Chapter 8.1
Masakit.
Iyon ang salitang naging dahilan nang pagkasira ko.
Ang salitang iba't ibang emosyon ang binibigay sa pagkatao ko. Ang salitang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit ganito ang binigay sa akin ng mundo?
"Mga pangit na katulad mo ay hindi dapat narito!"
"Lumayas ka sa school namin, malas ka rito!"
"PANGIT! PANGIT! PANGIT!"
"Ang mga pangit ay walang lugar sa mundo namin!"
That's it? Just because I have that freaking ugly creature face does it mean na hindi na 'ko belong dito? Does it mean na hindi na ako nababagay sa mundong meron sila?
How could people say that so easily? How could they judge the person without knowing them properly?
"SHUU! SHUU! SHUU!"
"Bakit ba siya nakapasok dito? Hindi siya nababagay rito!"
"Siguro ginamit niya ang pagpapaawa effect kaya siya pinapasok dito. Gosh!"
"Your face is disgusting, yuck!"
"Mangkukulam ka!"
"Yuck! Ew! So pangit!"
Nagpatuloy sila sa pagbabato sa akin ng b****a. Nanatili naman akong nakaupo sa sahig at sinasalo ang lahat ng binabato nila. Hinayaan ko lang sila at hindi na 'ko nanglaban.
Ang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang kumawala at tumulo sa aking pisngi. Masakit pa rin pala talaga. Kahit anong pigil kong huwag magpa apekto sa kanila ay hindi ko pa rin magawa.
Dear universe, of all people why me? Why do I have to suffer like this?
Basang basa na 'ko. Hindi lang papel, plastic at kung ano pang pagkain ang binabato nilang lahat dahil maging ang juice at tubig ay ibinubuhos din nila sa akin.
Awang-awa na 'ko sa sarili ko ngayon. Ano bang kasalanan na ginawa ko?
Naging masama ba 'kong anak kaya nangyayari ang lahat ng mga ito ngayon sa'kin?
Hindi ko na maintindihan ang kanilang sinasabi. Para na akong nabibingi dahil sa sari-saring emosyon na bumabalot sa puso ko.
Gamit ang nananakit na mga tuhod ay sinikap kong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Inayos ko ang salamin sa mata at binalingan nang tingin ang sandwich at chuckie na binili ko kanina na ngayon ay natapon na rin sa sahig.
Nakagat ko ang aking labi nang makita ang sandwich ko na mukhang nabulok na dahil sa ayos. Humakbang ako palapit at akmang kukunin ito nang may isang paa na tumapak dito.
Gano'n na lang ang pagyuko ko at ang pagtulo muli ng aking luha nang masilayan ang kakarampot na sandwich na ngayon ay nasa ilalim na ng sapatos.
"Ops! Is this yours?" Kinuha niya 'yon at itinaas sa ere. "I thought it was just a trash so... tinapakan ko na," aniya dahilan para muli silang tumawa nang malakas.
Mas lalo akong napayuko sa sinabi nito.
They're so cruel. Pati pagkain ay dinadamay nila sa mga walang kwentang kalokohan na ito.
"Poor little Trixie sandwich lang ang kinakain hahahaha,"
"Aww! Sayang naman ng food niya inapakan mo, Cindy,"
"Paano ba 'yan? Edi wala na siyang kakainin?"
Marami pa silang sinasabi na hindi ko na magawang intindihin pa. Nasa chuckie ko ang aking atensiyon na mukhang hindi pa nila napapansin.
Gutom na 'ko at wala na akong oras para bumili ulit ng pagkain. Bahala na kahit chuckie na lang ang magiging laman ng tiyan ko.
Mahina akong napabuntong hininga at muling humakbang palapit sa chuckie ko na nasa sahig pa rin. Yumuko ako para kunin 'yon nang muli na naman akong nabigo.
May isang kamay na nakaunang kumuha rito kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang kasamahan ng babaeng humablot kanina sa braso ko na nakangisi sa'kin at nakataas ang kilay.
Itinaas niya ang kaniyang kamay na may hawak na chuckie and then she smirked at me widely. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya sa kaniyang gilid.
