Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 2: Memories in the Past

Share

Chapter 2: Memories in the Past

Her parents sent her to US. She took Business Management Course in Harvard University. Ngunit iyon din ang kursong kinuha ni Brent  ,as she heard it from her nanny kaya naiinis siya dahil parang sinadya nitong gayahin lahat ng ginagawa niya. She went back home for a couple of days to confront Brent. When she arrived pinuntahan niya ang room nito. Nakailang katok na siya pero walang sumagot kaya binuksan na nito ang pinto. Namangha ito sa silid ng binata, napakalinis at napaka organized nito. Napansin niya ang study table nito na puno ng mga libro ngunit ang pumukaw ng kanyang pansin ay ang larawan nilang dalawa na kinunan noong graduation day nila.

Nakalagay ito doon sa table at napansin niya ang isang papel na tila ay may tulang binubuo  subalit, ito'y hindi pa tapos. Dinampot niya ito at binasa. Namangha siya sa ganda ng mensaheng nakasulat doon kaya napaisip siya para saan nga ba iyon? Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita niyang nakatayo doon si Brent. “ Senyorita, ano pong ginagawa niyo dito sa kwarto ko? Nasabi sa akin ni Yaya na mamamalagi kayo dito ng ilang araw.” Sambit nito habang lumalakad palapit sa kanya.

Hindi siya makapagsalita dahil nagulat din siya na para bang isa siyang magnanakaw na nahuli ng mga oras na iyon. Ang pakay niya rito ay para komprontahin ito pero nabigla siya ng dumating ito . “Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto mo walang sumagot kaya pumasok na ako.” kandautal niyang sagot.

Kumunot ang noo nito sabay bawi sa hawak niyang papel. “Bakit mo pinakikialaman ang gamit ko? Sana kahit bahay nyo po ito di mo dapat pinakialaman ang gamit ko dito.” Mataas at masungit na sambit nito.

"Hoy wag kang mag inarte, wala ka nga dito eh saka ano bang pinagsasabi mo na pinakialaman ko gamit mo? Binasa ko lang iyan dahil curious ako para saan iyan. Bakit ang OA naman ata ng reaction mo? Kaya lang ako pumunta dito kasi gusto kong itanong sayo, bakit nag Business Management ka rin? Wala kaba talagang sariling plano sa buhay, at pati lahat ng gusto ko eh gusto mo rin?” wika niya.

Di ito sumagot sa halip ay tiningnan lang siya nito. Biglang lumungkot ang anyo nito. “Utos iyon ng Daddy mo senyorita na iyon ang kunin ko. Pero hindi iyon ang gusto ko. I have my own plan in life, to become a Civil Engineer someday. I don’t have any choice because your parents had funded my studies even if I have a scholarship granted in my school they still ask me to take Business Management. Kaya bago mo po ako pagbintangan tanungin mo muna ako.” Talagang bumalik kapa ng Pilipinas para lang awayin ako?” diin na sagot nito.

"Sana sinabi mo yung gusto mo para alam nila. Nagreklamo ka ba? Ayaw mo rin dahil gusto mo talagang laging bida sa kanila eh. Noon pa naman pansin ko na iyan. Hoy, Brent ako ang legal na anak dito hindi ikaw at kahit anuman ang mangyayari ako ang tagapagmana ng lahat ng meron kami. Sampid ka lang naman sa pamilya ko, or should I say, that you dream to get everything away from me.” sarcastic tone she said.

Namula ang mukha nito at hinawakan siya sa braso ng mahigpit. Inilapit nito ang mukha niya sa dalaga. “Mali ka, Shantal hindi ko kailangan ang pera ninyo dahil sanay ako sa hirap ‘wag mong pababain ng husto ang pagkatao ko dahil hindi mo alam ang takbo ng isip ko. Ang hirap sayo, parati ka nalang galit sa akin kahit pilit ako ng pilit na pakibagayan ka. Manhid ka lang dahil binubulag ang puso mo sa sobrang selos. Kahit mawala man lahat ng suporta ng magulang mo kaya kung mag aral at tumayo sa sariling kong mga paa, dangan nga lamang nahiya ako sa mga magulang mo at malaki ang aking utang na loob sa kanila. 

Kinabahan siya ng husto dahil titig na titig ito sa kanya higit lalo sa labi niya. Parang gusto niyang halikan din ang labi  nitong mapula. Ramdam niya ang hininga nito at nalilito rin siya sa pakiramdam niya. Dalaga na siya pero ni hindi niya naranasang magkaroon ng boyfriend at batid niyang ito rin ay walang girlfriend sa kabila ng katotohanang maraming babae ang naghahabol dito. “Masakit ang braso ko, bitawan mo nga ako.”

Parang natauhan din itong bigla at binitawan siya. “I’m sorry, I didn't mean to do that.” hinging paumanhin nito.

