Nang makabalik si Calex sa Batangas ay naisipan niyang maligo sa beach para palamigin ang mainit niyang ulo.Gusto niyang matawa dahil may pahanda-handa pa ng pagkain na nalalaman si Krissy gayung wala namang dapat ipagcelebrate sa walang kwentang kasalan na iyon. O baka naman nagpapasikat lang ang babae sa mommy niya."She's really a bitch!" Napaismid na usal niya sa sarili.Ang totoo ay nagsinungaling siya kanina sa kanyang mommy. Wala naman talaga siyang appointment ngayong araw, hindi rin siya busy at lalong hindi hectic ang kanyang schedule. Hindi naman siya ang gagawa sa renovations and for monitoring lang ang task niya. Kaya kung tutuusin marami pa siyang bakanteng oras kung gugustuhin niyang sumama.Sadyang dinahilan niya lang iyon dahil ayaw niyang makasama ng matagal ang great pretender na babae.Kahit isang minuto nga lang ay iniiwasan niyang makasama si Krissy, ano pa kaya kung aabutin ng araw? O kung mamalasin ay baka buwan.Iisipin pa lang iyon ni Calex ay gusto niya ng
Kung gaano kabilis ang naging kilos ni Calex ay hindi niya na alam. Basta na lamang niya pinaharurot ng takbo ang bagong nabili niyang sasakyan.Gusto niya pa sanang tanungin si Krissy kanina tungkol sa nangyari kung bakit naospital ang mommy Liezel niya. Kaso dahil sa labis na pagkataranta ay hindi na niya inaksaya pa ang oras.Gamit ang waze ay ilang oras din ang binyahe ni Calex magmula Batangas patungong Makati kung saan daw naconfine ang kanyang mommy. At sa nasabing ospital ni Krissy na siya dumiritso."Nurse, anong room number ni Liezel Vargas? Yung babaeng isinugod dito kanina ni Krissy Parker." Nagmamadaling tanong ni Calex sa nurse station nang makapasok na siya sa naturang hospital.Ibinigay naman kaagad ng nurse ang impormasyong kailangan niya at mabilis ang mga hakbang ni Calex patungo sa nasabing kwarto."Mom!" Puno ng pag-aalala ang mukha ni Calex nang tuluyang makapasok sa kwarto at makita ang kanyang mommy.Medyo nabawasan ang kaba niya nang maabutang gising na ito a
Pagkatapos marinig ni Krissy ang lahat ay napagpasyahan niyang wag na munang ituloy ang balak na pagpasok sa loob. Dahil ramdam niyang tiyak na mas lalo lang mag-iinit ang ulo ni Calex kapag nakita siya.Sa halip ay tinungo niya nalang si Dr. Gamboa para bilhin ang ireresetang gamot at bayaran na rin ang bills ni mommy Liezel.Sa tulong naman ng nurse ay mabilis na naasikaso ni Krissy ang lahat. Lalo na at bukal sa loob niya ang ginagawa dahil sa matinding malasakit niya sa ginang. Na kahit manlang sa pinansyal ay may maitulong siya kahit alam niyang kayang kaya namang bayaran ni Calex ang bills nito.Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya naisipang puntahan ulit si mommy Liezel. She's hoping na sana humupa na ang tensyong namagitan sa mag-ina kanina. Na sana rin ay malamig na ang ulo ni Calex ngayon.Kinakabahan man ngunit buo na ang loob niyang naglakad patungo sa kwarto ng ginang.Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang mapansin niya si Calex na naglalakad kasalubong niya.N
Mabilis lumipas ang mga araw. Nakauwi na ng Cebu si mommy Liezel ngunit hanggang ngayon ay nasa Batangas pa rin si Calex at hindi pa lumilipat sa condo para makasama si Krissy.At ang dahilan naman ng lalaki ay abala pa siya sapagkat sinimulan na ang pagawa sa renovations ng resort. Ang sinabi niya lang kay Krissy ay sa weekends lang siya makakauwi. At kahit hindi sabihin ni Calex ay alam ni Krissy ang dahilan kung bakit ito napilitan. Sinusunod lamang nito ang mahigpit na bilin ni mommy Liezel at hindi para makasama siya.Sa totoo lang, hindi ito alam ng ginang dahil iniiwasan niyang magalit si Calex sa kanya. Iisipin na naman kasi ng lalaki na sumbungera siya o kung anu-ano pa. Kaya't everytime na tatawag si mommy Liezel ay dinedepensahan niya rin lagi ang kanyang asawa."Ano ng balita diyan couz? Wala kanang naikukwento sa akin ah." Ani Brenda sa kabilang linya pagkatapos niyang makausap sa cellphone ang kanyang daddy Henry.Kasalukuyang nasa opisina si Krissy. At habang abala ang
