แชร์

Love and Expectation
Love and Expectation
ผู้แต่ง: Jhinnyy

PROLOGUE

ผู้เขียน: Jhinnyy
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-09-02 19:04:04

Prologue

"Bes, samahan mo muna ako sa CR please?" 

Napaangat ako nang ulo nang marinig ang sinabi ni Irish. Napanguso ko siyang tinignan.

"Nasa'n ang yaya mo? Sa kaniya ka na lang magpasama," sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Abala ako sa pagdadrawing nang bigla siyang pumasok at tumabi sa upuan ko para lang magpasama sa banyo.

"Hindi ko makita si yaya Rosa eh," 

"May ginagawa pa 'ko, Irish. Mapapagalitan tayo ni ma'am kung hindi natin 'to tatapusin," 

"Hindi 'yan. Sige na balik tayo agad promise," aniya.

Tumigil ako sa pagkukulay nang puno at nilingon siya. Nakanguso niya akong tinignan at nagpapaawa pa talaga ang kaniyang mukha.

Napabuntong hininga ako.

"Sige na nga. Nakakainis!" Reklamo ko.

Malapad siyang ngumiti. Mabilis siyang tumayo at lumabas nang classroom. Iniwan ko na muna sa mesa ko ang drawing book ko bago ako sumunod kay Irish.

Malapit lang naman ang banyo sa room namin kaya mabilis lang kaming nakarating. Hinintay ko si Irish sa labas ng cr. 

Ilang sandali lang ay lumabas na siya sa banyo. Humarap siya sa malaking salamin do'n at nagsimulang ayusin ang sarili.

Pinanood ko lang siya kung paano niya ayusin ang kaniyang sarili. Sa murang edad namin ni Irish nakikita kong lalaki siyang habulin ng mga lalaki.

Sa edad na anim ay hubog na hubog na ang katawan niya. Maganda rin ang hugis ng kaniyang mukha at kahit anong ayos mo sa kaniya at lilitaw pa rin talaga ang taglay niyang ganda.

"Trixie, halika ayosan kita, bilis!" 

Napabusangot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ayoko. Ikaw na lang," tugon ko at sumandal sa may pinto ng banyo.

Napanguso naman siya.

"Bakit ba ayaw mong magpa-ayos?"

"Eh, sa ayoko lang talaga,"

"Kahit kailan talaga para kang lalaki. Hmp, ewan ko sa'yo. Sige ka, hinding-hindi ka talaga magugustuhan nang crush mo paglaki natin!" Pagmamaktol niya.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa damit ko.

Napanguso ako nang makita kung gaano ako kabihis panlalaki.

Pumasok ako sa loob ng banyo at tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makita ko ang aking kabuuan.

Ang buhok ko ay sobrang ikli na hanggang tenga lang ang haba, ang uniform ko ay sobrang luwang sa akin hindi katulad ng kay Irish na sobrang fit. 

Imbes na school shoes ang gamitin ko ay tennis ang suot ko ngayon. Maraming itim na bracelet ang nakasuot sa pulso ko kompara kay Irish na tanging isang bracelet lang ang meron sa kamay niya.

Masyadong girly si Irish kompara sa akin. Mas lalo pa akong nagmumukhang lalaki dahil sa suot kong sombrero na itim.

"Kita mo na, Trixie? Ang baduy mong manamit," ani ni Irish.

Sinulyapan ko siya sa salamin at napanguso na lang. 

Pangit ba 'ko?

Hanggang sa makabalik kami ni Irish sa room ay naging palaisipan sa akin ang sinabi niya at ang sariling tanong.

Gano'n ba talaga ako ka baduy manamit? Hindi ba talaga ako magugustuhan nang taong gusto ko kung ganito ang itsura ko?

Hindi naman itsura ang basihan kapag gusto mo ang isang tao 'di ba? Nasa katangian naman iyon hindi sa panlabas na anyo.

Natapos ang klase namin na nanatiling nakabusangot ang mukha ko. Hindi ko nga alam kung natapos ko ba ng maayos ang drawing ko or hindi. 

Basta ang alam ko ay nakatulala na ako simula nang makabalik kami galing banyo.

"Trixie, tara sali tayo sa kanila," 

Napabalik lang ako sa sarili ko ng biglang hablutin ni Irish ang braso ko at kinaladkad ako sa park ng school.

Nakakunot ang noo ko sa kaniya at handa na sana siyang singhalan nang tawagin kami ng pamilyar na mga boses.

