Chapter 3
"WHAT WERE you thinking, Zialla Trixie at ginawa mo 'yon ha?!"
Malakas na sigaw ni Papa ang bumungad nang makapasok ako sa loob ng bahay.
Akala ko sisigawan at papagalitan niya lang ako pero nagulat ako ng bigla niya akong sinampal nang malakas sa pisngi.
Napatulala ako at hindi agad nakagalaw. Parang namanhid ang katawan ko sa ginawa ni Papa.
"Alfred!" sigaw ni Mama halatang nagulat din sa ginawa ni Papa.
Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Talagang ginawa niya 'yon sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Nanginginig ang katawan ko sa takot.
Sa takot sa posible niya pang gawin sa'kin lalo na't ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit.
"Don't hurt your daughter, Alfred!"
"H'wag kang makialam dito, Zera!"
Walang nagawa si Mama kundi ang manahimik. Maging ako ay wala ring nagawa kundi ang tiisin ang sakit.
Ramdam ko pa rin ang pamamanhid nang pisngi ko.
"Bakit ka nakipag away? Bakit mo sinaktan ang anak ni Trinidad, ha?!"
Hindi ako nakapagsalita. Tanging pagyuko at pagkagat sa labi lamang ang ginagawa ko.
Ang katapangan na pinakita ko kanina kay Krezha ay parang naglaho na parang bula nang makaharap ko si Papa.
"Ano na lang ang sasabihin sa'tin ng mga tao, ha? Na may anak akong walang respeto? Anong pumasok sa kukote mo Trixie at nakipag-away ka?!"
"H-hindi naman po a-ako ang n-nauna. Ipinagtanggol ko l-lang naman ang s-sarili ko..." mahinang usal ko.
Tuluyan nang nabasag ang boses ko. Tuluyan nang bumigay ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.
Mahina akong napahikbi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
"Kahit na! Sana hindi mo na lang pinatulan. Kung may utak ka naman edi sana mas pinili mo na lang ang umiwas kaysa sa gumanti. You're stupid!" Galit na galit na sigaw ni Papa sa'kin dahilan para mas lalong madurog ang puso ko.
Pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa sahig dahil sa narinig.
Parang literal na sinaksak ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. God, why do I have to go through all this?
"Alfred, huminahon ka muna. Let Trixie explain her side." Narinig kong sambit ni Mama.
Parang gusto ko na lang tumakbo palapit sa kaniya at yakapin siya. Parang gusto ko na lang maglaho bigla at takasan ang sakit na binibigay nilang lahat sa'kin.
"Explain her side? What more explanations do you want to hear, Zera? Sa kaniya na nga mismo nanggaling na ipinagtanggol niya ang kaniyang sarili kaya nauwi sila sa pag-aaway. Ang hindi ko lang mapunto ay kung bakit niya pa ito pinatulan kung p'wede naman siyang umiwas!"
So, hahayaan ko na lang na saktan nila ako? Hahayaan ko na lang sila na hindi ako tratuhin bilang isang tao?
Gusto ko iyong itanong pero natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng gawin ni Papa sa oras na magsalita ako.
Hindi naman nakasagot si Mama sa sinabi ni Papa at narinig ko na lang 'tong napabuntong hininga senyales nang pagsuko.
Alam ko naman eh, alam ko naman na talong-talo na talaga ako. Wala na akong kakampi sa oras na 'to maliban sa sarili ko.
Pero paano ko pa makakampihan ang sarili ko kung pati ako ay napapagod na rin?
Paano pa ako makakatayo sa sarili kong paa kung nanghihina na 'ko? Ayoko na. Parang gusto ko na lang sumuko bigla.
Ang sakit sakit na.
"Trixie, pumasok ka na muna sa kwarto mo. Mag-uusap lang kami ng Papa mo," sabi ni Mama makalipas ang ilang segundong katahimikan.
Nakayuko akong tumango at pasimpleng pinahid ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Wala akong lakas nang loob na mag-angat nang tingin.
Akmang magsasalita na sana ako para mag paalam nang matigilan ako sa binitiwang salita ni Papa.
"Mabuti pa nga na manatili ka sa kuwarto mo at 'wag nang magpakita sa 'kin. Wala akong anak na puro kahihiyan lang ang dulot sa pamilyang 'to." Matigas nitong sabi na siyang nagpadurog sa puso ko ng husto.
"Alfred!"
Hindi na pinansin ni Papa ang pagsuway ni Mama sa kaniya dahil mabilis na niya kaming tinalikuran.
Napapikit ako at mas lalong napaluha. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama.
"Just go to your room, Trixie." Tumango ako sa kaniya at umakyat na sa taas.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay napasandal agad ako sa pinto at napapikit kasabay nang paglandas ng mga luha ko sa'king pisngi.
Dahan-dahan akong napaupo at ibinaon ang sariling mukha sa mga tuhod ko.
Doon na bumuhos ang emosyon kong kanina ko pa pinipigilan. Napahagolgol ako ng todo.
Ang sakit sakit.
Ang bigat sa pakiramdam ko dahil hindi man lang ako hinayaan ni Papa na sabihin muna ang buong nangyari bago niya ako pagalitan, bago niya 'ko sigawan.
Para sa kaniya sapat na ang sinabi ni Dean kanina para isisi niya sa'kin lahat ng nangyari.
Kinakapos ako ng hangin, hindi ako makahinga nang maayos dahil parang may nakabara na kung ano sa puso ko.
Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Hindi ko naman hiniling ang ganitong klaseng buhay pero bakit ito ang ibinigay sa'kin?
Anong nangyari sa masayang pamilyang meron ako noon? Anong nangyari at biglang nakaganito?
We were so happy back then pero bakit sa isang iglap ay nagbago na ang lahat?
Hindi ko na maintindihan si Papa ngayon. Palagi na lang siyang galit sa'kin. Gusto niya perpekto lahat ng ginagawa ko at ayaw niya akong magkamali.
Ni hindi ko na rin maramdaman ang pagmamahal niya bilang isang ama. Maaaring kaya niyang ibigay sa'kin ang mga pangangailangan ko, ang mga materyal na bagay pero ang nag iisang gusto ko ay hindi ko makuha mula sa kaniya.
Ang pagmamahal niya.
Gulong-gulo na 'ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit puro kamalian ko pa rin ang nakikita?" bulong ko sa sarili habang patuloy pa rin sa paghikbi.
Mas lalo kong binaon ang mukha ko sa tuhod at do'n umiyak nang todo.
Hindi ko ba deserve ang maging masaya? Kahit pansamantala lang naman sana.
Nagsimula lang naman ang pag iiba ng trato ni Papa sa 'kin no'ng kinder garten ako.
Hindi ko alam ang dahilan niya pero bigla na lang siya nagbago sa isang iglap.
He used to be so sweet back then pinaparamdam niya sa 'kin na isa akong prinsesa at si Mama naman ang reyna niya.
Ramdam ko ang pagmamahal ni Papa sa'min noong bata pa lang ako. No'ng hindi pa 'ko nag aaral.
Kahit ni isang beses hindi siya nagkulang na iparamdam sa 'min ni Mama ang kaniyang pagmamahal. Masaya kami noon at kahit kailan hindi niya 'ko sinaktan.
Pero ang akala kong masayang pamilya ay bigla na lang naglaho nang isang bula. Ang pamilyang pinapangarap ko ay bigla na lang nawala. At nagsimula lang 'yon no'ng nagsimula na 'kong mag-aral.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Papa pero bigla na lang talaga siyang nagbago. Kahit ang pagtrato niya kay Mama ay ibang-iba na.
Palagi na lang siyang galit sa t'wing mag uusap sila, parati siyang stress sa trabaho dahil binubuhos niya lahat ng oras niya roon. Hindi na rin siya naglalaan ng oras para sa'min katulad noon. Hindi ko na rin maramdaman ang sweetness ni Papa sa t'wing kausap niya si Mama.
Ibang-iba na talaga. Ibang-iba na ang pamilya ko noon kompara ngayon. Kahit si Mama ay nagbago na rin ang trato sa akin.
Minsan na lang siya maglaan nang oras at atsensiyon sa'kin dahil palagi rin siyang stress sa trabaho at may mga oras na wala siyang mood dahil nag-aaway sila ni Papa.
Parati ko silang nahuhuling nag-aaway pero hindi ko lang pinapahalata.
Alam ko rin kung gaano kataas ang expectasyon ni Papa sa akin kaya nga ginagawa ko ang lahat ng best ko para maging proud siya.
Pero hindi sapat ang best kong 'yon para maging proud si Papa sa akin. Dahil para sa kaniya isa lamang akong kahihiyan sa aming pamilya.
Mapait akong ngumiti dahil sa naisip.
Iniangat ko ang aking ulo at do'n nasilayan ko ang madilim kong kuwarto.
Mas lalo akong nasaktan dahil narito na naman ako sa madilim na parte ng buhay ko kung saan umiiyak ako at nag iisa.
Walang masasandalan at walang masasabihan.
I feel alone and lonely again.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko kaya dali-dali ko itong pinahid at humugot nang malalim na hangin.
Ito 'yong klase ng lugar kung saan ako nararapat. Sa isang madilim na sulok, nag-iisa, umiiyak, nasasaktan, walang kakampi at walang sariling kalayaan.
Bakit gano'n? Naging mabuting anak naman ako. Sinusunod ko naman lahat ng gusto ng magulang ko.
Pero bakit hindi pa rin ako masaya?
I just want to be happy... but why can't I?
To be continued...
Chapter 4Kinabukasan ay maaga akong nagising na namumugto ang mga mata. Ramdam ko ang pagod at antok sa sistema ko dahil sa kakulangan ng tulog.Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iyak.Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Papa sa'kin.Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower ng ilang minuto.At nang matapos ay agad din akong lumabas at tinungo ang cabinet. Kinuha ko ro'n ang uniform ko at nagbihis.Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok at pinunasan. Nang matuyo ay basta ko na lang 'yong tinali at sinuot ang malaki kong salamin. Malaki ang tulong ng salamin na 'to dahil natatakpan nito ang namamaga kong mata.Pagkatapos kong kunin ang bag pack at ang libro ko ay lumabas na 'ko ng k
Chapter 4.1Si Kairo Ace De Guzman ay may taglay na mapaglaro at game sa lahat ng bagay. Kahit saan at kahit ano pa ang ipagawa mo rito ay hindi niya ito tinatanggihan. Kahit pa sabihin mo na pagtripan niya ang isang tao ay gagawin niya talaga.Kilala siya bilang palatawa, mapaglaro at captain sa basketball. May pagka badboy type rin si Kairo na naging isa sa mga rason kung bakit sobrang kinababaliwan siya ng mga babae. And I admit he's an ideal type for everyone.Sa kanilang tatlo siya itong mas kinababaliwan ng lahat dahil sa angkin nitong charisma pero iyon nga lang hindi ko gusto ang ugaling meron siya. Masyado siyang mapaglaro at walang pakialam sa feelings ng iba. Wala siyang pakialam kung nasasaktan niya na ba ito o hindi.Si Brent Mendoza naman ay palabiro sa kanilang tatlo. Kung meron man sa kanila ang madali mong makasama ay si Brent iyon. Hindi siya snobber, masungit, mapaglaro at mayabang katulad ni Kairo. Kaya niya rin sabayan ang trip mo sa
Chapter 5"TRIXIE, natapos mo ba 'yong pinapagawa ko sa'yo kagabi?"Bungad ni Irish sa'kin sa araw ng biyernes. Kakapasok ko pa lang sa classroom ay mabilis niya agad akong sinalubong para sa isang favor na hiningi niya sa'kin kagabi."Yes, ma'am," sagot ko pagkatapos ilapag ang libro sa'king desk at nilagay ang bag sa upuan ko.Kinuha ko sa loob ng bag ang notebook niya sa biology at inabot 'yon sa kaniya."Nasagutan ko na lahat ng questions diyan. Don't worry magkaiba tayo ng sagot kaya hindi malalaman na ako ang gumawa sa assignment mo." Inirapan ko siya na ikinatawa niya naman."The best ka talaga bestfriend!" Niyakap niya 'ko bigla kaya wala akong nagawa kundi ang matawa.Nag favor si Irish sa'kin kagabi na kung p'wede raw ay ako na ang sumagot sa assignment niya sa bio since busy siya kagabi dahil sa family dinner nila at no'ng nakauwi na sila ay napagod din naman siya.Kaya ayon wala rin akong nagawa kundi ang pumayag sa
Chapter 6"SANA hindi mo na 'ko pinigilan kanina Trixie, edi sana naipag higanti kita sa babaeng 'yon!" Sigaw ni Irish nang makapasok kami sa loob ng CR."Ayoko ng gulo Irish kaya hayaan mo na,""S'ya ang unang nanggulo Trixie. Wala siyang karapatan na ipahiya ka roon!""Alam mo naman ang ugali ni Krezha 'di ba? Kaya hangga't maari ay tayo na lang ang umiwas sa gulo," sabi ko.Pagkatapos naming umalis sa cafeteria ay dumiretso kami ni Irish sa CR para magbihis. Masyadong marami ang binuhos ni Krezha na tubig kanina dahil nabasa talaga ang blouse ko.Mabuti na lang palagi akong may extra na damit sa locker kaya may pampalit ako.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Irish pero hindi naman nagsalita. I inserted my white t-shirt in my skirt at hindi pinansin si Irish.Nakita ko sa repleksiyon ng salamin na titig na titig siya sa'kin."Bakit ba masyado kang mabait, Trix?" Napatigil ako sa'king ginagawa dahil sa tan
Chapter 7Kinabukasan ay tanghali na 'kong nagising. It's Sunday at balak kong linisin ang kuwarto ko. Gusto kong baguhin ang arrangement ng mga stuffs ko para kahit papaano ay maging maganda naman ito.Bumangon ako sa kama at dumiretso na sa banyo para maligo. Nang matapos ay lumabas ako at nagtungo sa walk in closet para magbihis. Merong cabinet at walk in closet ang kuwarto ko.Pinasadya ko talagang lagyan ito dahil sa cabinet ko nilalagay ang mga old stuffs ko na hindi ko na masyadong nagagamit. Samantalang sa walk in closet ko naman nilalagay ang mga bagong stuffs ko, like dress, pants, shorts, t-shirt, sling bag and shoes.Suot ang isang over-sized pink t-shirt and black short ay lumabas ako sa walk in closet at nagtungo sa vanity mirror. Tinignan ko ang kabuuan ko at napanguso ako nang mapagtanto kung gaano talaga ako ka pangit.Naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa Mall kung saan pinahiya ako at sinabihan ng pangit sa harap ng maramin
Chapter 8Maaga akong pumasok sa school kinabukasan ng lunes. Pagdating ko sa classroom ay hindi ko nadatnan si Irish sa kaniyang upuan.Nagtataka akong napatingin sa wrist watch ko. Malapit ng mag start ang klase ba't wala pa s'ya?Kilala ko si Irish. Early bird siyang klaseng tao. Sa aming dalawa parati siya ang nauuna sa'kin sa school at minsan lang siya ma late.Pero hindi late to the point na malapit na talaga mag start ang first period.Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa na minsan ko lang ginagamit at chineck kung may message ba si Irish.Nang makitang may isa akong mensahe sa inbox ay mabilis ko itong binuksan at binasa.Irish:Trix, absent ako ngayon. May pupuntahan kami ni Mommy na importante. Ikaw na bahala sa teachers natin ha? Thanks!Nang mabasa ang text ay napanguso akong ibinalik ang cellphone sa bulsa. Saktong pumasok na sa loob ng room si Ms. Helena kaya umayos na 'k
Chapter 8.1Masakit.Iyon ang salitang naging dahilan nang pagkasira ko.Ang salitang iba't ibang emosyon ang binibigay sa pagkatao ko. Ang salitang nararamdaman ko ngayon.Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit ganito ang binigay sa akin ng mundo?"Mga pangit na katulad mo ay hindi dapat narito!""Lumayas ka sa school namin, malas ka rito!""PANGIT! PANGIT! PANGIT!""Ang mga pangit ay walang lugar sa mundo namin!"That's it? Just because I have that freaking ugly creature face does it mean na hindi na 'ko belong dito? Does it mean na hindi na ako nababagay sa mundong meron sila?How could people say that so easily? How could they judge the person without knowing them properly?"SHUU! SHUU! SHUU!""Bakit ba siya nakapasok dito? Hindi siya nababagay rito!""Siguro ginamit niya ang pagpapaawa effect kaya siya pinapasok dito. Gosh!""Your face is disgusting, yuck!""Mangkuku
Chapter 9I AM FREE. Free from mess. Free from everything.If it's just a dream then I don't want to wake up anymore. I'd rather live in my dreams than to live in reality.Because in my dreams, I am free. No haters, no bullies and no toxic people.If I would be given a chance to choose what I want, I would rather choose the place where I could find my own peace. A place where I could enjoy every moment of my life.Not like this one. Never in my dreams I wish to have a life like this. Nasasaktan ako sa uri ng buhay ko ngayon.Hindi ko alam kung sino ang malalapitan at ang mapapagkatiwalaan. Dahil sa totoo lang napapaligiran ako ng mga taong walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko.Muling umagos ang luha sa aking pisngi kaya mabilis ko itong pinunasan. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at malalim ang iniisip.Basta ang alam ko kanina pa. Kanina pa ako narito at patuloy na inaala
Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi
Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka
EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya
Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n
Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k
Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono
Chapter 49Bakit ba hindi umaayon sa akin ang panahon? Bakit hindi ako pinagbibigyan ng tadhana? Bakit kung sino pa 'yong mahalaga sa akin ay siya pa 'yong nawawala?Gusto ko lang naman makausap si Kairo, gusto ko lang malinawan sa lahat ng gulo pero bakit napakahirap naman yatang gawin iyon? Bakit kung kailan ko siya gustong kausapin, kung kailan handa na 'kong pakinggan kung ano man ang dahilan niya, kung kailan binubuksan ko na ang puso ko sa mga sasabihin niya saka pa siya aalis.Noong una si Kaizer 'yong umalis tapos ngayon naman siya. Huli na ba talaga ako? Huli na ba ako para humingi ng tawad sa kanilang lahat?Gusto ko lang naman sumaya pero bakit hindi ko magawa?Simula ng sinabi ni Irish sa akin na umalis na si Kairo ng bansa at nagtungo sa New York hindi ko na alam kung paano pa nagpatuloy ang buhay ko. Pumupunta ako sa Xavier para sa practice ng graduation at umuuwi rin pagkatapos. Pagdating ko naman sa bahay ay hindi ko pa rin pi
Chapter 48Siguro nga pinanganak talaga ako sa mundo para maghatid ng kamalasan sa mga tao. Siguro ang dahilan ng presensiya ko ay magbigay sakit sa ulo sa mga magulang ko.Kaya hindi ako sumasaya kasi wala akong kwenta. Kaya ang bilis bawiin ng ngiti sa akin kasi hindi ko deserve ang sumaya.Looks like my life was meant to be this way. Walang kahit na sino ang mananatili sa tabi ko dahil hindi naman ako kamahal mahal. Kahit sariling pamilya ko nga nagawa akong saktan ng hindi ko nalalaman."Bakit ba walang katapusan ang mga luha ko? Nakakainis!" sabi ko sa sarili.Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay umiyak agad ako sa unan ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit at puot na naramdaman ko pagkatapos malaman ang lahat. Akala ko masakit na iyong mga pinagdaanan ko sa ibang tao. Iyong pangbubully at pang aapi nilang lahat sa akin pero hindi pala.Kasi walang kasing sakit kapag nalaman mo na mismong magulang mo pala ang puno't dulo ng lah
Chapter 47.1Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak."T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang