Share

Chapter 10.1

Author: Jhinnyy
last update Last Updated: 2021-09-23 03:11:08

Chapter 10.1

MABILIS na nagsimula ang huling laro. Nagtuloy-tuloy ulit ang matinding laro sa pagitan ng dalawang team. Naging mas lamang ulit ang team namin ni Irish kompara sa team ni Aubrey.

Habang nasa court kami ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ni Aubrey sa'kin. Mas lalo pang sumasama 'yon nang makita niyang malaki na ang lamang ng score namin sa kanila.

"We can't be lose!" Dinig kong sigaw niya sa ka teammate niya nang muling sumapit ang 5 minutes break.

Uminom kami ulit ng tubig pagkatapos ay bumalik din naman agad sa court.

"C'mon team, we can do it!" Sigaw ni Irish nang pumito na ang referee.

Nasa amin ang bola ngayon. Pumwesto si Irish sa likuran at siya ang naka assign para mag spike nang bola. Pinasa nina Je-an ang bola kay Irish at hindi naman siya pumalya sa pagtira.

Napalingon ako sa team nina Aubrey at nakita kong nasangga nila ang bola at nagawang ibato pabalik sa amin. Naging alerto naman kaming lahat at ibinato rin ang bola pabalik sa kanila hanggang sa pumalya ang isang team ni Aubrey at hindi niya nahampas pabalik ang bola.

"Fuck, Jeziel! Ang lampa mong tumira!" Sigaw ni Aubrey na narinig naming lahat.

Napapahiyang napayuko si Jeziel at nakagat ang sariling labi. Napailing-iling naman ang ibang teammates ni Aubrey dahil sa iniasta nito. 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Irish at ngumisi pa ang gaga na animo'y nasisiyahan sa nakikita. Napabaling lang ang tingin ko sa harapan nang muling pumito ang referee.

Tinignan ko ulit ang score at kasalukuyang 65 na kami samantalang sina Aubrey ay 55. 

Kapag umabot sa 70 ang score ay automatic na tapos na ang laro at kami ang panalo. Kaya muli kaming naghanda nang ibato ulit sa'min ang bola.

Nagtuloy-tuloy ang laro. Naging intense ang laban ng bawat team. Lahat ay naka focus at binibigay ang best para maipanalo ang larong ito.

Hindi lang kasi ito isang simpleng laro. Kapag nanalo ang isang team sa larong ito ay automatic na may plus points sa performance task at kapag natalo naman ay minus 20 sa first quiz ni Mrs. Romero.

Iyon ang sabi niya kanina matapos ang break time.

Naging mabilis ang pag-angat ng score ng team ni Aubrey dahil hindi sila pumapalya sa paghampas nang bola. 

"Shit, tie na sila sa'tin," rinig kong bulong nang isang teammate ko.

Napatingin ako sa score board at nakitang 67/67 na ang dalawang team. Tatlong puntos na lang ay matatapos na ang laro. 

Ang bilis naman! 

Muling binato sa'min ang bola kaya agad kaming naging alerto. Papalit palit kami ng puwesto ni Irish. Paminsan-minsan ay sa likod ako para mag spike nang bola at siya naman ay sa harap then vise versa.

Naging gano'n ang gawain naming dalawa sa team. Naging masaya naman ang laro at halos lahat ay palaban. 

Naging pabalik-balik ulit ang blola sa dalawang team hanggang sa hindi ko na paghandaan ang mabilis na pagtira ni Aubrey ng bola. 

Huli na para makailag ako dahil mabilis na itong tumama sa'king mukha.

"Trixie!"

Nahilo ako sa biglaang pangyayaring iyon dahilan para matumba ako.

"Argh!" Napadaing ako sa sakit ng aking pwet na tumama sa semento.

"Trixie, ayos ka lang?" Nag-aalalang boses ni Irish ang narinig ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Shit, ang sakit ng ulo ko. Masyadong malakas ang paghampas nang bola. Pakiramdam ko lalabas ang utak ko bigla.

"Trixie answer me, damn it!" Frustrated na tawag ni Irish.

"A-ayos lang ako," 

Inalis ko ang aking kamay sa aking ulo at minulat ang mga mata. Ang galit sa mga mata ni Irish ang bumungad sa'kin. 

Bigla akong naalarma nang mabilis siyang tumayo at akmang hahakbang na sana siya nang mabilis kong hinablot ang kaniyang kamay.

"Irish," tawag ko. 