Naiiyak siya ng marinig ang sinabi nito. “ You don't know how I felt when I saw my parents admired you so much. Ikaw nalang parati ang tama. Ikaw ang bida at ako ay shadow mo lang. Hindi mo rin alam ang nararamdaman ko araw araw.” di na niya mapigil ang luha na pumatak habang nagsasalita siya. Akma siyang hahawakan nito ulit pero umiwas siya.

“ Alam ko naman iyon, kasi nakikita ko yung mga ikinikilos mo. Gusto kong umayaw pero alam mo naman baon kami sa utang sa parents mo dahil sila ang umalalay sa amin noong namatay ang nanay ko. Buhay pa kami ng tatay ko pero nakasanla na ang pagkatao namin sa magulang mo. Papaano ko tatanggihan lahat ng sasabihin nila kung ang pagkakautang na iyon ay hindi namin kayang bayaran hanggang ngayon?” malungkot na wika nito.

Nagulat siya sa sinabi ni Brent. Hindi niya alam iyon dahil wala namang nabanggit ang magulang niya. Gusto niyang maawa dito pero ang takbo ng isip niya ay puno ng sama ng loob. She slowly walks away and then she heard Brent's deep breath.

“ One day I will let you understand things clearly. Sisikapin kong maging maayos lahat para sayo.” Sinundan na lamang ni Brent ng tingin si Shantal. Gusto niyang yakapin ito dahil noon pa man humahanga siya dito kaya kahit anong pagsusungit nito sa kanya di niya pinapatulan. The reason why He also couldn't refuse all the help of Shantal’s parents, He mostly heard from Edward Rodriguez saying that someday Shantal will be his wife. Mahal niya ito noon pa man at gusto niyang makasama ito habambuhay despite the fact that Shantal didn’t treat him well.

Ang tanging nakakaalam ng sekreto niya ay si Yaya Santina lang kaya kahit papaano natutuwa pa rin siya sa mga nangyayari at isinasantabi niya ang pangarap niya. Brent knows the end of this plan, but he also felt sad dahil alam niyang magagalit si Shantal kapag nalaman nito ang plano ng mga magulang nito. Sinisikap niyang sundin lahat ng nais ng pamilya ni Shantal dahil wala siyang ibang paraan para makasama ito kundi ang sumunod na lamang sa lahat ng pangyayari. Natuwa siya ng makita ito kanina na nasa kwarto niya at kahit inaway na naman siya nito hindi ito nakabawas sa paghanga niya dito bagkus lalo siyang nakaramdam ng saya dahil nakita niya ang maamong mukha nito sa malapitan. Gusto niya ng kabigin ito kanina para yakapin at halikan. 

Lutang na naman ang utak niya sa sobrang saya. Si Shantal ang magiging future wife niya at parati niyang tinititigan ang larawan nilang dalawa. Ini-imagine niyang kasama niya ito parati at maririnig niya ang mahinang tawa nito. Ang daming mga lalaki na umaligid nito sa school kaya nayayamot din siya sa mga ito. Mas maswerte lang siya marahil dahil di ito nagkaroon ng boyfriend at siya ang parating kasabay nito araw araw na pagpasok  noong high school days. Madalas tinititigan niya ito kapag ito ay busy sa sarili. Gusto niyang hawakan ang kamay ng dalaga pero alam niyang magagalit ito kapag gagawin niya. Kasali siya sa varsity players ng basketball team ng La Salle, since high school. Isa ito sa mga privilege na meron siya dahil medyo kilala rin siya na isa sa magaling na manlalaro. Natutuwa siyang maglaro kapag nakita niya ang grupo nila Shantal na nanunuod sa bawat laro nila. Dalawang buwan lang ang bakasyon nila at college na sila sa darating na pasukan. Shantal been sent to US and he felt sad that He will not going to see her for a couple of years. Tuwing bakasyon kasi di ito tumitigil sa mansyon ng mga Rodriguez. Siya naman tuwing bakasyon busy sila ng koponan niya sa practice ng basketball. Umuwi ng biglaan si Shantal dahil lang nabalitaan nitong pareho sila ng kinuhang kurso. Kahit galit ang sinalubong nito sa kanya natutuwa pa rin siyang makita ito. 

Di niya ito pinapatulan dahil alam niyang hanggang doon lang ang kaya nito. Yesterday, He heard that Mike Chan will be going to study at Harvard University too where Shantal would be going to spend her college days. He felt so much envy for the guy because he knows Mike will going to pursue courting Shantal. Mayabang iyon ngunit may itsura din dahil galing ito sa lahi ng mga Chinese. Naiinis na siya dahil nagseselos siya ng malaman iyon. Naalala na naman niya noong panahon ng high school days nila ang isang pangyayari“ Manong Danny, wag niyo na po akong hintayin mayang hapon pauwi dahil may maghahatid po sa akin.” wika ni Shantal.

Napalingon naman bigla si Brent dito ng marinig niya ang sinabi nito. Di siya nakatiis at nagtanong siya. “ Bakit hindi ka sasabay sa amin mamayang pauwi? Nagpaalam ka ba sa parents mo?” 

