Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 8: Shantal's Painful Moment

Share

Chapter 8: Shantal's Painful Moment

Naabutan ni Shantal na abala sa pag-aayos ng dining table si Brent. Hindi nito namalayan na nasa pintuan na siya. Noon lamang niya nakitang abala ito sa pagluluto. Ang tagal nilang magkasama noon ngunit di niya napansin na marunong pala ito sa ganitong gawain dahil kadalasan kapag weekend wala ito sa bahay nila. Hindi niya alam ang mga pinagkakaabalahan nito noon. Tinitigan niyang maigi ang gwapong mukha nito. Nakita niyang malungkot ang mukha ng binata ngunit bakas dito ang tibay ng loob.

Nagulat ito ng lumingon sa kanya. “So- sorry, hindi ko namalayan na nandyan ka”. Pilit na ngiti nito. Lumapit siya sa dining table pero di siya nagsalita. Mabilis nitong pinaghila siya ng upuan at naaamoy niya ang mabangong amoy ng katawan nito. “ Would you like to have coffee?” alok sa kanya.

“No! I prefer a glass of fresh milk and salad”.  Lumipat naman ito sa kabilang bahagi ng table at umupo sabay abot sa kanya ng fresh milk.

“Thanks!” sagot niya.

Bigla itong tumayo at di mapakali. “ I, I will call Uncle Edward to join us in breakfast,” 

Mabilis siyang sumagot, “No need, let Dad take a few hours to rest. He’s very tired and weary this time”. 

Bumalik ito ng upo at tahimik na naglagay ng pagkain sa plato. Ito ang unang pagkakataon na magkasabay silang kumain dalawa na sila lang ang nasa dining room. For Brent, it was an awkward moment. While at Shantal’s mind she admired Brent for having such a good cooking skill. “ You cook all of these?” sabi niya rito.

“Ye- yea- yeah!!!!!!...kandautal nitong sabi na di tumingin sa kanya.

“It tastes good.” puri niya habang tinitingnan ito. Namutla ang binata. Wala siyang narinig na boses ni Brent ngunit tumango ito habang patuloy na kumain. Gusto niyang magtanong sana dito kung ano talaga ang nangyari ngunit mas pinili nalang niyang manahimik dahil batid niya ang ugali ni Brent. Di ito pala imik. Madalang magsalita pagdating sa kanya.

Noong high school nakikita niyang magiliw ito sa mga barkada at madaldal. Tanging sa kanya lang aloof ang binata dahil na rin siguro sa pakikitungo niya rito. This morning nakita niya ng malapitan ang maamong mukha nito habang tulog sa tabi ng kama niya. Puno ng lungkot ang itsura nito ng mga oras na iyon at alam niyang pinilit lamang nitong magpakatatag sa kabila ng pagdadalamhati. Solo na ito sa buhay ngayon dahil namatay din ang tatay nito. Gusto niyang sisihin si Mang Cardo ngunit di niya na pwedeng gawin dahil ito man din ay binawian ng buhay. 

Tumayo na siya ng mesa at nagpaalam kay Brent na sa sala na siya maghintay. Tumango si Brent. “ Sige hintayin mo nalang akong matapos magligpit at sabay na tayong umalis.” Pagdating ng sala nakita niya sa terrace ang ama, gising na ito ngunit nakatingin sa malayo kaya lumapit siya rito.

“Dad, good morning!” nilingon siya nito at nakita niyang nagpahid ito ng luha.

“Nagising ka pala ng maaga. At nakabihis na”.

“Yeah, maayos naman akong nakatulog at kumain na kami ng agahan ni Brent dahil nagluto siya. Di kana namin ginising kasi alam kong pagod ka”.

Lumapit siya sa ama at non lang niya napansin ang malungkot nitong mukha. Biglang lalong tumanda ang ama sa paningin niya. “ I’m sorry Princess, I shouldn’t let your Mom leave that day with Mang Cardo. Hindi sana nangyari ito” basag ang boses ng ama at puno ng pagsisisi. Lumapit si Shantal at niyakap ito. “It’s ok Dad, there must be a reason why it happens. 

“Uncle have your breakfast now.” Boses ni Brent na palapit sa kanila dala ang tray na may lamang pagkain.

Shantal saw how Brent handles everything and shows much more concern to her Dad. “ Thank you, Brent”. Sagot ni Edward sabay lapit sa table at kumain na ito.

“Uncle, do not forget to drink your maintenance medicine, dahil bilin iyan ni Doc sayo. I’ll go to the garage to check the car's condition and wait for you both.” Nagmamadaling umalis si Brent patungo sa garahe.

Tanaw ni Shantal ang mga guards na mahigpit na nagbabantay sa labas ng mansyon nila. Ngayong umaga lang niya ito nakita dahil kahapon wala ang mga ito ng dumating siya. “ Dad why is it there are so many guards at our main gate?”

Huminto ito sa pagkain at sumagot “ I requested it to Secretary Allan last night because a lot of reporters trying to invade our privacy. It’s for security reasons too. Di na siya sumagot dahil naiintindihan niya ang tinutukoy nito. Malaking balita ang nangyari sa Mommy niya kaya tiyak na pinagpipiyestahan na sila sa social media at NEWS. 

Matapos kumain ang ama nagkasabay na silang nagtungo sa garahe. Naghihintay si Brent sa kanila. Nang malapit na sila agad itong lumapit at ipinagbukas sila ng pinto ng kotse. Nakakabinging katahimikan habang binaybay nila ang kalsada patungong funeral parlor. Kasunod naman nila ang mga assigned bodyguards.

Pagbaba nila ng kotse sinalubong kaagad sila ng maraming reporters. Kaya kaagad na hinawi ng mga guards ang mga ito. “ CEO Edward can we have a short interview with you sir?" Sabi ng isang reporter.

“Miss Shantal, when did you arrive back home and what did you think about this accident? Sabi pa ng isang reporter.

“Please guy’s give them some privacy. We will release an official statement after the burial” boses ng Secretary ng ama . Habang si Shantal naman ay patuloy na naglakad papasok sa funeral at naramdaman niya ang yakap ni Brent habang naglalakad sila na tinatakpan pa ang mukha niya na nagpapahiwatig ng proteksyon sa kanya. Nakita niyang sumalubong si Yaya Santina sa kanila kaya kumawala siya kay Brent at patakbong lumapit rito.

Parang batang umiiyak siya sa balikat nito habang ito naman ay umaalo sa kanya. Sambit niya ang pangalan ng ina at patakbong lumapit sa kabaong nito. “ Mo- mom, mom!!!!!

Umiiyak siya ng husto ng makita ito. Isang malamig na bangkay. Katabi naman nito ang kabaong ni Mag Cardo.

Lumapit sa kanya ang Dad niya. “Shantal, calm down. Hindi na natin maibabalik ang buhay ng Mommy mo. We have to accept it”.

“Nooooooo, dad I can’t accept it. It is so painful I can’t bear it right now.” Nag iyakan sila ng yaya niya habang nakatingin sa ataul ng ina. Si Brent naman nakita niyang nakaupo lang sa kabilang bahagi. “ Dad, pano nangyari ito? Bakit nangyari kay Mommy ito. ??? patuloy niyang sabi.

“We really don’t know. According to the police report it’s a car accident na nawalan ng preno ang sasakyan nila at may nakasalubong silang malaking truck. Dead on arrival na sila ng dumating sa hospital. Wala akong time sa oras na iyon dahil may lakad din kami ni Brent” sagot ni Edward. Wala na siyang masabi pa kaya umupo na rin siya at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Kinagabihan nagdatingan ang mga empleyado nila sa kompanya pati ang malalapit na kaibigan ng Daddy niya. Tahimik lamang siya katabi ang yaya niyang mugto rin ang mata sa kaiiyak.