Nakita ko ang paghugot niya nang malalim na hangin bago ako hinarap. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang tingin. Kahit masakit man ang nangyari sa'kin ay nagawa ko pa rin siyang ngitian at ilingan.

I don't want to ruin this game. Kung sinadya man ni Aubrey na tamaan ako ng bola kaya ko namang tiisin basta't h'wag lang masira ang larong ito.

Ayoko nang gumanti.

Sa huli ay walang nagawa si Irish kundi ang sundin ang gusto ko. Hindi na rin ako umimik pa at pinalampas na lang ang ginawa ni Aubrey kahit pa naririnig ko ang mahihinang bulongan at tawanan sa paligid.

They're so childish. 

Nagpatuloy pa rin ang laro pagkatapos nang nangyari sa'kin. At katulad ng inaasahan ay hindi kami ang nanalo sa laro. Kitang kita ko ang malawak na ngisi sa mga labi ni Aubrey nang sabihin ni Mrs. Romero na ang team nila ang panalo.

Sa kabila ng kaniyang ginawa kanina ay nagawa niya pa akong bigyan nang nakakainsultong tingin at ipinamukha pa sa'min kung gaano kami ka loser. 

Sa halip na patulan pa siya ay napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahang umalis sa court. Bitbit ang paper bag ay nagpaalam ako kay Irish na mauuna na munang magbihis sa cr.

Pumayag naman siya at sinabing susunod na lang dahil may bibilhin pa raw siya sa cafeteria.

Pagkarating ko sa cr ay mabilis agad akong pumasok sa cubicle at nagbihis. It didn't take any minute for me to finish kaya nang matapos ay agad din akong lumabas.

Hindi na 'ko nag abalang ayusin ang buhok at mukha ko. Nagpalit lang ako ng white t-shirt at sinuot ang palda pabalik pagkatapos ay lumabas na nang cr.

"Ops!"

Nagulat ako nang bigla na lang akong matumba sa sahig pagkalabas ko sa pinto ng cr. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon.

"Ano ba 'yan, pinanganak ka bang lampa, Trixie?" sambit nang isang pamilyar na boses.

Napapikit ako nang makilala kung sino ito. Talaga bang ayaw niya akong tigilan? Ano bang ginawa ko sa kaniya at nakakadalawa na siya ngayong araw sa'kin?

Malakas ang pagkakatumba ko sa sahig this time kaya hindi ko agad magawang makatayo ngayon. Nabitiwan ko na rin ang hawak kong paper bag at ang ulo ko ay nanatiling nakayuko.

"Lampa ka na nga sa court pati ba naman dito sa comfort room ay gano'n pa rin? Gosh!" Tumawa si Aubrey na mabilis ding sinundan ng kaniyang mga kaibigan.

Pinigilan ko ang aking sarili na 'wag magsalita lalo na ang umiyak sa oras na ito. I don't want them to see me crying. That's the last thing I want to happen right now. 

"Since nanalo kami sa laro kanina may ibibigay ako sa'yo, Trix. It's just a congratulation gift though," aniya at humalakhak. 

"Wow, Aubrey may pa gift ka pang nalalaman ah?" Rinig kong sambit ng kaniyang kaibigan.

"Oo nga sis. Dapat ikaw ang binibigyan ng gift since ikaw naman ang nanalo," dugtong naman ng isa.

"Well, let's just say na mabait talaga ako that's why," ani ni Aubrey at muling natawa.

Pero ang sunod niyang ginawa ang hindi ko ulit inaasahan na mangyari. Ang bagong tshirt na suot ko ngayon ay muling nabasa dahil sa ginawa ni Aubrey at ng kaibigan niya.

Binuhusan nila ako ng tubig na halos ipaligo na nila sa'kin. Hindi lang isang bote ang naramdaman kong ibinuhos nila sa'kin kundi lima!

Napapikit ako sa pagdaloy nang tubig sa'king mukha papunta sa'king katawan. Kinagat ko ng mariin ang aking labi nang marinig ko ang mahinang tawanan sa paligid at bulongan.

"OMG!"

"Look at her, basang basa na siya,"

Hindi ko na nagawang intindihin lahat ng mga salitang naririnig ko sa paligid lalo pa't naramdaman ko na ang paglandas nang luha sa aking pisngi. 

"Iyan ang bagay sa'yo total isa ka naman talagang b****a, Trixie," sambit ni Aubrey na sinabayan nang tawanan sa paligid.

Napadiin ang kagat ko sa pangibabang labi ko nang maramdaman ang medyo may kalakasan na pagpukpok ni Aubrey sa ulo ko gamit ang mineral bottle.

"Trash!" Aniya at ibinato sa'kin ang mineral bottle.

Dahil sa kaniyang ginawa ay mabilis itong sinundan nang karamihan. Muli kong naramdaman ang pambabato nila sa akin nang kung anu-anong b****a. Hindi lang isa kundi hindi ko na mabilang kung ilan.

Wala akong nagawa kundi ang mapayuko na lamang at hayaan sila ulit sa pangbabato sa'kin. Wala akong magagawa ngayon kundi tiisin na lamang ang sakit.

Napaiyak na 'ko habang nanatili pa ring nakaupo sa semento. Ni hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko at tumayo para makalayo sa lugar na ito.

I'm so weak. Very weak.

"What's happening here?" 

Napabalik ako sa aking katinuan dahil sa isang baritonong boses na 'yon. Napasinghap ang mga tao sa paligid. 

His manly voice sent shiver down my spine. Napamulat ako nang mata dahil do'n.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Kahit isang ingay ay wala na akong narinig. Tila katulad ng nangyari sa caf kahapon ay para silang nakakita nang multo at tanging pagsinghap na lang ang kaya nilang gawin.

Akmang aangat na 'ko ng ulo para sana tignan kung ano na ang nangyayari sa paligid ko nang matigilan ako dahil may biglang nag squat sa harapan ko.

Dahil nakayuko pa 'ko ay dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para makita at makilala siya.

Pakiramdam ko naputolan ako ng hininga nang makilala kung sino ito. Nanlalaki ang aking mga mata at hindi inaasahan na nasa harapan ko siya ngayon.

"Are you okay?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot at hindi alam kung ano ang isasagot.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ilang ulit pa akong napakurap kurap upang masigurong hindi ako namamalikmata.

Those pair brown eyes...

To be continued...

Related chapters

  • Love and Expectation   Chapter 10.2

    Chapter 10.2"K-KAIRO..." sambit ko sa pangalan niya.Tinignan niya rin ako sa mga mata bago ako binigyan nang isang nakakamatay na ngiti."Let me help you, Trixie..." anito at bigla na lang hinawakan ang dalawang kamay ko at agad akong pinatayo mula sa pagkakaupo.He hold my hand tightly at akala ko ay bibitiwan na niya ang kamay ko pero nagulat ako dahil hindi 'yon nangyari.And before I could even protest ay mabilis na niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at kinaladkad.Narinig ko ang malakas na pagsinghap nina Aubrey at ng mga kaibigan niya dahil sa ginawang paghila sa akin ni Kairo.Shit!Hindi ko magawang makapalag sa ginagawang paghila ni Kairo sa'kin ngayon. Nanatili pa rin akong gulat at hindi makapaniwala.Totoo ba talaga ito? Totoo ba talagang hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila ako? Hindi ba 'ko nananaginip?Kasi parang ang hirap paniwalaan ang ganito.Isang Kairo Ac

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 11

    Chapter 11NAKATULALA ako habang pinagmamasdan ang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Irish pero ang isip ko ay lumilipad sa ere.Hindi ko man lang magawang sumubo. Kanina pa may gumugulo sa isipan ko na hindi ko mawari. Napabuntong hininga ako nang malalim.Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na 'ko simula pa kanina."Earth to Trixie!" Napukaw ang atensiyon ko nang pumalakpak si Irish sa aking harapan.I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako at saka ko lang napagtanto na kanina pa nakatitig si Irish sa'kin.Napanguso ako sa kaniya."Ba't ka nakatitig?" Tanong ko sa kaniya.Naningkit naman ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako."Anong nangyari sa'yo at kanina ka pa wala sa sarili?"Napaiwas naman ako nang tingin bago umiling."Wala, napuyat lang ako," sabi ko at wala ng balak sabihin sa kan

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 12

    Chapter 12"The nerve of that bitch! Anong karapatan niyang sampalin ka ng gano'n?!"Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Irish. Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalma.Kahit nakarating na kami sa likod building ng room namin ay nanatili pa rin siyang nanggigigil sa nangyari sa caf.Sa totoo lang hindi ko pa rin magawang i sink in sa utak ko ang nangyari kanina lalo na ang ginawa ni Irish.Ibang-iba talaga siya sa kilala ko at kanina ko lang talaga siyang nakitang ganoon. Hindi ko rin maiwasang kabahan kasi baka balikan siya ni Krezha at paghigantihan.At iyon ang ikinatatakot ko ng husto kasi hindi ko kayang makitang madadamay si Irish sa gulo ng buhay ko."Kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina hindi lang sampal ang inabot nang babaeng 'yon sa'kin!" ani ni Irish.Napabuntong hininga ako at mariing napapikit pagkatapos ay nagmulat din agad at nilingon siya.

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 12.1

    Chapter 12.1Napakunot ang noo ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa'min ni Irish."Wait a minute," anito.Tinitigan ko siya nang mabuti. She's very familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita."Excuse me, nakaharang ka sa daan," mahinahon kong sabi sa kaniya pero imbes na tumabi ay mas lalo pang lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.She even crossed her arms on her chest."So? Who cares anyway?""P'wede ba miss? Wala kaming oras sa kalokohan mo kaya kung puwede tumabi ka riyan?" Naiinis na sabi naman ni Irish kaya mabilis na napabaling nang tingin ang babaeng nasa harapan namin kay Irish.Hindi ito nagsalita. Nakangisi lang itong nakatingin kay Irish at umiling-iling. Nagtaka ako bigla nang mabilis siyang tumabi sa gilid at binigyan kami ng daan.I kinda felt weird pero imbes na intindihin pa 'yon ay naglakad na lang kami ni Irish at nilampasan siya.Per

    Last Updated : 2021-09-29
  • Love and Expectation   Chapter 13

    Chapter 13ISANG MALUTONG at malakas na sampal ang sumalubong sa'kin pagka pasok ko sa bahay.Natigilan at hindi ako makagalaw sa sobrang lakas. I felt like my world turns upside down."You're a disgrace to our family!"Napayuko ako. I bit my lower lip to refrain myself from crying pero masyadong masakit ang salitang binitiwan ni Papa para hindi ako maluha.Pakiramdam ko nga hindi ko naramdaman ang sakit nang sampal niya.Hindi ko alam na ganito pala kasakit na marinig mismo galing sa pamilya mo na isa kang kahihiyan. Walang-wala ang sakit na naranasan at naramdaman ko sa t'wing binubully ako kumpara rito.Kasi 'yong sa school makakaya ko pang tiisin at baliwalain kahit ilang ulit pa nila akong saktan nang pisikal. Pero ang sinabi ni Papa sa akin ngayon? Ito ang hindi ko kayang tiisin dahil tagos sa puso ko talaga."Alfred... t-tama na...""Shut the hell up, Zera! Palagi mo na lang kinukunsinti ang anak mo kaya lumalakin

    Last Updated : 2021-10-04
  • Love and Expectation   Chapter 13.1

    Chapter 13.1Kinabukasan ay nagising ako na pagod ang katawan at namumungay ang mga mata. Ramdam ko ang antok sa sistema ko nang bumangon ako sa kama.Bago pa 'ko matangay nang antok ko ay mabilis na 'kong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.Ang lamig ng tubig na nagmumula sa shower ang nagpagising nang tuluyan sa inaantok kong sistema. Automatikong nagising ang diwa ko.Mabilis kong tinapos ang pagliligo at lumabas nang banyo. Dali-dali agad akong nagtungo sa cabinet ko at kinuha roon ang uniform. Nagbihis ako at hindi na nag-abalang mag ayos pa ng mukha pagkatapos.Kinuha ko muna ang tatlong libro na nasa bed side table at ang bag pack bago lumabas nang kuwarto.Bumaba ako at nang nasa isang palapag na 'ko ng hagdan ay napatigil ako. Nakita ko sina Mama at Papa sa dining area na tahimik na kumakain. Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig mong ingay sa pagitan nilang dalawa.Napabuntong hininga ako ng

    Last Updated : 2021-10-05
  • Love and Expectation   Chapter 14

    Chapter 14ISANG malakas na halakhak ang nagpabalik sa katinuan ko. Nang mapagtanto ang nangyari at kung bakit ako saglit nawala sa'king sarili ay sinamaan ko ng tingin si Brent."You moron!" singhal ko sa kaniya and I swear if looks could kill marahil kanina pa siya pinaglalamayan.Natatawang itinaas ni Brent ang kaniyang dalawang kamay animo'y sumusuko."Chill, I was just kidding, you know," aniya hindi pa rin tumitigil sa pagtawa."Seriously? Pumunta ka lang ba rito para asarin ako? Ang feeling close mo naman!"Sa inis ay hindi ko na napigilan ang irapan siya at ibinalik ang atensiyon sa binabasang libro. Pero mas lalo lang akong nainis nang humalakhak na naman siya.What's with this guy?"You're funny, Trixie. You know I am not feeling close dahil matagal na tayong close,"Natigilan ako sa pagbabasa dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis akong umangat nang tingin at natagpuan ko ang nakakalokang ngisi sa kaniy

    Last Updated : 2021-10-06
  • Love and Expectation   Chapter 14.1

    Chapter 14.1Hanggang sa makaalis si Krezha at tuluyang nawala sa paningin namin ay nanatili pa rin kami ni Irish sa puwesto kung saan kami nakatayo.Hindi makagalaw at nanatili pa ring gulat sa nakita. Gusto kong maniwala na totoo lahat ng pinakita niya kanina pero bakit hindi ko magawa?Ibang-iba kasi siya sa Krezha na kilala ko. Parang sa isang iglap nawala na lang bigla 'yong maldita at bully na katauhan niya.I came back from my reverie when I heard Irish sighed heavily. Kung hindi pa siya huhugot nang hangin ay hindi pa 'ko babalik sa katinuan ko."She's planning something..." bulong niya na hindi naman nakaligtas sa tenga ko.Napalingon ako sa kaniya at napakunot noo."H-huh?"Mula sa kawalan ay binalingan ako ng tingin ni Irish. Naging malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero bakas naman sa mga mata niya ang galit."I knew she was planning something that's why she was acting lik

    Last Updated : 2021-10-07

Latest chapter

  • Love and Expectation   Author's Note

    Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi

  • Love and Expectation   EPILOGUE 1

    Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka

  • Love and Expectation   EPILOGUE

    EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya

  • Love and Expectation   Chapter 50.2

    Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n

  • Love and Expectation   Chapter 50.1

    Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k

  • Love and Expectation   Chapter 50

    Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono

  • Love and Expectation   Chapter 49

    Chapter 49Bakit ba hindi umaayon sa akin ang panahon? Bakit hindi ako pinagbibigyan ng tadhana? Bakit kung sino pa 'yong mahalaga sa akin ay siya pa 'yong nawawala?Gusto ko lang naman makausap si Kairo, gusto ko lang malinawan sa lahat ng gulo pero bakit napakahirap naman yatang gawin iyon? Bakit kung kailan ko siya gustong kausapin, kung kailan handa na 'kong pakinggan kung ano man ang dahilan niya, kung kailan binubuksan ko na ang puso ko sa mga sasabihin niya saka pa siya aalis.Noong una si Kaizer 'yong umalis tapos ngayon naman siya. Huli na ba talaga ako? Huli na ba ako para humingi ng tawad sa kanilang lahat?Gusto ko lang naman sumaya pero bakit hindi ko magawa?Simula ng sinabi ni Irish sa akin na umalis na si Kairo ng bansa at nagtungo sa New York hindi ko na alam kung paano pa nagpatuloy ang buhay ko. Pumupunta ako sa Xavier para sa practice ng graduation at umuuwi rin pagkatapos. Pagdating ko naman sa bahay ay hindi ko pa rin pi

  • Love and Expectation   Chapter 48

    Chapter 48Siguro nga pinanganak talaga ako sa mundo para maghatid ng kamalasan sa mga tao. Siguro ang dahilan ng presensiya ko ay magbigay sakit sa ulo sa mga magulang ko.Kaya hindi ako sumasaya kasi wala akong kwenta. Kaya ang bilis bawiin ng ngiti sa akin kasi hindi ko deserve ang sumaya.Looks like my life was meant to be this way. Walang kahit na sino ang mananatili sa tabi ko dahil hindi naman ako kamahal mahal. Kahit sariling pamilya ko nga nagawa akong saktan ng hindi ko nalalaman."Bakit ba walang katapusan ang mga luha ko? Nakakainis!" sabi ko sa sarili.Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay umiyak agad ako sa unan ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit at puot na naramdaman ko pagkatapos malaman ang lahat. Akala ko masakit na iyong mga pinagdaanan ko sa ibang tao. Iyong pangbubully at pang aapi nilang lahat sa akin pero hindi pala.Kasi walang kasing sakit kapag nalaman mo na mismong magulang mo pala ang puno't dulo ng lah

  • Love and Expectation   Chapter 47.1

    Chapter 47.1Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak."T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang

DMCA.com Protection Status