"Irish!"

"Trixie!"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses.

"Sali kayo sa'min!" 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Irish at sabay na napangiti. Tumakbo kami palapit sa kinaroroonan nina Ace, Re-re at ni Kai-kai. 

"Anong nilalaro niyo?" Tanong ko nang makalapit kami sa kanilang pwesto.

Nakaupo sila ng pabilog sa damuhan kasama ang iba nilang kaklase na babae at lalaki. 

"Naglalaro kami ng spin the bottle, Trixie," ani ni Trisha na kaklase nila.

"P'wede kaming sumali?" Tanong ni Irish dito.

Tumango naman si Trisha kaya agad akong hinablot ni Irish paupo sa damuhan. Tuluyan na kaming nakisali sa laro nila.

"Ace, ano game ka ba?" Dinig kong tanong ni Re-re kay Ace.

Napalingon ako sa gawi nito at nakita kong napakamot siya sa kaniyang ulo habang nakanguso.

"Fine! I have no choice," anito kaya napatawa kaming lahat.

Nagsimula ang laro at hindi ko akalain na masaya pala 'yon. Ngayon lang kasi ako nakasali sa ganitong laro na truth or dare. Pero pamilyar naman sa akin ang larong spin the bottle.

No'ng unang spin ng bottle ay kay Kai-kai tumama ang bote kaya agad siyang tinanong nang mga kasamahan namin. Dare ang pinili nito kaya natawa kami nang sinunod niya ang iniutos ni Re-re sa kaniya.

Tumakbo lang naman siya sa park dito sa school ng dalawang beses. Kaya ayon pagdating niya sa pwesto namin ay hingal na hingal na siya.

Ang sunod na naging biktima ay si Irish. Tinanong lang siya kung sino ang crush nito dahil truth ang pinili niya. At hindi naman siya nahiya nang sabihin niyang si Re-re ang crush niya.

Alam naman naming lahat kung gaano niya kagusto si Re-re kaya hindi na iyon naging big deal pa sa'min. Kahit si Re-re ay alam ang tungkol sa bagay na iyon.

Kahit kailan talaga bilib ako sa katapangan ng loob ni Irish. Kaya niya kasing sabihin sa lahat kung gaano niya kagusto ang isang tao.

Well, hindi rin naman dapat ikinakahiya ang isang katulad ni Irish. Sa ganda ba niyang 'yon.

"Trixie, ikaw na!"

Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako at no'ng kumurap ako ay nakita kong nakatitig na silang lahat sa akin. 

Bumaba ang tingin ko sa bote. Tama nga sila dahil sa'kin nakaturo 'yon.

Napabuntong hininga ako.

"Truth or dare?" 

Tinignan ko si Irish nang tanungin niya 'ko. Pinaningkitan ko siya ng mata nang makita na tila nang-aasar siya sa tanong niyang 'yon.

"Truth," sagot ko hindi na pinansin ang nang-aasar niyang mukha.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at saktong tumama 'yon kay Ace na ngayon ay nakatitig na sa akin. Mabilis akong napaiwas nang tingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

"Hmm... sabihin mo sa harap naming lahat kung sino ang taong nagugustuhan mo," 

Natigilan ako sa narinig. Napabalik ang tingin ko kay Irish. Nakatingin siya sa akin ng inosente samantalang ako ay biglang nanlamig sa hindi malamang dahilan.

"H-ha?" 

Parang nawala ako sa aking sarili at hindi magawang i-sink in sa utak ang sinabi niya.

Ngumiti si Irish sa akin.

"Sabi mo sa akin may nagugustuhan kang isang tao kaya p'wede mo bang sabihin sa harap namin ngayon kung sino siya?" 

Kumalabog nang sobrang bilis ang puso ko. Wala sa sariling kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa kabang nararamdaman.

Napatingin ako sa kanilang lahat at pare-pareho silang nakatitig sa akin na animo'y hinihintay ang sagot ko.

Napayuko ako at napapikit. Napahugot ako nang malalim na hininga bago nagmulat nang mga mata.

Dapat ko na bang sabihin? Pero... nandito siya. Nandito sa harap ko ang lalaking gusto ko. Paano na 'to?

"Trixie, bilis! Naiinip na kami oh," 

Mas lalo akong kinakabahan sa pagmamadali ni Irish kaya napaangat ako ng ulo at sinamaan siya ng tingin.

"Sandali," sagot ko. 

Huminga ulit ako ng malalim at tinapangan ang sarili.

"Ang lalaking nagugustuhan ko ay walang iba kundi si..." 

Automatikong natuon ang mga mata ko kay Ace. Nakita ko ang panlalaki nang kaniyang mga mata at ang marahan niyang paglunok. 

Halata sa mukha niya ang pagiging balisa.

Napalunok na rin ako. M-may alam kaya siya? 

"Sino? Ano ba 'yan ang taga---

"Walang iba kundi si Ace!" Malakas kong sambit at napapikit.

Biglang tumahimik ang paligid. Walang akong narinig na kahit anong ingay. Parang may dumaan na isang bagyo. 

Ang puso ko ay sobrang lakas nang tibok. Kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko.

Nang hindi ko na makayanan ang katahimikan sa paligid ay roon na ako napamulat nang mga mata.

Saktong tumama agad 'yon kay Ace at nakita ko ang biglaang pag blangko ng kaniyang mukha. Nakatitig siya sa akin pero wala akong mabasang kahit na anong emosyon.

At sa hindi malamang dahilan ay parang nasaktan ako roon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at mabilis na tumayo. Handa na sana akong umalis doon para mailigtas ang sarili sa kahihiyan nang matigilan ako sa sinabi ni Ace.

"Hindi kita gusto. Hindi ko kayang gustuhin ang isang katulad mo. At kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan, Trixie."

Kasabay nang pagbitiw niya ng salitang iyon ay ang pagka durog ng puso ko.

To be continued...

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Love and Expectation   Chapter 1

    Chapter 1I woke up to the sounds of the birds chirping outside. Napatingin ako sa veranda at nakita kong hindi pa sumisikat ang araw. Medyo madilim pa rin ang kalangitan.Kinusot ko ang aking mga mata at saktong tumunog ang alarm clock sa bed side table.Inabot ko 'yon at pinatay.Bumangon ako at kahit inaantok pa ay dumiretso na 'ko sa banyo para maligo.After 20 minutes ay lumabas na 'ko. Suot ang roba ay nagtungo ako sa bintana at hinawi ang kurtina."What a beautiful morning," I murmured.Napangiti ako nang makita ang labas. The morning sun is now shining and the birds are flying freely in the sky.Sana palagi na lang ganito. 'Yong tipong gigising ka sa umaga at ganito kaganda ang bubungad sa'yo.Tumagal pa 'ko ng ilang minuto nakatayo roon at nakatingin sa tanawin. At nang magsawa ay nagbihis na 'ko ng uniform.Hindi gaano ka fit ang uniform ko sa'kin, maluwang 'yon. Pero dahil sanay na 'ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-02
  • Love and Expectation   Chapter 2

    Chapter 2"Salamat po, Manong Berto."Nakangiting usal ko sa driver namin nang bumaba ako sa sasakyan."Walang ano man, Ma'am Trixie. Sige ho, una na 'ko."Tumango ako sa kaniya at tinanaw ang kaniyang pag-alis. Nang hindi ko na siya makita ay pumasok na 'ko sa Xavier.Tinignan ko ang class schedule ko. Hinanap ko ang building number ng classroom namin. Nang makita kung saan ito ay naglakad na 'ko patungo roon.As usual naroon na naman ang mga nandidiring mga mata ng mga estudyante sa Xavier nang makita ako.Ang ilan sa kanila ay masasama pa ang tingin at bubulong sa kanilang tabi.Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Wala rin naman magbabago kung papatulan ko ang ganiyang klaseng tao.Nasanay na rin ako na ganiyan sila kasi simula pa lang noong first year high school ako hanggang ngayon na fourth year na ay hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa'

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-02
  • Love and Expectation   Chapter 2.1

    Chapter 2.1NAKATAAS ang kilay ni Krezha habang nakatingin sa'kin at may nakakalokang ngisi sa kaniyang labi.Sa kaniyang likod naman ay naroon ang kaniyang mga kaibigan na nakangisi rin nang nakakaloka.Binalingan ko nang tingin si Irish na nakatitig din sa kanila at marahan siyang kinalabit."Mauna ka na muna sa room, Irish," mahinang usal ko.Mabilis siyang napatingin sa'kin at napakunot noo."Hindi kita iiwan dito, Trix. Baka kung ano pa ang gawin nila sa'yo," aniya.May bahid na pag-aalala ang kaniyang boses.Pero mas lalong ayoko rin na madamay ka pa sa gulong ito dahil sa'kin. Ayokong pati ikaw ay pag initan nila.Nais ko sanang isatinag 'yon pero hindi ko na lang ginawa. Sa halip ay nginitian ko siya ng sinsero tila pinapahiwatig na magiging maayos lang ang lahat."Sige na. Susunod ako." Tinanguan ko siya.Tinignan niya 'ko nang mariin bago binalik ang tingin sa k

