Home / Romance / Love and Revenge / Chapter 9: Last Day of Funeral

Share

Chapter 9: Last Day of Funeral

Saturday, the last day of the Funeral….

Puno ng tao ang funeral parlor na pinaglagakan ng mga labi ni Cecilia at Mang Cardo. Alas- diyes ng umaga ng inumpisahan na ang mesa matapos makapagbigay ng mensahe ang mga naiwang pamilya. Nandoon lahat ng malalapit na kaibigan at empleyado ng pamilya ni Shantal. Sa kabila ng pagdadalamhati naramdaman nila ang labis na suporta at pagmamahal ng mga tao. Laman sa lahat ng balita ang araw ng libing. Walang imik na sumakay sila ng kotse mag-ama kasama ang yaya niya habang si Brent ang nagmamaneho. Kasunod sila sa sasakyang nagdala ng mga kabaong. 

Pagdating sa huling hantungan kaagad na bumuhos ang malakas na iyak ng lahat na nandon. Ang mga malalapit na kaibigan ni Brent ang siyang nakikiramay at umalalay sa kanya. Matapos ang ilang oras sila na lamang magpamilya ang naiwan.

Nilapitan siya ni Edward. “ Brent, umuwi na tayo nasa loob na ng sasakyan si Shantal”.

Hilam ng luha ang mata ng sumagot ang binata. “Uncle, mauna na po kayong umuwi, nagbilin na ako kay Mang Danny na ihatid kayo sa bahay. Gusto ko pong magpa-iwan muna.

“Hala sige mauna na kaming uuwi. Mag-ingat ka sa pagdrive mamaya” si Edward habang inakbayan siya nito. Nakaalis na ang lahat na nandon ng muli siyang sumalampak ng upo sa libing ng ama. Katabi ito sa libingan ng nanay niya. “ Nanay , Tatay maaga man po ninyo akong iniwan pangako magiging mabuti akong tao. Alam kong masaya na kayong dalawa dahil magkasama na kayo ulit. Nay, Tay, salamat sa maayos na pagpapalaki ninyo sa akin. Babaunin ko yung mga pangaral ninyo sa akin”. Patuloy siya sa pag-iyak at binalikan lahat ng masasayang alaala nilang magpamilya. Naalala niya ang ina. “ Oh, anak halika na kakain na, tawagin mo na ang tatay mo.” Yes nay!!!!! Si Brent. Sa hapag kainan masayang kwentuhan at puno ng pangarap ang usapan nila. 

Gabi na ng magpasya siyang umuwi ng mansyon. Pagdating niya, naabutan niya si Yaya Santina sa dining room na abala sa paglilinis. Lumapit siya rito at nagmano. “ God bless you, Brent”. Sige umupo kana ipaghahain na kita.”

Tumalikod na siya. “Wag na yaya wala akong ganang kumain, gusto ko na pong magpahinga.” Magsasalita pa sana ang matanda pero mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto. Pagpasok niya, don lang nag sink in sa utak niya ang realidad na wala na ang kanyang mga magulang. He grabbed his phone to check his messenger. Nabasa niya ang maraming message ng pakikiramay mula sa mga malalapit na kaibigan at mga kasamahan sa opisina. Ilang oras pa ang lumipas nagtungo na siya sa shower para maligo at magbihis ng pantulog.

Sa kwarto naman ni Shantal panay pa rin ang iyak niya ng tiningnan ang family album nila. Mga masasayang larawan ng magulang niya ang naroon kasama siya. Ang iilang kuha naman ay mga larawan na kasama si Brent. Nanggagalaiti siya ng makita ito. Dali- dali siyang bumangon para magtungo sa kwarto ni Brent. Katok siya ng katok sa pinto pero walang sagot mula rito. Pinihit niya ang pintuan at pumasok siya. Wala ito at nakita niya sa ibabaw ng kama ang cellphone at album din nito. Akma niyang dadamputin ang cellphone ng binata ng lumabas ito galing sa banyo na nakatapis lamang ng towel.

“ Whoahhhhhhhhhhh!!!!!!" Nabiglang reaksyon ni Brent. “What are you doing here in my room?”

Si Shantal naman ay biglang tumalikod at namula ang mukha. Noon niya lang nakita ang magandang  katawan ni Brent. Bagong paligo ito at gwapo ang mukha.

“Magbihis ka nga muna. Tsk! Nakakainis!!!!!"

“S- sorry!!!! Di ko alam na pupunta ka rito.” sagot nito. Kaagad namang bumalik ng banyo si Brent bitbit ang damit na kinuha sa closet. Hindi malaman ni Shantal ang gagawin pero gusto niyang kausapin ito kaya naghintay siya na lumabas ito mula sa banyo ulit. Mamaya pa ay lumabas na ito at bihis na ng maayos. 

Brent: May sasabihin ka ba sa akin? 

Shantal:(tumayo siya sa kinauupuan ) Yes! About the accident that happened between Mom and Mang Cardo. I can’t ask Dad directly because I don’t want to add his burden.

Brent: Nakatingin lamang kay Shantal. “ That happens Saturday in the morning. Nagpaalam ang Mommy mo sa Dad mo na may pupuntahan siyang meeting. Nagkataon na wala ang driver niya kaya ang Tatay ko ang kasama niya. Sabi sa Police report nawalan ng preno ang sasakyan nila at may kasalubong na malaking truck. The rest is history.

Shantal: Sharply throws a hating look at Brent while uttering her words. “ Why it happens na di ikaw ang nagmaneho ng sasakyan ni Mom. Bakit di rin chineck ang sasakyan bago pinatakbo ng tatay mo. Sana di nangyari ito.

Brent: Sumagot naman siya ng mahinahon dahil alam niya ang patutunguhan ng usapan nila. Naghahanap ng masisisi ang dalaga at ayaw niya ng dagdagan pa ang sama ng loob nito. “ I’m sorry for your loss. If only I knew that the accident would occur I should be the one who volunteers to drive your Mom that day. Nagyaya din ang Daddy mo ng araw na iyon dahil may golf play sila ng mga kaibigan niya. Di ko pwedeng tanggihan yun dahil kasamahan niya sa negosyo ang mga iyon.”

Shantal : Lalong uminit ang ulo ng dalaga sa sinabi niya kaya tumaas ang boses nito. “ So you mean to say you are with my Dad that time para magpasikat sa mga kasamahan niyang negosyante. Ibang klase ka rin talaga ano? Lahat gagawin para lang makuha ang loob ng mga kaibigan ni Dad. So pathetic and ambitious man” 

Brent: Nakatungo si Brent ng sagutin niya ang dalaga dahil ayaw niya ng away. “ Walang may gusto sa nangyari Shantal, ako man din nawalan ng ama. Sisisihin mo man ako sa nangyari sa Mommy mo wala na tayong magagawa dahil di na natin maibabalik ang buhay nila.

Shantal: She hissed again. “Yeah, you’re right. How I wish you will be the one I see dead baka sakaling mawala ang galit ko sayo.

Brent: Lumapit siya kay Shantal dahil gusto niyang kabigin ito ng yakap. “ Yeah, how I wish I was the one who died because you know what it is so useless to stay alive like this when I heard you blaming me all the time. I never even remember any single insult I’ve thrown towards you. Matagal ko ng alam na galit ka sa akin simula palang noong dumating ako sa bahay nyo. Ano bang kasalanang ginawa ko sayo para magtanim ka ng galit sa akin?

Kinabahan si Shantal dahil lalong lumapit si Brent sa kanya. Nacorner siya nito at nakatingin ito sa mukha niya.

Shantal: Marami kang kasalanan Brent na di mo lang alam. Mula pa noon ikaw parati ang mabuti sa paningin ng magulang ko. Second choice lang ako sa pamamahay na ito. 

Walang salitang narinig si Shantal mula kay Brent. Kinabig siya nito at hinalikan sa labi. Biglang tumigil ang mundo nilang dalawa. Tanging mabibilis na kabog ng dibdib ang naririnig nilang pareho. Habang si Brent ay madiin ang sunud-sunod na paghalik sa labi niya. That was both their first kiss ever. Biglang nahimasmasan si Shantal kaya kinagat niya ang labi ng binata. Nabigla naman si Brent at kumalas ito sa kanya. Dumudugo ang labi nito ng bumitaw ito sa kanya. Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata na lalong ikinagulat nito. 

Brent: Akmang hahawakan niya ulit ang dalaga pero mabilis itong umiwas. “ I’m sorry, I- I didn’t mean to do it. I don’t wanna start an argument with you.   

Shantal: Sinampal niya ulit ang binata “ Get lost and never tried to show your face in front of me”

Patakbong lumabas ng kwarto ni Brent ang dalaga. Nagulat din siya sa ginawa niyang iyon. Wala siyang balak na nakawan ng halik si Shantal, ngunit dahil sa bugso ng damdamin na matagal na niyang kinimkim noon pa man marahil nadala siya ng makita niya ang buong mukha nito ng malapitan. Masakit ang magkasunod na sampal na dumapo sa mukha niya pero may kakaibang saya siyang naramdaman ng mga oras na iyon. Naalala niya ang malambot na labi ng dalaga. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status