Share

Kabanata 168

"Isang buwan" Paulit-ulit na tumatatak sa isip ni Krissy ang palugit na binigay sa kanya ni Calex.

Isang buwan na lamang siyang magiging Mrs. Vargas. Isang buwan niyang pag-iisipan ang pagpirma sa annulment na inihain ni Calex. Kung hindi lang sana siya ipinagtabuyan ng lalaki ay gagamitin niya ang isang buwan na iyon para suyuin ito.

Ngunit kakalabas pa lamang nila ng hospital ni Brenda ay sinalubong na agad sila ng staff ng La Paraiso. Dala ang mensahe na pinapaalis na sila ni Calex ngayon din mismo.

Kasama si Brenda ay kasalukuyang iniimpake ni Krissy ang kanyang mga dalang gamit. Napakasakit sa parte niya na kakalabas pa lamang nila ng ospital ngunit agaran din silang pinapaalis ng lalaki. Ni hindi man lang nito kinumusta ang kalagayan niya. Ni hindi man lang siya hinayaang makapagpahinga muna bago bumiyahe ng mahabang oras.

Wala na ring nangyaring settlement dahil sa naging hiling ni Krissy kay Calex noong nag-usap sila sa ospital. Na hindi na nila kailangang magharap pa dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status