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-02
  • Love and Expectation   Chapter 2.2

    Chapter 2.2WALA akong nagawa kundi ang sumunod sa office ni Dean katulad nang sinabi niya.Kasama ko ngayon si Krezha pati na rin ang mga kaibigan niya. Dahil ayon sa kanila ay saksi raw sila sa lahat ng pangyayari.Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Saksi sila sa pangyayari pero batid kong iba ang ipapalabas nilang kuwento.Alam ko sa mga oras na 'to ay ako na ang talo. Pero lihim pa rin akong nananalangin na sana pumanig sa'kin ang katotohanan.Kinakabahan ako nang husto at nanlalamig ang buong katawan ko.Wala pa mang nangyayari pero nakikita ko na ang posibleng mangyari sa'kin dahil sa ginawa ko. Sana hindi ko na lang pinatulan si Krezha at sana umalis na lang ako kanina para hindi na kami umabot sa ganito.Buhaghag pa rin ang buhok ko at ang lukot kong uniporme ay mas lalong nalukot at naging marumi tignan dahil sa nangyari sa'min ni Krezha.Ang kaba sa'king puso ay mas lalong dumoble nang m

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-02
  • Love and Expectation   Chapter 3

    Chapter 3"WHAT WERE you thinking, Zialla Trixie at ginawa mo 'yon ha?!"Malakas na sigaw ni Papa ang bumungad nang makapasok ako sa loob ng bahay.Akala ko sisigawan at papagalitan niya lang ako pero nagulat ako ng bigla niya akong sinampal nang malakas sa pisngi.Napatulala ako at hindi agad nakagalaw. Parang namanhid ang katawan ko sa ginawa ni Papa."Alfred!" sigaw ni Mama halatang nagulat din sa ginawa ni Papa.Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Talagang ginawa niya 'yon sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.Nanginginig ang katawan ko sa takot.Sa takot sa posible niya pang gawin sa'kin lalo na't ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit."Don't hurt your daughter, Alfred!""H'wag kang makialam dito, Zera!"Walang nagawa si Mama kundi ang manahimik. Maging ako ay wala ring nagawa kundi ang tiisin ang sakit.Ramdam ko pa rin ang pamamanhid nang pisngi ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-02
  • Love and Expectation   Chapter 4

    Chapter 4Kinabukasan ay maaga akong nagising na namumugto ang mga mata. Ramdam ko ang pagod at antok sa sistema ko dahil sa kakulangan ng tulog.Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iyak.Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Papa sa'kin.Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower ng ilang minuto.At nang matapos ay agad din akong lumabas at tinungo ang cabinet. Kinuha ko ro'n ang uniform ko at nagbihis.Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok at pinunasan. Nang matuyo ay basta ko na lang 'yong tinali at sinuot ang malaki kong salamin. Malaki ang tulong ng salamin na 'to dahil natatakpan nito ang namamaga kong mata.Pagkatapos kong kunin ang bag pack at ang libro ko ay lumabas na 'ko ng k

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-17
  • Love and Expectation   Chapter 4.1

    Chapter 4.1Si Kairo Ace De Guzman ay may taglay na mapaglaro at game sa lahat ng bagay. Kahit saan at kahit ano pa ang ipagawa mo rito ay hindi niya ito tinatanggihan. Kahit pa sabihin mo na pagtripan niya ang isang tao ay gagawin niya talaga.Kilala siya bilang palatawa, mapaglaro at captain sa basketball. May pagka badboy type rin si Kairo na naging isa sa mga rason kung bakit sobrang kinababaliwan siya ng mga babae. And I admit he's an ideal type for everyone.Sa kanilang tatlo siya itong mas kinababaliwan ng lahat dahil sa angkin nitong charisma pero iyon nga lang hindi ko gusto ang ugaling meron siya. Masyado siyang mapaglaro at walang pakialam sa feelings ng iba. Wala siyang pakialam kung nasasaktan niya na ba ito o hindi.Si Brent Mendoza naman ay palabiro sa kanilang tatlo. Kung meron man sa kanila ang madali mong makasama ay si Brent iyon. Hindi siya snobber, masungit, mapaglaro at mayabang katulad ni Kairo. Kaya niya rin sabayan ang trip mo sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-17
  • Love and Expectation   Chapter 5

    Chapter 5"TRIXIE, natapos mo ba 'yong pinapagawa ko sa'yo kagabi?"Bungad ni Irish sa'kin sa araw ng biyernes. Kakapasok ko pa lang sa classroom ay mabilis niya agad akong sinalubong para sa isang favor na hiningi niya sa'kin kagabi."Yes, ma'am," sagot ko pagkatapos ilapag ang libro sa'king desk at nilagay ang bag sa upuan ko.Kinuha ko sa loob ng bag ang notebook niya sa biology at inabot 'yon sa kaniya."Nasagutan ko na lahat ng questions diyan. Don't worry magkaiba tayo ng sagot kaya hindi malalaman na ako ang gumawa sa assignment mo." Inirapan ko siya na ikinatawa niya naman."The best ka talaga bestfriend!" Niyakap niya 'ko bigla kaya wala akong nagawa kundi ang matawa.Nag favor si Irish sa'kin kagabi na kung p'wede raw ay ako na ang sumagot sa assignment niya sa bio since busy siya kagabi dahil sa family dinner nila at no'ng nakauwi na sila ay napagod din naman siya.Kaya ayon wala rin akong nagawa kundi ang pumayag sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2021-09-17

บทล่าสุด

  • Love and Expectation   Author's Note

    Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi

  • Love and Expectation   EPILOGUE 1

    Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka

  • Love and Expectation   EPILOGUE

    EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya

  • Love and Expectation   Chapter 50.2

    Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n

  • Love and Expectation   Chapter 50.1

    Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k

  • Love and Expectation   Chapter 50

    Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono

  • Love and Expectation   Chapter 49

    Chapter 49Bakit ba hindi umaayon sa akin ang panahon? Bakit hindi ako pinagbibigyan ng tadhana? Bakit kung sino pa 'yong mahalaga sa akin ay siya pa 'yong nawawala?Gusto ko lang naman makausap si Kairo, gusto ko lang malinawan sa lahat ng gulo pero bakit napakahirap naman yatang gawin iyon? Bakit kung kailan ko siya gustong kausapin, kung kailan handa na 'kong pakinggan kung ano man ang dahilan niya, kung kailan binubuksan ko na ang puso ko sa mga sasabihin niya saka pa siya aalis.Noong una si Kaizer 'yong umalis tapos ngayon naman siya. Huli na ba talaga ako? Huli na ba ako para humingi ng tawad sa kanilang lahat?Gusto ko lang naman sumaya pero bakit hindi ko magawa?Simula ng sinabi ni Irish sa akin na umalis na si Kairo ng bansa at nagtungo sa New York hindi ko na alam kung paano pa nagpatuloy ang buhay ko. Pumupunta ako sa Xavier para sa practice ng graduation at umuuwi rin pagkatapos. Pagdating ko naman sa bahay ay hindi ko pa rin pi

  • Love and Expectation   Chapter 48

    Chapter 48Siguro nga pinanganak talaga ako sa mundo para maghatid ng kamalasan sa mga tao. Siguro ang dahilan ng presensiya ko ay magbigay sakit sa ulo sa mga magulang ko.Kaya hindi ako sumasaya kasi wala akong kwenta. Kaya ang bilis bawiin ng ngiti sa akin kasi hindi ko deserve ang sumaya.Looks like my life was meant to be this way. Walang kahit na sino ang mananatili sa tabi ko dahil hindi naman ako kamahal mahal. Kahit sariling pamilya ko nga nagawa akong saktan ng hindi ko nalalaman."Bakit ba walang katapusan ang mga luha ko? Nakakainis!" sabi ko sa sarili.Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay umiyak agad ako sa unan ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit at puot na naramdaman ko pagkatapos malaman ang lahat. Akala ko masakit na iyong mga pinagdaanan ko sa ibang tao. Iyong pangbubully at pang aapi nilang lahat sa akin pero hindi pala.Kasi walang kasing sakit kapag nalaman mo na mismong magulang mo pala ang puno't dulo ng lah

  • Love and Expectation   Chapter 47.1

    Chapter 47.1Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak."T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang

สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status