Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 5: Brent's Thought

Share

Chapter 5: Brent's Thought

The Philippines at Rodriguez Mansion…

Isa na namang panibagong umaga ngunit pakiramdam ni Brent mabigat yung bangon niya. Kahapon nagkasagutan na naman sila ni Shantal. Hanggat maaari ayaw niyang makasamaan ng loob ang dalaga dahil mula pa man noon may lihim na siyang pagtingin dito. Madalas nong high school sila, nagseselos siya sa mga nanliligaw dito. Sa tuwing nakikita niyang nanunuod ito ng laro nila ginagalingan niya para lang mapansin nito, ngunit ni minsan hindi man lang niya narinig ang papuri nito kahit ilang beses pa silang nananalo. Ni hindi siya nito halos tapunan ng tingin. Nasa iisang bubong sila at araw - araw na magkasama papasok sa school noon pero parang ang layo nila sa isa’t isa. Madalas dinadaan niya sa pagsusulat ng kanta at pagtugtog ng piano yung mga panahong nalulungkot siya. Wala siyang lakas ng loob para lapitan ito. Parating paangil ang mga sagot nito kapag sinusubukan niyang mag-approach dito. 

He felt content, seeing Shantal far behind. He dreams to be her husband. He followed Shantal’s parents' wishes because he loved her. His friends used to tell him to express his love directly but he doesn't dare to do it because he knows Shantal’s reaction will not be good. It’s a long journey of a one-sided love that he doesn’t know what would be the result once Shantal’s parents force them into an arranged marriage. Napapailing siya ng maalala ang madalas na sinasabi ng mga barkada niya na ang kwento ng buhay niya parang Cinderella version. So much struggle of different emotions. Yesterday he wanted to explain to Shantal but he knows she will not listen. The woman hated him so much the moment he stepped down into her house. He wanted to build his own wealth through his effort to impress her but he can’t do it at the moment because he owed so much to Shantal’s parents. Their kindness and affection given to him are far beyond his imagination. 

He was heading to the dining room when he saw Shantal’s parents were there already having their breakfast. Umupo siya sa harapang upuan ng mag-asawa. Akma niyang hahawakan ang plato ng lumapit si Yaya Santina. “ Ako na maglalagay ng pagkain mo at coffee.” 

“ Wag na yaya okay lang ako I can handle it”. Tutol niya sabay abot sa pagkain.

Edward Rodriguez looks towards him. “ Such a good man, di ka pa rin nagbago”. Well, a few minutes from now we will have something for you just finish your breakfast first.”

Tahimik lamang si Cecilia Rodriguez na patuloy sa pagkain. “ Uncle I hope it will not shock me”. sagot ni Brent.

Ngiti lang sinagot nito. “Later, we will discuss it sa study room pagkatapos natin kumain. Since, saturday ngayon at walang pasok sa opisina samahan mo akong maglaro ng golf mamaya. Nagyaya ang mga kaibigan ko and it’s a good opportunity for you to know them as they’re all from the business world.”

Maya’t maya pa naglambing ang asawa nitong si Cecilia. “Darling, my driver will not be here today can I borrow, Cardo to drive me today?”

Tumingin ito sa asawa “ Yeah sure, nandito naman si Brent pwede naman siyang magdrive mamaya sa lakad namin. But hey, be careful as you know recently I felt something might happen, I have this bad omen. I can’t explain it”.

“Oh, here you are again your bad intuitions always make you feel stress. You really getting old, darling”.  Nakangiting sagot nito. Si Brent naman nakikinig lang sa usapan ng mag-asawa habang kumakain dahil ang nasa isip niya ay yung sinasabi ni Edward. Maagang gumising ang tatay niya at nakita niya ito sa garahe na naglilinis ng mga sasakyan. Siya lamang ang tanging sumasabay sa pagkain ng mag-asawa dahil ang tatay niya kasama yung ibang kasambahay sa pagkain.

Every weekend he spent his time doing a part-time job at Aaron’s family business, Car Repair Service company to earn money. Lahat ng kinikita niya rito ay ibinibili niya ng stocks para mapalago ang pera. Tinutulungan din siya ng mga barkada niya dahil ang mga ito ay may ideya sa ganong klaseng negosyo at mas madali itong gawin. Hindi niya binabanggit kahit kanino man ang ginagawa niyang ito dahil gusto niyang makaipon ng sarili niya. Balang araw naisip niyang mag-umpisa ng sariling negosyo at bayaran lahat ng gastos na ginawa ng pamilya ni Shantal. Ayaw niyang manatiling umasa sa tulong ng pamilya nito. 

Matapos kumain ay agad silang nagtungo sa study room kasama ang mag-asawa. “Here, take this folder and see what’s inside on it”. Sabay abot ng documents ni Edward kay Brent. Nakita niya ang progress report ng company ng mag-asawa at lahat ng declared asset ng mga ito. “

It’s been how many years that my family business surpasses all trials and it grows bigger and I think this is the best time for you to focus on handling it so when the time comes when I hand it to you, it will be in good shape”. Patuloy na pagsasalita nito, habang binabasa niya ang laman si Cecilia naman at tumayo at may kinuha sa drawer sa table ng asawa nito. “ Take a look at this and I hope this gift will make you more motivated while working with our family business”.

Tinanggap ni Brent ang ibinigay nitong folder at binuksan niya ito ng magulat siya sa nabasa. Stock shares transfer na nakapangalan sa kanya na dating nasa pangalan ni Cecilia. “ Auntie, I can’t accept it, this is really too much. You both gave me a family’s love all the time and I feel that I don’t deserve this,” he said in a frustrated tone.

Samo’t saring pag-aalala ang nararamdaman niya dahil alam niyang lalong pagsisimulan ito ng malalim na sama ng loob ni Shantal kapag nalaman niya ito. Lumapit ito sa kanya sabay sabi, “ It’s ok Brent you deserve all of it and our lawyer already prepared the documents and my husband agreed to it. It is only 10% of the stock shares in our company that go to your name. I can’t participate in the annual internal core group voting for the appointed organizational position mandate. You will be the one to sit in this coming company event. Alam ko rin na mas magaling ka at kaya mong suportahan ang tito mo sa lahat ng desisyong gagawin niya. May sarili rin akong mga negosyo na iniintindi. Kung ang anak namin ang inaalala mo mas madaling ipaliwanag sa kanya ang ganitong bagay”. Sabay tapik nito sa balikat niya.

Wala siyang masabi dahil alam niyang buo na ang pasya ng mga ito. “ Nitong mga nagdaang araw may masama akong pakiramdam na sa darating na botohan ng mga uupong members of the board ng kompanya ay may sabotaheng gagawin ang ibang mga investors. I have 40% shares under my name and 10% is under my wife’s name since hindi siya actively na nakikialam sa negosyo namin malamang magkakaroon ng problema tungkol dito kaya habang maaga pa inagapan na namin. Matagal kung pinagsikapang buuin at paunlarin ang negosyo na minana pa namin pareho sa mga magulang namin. I hope maintindihan mo ang ginagawa naming ito. Wala kaming maasahan sa anak namin dahil babae siya at di niya kayang kontrolin ang mga tao na nasa loob ng organization.” sabi ni Edward sa kanya. 

Sumagot naman si Brent “ Uncle I really felt so much pressure but I can’t turn you down. Sisikapin ko pong tulungan kayo at gagawin ko ang makakaya ko para mapagaan lahat ng alalahanin niyo. In the right time ibabalik ko rin po sa inyo lahat ng kabutihang binigay niyo po sa amin ng tatay ko.”

Tumayo na si Edward at nakangiting lumapit sa kanya sabay yakap. “ We know how good you are and I can always give you my trust. Alam kong di kami nagkamali ng pagpili. Mula pa noong maliit ka sa tuwing dinadala ka ng tatay mo rito sa bahay kada linggo nakikita kong tinutulungan mo siya sa mga ginagawa niya. Mabuti kang tao at may malasakit sa kapwa bagay na nakita kong potensyal para pagkatiwalaan ka. Welcome to my family, Brent”.

“Naku tama na iyang drama ninyong dalawa at baka magkaiyakan pa. Since tapos na nating pag-usapan ang bagay na ito mauna na akong umalis sa inyo.” sabi ni Cecilia sabay lapit sa asawa at halik sa pisngi nito.

“Darling you take care and be at home early, we will have dinner outside later .” Edward responded.

“ Ok I will be at home early, siya mag ingat kayong dalawa sa lakad ninyo. Brent ikaw na bahala sa tito mo. Hihiramin ko muna ang tatay mo para may magdadrive sa akin dahil nagpaalam yung driver ko today na aabsent siya. Since weekend naman at nandito ka, ikaw muna magdrive sa Tito Edward mo. Byeeeee!!!" Sabi nito sabay alis na. 

Sinundan ng tingin ni Brent ang papaalis na si Cecilia. “ Ingat kayo Auntie.”

Inakbayan siya ni Edward at sabay silang lumabas sa study room. “ Magbihis kana hihintayin kita sa sala at baka andon na yung mga kaibigan ko. Magsuot ka ng comfortable outfit dahil golf course ang pupuntahan natin.

“Yes uncle susunod na po ako matapos ko pong maligo at magbihis.” sabay alis niya patungong kwarto, habang si Edward naman ay papuntang sala. Pagdating sa room niya lalong bumigat ang pakiramdam niya. Lumapit siya sa bedside table na pinapatungan ng pictures ng parents niya sabay dampot sa larawan ng namayapang ina. “ Nanay I miss you so much. Lahat ng mabubuting bagay nangyayari sa buhay ko pero may kulang po dahil wala na kayo. Iniwan niyo kasi kami ng maaga ni Tatay. Nalulungkot ako kasi wala akong masabihan sa lahat ng nararamdaman ko. Kung sana nandito ka tiyak na may makikinig sa akin.” tumutulo ang luha niya habang tinitingnan ang larawan ng ina. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status