyang pananakit ng damdamin ni Krissy sa pag-aakalang ang ba