Gano'n na lang ang gulat at pagsinghap ko ng walang anu-ano'y itinapon niya sa basurahan ang chuckie ko.
Malakas na tawa na naman ang pumaibabaw sa loob ng caf dahil sa kaniyang ginawa.
"Opsss... I'm sorry my fault," sarkastikong sambit nito.
Sa muli ay wala na naman akong nagawa. Sobrang hina ko pagdating sa ganitong bagay. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa takot na baka umabot ito kay Papa at ako na naman ang sisihin.
Napabuntong hininga na lang ako at kinagat ang loob ng aking pisngi.
Napayuko akong umatras sa kanila at mabilis na tumalikod. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay may humablot na sa mga braso ko at pwersahan akong hinila pabalik.
"Where do you think you're going ha?!"
"Tatakas ka?"
"Hindi pa kami tapos sa'yo pangit!"
Nagulat na lang ako nang pinagpasa pasahan nila ako. Mahigpit nilang hinawakan ang braso ko at marahas itong hinahablot.
"You freaking nerd tatakasan mo pa kami ha!"
"May atraso ka pang dapat pag bayaran, bitch!"
"T-tama na..." Nahihirapan kong sambit pero mukhang wala naman silang narinig.
Napapikit ako at hindi na napigilan ang mapahikbi.
"Umalis ka na sa school namin!"
"Hindi ka dapat nandito!
"Salot ka sa lipunan!"
"Mangkukulam ka!"
"Ang pangit mo!"
Marami pa silang sinasabi na hindi ko na magawang maintindihan pa. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyayari.
Idagdag mo pa ang kanilang ginagawa sa akin ngayon. Nakakawalang lakas at nakakapanghina nang loob.
Masakit na rin ang dalawang braso ko dahil sa ginagawa nilang paghablot. Napayuko ako at tiniis ang kanilang walang awa pangbubully sa akin.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na naman ang pambabato nang karamihan sa akin ng b****a.
Parang gripong umagos sa pisngi ko ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Nahihirapan at nasasaktan na 'ko.
Ano bang kasalanan ko sa mundo ba't ginaganito ako ng mga tao?
Ano bang pagkakamaling ginawa ko bakit hindi nila ako kayang tratuhin ng mabuti?
I don't know what to do anymore. Can somebody help me to get rid from this toxic people?
Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang mga braso ko pero mukhang hindi naman nila iyon nahalata lalo pa't mas lalo lamang nilang nilalakasan ang paghablot sa'kin.
Please... tama na.
Hindi ko na rin magawang isatinag ang salitang 'yon dahil nanghihina na 'ko. Ang natitirang lakas ko ay tuluyan ng kinain ng pagod at sakit...
"T-tama na... m-maaawa na kayo sa'kin..." mahinang bulong ko at sa sobrang hina no'n ay hindi ko alam kung narinig ba nila 'yon o hindi.
But I guess, hindi nga. Nagpatuloy pa rin talaga sila sa paghablot sa akin.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig at pagsubsob ng mukha ko sa semento dahil may malakas na tumulak sa akin.
Dahil nanghihina na ang katawan ko ay wala na akong lakas pa para tumayo.
"You deserve it, bitch!"
"You're nothing but a trash, Trixie!"
"Trash!"
"Trash!"
"Trash!"
"Trash!"
"Trash!"
Napuno nang sigawan ang buong cafeteria at muli na naman nila akong binato nang b****a at binuhusan nang kung anu-ano dahilan kung bakit basang basa na ang likuran ko.
Ayoko na. Awang awa na 'ko sa sarili ko. How could they be so cruel? Hindi ba sila naaawa sa akin? Bakit kung ituring nila ako ay parang hindi isang tao?
Please, help me...
Right at this moment I am hoping that maybe... just maybe someone will pity my situation.
Kahit kaawaan na lang nila ako wala na akong pakialam basta ang importante ay maalis nila ako sa sitwasyong ganito.
Please...
Walang tigil pa rin sila sa pagbabato sa akin. Hindi lang iisa, dalawa o tatlong b****a kundi marami at hindi ko na mabilang. Hindi lang din isang beses kong naramdaman ang pagbuhos nang kung anong likido sa likod ko kundi marami.
Maybe I deserved all the hatred and cruelty from them.
Ilang sandali lang ay bigla akong nagtaka nang hindi ko na maramdaman ang pagbabato nang b****a sa akin at ang pagbuhos nang likido sa likod ko.
At ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik at kahit isang ingay ay wala akong marinig.
Para silang natameme sa hindi malamang dahilan. Kaya out of curiosity ay sinubukan kong gumalaw para sana tignan silang lahat pero agad akong napaigtad nang maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko.
"Aahh!" Mahinang daing ko.
Hindi lang ang braso ko ang masakit kundi pati ang likod ko at ang mga tuhod. Paano na 'ko makakatayo nito?
Muli kong sinubukang gumalaw. Hindi ako p'wedeng maging lampa sa mga oras na ito. Kailangan ko pang bumalik sa classroom dahil baka nagsisimula na ang next subject ko.
Hindi ako p'wedeng umabsent.
Ngunit ang pagsubok kong tumayo gamit ang nanghihina kong tuhod ay bigla na lang napatigil nang maramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan akong tumayo.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap sa paligid pero wala namang may nagsalita ni isa sa kanila.
Kumunot ang noo ko nang maamoy ang isang pabango na ngayon ko lang na amoy. Gustuhin ko mang lingunin ang taong tumulong sa akin pero sadyang wala na akong lakas pa para roon.
Nagpaubaya na lang ako nang hawakan ako nito sa braso at sa baywang para alalayang tumayo. Nanatili naman akong nakayuko at hindi magawang mag-angat nang tingin.
"Kaizer..."
Iyon ang huling narinig kong bulongan sa paligid bago ako inalalayan nang isang kamay palabas nang cafeteria. Gusto kong mag protesta lalo pa't narinig ko ang pangalan ng isang lalaking tumulong sa akin.
But I was too tired to do that. Wala na akong lakas para magpa ka choosy pa ngayon. All I wanted now is to get away from here. And I owe Kaizer a lot for helping me.
"Hold on tight, I will keep you away from them," he whispered huskily.
To be continued...Chapter 9I AM FREE. Free from mess. Free from everything.If it's just a dream then I don't want to wake up anymore. I'd rather live in my dreams than to live in reality.Because in my dreams, I am free. No haters, no bullies and no toxic people.If I would be given a chance to choose what I want, I would rather choose the place where I could find my own peace. A place where I could enjoy every moment of my life.Not like this one. Never in my dreams I wish to have a life like this. Nasasaktan ako sa uri ng buhay ko ngayon.Hindi ko alam kung sino ang malalapitan at ang mapapagkatiwalaan. Dahil sa totoo lang napapaligiran ako ng mga taong walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko.Muling umagos ang luha sa aking pisngi kaya mabilis ko itong pinunasan. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at malalim ang iniisip.Basta ang alam ko kanina pa. Kanina pa ako narito at patuloy na inaala
Chapter 10"OKAY CLASS, wear your PE uniform and proceed to the soccer field," anunsiyo ni Mrs. Romero, PE teacher namin at lumabas na ng classroom.Iyon agad ang bungad sa'min kinabukasan ng martes."Grabe naman 'yon kakasimula pa lang ng klase may PE agad," bulong ni Irish sa'king tabi nang mawala si Mrs. Romero.Nilingon ko siya at nagkibit balikat ayaw nang magsalita pa. Totoo naman kasi ang sinabi niya hindi pa man gano'n nagtagal ang klase pero may ganito na agad."Tara na magbihis na tayo," sabi ko sa kaniya at tumayo na.Kinuha ko ang dala kong paper bag at nanguna nang lumabas sa classroom. Mabilis din namang sumunod si Irish sa'kin.Habang naglalakad sa hallway papuntang CR ay walang tigil na naman ang bulongan ng mga tao sa paligid."Uy, girl alam niyo ba 'yong bagong chismis?""Anong chismis?""Iyong nangyari sa cafeteria kahapon girl, ano ka ba? Hindi mo alam?""Ako, ako alam ko ang
Chapter 10.1MABILIS na nagsimula ang huling laro. Nagtuloy-tuloy ulit ang matinding laro sa pagitan ng dalawang team. Naging mas lamang ulit ang team namin ni Irish kompara sa team ni Aubrey.Habang nasa court kami ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ni Aubrey sa'kin. Mas lalo pang sumasama 'yon nang makita niyang malaki na ang lamang ng score namin sa kanila."We can't be lose!" Dinig kong sigaw niya sa ka teammate niya nang muling sumapit ang 5 minutes break.Uminom kami ulit ng tubig pagkatapos ay bumalik din naman agad sa court."C'mon team, we can do it!" Sigaw ni Irish nang pumito na ang referee.Nasa amin ang bola ngayon. Pumwesto si Irish sa likuran at siya ang naka assign para mag spike nang bola. Pinasa nina Je-an ang bola kay Irish at hindi naman siya pumalya sa pagtira.Napalingon ako sa team nina Aubrey at nakita kong nasangga nila ang bola at nagawang ibato pabalik sa amin. Naging alerto naman kaming lahat at ibinato r
Chapter 10.2"K-KAIRO..." sambit ko sa pangalan niya.Tinignan niya rin ako sa mga mata bago ako binigyan nang isang nakakamatay na ngiti."Let me help you, Trixie..." anito at bigla na lang hinawakan ang dalawang kamay ko at agad akong pinatayo mula sa pagkakaupo.He hold my hand tightly at akala ko ay bibitiwan na niya ang kamay ko pero nagulat ako dahil hindi 'yon nangyari.And before I could even protest ay mabilis na niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at kinaladkad.Narinig ko ang malakas na pagsinghap nina Aubrey at ng mga kaibigan niya dahil sa ginawang paghila sa akin ni Kairo.Shit!Hindi ko magawang makapalag sa ginagawang paghila ni Kairo sa'kin ngayon. Nanatili pa rin akong gulat at hindi makapaniwala.Totoo ba talaga ito? Totoo ba talagang hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila ako? Hindi ba 'ko nananaginip?Kasi parang ang hirap paniwalaan ang ganito.Isang Kairo Ac
Chapter 11NAKATULALA ako habang pinagmamasdan ang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Irish pero ang isip ko ay lumilipad sa ere.Hindi ko man lang magawang sumubo. Kanina pa may gumugulo sa isipan ko na hindi ko mawari. Napabuntong hininga ako nang malalim.Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na 'ko simula pa kanina."Earth to Trixie!" Napukaw ang atensiyon ko nang pumalakpak si Irish sa aking harapan.I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako at saka ko lang napagtanto na kanina pa nakatitig si Irish sa'kin.Napanguso ako sa kaniya."Ba't ka nakatitig?" Tanong ko sa kaniya.Naningkit naman ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako."Anong nangyari sa'yo at kanina ka pa wala sa sarili?"Napaiwas naman ako nang tingin bago umiling."Wala, napuyat lang ako," sabi ko at wala ng balak sabihin sa kan
Chapter 12"The nerve of that bitch! Anong karapatan niyang sampalin ka ng gano'n?!"Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Irish. Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalma.Kahit nakarating na kami sa likod building ng room namin ay nanatili pa rin siyang nanggigigil sa nangyari sa caf.Sa totoo lang hindi ko pa rin magawang i sink in sa utak ko ang nangyari kanina lalo na ang ginawa ni Irish.Ibang-iba talaga siya sa kilala ko at kanina ko lang talaga siyang nakitang ganoon. Hindi ko rin maiwasang kabahan kasi baka balikan siya ni Krezha at paghigantihan.At iyon ang ikinatatakot ko ng husto kasi hindi ko kayang makitang madadamay si Irish sa gulo ng buhay ko."Kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina hindi lang sampal ang inabot nang babaeng 'yon sa'kin!" ani ni Irish.Napabuntong hininga ako at mariing napapikit pagkatapos ay nagmulat din agad at nilingon siya.
Chapter 12.1Napakunot ang noo ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa'min ni Irish."Wait a minute," anito.Tinitigan ko siya nang mabuti. She's very familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita."Excuse me, nakaharang ka sa daan," mahinahon kong sabi sa kaniya pero imbes na tumabi ay mas lalo pang lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.She even crossed her arms on her chest."So? Who cares anyway?""P'wede ba miss? Wala kaming oras sa kalokohan mo kaya kung puwede tumabi ka riyan?" Naiinis na sabi naman ni Irish kaya mabilis na napabaling nang tingin ang babaeng nasa harapan namin kay Irish.Hindi ito nagsalita. Nakangisi lang itong nakatingin kay Irish at umiling-iling. Nagtaka ako bigla nang mabilis siyang tumabi sa gilid at binigyan kami ng daan.I kinda felt weird pero imbes na intindihin pa 'yon ay naglakad na lang kami ni Irish at nilampasan siya.Per
Chapter 13ISANG MALUTONG at malakas na sampal ang sumalubong sa'kin pagka pasok ko sa bahay.Natigilan at hindi ako makagalaw sa sobrang lakas. I felt like my world turns upside down."You're a disgrace to our family!"Napayuko ako. I bit my lower lip to refrain myself from crying pero masyadong masakit ang salitang binitiwan ni Papa para hindi ako maluha.Pakiramdam ko nga hindi ko naramdaman ang sakit nang sampal niya.Hindi ko alam na ganito pala kasakit na marinig mismo galing sa pamilya mo na isa kang kahihiyan. Walang-wala ang sakit na naranasan at naramdaman ko sa t'wing binubully ako kumpara rito.Kasi 'yong sa school makakaya ko pang tiisin at baliwalain kahit ilang ulit pa nila akong saktan nang pisikal. Pero ang sinabi ni Papa sa akin ngayon? Ito ang hindi ko kayang tiisin dahil tagos sa puso ko talaga."Alfred... t-tama na...""Shut the hell up, Zera! Palagi mo na lang kinukunsinti ang anak mo kaya lumalakin
Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi
Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka
EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya
Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n
Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k
Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono
Chapter 49Bakit ba hindi umaayon sa akin ang panahon? Bakit hindi ako pinagbibigyan ng tadhana? Bakit kung sino pa 'yong mahalaga sa akin ay siya pa 'yong nawawala?Gusto ko lang naman makausap si Kairo, gusto ko lang malinawan sa lahat ng gulo pero bakit napakahirap naman yatang gawin iyon? Bakit kung kailan ko siya gustong kausapin, kung kailan handa na 'kong pakinggan kung ano man ang dahilan niya, kung kailan binubuksan ko na ang puso ko sa mga sasabihin niya saka pa siya aalis.Noong una si Kaizer 'yong umalis tapos ngayon naman siya. Huli na ba talaga ako? Huli na ba ako para humingi ng tawad sa kanilang lahat?Gusto ko lang naman sumaya pero bakit hindi ko magawa?Simula ng sinabi ni Irish sa akin na umalis na si Kairo ng bansa at nagtungo sa New York hindi ko na alam kung paano pa nagpatuloy ang buhay ko. Pumupunta ako sa Xavier para sa practice ng graduation at umuuwi rin pagkatapos. Pagdating ko naman sa bahay ay hindi ko pa rin pi
Chapter 48Siguro nga pinanganak talaga ako sa mundo para maghatid ng kamalasan sa mga tao. Siguro ang dahilan ng presensiya ko ay magbigay sakit sa ulo sa mga magulang ko.Kaya hindi ako sumasaya kasi wala akong kwenta. Kaya ang bilis bawiin ng ngiti sa akin kasi hindi ko deserve ang sumaya.Looks like my life was meant to be this way. Walang kahit na sino ang mananatili sa tabi ko dahil hindi naman ako kamahal mahal. Kahit sariling pamilya ko nga nagawa akong saktan ng hindi ko nalalaman."Bakit ba walang katapusan ang mga luha ko? Nakakainis!" sabi ko sa sarili.Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay umiyak agad ako sa unan ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit at puot na naramdaman ko pagkatapos malaman ang lahat. Akala ko masakit na iyong mga pinagdaanan ko sa ibang tao. Iyong pangbubully at pang aapi nilang lahat sa akin pero hindi pala.Kasi walang kasing sakit kapag nalaman mo na mismong magulang mo pala ang puno't dulo ng lah
Chapter 47.1Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak."T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang