Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 4: Dinner Date

Share

Chapter 4: Dinner Date

She must plan good tactics to remove Brent from their family. As of now since she’s still in the US she decided to focus her time improving her modeling career. Next week she finds her schedule so hectic dahil may mga product pictorial siyang gagawin. She earned so much from those product endorsements. She lived alone and paid her own living cost. Kahit may binibigay pa sa kanya na allowance ang parents nya bawat buwan. 

6 pm US Standard Time…..

Sunud-sunod na doorbell at narinig niyang may kausap ang katulong niya. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Naabutan niyang nakaupo sa sala si Mike. “ Hi! You’re here already. We can leave now” she said.

Tumayo si Mike at sinalubong siya, “ You looked stunning in your dress, a goddess to be exact”. She smile, “ Alam mo ang galing mong mambola lagi di ka parin nagbabago”.

“ Hindi bola iyon, totoo ang sinabi ko. Katunayan niyan matagal na akong nanligaw sayo until now I haven’t heard your YES answer to me. I dunno how long I will wait for you para sagutin ako”. Sagot nito.

“ Halika na nga seryoso ka masyado ngayong araw na ito, gutom na ako. We must eat a lot today, my treat”. Paiwas nyang sagot kay Mike habang sumakay sa kotse nito. The guy didn’t respond anymore.  

They end up having dinner at Boucherie Union Square. Matapos kumain wala pa rin siyang imik , so Mike broke her silence. “ Are you tired today? You seem not in good condition”.

Sumagot sya, “ Hindi naman may iniisip lang ako. I heard yesterday that Brent had joined our company.”

“You mean to say, Brent is now a part of your Father’s company? Whoa, that arrogant brat he really manages to get your parents' trust”. Mike said.

“ Yeah I know, maybe my parents are looking forward to having an heir to their businesses and it happens that Brent is a qualified candidate for them because He is intelligent in so many aspects.” sagot naman niya.

“ Damn!!! Ikaw ang nawalan ng mana sa ginagawa ng pamilya mo. Yung ampon nila makikinabang sa lahat ng pinagpaguran nila di mo ba naiisip iyon Shantal”. Sagot ni Mike na puno ng galit at napansin niyang nagbago ang aura ng mukha nito.

“ Do not worry, my parents are not that stupid to let Brent get everything they have. Dugo at pawis ang puhunan nila para maitaguyod ang kompanya namin sa mahabang panahon. And I didn’t see Brent is too greedy to get what my parents been established”. Sagot nya rito.

“Talagang pinagtatanggol mo ang lalaking yun, akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit parang ngayon eh gusto mo ng mawalan ka ng mana dahil sumang-ayon ka lang sa mga nangyayari”. Nagyaya na siyang umuwi dahil wala siya sa mood na makipag-usap pa dito. Naramdaman nyang nagbago bigla ang ugali ni Mike ng pinag-usapan nila si Brent. Alam naman niyang noon pa may lihim na galit din ito sa binata dahil makailang beses na natatalo ang koponan nito sa basketball noong high school days nila. At kagaya nga ng madalas na sinasabi ni Martin sa kanya na ramdam nitong may ibang pakay si Mike sa panliligaw sa kanya kaya nag-iingat siya rito. Alam niya rin na hindi ganon kaganda ang takbo ng business ng pamilya nito sa China at marami siyang naririnig na issues ng pamilya nito.  

Pagdating nila ng bahay niya, agad na ring nagpaalam si Mike na uuwi na ito. Pagod ang pakiramdam niya at matapos niyang magbihis ng pantulog agad niyang kinuha ang phone nya para tingnan ulit ang Facebook account ni Brent. Di sya nakatiis nagsent siya ng messages sa messenger nito. “ It seems you already had coveted everything I have in my family”. 

Maya’t maya pa nakita niyang nagsusulat na ito ng sagot. “ How’s your day? Umaga dito sa Pilipinas at magaan ang atmosphere pero ikaw provocative messages ang sinent mo sa akin. Ang aga naman nyan or should I say stressed ka lately. Magpahinga ka na alam kong gabi na dyan, masama sa katawan ang sobrang pagod’ Sagot nito.

Nayayamot na naman sya sa sagot ng binata kaya gigil na gigil siyang sumagot dito, “ How dare you to say those words towards me. Nakalimutan mo na ata ang papel mo sa buhay namin. Inampon ka lang ng pamilya ko yumabang kana kaagad?’’.

“ Princess I didn’t say something bad, in fact, I am so concerned about your health. You’re still young and active yet you hold grudges towards me as if I did something unpleasant in your taste”. Brent replied. 

Shantal wrote another message …..

“ Stupid guy, I will be honest with you. I hated your guts for getting my parents' love and attention. I hated the way you are because you win their heart. Nagawa mo ngang pumasok sa kompanya ng Dad ko na walang kahirap hirap. Wow!!! Congratulations ! iba ka talaga at lahat ng tao sa paligid mo napaniwala mong mabait ka. If they knew that you pretended a lot para makuha ang tiwala nila tapos na yung mga pangarap mong iyan”. 

Brent replied….

“ You’ve gone too far this time. I never intended to get people’s trust nor get your parent’s love. Alam mo kung ano ang mali sa’yo? Yung pagiging maldita mo. Lahat nalang ata ng mabuting gagawin ko masama pa rin sa paningin mo. Honestly, I can live my own life without your family’s wealth because I know how to work hard to get what I want. I only give my full respect and gratitude towards your parents because they showed love and affection to me the way they do it to you. Binulag ka lang ng galit na nasa puso mo dahil pakiramdam mo inagawan ka.Subukan mong umuwi dito para makita nila yung sincerity mo to help them na paangatin ang kompanya ninyo”. 

Ramdam ni Shantal ang bawat diin ng sagot ni Brent sa kanya. Tagos hanggang puso at alam niyang may punto ito pero hindi niya mapigilan ang magalit. Kung tutuusin hindi naman talaga siya nawalan dahil walang binigay na pera ang pamilya niya kay Brent. Tumulong ang binata para mapalago ang negosyo nila dahil wala naman din talaga siyang interes para hawakan ito. 

Sumagot pa rin si Shantal kay Brent…

“ Kung inisip mo na kunin lahat ng meron ako wag ka nang magtangka dahil di ako papayag na mangyari yun. Tandaan mong ako ang legal na tagapagmana at hindi ikaw. Kaya kung ako sayo lumugar ka sa tama. Darating ang time uuwi rin ako dyan para bawiin lahat ng para sa akin’. 

Brent wrote a response….

“Yes, your highness!! makakaasa ka na kahit sentimo wala akong kukunin sa kompanya nyo po. Isa lamang akong empleyado na tutulong para maisaayos lahat. As I’ve said I am not greedy to get something that doesn’t belong to me. And sorry if you think I offended you so much. I hope one day we can have a good start”. Makahulugang sagot nito.

Hindi na sumagot si Shantal dahil wala na rin siyang masabi pa rito. Ayaw nito ng away kaya humingi ito ng paumanhin sa kanya. Parating ganon ang ugali ni Brent, ayaw ng gulo. Parating nagpapakumbaba sa tuwing inaaway niya. Nakokonsensya siya minsan dahil makailang beses niya ito noon nakikitang pumupunta sa entertainment room ng bahay nila at tumutugtog ng piano na sobrang napakalungkot ang music. Ilang beses nya rin ito nakitang lihim  na umiiyak. Marahil meron itong dinadala sa dibdib na tinatago lamang nito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status