Share

Chapter 10.2

Author: Jhinnyy
last update Last Updated: 2021-09-29 02:05:43

Chapter 10.2

"K-KAIRO..." sambit ko sa pangalan niya.

Tinignan niya rin ako sa mga mata bago ako binigyan nang isang nakakamatay na ngiti.

"Let me help you, Trixie..." anito at bigla na lang hinawakan ang dalawang kamay ko at agad akong pinatayo mula sa pagkakaupo. 

He hold my hand tightly at akala ko ay bibitiwan na niya ang kamay ko pero nagulat ako dahil hindi 'yon nangyari.

And before I could even protest ay mabilis na niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at kinaladkad. 

Narinig ko ang malakas na pagsinghap nina Aubrey at ng mga kaibigan niya dahil sa ginawang paghila sa akin ni Kairo.

Shit! 

Hindi ko magawang makapalag sa ginagawang paghila ni Kairo sa'kin ngayon. Nanatili pa rin akong gulat at hindi makapaniwala.

Totoo ba talaga ito? Totoo ba talagang hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila ako? Hindi ba 'ko nananaginip?

Kasi parang ang hirap paniwalaan ang ganito.

Isang Kairo Ace De Guzman ang nagligtas sa'kin sa mga bully. 

"Hey," 

Bahagya akong napaigtad sa marahang pagtapik sa balikat ko. 

"H-ha?" Wala sa sariling bulalas ko.

"Are you okay?" 

Napatingin ako kay Kairo nang tanungin niya 'ko. Nagulat pa 'ko nang makitang nakatitig na rin pala siya sa'kin ngunit hindi ko lang pinahalata. 

Do'n ko lang din napansin na nabitiwan na niya pala ang kamay ko.

Kumurap-kurap ako bago tumikhim at umiwas nang tingin.

"A-ano... uh, oo a-ayos lang ako," tugon ko.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa pagkakautal. 

"Kailangan magamot ang sugat mo." Napatingin ako sa kaniya at pinagkunotan siya ng noo.

Nakita kong nakatitig siya sa siko ko kaya wala sa sariling sumulyap ako roon. At gano'n na lang ang pag-awang nang labi ko nang makitang dumudugo na pala ang siko ko.

Napaano 'to?

Hindi ko man lang naramdaman ang hapdi roon.

"Nurse, kindly check her wounds please," sambit ni Kairo.

Binalingan ko nang tingin kung sino ang kausap niya at do'n ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng clinic at may nakatayong nurse sa likod ko. Titig na titig siya kay Kairo na halata sa mga mata ang paghanga.

"Nurse?" I called her attention. Pero mukhang hindi niya pa rin ako naririnig dahil nanatili pa rin siyang nakatingin kay Kairo.

Sinulyapan ko saglit si Kairo na nasa akin na ang paningin. Napalunok ako bigla dahil biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko. 

"U-uh... a-ano... titig na titig s-sa'yo ang Nurse," mahinang bigkas ko at hindi magawang salubungin ang kaniyang mga mata. 

I heard him chuckled.

"Hey, Nurse,"

"Yes?" 

Mabilis akong napatingin sa nurse nang magsalita siya gamit ang kaniyang pabebeng boses nang tawagin siya ni Kairo.

My forehead creased when I saw her blushing face. Kumikinang ang kaniyang mga mata at kagat-kagat pa niya ang kaniyang labi habang nakatitig kay Kairo.

"Gamutin mo ang sugat niya kasi dumudugo na," 

Tila roon lang natauhan ang nurse sa sinabi ni Kairo at mabilis akong binalingan nang tingin. I saw how her forehead creased the moment she stare at me. Napangiwi pa siya bago pabalik-balik ang tingin sa'kin at kay Kairo.

"U-uh, Sir, s-siya po ba ang gagamutin ko?" Nag-aalangang tanong ng nurse kay Kairo.

I almost rolled my eyes at her. Malamang sino pa ba? Utak nito.

Sinulyapan ko si Kairo at saktong nakita ko siyang tumango at namulsa. 

"Yeah,"

Narinig ko kung paano humugot nang malalim na hininga ang Nurse bago ako pinapasok sa loob ng clinic.

Mukhang napipilitan pa. Wow ah? Hiyang hiya naman ako.

Pinaupo ako nito sa upuan bago kinuha ang first aid kit sa cabinet. Nang makabalik siya ay padabog niya pa itong pinatong sa table na nasa harapan ko bago siya umupo sa tabi ko at sinimulan nang gamutin ang aking sugat. 

"Pa epal, bwisit!" Bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko. 

I bit the inside of my cheeks and refrain myself from laughing. Kitang kita ko kung paano nasira ang mukha niya dahil sa inis. At imbes na mainis ako sa binubulong bulong niya ay parang gusto ko pang matawa.

Grabe naman ang karisma ni Kairo.

Nang matapos niyang lagyan ng band-aid ang sugat ko ay lumabas na 'ko ng clinic. Nagulat pa 'ko nang madatnan ko sa labas si Kairo na nakayuko at nakaupo sa isang bench na hindi kalayuan.

Hindi pa ba siya umaalis?

Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko dahil mabilis siyang umangat nang tingin. Umiwas ako nang tingin nang magtama ang mata naming dalawa.

Napahugot muna ako nang malalim na hangin bago humakbang at naglakad palapit sa kaniya.

Hindi pa pala ako nakakapag thank you sa ginawa niyang pagtulong sa'kin.

"K-kairo..." tawag ko nang huminto ako sa harapan niya. Inayos ko ang suot kong salamin bago nakayukong nagsalita. "Salamat... s-salamat sa ginawa mong pagligtas sa'kin kanina at sa pagdala sa'kin dito..."

"It's nothing," anito.

Nakagat ko ang aking labi dahil sa sagot niya. Oo nga naman Trixie, sino ka ba naman para iligtas nang isang kagaya niya 'di ba? You're nothing but a trash remember? 

"Next time you should know how to defend yourself. Hindi 'yong hahayaan mo lang silang saktan ka," dagdag pa niya dahilan nang pag-angat ko ng tingin.

Direkta ko siyang tinignan at halos mapaatras ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. He is really good-looking man. No, scratch that he's drop dead hot and gorgeous.

Kairo's face screams perfection. His brown eyes, his thick brows and black lashes, his pointed nose, his well-defined jaw, his cute two dimples, his kissable and thin lips. Kahit saang anggulo mo siya titigan ay hindi ka talaga magsasawa dahil gano'n siya ka perpekto. 

Bagay sa kaniya ang kaniyang buhok na clean cut. He looks hot and bad boy in that hair style at idagdag mo pa ang black earrings na suot niya sa kaniyang dalawang tenga.

Kairo Ace De Guzman is actually a notorious playboy. Tila parang damit lang nito ang mga babae sa kaniya.

Bawat araw ay iba-iba ang mga babaeng kasama niya pero kahit ni minsan ay hindi niya inamin sa lahat na mga girlfriend niya ang mga ito. Masyado lang daw siyang friendly sa mga babae kaya gano'n.

Mapait akong napangiti nang may maalala. 

Stop it, Trixie. It was all in the past now. 

"Stop staring," he said that made me back from my reverie. "You're melting me without you knowing it,"

Kumabog nang sobrang bilis ang puso ko sa sinabi niya. Sinabi niya 'yon habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi gano'n kalayo ang puwesto naming dalawa kaya hindi ko maiwasan ang mailang. 

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya.

"I'm sorry..." bulong ko.

Hindi naman siya tumugon.

Ako ang biglang nahiya sa ginawa ko damn. 

"S-salamat ulit a-ah? Hindi ko alam kung paano ako makakabawi pero s-sana makabawi ako sa tulong mo," nauutal kong dagdag at muling napayuko.

Just like Kaizer, I owe Kairo a lot too for helping me. I don't know how can I repay him but I just hope someday I could return the help he did to me.

"I am not asking you to repay me. Tinulungan lang kita hindi dahil gusto ko kundi dahil naaawa ako sa'yo," he said it directly. 

Pakiramdam ko may tumusok sa puso ko dahilan para maramdaman ko ang sakit. Napangiti ako nang mapait. 

Awa. He did that out of pity. Ano pa bang aasahan ko?

Kahit nakaramdam ako ng kakaiba ay nagawa ko pa rin 'yong alisin nang mabilis at humugot nang malalim na buntong hininga bago umangat nang ulo. Tinignan ko siya at binigyan nang isang pilit na ngiti.

"Maraming salamat pa rin at sana makabawi ako sa tulong na ginawa mo kahit pa... naawa ka lang s-sa'kin," 

Hindi siya sumagot pero ang kaniyang mga mata ay nanatili pa ring nakatingin sa'kin. Sinusuri niya 'ko sa pamamagitan ng kaniyang titig. 

Nang hindi ko na makayanan ang intensidad sa kaniyang mga mata ay muli akong nagsalita.

"S-sige p-pasok na 'ko. Salamat ulit," sabi ko at mabilis nang tumalikod sa kaniya.

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at humakbang na para umalis. Ngunit agad din akong natigilan nang may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa akmang pag-alis.

Kumabog nang sobrang bilis ang puso ko nang muli ko na namang maramdaman ang mga palad niya sa balat ko.

Shit!

"Trixie..." he called. 

At gusto kong mapapikit dahil sa boses niya.

"Ano 'yon?" 

Hinarap ko siyaat tinignan nang diretso sa mata pero ang mga kamay niya ay hindi pa rin binibitiwan ang braso ko. 

Napalunok ako nang malalim nang makita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatitig pa rin sa akin.

Bigla akong kinabahan.

"You... you look very familiar," aniya at kumunot pa ang noo. 

Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi. Matagal niya 'kong tinitigan at parang nay gusto pang sabihin pero hindi magawang isatinag. 

Akmang magsasalita na sana ako nang bigla ring matigilan nang marinig namin ang mahinang bulongan sa paligid. 

Binaling ko ang tingin ko sa ingay na 'yon at ang kabang naramdaman ko kanina ay mas lalong dumoble nang makitang maraming estudyante na ang nakatitig sa amin ni Kairo.

Mas lalong umingay ang paligid nang makita nilang hawak ni Kairo ang braso ko. I shivered and without thinking anything malakas kong binawi ang braso ko sa kamay ni Kairo at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.

Palayo sa mga tao. 

Shit.

To be continued...

Related chapters

  • Love and Expectation   Chapter 11

    Chapter 11NAKATULALA ako habang pinagmamasdan ang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Irish pero ang isip ko ay lumilipad sa ere.Hindi ko man lang magawang sumubo. Kanina pa may gumugulo sa isipan ko na hindi ko mawari. Napabuntong hininga ako nang malalim.Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na 'ko simula pa kanina."Earth to Trixie!" Napukaw ang atensiyon ko nang pumalakpak si Irish sa aking harapan.I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako at saka ko lang napagtanto na kanina pa nakatitig si Irish sa'kin.Napanguso ako sa kaniya."Ba't ka nakatitig?" Tanong ko sa kaniya.Naningkit naman ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako."Anong nangyari sa'yo at kanina ka pa wala sa sarili?"Napaiwas naman ako nang tingin bago umiling."Wala, napuyat lang ako," sabi ko at wala ng balak sabihin sa kan

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 12

    Chapter 12"The nerve of that bitch! Anong karapatan niyang sampalin ka ng gano'n?!"Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Irish. Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalma.Kahit nakarating na kami sa likod building ng room namin ay nanatili pa rin siyang nanggigigil sa nangyari sa caf.Sa totoo lang hindi ko pa rin magawang i sink in sa utak ko ang nangyari kanina lalo na ang ginawa ni Irish.Ibang-iba talaga siya sa kilala ko at kanina ko lang talaga siyang nakitang ganoon. Hindi ko rin maiwasang kabahan kasi baka balikan siya ni Krezha at paghigantihan.At iyon ang ikinatatakot ko ng husto kasi hindi ko kayang makitang madadamay si Irish sa gulo ng buhay ko."Kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina hindi lang sampal ang inabot nang babaeng 'yon sa'kin!" ani ni Irish.Napabuntong hininga ako at mariing napapikit pagkatapos ay nagmulat din agad at nilingon siya.

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 12.1

    Chapter 12.1Napakunot ang noo ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa'min ni Irish."Wait a minute," anito.Tinitigan ko siya nang mabuti. She's very familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita."Excuse me, nakaharang ka sa daan," mahinahon kong sabi sa kaniya pero imbes na tumabi ay mas lalo pang lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.She even crossed her arms on her chest."So? Who cares anyway?""P'wede ba miss? Wala kaming oras sa kalokohan mo kaya kung puwede tumabi ka riyan?" Naiinis na sabi naman ni Irish kaya mabilis na napabaling nang tingin ang babaeng nasa harapan namin kay Irish.Hindi ito nagsalita. Nakangisi lang itong nakatingin kay Irish at umiling-iling. Nagtaka ako bigla nang mabilis siyang tumabi sa gilid at binigyan kami ng daan.I kinda felt weird pero imbes na intindihin pa 'yon ay naglakad na lang kami ni Irish at nilampasan siya.Per

