Kinabukasan ay buong maghapon lang na nagkulong si Krissy sa kanyang kwarto. Naunawaan naman siya ng kanyang daddy Henry kaya't hinayaan na muna siyang mapag-isa. She needs privacy dahil yun ang kailangan ng bigo niyang puso ngayon.Habang nakahiga at nasa malalim na pag-iisip ay di maiwasan ni Krissy na di maisip si Calex. 'Sabagay, kailan nga ba nawala sa isip niya ang lalaki eh halos ito na nga lang ang laman ng utak niya!'Ngayong magkalayo na sila ay malaya ng tuksuhin si Calex ng mga babaeng umaaligid rito.At kapag nangyari yun, baka tuluyan na nga siyang makalimutan nito. O ang masaklap baka ilang araw lang magmula ngayon ay makahanap na agad ito ng ipapalit sa kanya bilang Mrs. Vargas. 'Gosh! wag naman sana!'May isang buwan pa siyang natitira bilang asawa ng lalaki kaya't may karapatan pa siyang manghimasok sa buhay nito.Kinuha niya ang bagong bili niyang Iphone. Naisipan niyang tawagan si Bernard. Kailangan na naman niya ang tulong nito para matyagan ang bawat kilos ni Ca
"Hindi ako makapaniwalang sekreto kayong ikinasal ng Krissy na iyon. Kung hindi ko pa nabasa sa diaryo nung pagputok ng issue, hindi ko malalaman. Ano ba talaga ang nangyari Calex? Why everything happened so fast? Matagal na ba kayong magkakilala ng babaeng yun?" Sunod-sunod na tanong ni Venice na may kasamang pagtatampo. 'Talagang ginalingan niya ang kanyang pag-arte alang-alang sa perang ibabayad sa kanya ni Eliz. Wala siyang ibang nasa isipan ngayon kundi ang malaking reward na ipinangako ni Eliz sa kanya kapag napagtagumpayan niya ang kanilang plano.'Matapos ang meeting ay agad ding binalikan ni Calex si Venice para kausapin. Kasalukuyang nasa beach ang dalawa ngayon. Tumambay sila sa di masyadong matao na lugar para makaiwas na muna sa mapanghusgang mga mata, lalo pa't sariwa pa sa lahat ang isyung hiwalayan nina Calex at Krissy."It's a very long story Venice. But one thing is for sure, kung hindi mo sana ako tinalikuran, hindi sana mangyayari iyon. Coz ofcourse I would choose
"Ma'am pasensiya na po talaga kayo pero sinusunod ko lamang po ang bilin ni Sir Calex. Ipinagbawal po kasi niya na makapasok kayo ulit dito." Paliwanag ng gwardiya ng resort nang akmang papasok na sana sina Krissy at Brenda.Kakarating lang ng dalawa at eto agad ang bumungad sa kanila. 'Kamalasan nga naman!'Napaawang si Krissy. Nanginginig na siya sa magkahalong sakit at galit. Talagang ayaw na ayaw na ni Calex na muling aapak pa siya sa lugar na ito! Ipinagtatabuyan sila na animo'y may nakakahawang sakit."Kuya bakit naman bawal? Pagabi na oh at malamig na rito sa labas. Napakahaba pa ng binyahe namin. Hindi ka man lang ba naaawa kay Krissy eh buntis nga ito!?" Nanggagalaiti naman na paliwanag ni Brenda. Sobrang badtrip din ang babae.Napakamot naman ang gwardiya sa kanyang batok. Bakas sa mukha nito ang kalituhan. Naaawa siya sa kalagayan ni Krissy ngunit kailangan niya namang gampanan ng maayos ang kanyang trabaho."Ma'am, gustuhin ko mang papasukin kayo pero baka po ako ang mawa
"Cal-Calex!"Kapwa natigilan sina Calex at Venice. Puno ng kuryosidad na bumaling ang dalawa sa kanilang likuran kung saan nagmumula ang boses.Agad na napatayo si Venice nang makita si Krissy. Habang si Calex naman ay bakas ang pagkabigla sa presensiya ng babae."Anlakas ng loob mong bumalik pa rito! Hindi ba't pinapalayas ka na ni Calex? So what the hell are you doing here?" Asik ni Venice na kung umasta ay parang pagmamay-ari nito ang resort.Saglit na natigilan si Krissy. Laking pagtataka niya sa inaasta ni Venice. Kung bakit napakalakas ng loob nitong magtapang-tapangan gayung sa kanilang dalawa ay siya itong may karapatang magalit dahil siya ang legal na asawa."Shut up! Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan? Baka nakakalimutan mong asawa ko yang nilalandi mo!" Galit na sagot ni Krissy. Nakuyom pa niya ang kamao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.Ngunit bago pa tuluyang magkainitan ang dalawa ay kapwa sila natigilan nang galit na nagsalita si Calex."What the fu
"Kung nakita mo lang sana yung nakakaawang hitsura kanina nung Krissy na iyon madam, tiyak magbubunyi ka! Pinahiya lang naman siya ni Calex sa harapan ko. Pinamukha sa kanyang mas pipiliin pa rin ako ng lalaking kinababaliwan niya despite sa mga nangyari." Nakabungisngis na pahayag ni Venice habang kausap si Eliz sa kabilang linya."Well, Nakita ko na! Sinend sa akin ng utusan ko ang video. At ngayon pa lang, I want to congratulate you. Good job Venice!" Nakangising turan ni Eliz. Sobrang natutuwa siya nang nakitang durog na durog si Krissy. Mabilis kasi talagang kumilos ang utusan niya kaya hindi niyon nakaligtaan ang malateleseryeng eksena."Salamat madam! But hindi pa ako tapos madam. I'm gonna make sure na pagkatapos ng annulment ng dalawa, ako naman ang papakasalan ni Calex. Sisiguraduhin kong wala ng mahahabol pa ang babaeng yun sa pinakamamahal niya." Confident na pahayag ni Venice. Sa mga narinig niyang sinabi ni Calex ay siguradong-sigurado na siyang makikipagbalikan sa kanya
"Dad I'm sorry, binigyan kita ng kahihiyan dahil sa katangahan ko. Sinira ko pati ang reputasyon mo." Humihikbing turan ni Krissy sa kanyang ama habang nakayakap naman ito sa kanya. Isa kasi ang reputasyon ng daddy niya ang dahilan kung bakit nagpumilit siyang maikasal kay Calex, sa takot niyang mapahiya ito sa lahat lalo na sa mga kasosyo nito sa negosyo. Pero yun pala ay hindi niya rin ito naisalba ngayon sa kahihiyang siya ang may dulot.Pagkarating nila ni Brenda ay hindi niya mapigilang ekwento sa ama ang komplikadong sitwasyon nila ni Calex dahil sa pagbabalik ng ex ng lalaki. Sinabi niya na rin dito ang tungkol sa nanganganib na kalagayan ng kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan.Maluha-luhang hinahaplos ng kanyang dady ang kanyang likuran para daluhan siya sa pagdadalamhati ng kanyang puso."Kahit kailan never naging kahihiyan ang pagkakaroon ng anak sa maling tao hija. Kaya wag na wag mong iisipin ang bagay na iyan. Maraming relasyon ang failure, hindi lang ikaw ang nakak
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makarating sina Krissy at Brenda sa London, United Kingdom. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala na silang inaksaya pang oras at agad na tinungo ang nirekomendang private hospital ni Mrs. Sally Robinson, ang negosyanteng kaibigan na tinutukoy ng kanyang daddy Henry.Bukod sa ang ginang mismo ang naghanap ng mga magagaling na doktor ay libre rin silang pinatuloy sa pagmamay-ari nitong Luxury Apartments.At makalipas lang ang ilang araw, gawa na rin ng determinasyon, tapang at lakas ng loob ni Krissy ay naging mabilis at successful ang operasyon. At dahil premature pa ang kanyang baby ay agad din itong inilagay sa isang Neonatal Intensive Care Unit.Ilang oras pa ang lumipas bago nagising si Krissy matapos ang kanyang operasyon. Sa tulong ng isang pinay nurse at ni Brenda ay sobrang excited na tinungo ni Krissy ang NICU.Walang paglagyan sa galak ang kanyang puso. Her eyes were teary habang tulak-tulak ni Brenda ang kanyang wheelchair patungo s
"May ganito kagwapong anak pala si Mrs. Robinson? Gosh! Bakit ngayon ka lang namin nakita?" Di makapaniwalang bulalas ni Brenda. Hindi man lang ito nahiya sa lantaran pagpuri sa lalaki.Napaismid na lamang si Krissy. She's expecting na sana hindi ito maiintindihan ng lalaki dahil hindi naman ito salitang Ingles. Ngunit kapwa sila nagulat ni Brenda ng sumagot ito gamit ang salitang tagalog."Thanks for the compliment. Medyo may kalayuan kasi ang bahay ko sa bahay ni mommy. And I am also busy running my business kaya madalang ako nakakadalaw kay mommy. Sumaglit lang talaga ako rito dahil gusto itong ipabigay ni mommy sa inyo." Nakangiting paliwanag ng lalaki habang marahang inilapag ang dalang supot ng prutas sa hospital bed table.Napaawang ang dalawang babae. Lalo na si Brenda na pinamulahan agad ng mukha dahil naintindihan pala nito ang mga sinabi niya."Wow you speak tagalog fluently. How did you learned?" Di makapaniwalang tanong ni Krissy. Kung titingnan kasi ang lalaki ay napakad