Sumimangot ito at humarap sa kanya. “ At sino ka naman para magtanong sa akin? Parents ba kita? Nagpaalam ako sa Mommy ko kasi ihahatid ako ni Mike sa bahay. May masama ba doon?” sabi nito.

“ Bakit bigla kang nagtitiwala sa kanya, kilala mo na ba iyan? Niligawan ka lang ganyan na agad ang arte mo?” masungit niyang sagot.

“ Ay teka nga bakit ba parang galit ka doon sa tao? Dahil ba natalo kayo sa kanila noong last game nyo? Andon ako nanuod ng laro last week? Bakit ang init ng dugo mo doon sa tao? Inaano kaba ni Mike? Saka anong paki mo kung niligawan ako ng tao, mabait naman siya. May problema ba doon?”.

Sumagot siya ng pabalang dahil nagseselos talaga siya. “ Concern ako dahil di mo kilala yun, besides transferee ang taong iyon sa school natin, ang bilis mong magtiwala doon ah. Hindi mo ba nakikita mayabang ang lalaking iyon? Or bulag ka lang talaga dahil feel mo ikaw lang ang niligawan noon.”

Ngiting nang aasar ang sagot ni Shantal sa kanya. “ Hahahaha...nakakatawa ka. Daig mo pa father ko kung umasta. Bakit nagseselos ka dahil pinormahan ako. As if naman di ko pansin gusto mo rin ako.” tahasang sabi nito.

Nainsulto si Brent sa narinig. “ Ako?, talaga, magkakagusto sayo? Honestly, hindi dahil ang sama ng ugali mong iyan di lang kita pinapatulan sa mga tantrums mo dahil babae ka. Ang daming babae na nagkakagusto sa akin sa campus diba? Hindi ko lang ugali pumatol dahil may plano ako sa buhay.” pagsisinungaling niya rito.

Namula sa inis si Shantal dahil nainsulto siya sa sagot ni Brent. All the while akala niya may gusto ito sa kanya tapos biglang wala pala ayon dito. “ Ang yabang mo. At bakit akala mo rin ba papatulan kita. Hoy, kahit ikaw nalang ang matitirang lalaki sa mundo hindi kita papatulan. Arogante kana nga pakialamero ka pa. Manong Danny narinig mo yung sinabi ko, wag nyo na akong hintayin mamaya.” masungit na sabi niya.

“ Opo Senyorita. Ang aga naman ng bangayan ninyong dalawa, nahihilo ako ng marinig ko kayo ay. Baka balang araw niyan kayo rin ang magkakatuluyan.” nakangiting sambit ng driver nila.

“ No way! Hindi ko maatim na makasama ang lalakeng iyan.” mataray niyang sagot.

Si Brent naman nakasimangot pa rin at sumagot din. “ Ayaw ko rin makasama ang babaeng ito dahil bukod sa maarte na insecure pa sa sarili niya. Gwapo ang tingin doon sa mayabang na Mike na iyon eh mayaman lang yun.”

Si Shantal ay di na sumagot dahil nagagalit talaga siya sa inasal ni Brent. Saka natutuwa siya kay Mike dahil mabait ito at gwapo medyo may pagka mayabang nga lang. Narinig niya ang boses ng yaya ni Shantal na tinatawag siya para maghapunan na kaya bumalik siya sa riyalidad.

Ilang araw lang ang ititigil ni Shantal sa Mansion kaya ang lungkot ng pakiramdam niya dahil di niya na ito makakasama sa araw araw. “ Brent, kakain na.” boses ni Yaya Santina.

Lumabas na siya at pumunta sa dining room. Wala si Shantal doon kaya nagtanong siya kay Yaya Santina. “ Bakit wala po si Shantal?” .

“ Wag mo ng hintayin kasi pagod marahil sa biyahe yun, mauna ka ng kumain dadalhan ko nalang ng food sa kwarto niya mamaya.” sagot nito. Kumain nalang siya at di na umimik. Alam niyang galit na naman sa kanya ang dalaga. Di na marahil mawawala ang galit nito sa kanya dahil akala nito lahat ng bagay ginusto niyang agawin mula rito. Matapos kumain pumunta siya sa entertainment room to play the piano. It is one of his hobbies to release his sadness. All pressure disappears when He plays piano.

At that moment Shantal suddenly heard a sound of good music. She went her way to their entertainment room only to find out Brent was the one playing the piano. She didn’t know the guy had good talent aside from being an academic outstanding. Her heart was touched by the played music, so sad yet relaxing. She came closer only to find out Brent cried while playing the piano. She was so shocked why a young man like him was so sad. Brent stopped what he was doing because he felt someone’s presence.

Paglingon niya Shantal stood near him. He couldn't hide his tears so He decided to walk away. “ I’m sorry I shouldn’t be here, I just felt so sad today that I need to release it,” Brent explained shortly. She can’t find a word to say. That was the last time she saw Brent because the day she left back to the US she never saw him again. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status