Araw ngayon ng Biyernes. Kung kaya't naisipan ni Krissy na sa mansyon na muna umuwi pagkatapos ng kanyang nakakapagod na trabaho sa opisina.Sadyang napakarami niyang gustong gawin after a long and tiring week. At isa na roon ang ibabad ang sarili sa kanilang malawak na swimming pool.Simula kasi ng makabalik siya galing Las Vegas ay naging salitan niya bilang tirahan ang condo at mansyon, na kung saan siya komportableng mag-stay ay doon siya.Ngunit ngayong pumayag na si Calex na tumira kasama siya kahit weekends lang ay napag-isip isip ni Krissy na mas maigi kung doon na lang din siya mamalagi sa condo gaya ng naging mungkahi ni mommy Liezel.Bukod kasi sa magkakaroon sila ng privacy ng lalaki ay mapapanatili pa nilang lihim ang kanilang estado. As long as hindi pa lumulubo ang kanyang tiyan, mananatili siyang dalaga at single sa paniniwala ng karamihan. Gusto niya na ring sanayin ang sarili na mamuhay roon kahit na kasinglaki lang iyon ng sala sa kanilang mansyon. At kapag maayos
Hindi na alintana ni Krissy ang kanyang kalagayan bilang buntis. May kung anong nagtulak sa kanya na madaliin ang pagmamaneho lalo pa't it took hours bago makarating sa lokasyon.Habang nasa biyahe ay naghuhumerentado naman ang kanyang puso. Sa kung bakit napakadali lang para kay Calex na balewalain ang kanyang mga sinabi para sa pansariling kagustuhan lang nito. She's waiting for him all day pero mas inuuna pa ng lalaki ang pakikipagparty. Sinasabihan siya ng lalaki ng selfish' pero base sa pinaparamdam nito sa kanya ay ito pa ang mas selfish dahil iniisip lang nito ang sariling kapakanan at kagustuhan. Na wala manlang kahit katiting na concern para sa kanya o kahit para sa magiging anak manlang nila.Nagsimula ng lumandas ang mga luha sa mga mata ni Krissy. Simula ng makilala niya si Calex ay hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang umiyak. Kung ilang beses siyang naging mahina.Hindi niya pa matukoy kung ano nga ba ang totoong nararamdaman niya para sa kanyang asawa nguni
Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay halos kulay puting pintura ang kanyang nakikita sa loob ng silid. Marahan niyang inilibot ang kanyang paningin nang mapansin ang nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay.At napagtanto niyang hindi pala ito kwarto ng bahay kundi kwarto ng isang hospital!Saka niya lang naalala ang huling nangyari bago siya nawala ng malay.Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib sa isang malaking posibilidad kung bakit siya nandito ngayon.Agad siyang napahaplos sa maliit na umbok ng kanyang sinapupunan. Iniisip niya ang kalagayan ng kanyang baby. Hoping na maayos lang ito lalo pa't naalala niya kanina na dinudugo siya.Marami pang katanungan ang pumasok sa isip ni Krissy. At ang isa sa mga ito ay sa kung sino ang nagmagandang loob na nagdala sa kanya rito.Naudlot lamang ang malawak na paglalakbay ng kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang isang babaeng doktor."Hi Mrs. Vargas, I'm glad that your awake now." Bati nito sa kany
Nagising si Krissy dahil sa mahihinang tawag sa kanya ni Calex. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata."Pumunta dito si Dra. Castro. Binilin sa akin na gisingin kita ng ganitong oras for your medicine. Here, take it!" Anito sa tuwid na pagsasalita.Nananaginip lang ba si Krissy o baka assumera lang siya dahil feeling niya parang medyo concern ang tono ng boses nito.Tiningnan niya ang lalaki na halatang bagong gising lang din. Napakagwapo pa rin nito kahit kakagising lang.Maingat na bumangon si Krissy at kinuha ang inabot nitong tubig at gamot saka marahang ininom. "Thank you." Tipid na anas niya bago muling humiga."You don't need to thank me. Alam mong labag sa loob ko ang ginagawa kong ito." Prangkang sambit ni Calex. Ngunit imbes na masaktan ay gusto pang mapangiti ni Krissy dahil sa naging sagot nito. Kung tutuusin, Calex is her girl version. Nakikita niya ang sarili sa lalaki, sa kung paano siya magsungit at sumagot lalo na noon, nung mga panahong suwail pa siya."Anywa
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi