Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 7: Mourning Moment

Share

Chapter 7: Mourning Moment

Tahimik lamang na umiiyak si Brent sa loob ng kwarto niya. Di maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng mga panahong iyon. Blangko ang isipan niya dahil parehong wala na ang kanyang mga magulang. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa lalamunan niya. Nakakabinging katahimikan ang loob ng mansyon ng mga Rodriguez at lahat ng mga kasambahay ay abalang nag-asikaso sa labi ng dalawang namayapa. Pansamantala muna siyang umuwi ng mansyon dahil pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Ni hindi niya halos matingnan ang labi ng ama na nakalagak na sa isang kilalang funeral parlor malapit sa mansyon. Narinig pa niya kanina ang boses ni Yaya Santina na sinubukan siyang katukin sa kwarto ngunit di na siya sumagot rito. Narinig niyang nagpaalam ito na magtungo sa funeral parlor upang tumulong. He wanted to ask God why it happened to him. He wants to send a message to Shantal but he didn’t find the courage to do it. He knows this will add another gap between their relationship. 

US night time at Shantal’s house….

She's done her shower and about to sleep when she tries to have a glass of milk. Bigla niyang nabitawan ang hawak niyang baso na may lamang gatas. Kinabahan siyang bigla at may di maipaliwanag na pakiramdam. “ Whoa, I just so exhausted today because of my hectic schedule. I miss my mom! Lemme send her a message”. Sabay abot sa cellphone niya. 

Messenger message: “ Mom, how’s your day? Sorry, I have a very hectic schedule that’s why I replied to you late. I miss you so much and I am looking forward that you will be going to visit me here”  Pumasok na siya sa room niya at iniwan ang basag na baso. Hating gabi nang tumunog ang cellphone niya.

Magkahalong antok ng napilitan siyang abutin ito sa bed side table niya. “ Hello, May I know who’s on the line?” walang sagot at mahabang katahimikan.

“He- hello?” hey can you please speak? Maya’t maya pa narinig niya ang nanginginig na boses ng ama. “Shantal please come home, something happened to your Mom”.

Hindi na niya pinatapos magsalita ang ama at agad siyang nahimasmasan. Dali-dali niyang tinawagan ang assistant niya. “Nancy kindly book me a ticket going back to my country”. Nagulat man ay sumagot pa rin ito “ What happen Shantal?” Hang on, I will do what you said but wait for me. I’m coming to your house to help you prepare your things”. 

Matapos niyang kausapin ang assistant nagmamadali na siyang mag impake ng gamit. Iba’t ibang speculations ang naiisip niya. Maya’t maya pa narinig niyang papasok na ng bahay si Nancy. “Shantal!! Here's your ticket. Did you inform Martin about this emergency? You have a series of upcoming commercial shoots this week.”

Nagmamadali siyang magbihis. “ Nancy please, I don’t know what has happened to my mom, I need to be at home. I will leave a message to Martin’s messenger. I don’t have much time.” sagot niya rito at hinila niya na ang bagahe niya palabas ng kwarto at sumunod naman ito.

“ I really hope your mom is okay. Let me drive you to the airport.” Tango na lamang ang sinagot niya. Ilang oras lang lulan na siya ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Noon lamang niya naramdaman ang sobrang pagod na walang mapaglagyan. Iniisip niya ang Mommy niya dahil ito lamang ang parating nakikinig sa kanya sa kabila ng busy nitong gawain. Madalas silang nag uusap nito at parati siyang spoiled dito. 

After how many hours of travel Shantal finally got home. Nakakabinging katahimikan ang buong paligid. May kung anong bigat na di niya ma-explain. Dali dali siyang pumasok ng madatnan niya sa sala si Brent. Nagulat naman ang binata ng makita siya at halatang namumutla ito.

Tiningnan nito ang dala niyang bagahe ngunit di naman ito tumayo. “ You’re here already” boses ng Dad niya na papasok naman ng bahay. Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap habang umiiyak ito.

Litong- lito si Shantal, “ Dad, where’s Mom?”

Patuloy pa rin ito sa pag-iyak at kumalas sa pagyakap sa kanya sabay sabi, “She got a car accident yesterday and she passed away”....

Biglang nagdilim ang buong paligid ni Shantal and she passed out. “ Sha- Shantal, Shantal, wake up hey..Shantal!!!"

Si Brent na patakbong lumapit kay Shantal. Kaagad niyang binuhat ang dalaga patungong kwarto nito . Awang- awa siya rito at pinilit na ginising ito. “ Shantal, please be strong and wake up”.

Kaagad namang dumating ang family doctor ng mga Rodriguez na tinawagan ng Daddy ni Shantal. Tiningnan nito ang vital sign niya. “ She passed out because she’s so tired and shocking news she heard. Let her rest until tomorrow morning. She will be ok tomorrow.” Sabi ng doctor.

Edward Rodriguez replied. “Thank you, Doc. I will then accompany you on your way out.” Doctor Cruz replied “ Hindi na kailangan, kaya ko na. Edward magpahinga ka at alalahanin mo rin ang kalagayan mo. My condolences to both you and Brent. I know this is the most painful moment for your family. I will visit Cecilia’s remains with my family the next day.” sabay tapik nito sa balikat niya at umalis na rin kaagad. 

Si Brent ay patuloy na pinagmamasdan ang maamong mukha ni Shantal. “ Brent, please stay here at Shantal’s room tonight para may aalalay sa kanya paggising niya. Bukas ng umaga sabay tayong pumunta sa funeral.”

“Yeah, uncle I will be with her. Go back to your room and take some rest.” Pagkaalis ni Edward, inayos naman ni Brent ang kumot ni Shantal. Gusto niyang yakapin ito dahil kung anuman ang bigat na nararamdaman niya ngayon tiyak na mas masakit para rito ang biglang pangyayari. Lumapit siya sa kama nito at hinalikan niya ang noo nito. “ Things will be ok in perfect time” he said it with pain. Pareho silang nawalan ng magulang kaya alam niyang mahirap tanggapin ng dalaga ang nangyayari. Sa isang iglap lang solo na rin siya sa buhay dahil nawala na yung huling pamilya niya. Nakatulugan na ni Brent ang mga alalahanin. 

Pagmulat ni Shantal ng mata si Brent ang nakita niyang nakatulog sa upuan sa tabi ng kama niya na hawak ang kanyang kamay. Kaagad niyang binawi ang kamay at punung puno ng galit ng gisingin ito. “ Hey, hey, wake up Brent. Why you’re here in my room?”

Pupungas pungas namang nag -angat ng ulo ito. “ Good morning! It’s nice to see. You look better.” sagot nito na malungkot ang boses.

Nag-umpisa ng umiyak si Shantal. “ Anong nangyari sa Mom ko?"

“ They met an accident the other day. Dead on arrival in the hospital silang dalawa ng tatay ko”

Shocked si Shantal sa sagot ni Brent “ W- What??? Si Mang Cardo patay na rin? Si- silang dalawa ni Mom ang lulan sa sasakyan?”

Tumango na si Brent at mahinang sagot ang narinig niya. “ Oo, silang dalawa dahil nakiusap si Maam Cecilia na ipagdrive ni tatay ng araw na yun dahil absent ang driver niya. Prepare yourself and go downstairs to have breakfast. I will be the one to cook because Yaya Santina and other maids were in the funeral parlor. My condolences to you, I know it's hard to accept a tragic accident that is unexpected. I understand how you feel this time.”

Umalis na si Brent at nagtungo sa room niya para maligo at magbihis. Sa loob ng shower room sunud- sunod na iyak at suntok ang pinakawalan niya. Naalala niya ang maamong mukha ni Shantal na puno ng luha. He doesn't know what would he tell to console her emotion. He knows Shantal felt so much pain and it drives him crazy. He doesn't want to see her crying and in pain. Ngunit di na nila maibabalik ang mga pangyayari. Isang dagok na biglang nagpabagsak sa pamilya nila lalong lalo na sa ama ng dalaga. Kalat sa buong bansa ang trahedyang naganap at nagkaroon ito ng malaking epekto sa pagbaba ng stock price ng company. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status