Sa kabilang banda naman nagdatingan na rin ang mga malalapit na kaibigan ni Brent para makiramay sa kanya. Dumating rin ang best friend niyang si Erick Cruz kasama ang pamilya nito at girlfriend na Si Aya. “ Dude condolence” si Erick na kaagad lumapit kay, Brent.

“Thanks dude!” sabay yakap niya rito.

“Brent our condolences.” Si Aya ng lumapit rin sa kanila.

“Thanks Aya.” sagot niya. Umupo na sila.

“Alam kong mabigat ang pakiramdam mo dude, kapag kailangan mo ng kausap nandito lang kami ni Aya anytime pwede mo kaming puntahan sa bahay handa kaming makinig sayo”.

“Yeah, I will be okay, dude” si Brent ulit.

Napalingon sa kabilang bahagi si Aya ng mapansin si Shantal. “ Oh, your future wife got home?!” mahinang sabi nito kay, Brent.

“ Hush, baka marinig ka.” babala ni Brent kay Aya habang sumagot dito. “ She doesn’t know those plans yet of his parents. And this is not the perfect time for it to let her know. Nasa gitna pa kami ng pagdadalamhati lahat. Kahapon lang siya dumating at nabigla rin sa mga nangyayari”.

“Ikaw talaga di makapagpigil iyang bibig mo.” sita ni Erick sa girlfriend. Umirap lamang ito. “ Basta pare kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako para sayo, alam mo na yun. Ngayon masyadong maingay ang buong social media at iba’t ibang network station at laman sa lahat ng balita ang aksidenteng ito. Naaawa nga ako kay Tito Edward dahil alam kong napakahirap nito para sa kanya”

“Oo dude kaya hangga't maaari aalalayan ko si Uncle.” sabi niya rito.

“Tama iyan dude, besides pamilya na kayo mula pa noong umapak ka sa tahanan nila. Saka alam naman namin noon kapa in love dyan sa anak nila eh, tahimik ka nga kasi kapag nasa paligid iyan noon. Madalas ka ngang tuksuhin ng mga barkada natin.” Wala siyang sagot kay Erick dahil batid niyang totoo lahat ng sinasabi nito. Ang tanging nasa isip niya sa kasalukuyan ay ang maayos na libing ng tatay niya. Sa susunod na linggo ang huling araw na makasama niya ang labi ng ama. He had to be strong after that day. He had to make a right choice in the next coming days.

Hating gabi na nang magpaalam ang pamilya ni Erick. Lumapit sa kanila si Doctor Cruz kasabay ang Daddy ni Shantal. “ Brent aalis na kami nila Erick medyo hating gabi na. Ihahatid pa niya sa bahay nila si Aya.”

“Salamat po tito sa pagpunta niyo.” si Brent.

“Edward uuwi na kami, alagaan mo ang sarili mo at babalik kami bukas ng gabi” baling nito kay Edward.

“Sige Kumpadre ihahatid na kayo ni Brent hanggang sa labas. 

Kaagad namang tumalima ang binata at hinatid ang mga bisita. Nagpaalam na rin ng maayos sila Erick at Aya sa kanya. Matagal na niyang kaibigan ang mga ito. Kapatid ang turing nito sa kanya. Nawalan man siya ng magulang alam niyang maraming mga kaibigan ang nagmamalasakit sa kanya.

Bumalik na siya sa loob at nadatnan sila Yaya Santina na tulog na sa upuan katabi si Shantal kaya lumapit siya rito. “ Yaya Santina pwede po kayong umuwi isama niyo na si Shantal, andyan naman si Mang Danny para ipag-drive kayo.”

Umiling ang matanda at si Shantal naman ay nagmulat ng mata. “ Do not pretend as if you care us that much, we don’t need your concern.” Nagulat man si Brent sa sagot ng dalaga di na niya ito pinansin pa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status