Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makarating sina Krissy at Brenda sa London, United Kingdom. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala na silang inaksaya pang oras at agad na tinungo ang nirekomendang private hospital ni Mrs. Sally Robinson, ang negosyanteng kaibigan na tinutukoy ng kanyang daddy Henry.Bukod sa ang ginang mismo ang naghanap ng mga magagaling na doktor ay libre rin silang pinatuloy sa pagmamay-ari nitong Luxury Apartments.At makalipas lang ang ilang araw, gawa na rin ng determinasyon, tapang at lakas ng loob ni Krissy ay naging mabilis at successful ang operasyon. At dahil premature pa ang kanyang baby ay agad din itong inilagay sa isang Neonatal Intensive Care Unit.Ilang oras pa ang lumipas bago nagising si Krissy matapos ang kanyang operasyon. Sa tulong ng isang pinay nurse at ni Brenda ay sobrang excited na tinungo ni Krissy ang NICU.Walang paglagyan sa galak ang kanyang puso. Her eyes were teary habang tulak-tulak ni Brenda ang kanyang wheelchair patungo s
"May ganito kagwapong anak pala si Mrs. Robinson? Gosh! Bakit ngayon ka lang namin nakita?" Di makapaniwalang bulalas ni Brenda. Hindi man lang ito nahiya sa lantaran pagpuri sa lalaki.Napaismid na lamang si Krissy. She's expecting na sana hindi ito maiintindihan ng lalaki dahil hindi naman ito salitang Ingles. Ngunit kapwa sila nagulat ni Brenda ng sumagot ito gamit ang salitang tagalog."Thanks for the compliment. Medyo may kalayuan kasi ang bahay ko sa bahay ni mommy. And I am also busy running my business kaya madalang ako nakakadalaw kay mommy. Sumaglit lang talaga ako rito dahil gusto itong ipabigay ni mommy sa inyo." Nakangiting paliwanag ng lalaki habang marahang inilapag ang dalang supot ng prutas sa hospital bed table.Napaawang ang dalawang babae. Lalo na si Brenda na pinamulahan agad ng mukha dahil naintindihan pala nito ang mga sinabi niya."Wow you speak tagalog fluently. How did you learned?" Di makapaniwalang tanong ni Krissy. Kung titingnan kasi ang lalaki ay napakad
Mabilis lumipas ang mga araw, naging malapit na sina Krissy at Brenda kay Jaxon. Halos araw-araw pumupunta sa ospital ang lalaki para kumustahin si Krissy at ang kalagayan ng baby nito. At sa pagpunta nito ay lagi na lamang may dalang pasalubong at pagkain. Para itong isang ulirang asawa kung makaalaga.May time naman na kasama nito ang mommy nitong si Mrs. Sally Robinson kapag hindi abala ang ginang sa pinapatakbo nitong mga negosyo. At sobrang nakakagaan sa pakiramdam ni Krissy na may pamilya siyang maituturing dito lalo pa't simula pagdating nila ni Brenda ay hindi pa nakakasunod ang kanyang daddy Henry. Lagi naman silang magkausap sa telepono at nangako itong tatapusin lang lahat ng trabahong maiiwanan bago babiyahe. Sobrang excited na nga rin ng kanyang daddy na makita ang napakagwapo nitong apo.At dahil sa mga taong concern at nagmamahal sa kanya ay kahit papaano'y medyo nakakalimutan niyang isipin si Calex. Kinausap din kasi niya ang kanyang abogado at sinabihan niyang saka
Bumalik si Calex ng La Union ngunit hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan niya ang mga sinabi at payo ng kanyang mommy Liezel. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pa siya umuwi ng Cebu dahil mas lalo lang gumulo ang isip niya ngayon.Kasalukuyan siya ngayong nag-iimpake ng kanyang mga gamit. Lilipat na naman kasi siya sa La Paraiso- Zambales para sa panibagong project for renovations. Napakaganda at napakaayos na ng La Paraiso- La Union kaya kampante na siyang iwan na ito.Balak niyang bumiyahe mamayang hapon. Si Venice naman ay nagpaalam na uuwi na muna sa kanila. Nangako naman ang babae na susunod sa kanya sa Zambales kahit na hindi niya naman ito inanyayahan na sumama. At para lang hindi maoffend ang damdamin ng babae ay tumango na lamang siya para sang-ayunan ito.Mabigat ang naging kilos ng kanyang katawan habang nilalagay paisa-isa ang mga T-shirt niya sa maliit na maleta. Bigla kasing sumagi sa isipan niya ang pinagsaluhan nila ni Krissy na mga masasayang ala-ala rito
Halos paliparin ni Calex ang kanyang sasakyan patungo sa apartment na tinitirhan ni Trisha Venice. Mabuti na lamang at natanong niya sa babae noong nakaraang araw ang eksaktong lokasyon nito. Hindi niya na siya makapaghintay na makompronta ito.Parang sinisilaban si Calex at nag-iinit ang buo niyang kalamnan. Kuyom ang kanyang kamao habang nagbabaga ang kanyang mga mata."Shit!!!" Galit na asik niya. Hindi siya makapaniwalang noon pa siya ginagamit at pinapaikot ni Venice sa mga palad nito. Sumobra ang tiwala niya sa babae. At kahit minsan hindi niya ito pinagdudahan. Never pumasok sa isip niyang magagawa ito ni Venice gayung mabuting babae ang pagkakilala niya rito noon.Siguro nga marahil, kagaya ng panahon ay nagbabago rin ang tao.Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Calex sa labis na pagkadismaya. Hindi siya umiiyak dahil galit siya kay Venice o di kaya dahil nasaktan siya, he's damn crying dahil sa mga ginawa niyang pananakit ng damdamin ni Krissy sa pag-aakalang ang ba
Napag-alaman ni Krissy na kaya nandito si Wesley ay dahil nagbabakasyon daw ito rito. Binisita lang din nito ang isang malapit na kaibigan na doktor, na siyang kausap pala nito kanina.Naikwento niya rin sa lalaki ang dahilan ng pagparito nila at ang kalagayan ng kanyang baby na nasa NICU ngayon. Bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Wesley at nangakong tutulong ito rin ito.Lubos man siyang nagtataka dahil lagi na lamang silang nagkakatagpo ng lalaki ay hindi nalang din siya nag-usisa pa. Ang mas mahalaga ay may kaibigan siyang makakasama rito bukod kay Brenda at Jaxon.Hindi naman mapigilan ni Brenda ang nararamdamang kilig at tinutukso pa nito si Krissy gamit ang mga mata at nguso niya."It's always a destiny Kris. Sa dinami dami ng hospital sa buong England, dito pa talaga tayo nagkita. I am beyond speechless." Di makapaniwalang bulalas ni Wesley. Tumango naman si Krissy coz she agreed too."Ang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan eh no? Hindi ba't doktor ka? Paano nga pala
Matapos maisakatuparan ni Calex ang kanyang planong paghihiganit kay Venice ay agad din niyang tinawagan ang kanyang daddy at ang kanyang kuya Brandon. Ipinaalam niya sa mga ito ang mga nangyari at humiling na ipagpapaliban na muna niya ang renovations na gagawin sa La Paraiso, Zambales dahil mas kailangan niyang unahin ngayong isalba ang relasyon nila ni Krissy.Isasalba niya ang relasyong siya rin mismo ang sumira dahil lang sa maling paratang at panghuhusga niya!Naguluhan pa nga ang mga ito kung bakit lagi na lamang pabago-bago ang isipan ni Calex. Dahil noon ay tumawag ito na magpo-propose na siya ng totohanan kay Krissy and marry her for the second time. Tapos biglang, nagfile ito ng annulment dahil sa sinabing kasinungalingan ng ex nitong si Trisha Venice na agad din niyang pinaniwalaan dahil sa kabobohan niya. At ngayon ay makikipag-ayos na naman siya muli kay Krissy!At para maliwanagan ang dalawa ay pinaliwanag na lamang ni Calex ng maayos ang lahat ng mga nangyari. Lalong l
"Are you really sure about this Kris?" Kinakabahang tanong ni Jaxon kay Krissy habang nasa sasakyan ang dalawa. Noong nakaraang araw pa kasi nila ito napag-usapan kaya hindi na ito aatrasan pa ni Krissy. Gagawin niya ang pinangakong tulong sa kaibigan.Eme-meet ni Jaxon ang kanyang kaibigang si Aries over lunch at ipapakilala niya si Krissy bilang girlfriend niya, ganoon ang kasunduan na napag-usapan nila. Kaya pinakiusapan ni Krissy sina Brenda at Wesley na sila na muna ang tumingin-tingin kay baby CK sa NICU hangga't wala pa siya.Tumango si Krissy at tipid na ngumiti. "Yeah, I am sure about this. If it's the only way para makatulong sayo." Marahang sambit niya na ikinangiti ni Jaxon."Thank you so much Kris, or should I call you 'love' for just a couple of hours?" Saad ni Jaxon na may halo pang panunukso.Natawa naman si Krissy at tumango. "Ofcourse love. Para naman magmukhang totoo kahit papaano." "Okay love, let's go." Nakahagikhik na saad ni Jaxon na may kasama pang pakindat.