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 13

    Chapter 13ISANG MALUTONG at malakas na sampal ang sumalubong sa'kin pagka pasok ko sa bahay.Natigilan at hindi ako makagalaw sa sobrang lakas. I felt like my world turns upside down."You're a disgrace to our family!"Napayuko ako. I bit my lower lip to refrain myself from crying pero masyadong masakit ang salitang binitiwan ni Papa para hindi ako maluha.Pakiramdam ko nga hindi ko naramdaman ang sakit nang sampal niya.Hindi ko alam na ganito pala kasakit na marinig mismo galing sa pamilya mo na isa kang kahihiyan. Walang-wala ang sakit na naranasan at naramdaman ko sa t'wing binubully ako kumpara rito.Kasi 'yong sa school makakaya ko pang tiisin at baliwalain kahit ilang ulit pa nila akong saktan nang pisikal. Pero ang sinabi ni Papa sa akin ngayon? Ito ang hindi ko kayang tiisin dahil tagos sa puso ko talaga."Alfred... t-tama na...""Shut the hell up, Zera! Palagi mo na lang kinukunsinti ang anak mo kaya lumalakin

    Last Updated : 2021-10-04
  • Love and Expectation   Chapter 13.1

    Chapter 13.1Kinabukasan ay nagising ako na pagod ang katawan at namumungay ang mga mata. Ramdam ko ang antok sa sistema ko nang bumangon ako sa kama.Bago pa 'ko matangay nang antok ko ay mabilis na 'kong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.Ang lamig ng tubig na nagmumula sa shower ang nagpagising nang tuluyan sa inaantok kong sistema. Automatikong nagising ang diwa ko.Mabilis kong tinapos ang pagliligo at lumabas nang banyo. Dali-dali agad akong nagtungo sa cabinet ko at kinuha roon ang uniform. Nagbihis ako at hindi na nag-abalang mag ayos pa ng mukha pagkatapos.Kinuha ko muna ang tatlong libro na nasa bed side table at ang bag pack bago lumabas nang kuwarto.Bumaba ako at nang nasa isang palapag na 'ko ng hagdan ay napatigil ako. Nakita ko sina Mama at Papa sa dining area na tahimik na kumakain. Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig mong ingay sa pagitan nilang dalawa.Napabuntong hininga ako ng

    Last Updated : 2021-10-05
  • Love and Expectation   Chapter 14

    Chapter 14ISANG malakas na halakhak ang nagpabalik sa katinuan ko. Nang mapagtanto ang nangyari at kung bakit ako saglit nawala sa'king sarili ay sinamaan ko ng tingin si Brent."You moron!" singhal ko sa kaniya and I swear if looks could kill marahil kanina pa siya pinaglalamayan.Natatawang itinaas ni Brent ang kaniyang dalawang kamay animo'y sumusuko."Chill, I was just kidding, you know," aniya hindi pa rin tumitigil sa pagtawa."Seriously? Pumunta ka lang ba rito para asarin ako? Ang feeling close mo naman!"Sa inis ay hindi ko na napigilan ang irapan siya at ibinalik ang atensiyon sa binabasang libro. Pero mas lalo lang akong nainis nang humalakhak na naman siya.What's with this guy?"You're funny, Trixie. You know I am not feeling close dahil matagal na tayong close,"Natigilan ako sa pagbabasa dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis akong umangat nang tingin at natagpuan ko ang nakakalokang ngisi sa kaniy

    Last Updated : 2021-10-06
  • Love and Expectation   Chapter 14.1

    Chapter 14.1Hanggang sa makaalis si Krezha at tuluyang nawala sa paningin namin ay nanatili pa rin kami ni Irish sa puwesto kung saan kami nakatayo.Hindi makagalaw at nanatili pa ring gulat sa nakita. Gusto kong maniwala na totoo lahat ng pinakita niya kanina pero bakit hindi ko magawa?Ibang-iba kasi siya sa Krezha na kilala ko. Parang sa isang iglap nawala na lang bigla 'yong maldita at bully na katauhan niya.I came back from my reverie when I heard Irish sighed heavily. Kung hindi pa siya huhugot nang hangin ay hindi pa 'ko babalik sa katinuan ko."She's planning something..." bulong niya na hindi naman nakaligtas sa tenga ko.Napalingon ako sa kaniya at napakunot noo."H-huh?"Mula sa kawalan ay binalingan ako ng tingin ni Irish. Naging malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero bakas naman sa mga mata niya ang galit."I knew she was planning something that's why she was acting lik

    Last Updated : 2021-10-07
  • Love and Expectation   Chapter 15

    Chapter 15AKALA ko mas masakit na 'yong mga naranasan ko these past few days. Akala ko ang tamang kahulugan ng sakit ay iyong mga kamalasan na naranasan ko. Pero roon ako nagkakamali.Dahil ang ginawa ni Kairo ay hindi lang isang kahihiyan sa'kin kundi naging rason din upang mas madurog ang puso ko.Pagkatapos niyang sabihin ang salitang 'yon kanina sa harap ng maraming tao ay hindi ko na namalayan na kinaladkad na pala ako ni Irish paalis nang cafeteria. Siguro kung hindi ko lang kasama si Irish baka mas lalo pa akong napahiya roon.I couldn't believe Kairo made fun of me. Nainsulto ako sa paraan nang pagkakasabi niya ng salitang iyon.Alam ko naman na pangit ako eh. Bata pa lang ako alam ko na 'yon. Kaya nga ayaw sa akin ng mga tao dahil sa itsura ko 'di ba? Kaya nga mas sinasaktan ako ng karamihan dahil sa pisikal kong ka anyuan.Pero kailangan ba talagang ipamukha sa akin kung gaano ako ka pangit at walang kwenta? Kail

    Last Updated : 2021-10-07

Latest chapter

  • Love and Expectation   Author's Note

    Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi

  • Love and Expectation   EPILOGUE 1

    Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka

  • Love and Expectation   EPILOGUE

    EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya

  • Love and Expectation   Chapter 50.2

    Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n

  • Love and Expectation   Chapter 50.1

    Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k

  • Love and Expectation   Chapter 50

    Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono

  • Love and Expectation   Chapter 49

    Chapter 49Bakit ba hindi umaayon sa akin ang panahon? Bakit hindi ako pinagbibigyan ng tadhana? Bakit kung sino pa 'yong mahalaga sa akin ay siya pa 'yong nawawala?Gusto ko lang naman makausap si Kairo, gusto ko lang malinawan sa lahat ng gulo pero bakit napakahirap naman yatang gawin iyon? Bakit kung kailan ko siya gustong kausapin, kung kailan handa na 'kong pakinggan kung ano man ang dahilan niya, kung kailan binubuksan ko na ang puso ko sa mga sasabihin niya saka pa siya aalis.Noong una si Kaizer 'yong umalis tapos ngayon naman siya. Huli na ba talaga ako? Huli na ba ako para humingi ng tawad sa kanilang lahat?Gusto ko lang naman sumaya pero bakit hindi ko magawa?Simula ng sinabi ni Irish sa akin na umalis na si Kairo ng bansa at nagtungo sa New York hindi ko na alam kung paano pa nagpatuloy ang buhay ko. Pumupunta ako sa Xavier para sa practice ng graduation at umuuwi rin pagkatapos. Pagdating ko naman sa bahay ay hindi ko pa rin pi

  • Love and Expectation   Chapter 48

    Chapter 48Siguro nga pinanganak talaga ako sa mundo para maghatid ng kamalasan sa mga tao. Siguro ang dahilan ng presensiya ko ay magbigay sakit sa ulo sa mga magulang ko.Kaya hindi ako sumasaya kasi wala akong kwenta. Kaya ang bilis bawiin ng ngiti sa akin kasi hindi ko deserve ang sumaya.Looks like my life was meant to be this way. Walang kahit na sino ang mananatili sa tabi ko dahil hindi naman ako kamahal mahal. Kahit sariling pamilya ko nga nagawa akong saktan ng hindi ko nalalaman."Bakit ba walang katapusan ang mga luha ko? Nakakainis!" sabi ko sa sarili.Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay umiyak agad ako sa unan ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit at puot na naramdaman ko pagkatapos malaman ang lahat. Akala ko masakit na iyong mga pinagdaanan ko sa ibang tao. Iyong pangbubully at pang aapi nilang lahat sa akin pero hindi pala.Kasi walang kasing sakit kapag nalaman mo na mismong magulang mo pala ang puno't dulo ng lah

  • Love and Expectation   Chapter 47.1

    Chapter 47.1Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak."T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status