MARAHANG tinanggap ni Simon ang telepono ni Reymond. Bukas na ang gallery nito kaya’t sumalubong sa kanya ang iba’t ibang anggulo ng larawan nina Nate at Samantha. Biglang tumulo ulit ang mga luha niya habang hinagod isa-isa ang mga larawan ng mga ito.
“My little boy looks similar to me. I miss him so much,” he murmured.
“Mabait si Nate at matalino. Namana niya ang ugali at talino mo. Gusto nga noon sumama rito eh kaya lang sabi ko nga sa kanya delikado ang gagawin ko.”
Pinunasan ni Simon ang mga luha niya, ibinalik kay Reymond ang cellphone. “Salamat ha, maski papaano nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko na sila ulit. Kung matawagan mo sila sabihin mo naman namimiss ko na sila.”
“Gagawin k
BIGLANG nainis si Brendon sa inasal ni Andrei. Magsasalita na sana siya ng pumagitna ulit si Brianna.“Kuya, may ponto naman ang sinabi ni Andrei. Tingnan mo o, mukha namang masarap ang pagkain. Sayang nga naman kapag itatapon.”Lumipad ang tingin ni Brendon kay Brianna, madilim ang anyo nito, “Isa ka pa, konsintidor.”Brianna rolled her eyes, smirking, “I don’t want to argue with you. I’m hungry, let’s grab our own food.” She pulled her twin immediately and secretly glanced at her cousin, winking.Nang makalayo na ang mga kapatid saka lamang nagsalita si Kyree. “Bakit ka ba kasi nagtitiwala agad sa ibang tao? Nag-aalala lang sa’yo di Kuya Brendon. Pinuntahan kita sa classroom mo wa
NAMUTLA si Manang Carol sa sinabing ito ni Denise. Napilitan siyang tumabi at binigyan ito ng alanganing ngiti. Batid niyang may dahilan si Reymond kung bakit nagsusuot ito ng mask sa tuwing lumalabas at hula niya may kinalaman ang magandang babae na nasa harapan niya ngayon.“So, okay na po ba akong pumasok?” hinging pahintulot ni Denise.Sunud-sunod na tango ang naging sagot ni Manang Carol. “Papasok na rin po ako sa loob, sabay na po tayo.”Nauna na itong humakbang. Kitang-kita ni Denise ang pamumutla ng matanda. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito ng makita siya na papasok sa main entrance. Nagtangka pa itong harangin siya.Gusto niya sanang tanungin ang matanda ngunit mas pinili niyang tumahimik nalang.
NANG mga sandaling ito nasa harapan ng salamin si Reymond at nagmamadaling isinuot pabalik ang mask. Dinig na dinig niya ang kabog ng dibdib niya na sinasabayan pa ng malakas na pagkalampag ni Denise sa labas ng banyo.Muntik na siyang mahuli nito at mabuti nalang maagap siyang tumalikod.“Hoy, lalaki lumabas ka dyan,” umalingawngaw ulit ang matinis na boses ni Denise sa labas ng pinto ng banyo at pinipihit pa nito ang doorknob.Kinakalma muna niya ang sarili bago binuksan ang pinto. “Hindi ka na ba talaga makapaghintay na masilayan ang gwapong mukha ko at talagang nangalampag ka pa?” pang-aasar niya rito.Napaatras ang dalaga at tinitigan siyang mabuti, bago biglang dumilim muli ang anyo nito ng mapagtanto ang laman ng sin
MAKATWIRAN lamang kung tutuusin ang galit na nararamdaman nito dahil nasira ang magandang kinabukasan nito dahil sa ginawa niya ngunit sadyang masakit pa ring pakinggan ang katotohanan.Marahil nga kahit buong buhay niya kulang pang kabayaran sa pagdurusang dinanas nito ng mga panahong iyon. Ngunit maging siya rin ay siningil din ng Diyos dahil ilang buwan din siyang nakaratay sa higaan at ang masaklap paggising niya itinago pa ng pamilya niya ang katotohanang buhay pa ito.Hindi niya alam kung paano niya naitawid ang mga araw na iyon na puno ng labis ng lungkot at pagkabalisa dahil ang buong akala niya nawala na nga ito ng tuluyan. Ah, hindi na niya matandaan kung ilang beses niyang iniyakan ang dalaga. Hindi na niya matandaan kung paano niya nagawang bumangon dahil sa kagustuhang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Hindi na rin niya mabilang ku
NAKATINGIN pa rin si Reymond kay Denise nang mga sandaling ito. Abot ang labis niyang kaba ng mga sandaling ito dahil pakiramdam niya mapili ito sa pagkain.“Anong verdict mo?”“Hmm, masarap,” maikling tugon ni Denise. “Tigilan mo na ako sa kakatitig. Nakakailang. Kumain ka na rin,” puna niya rito habang sumusubo.Mabilis namang nagbawi ng tingin si Reymond at kumuha na rin ng pagkain. Maya-maya pa makalipas ang ilang subo, “Sa Sabado kung papayag ka talaga doon sa sinabi ko, yayain ko rin sana kayong mag-ina. Ipagluluto ko kayo ng hapunan.”Nabitin sa ere ang kutsara ni Denise at napalingon ulit kay Drake. “Marunong kang magluto?”Nataw
DAMANG-DAMA ni Manang Carol ang paghihirap ng kalooban ni Reymond habang binabanggit ang mga katagang ito. Naintindihan niya kaagad kung bakit gusto nitong makipagmalapit kay Denise.“Gusto mong iligtas ang anak ninyo katulad ng ginawa mo kay Kevin? Handa ka na bang harapin ang galit niya kapag nalaman niyang ikaw rin ang taong minsan ng nagkasala sa kanya.”Bago sumagot kay Manang Carol tinanggal muna ni Reymond ang suot na mask. Inilapag iyon sa gilid niya at hilam ng luha ang mga mata ng muli siyang tumingin kay Manang Carol.“Hindi po eh. Naduduwag po akong tanggalin ang maskarang ito sa harapan niya. Baka lalo lamang makasama sa kanya. May memory loss din po kasi siya dala ng pinsalang tinamo namin noon. Naaksidente po ang kotseng sinakyan namin noon ng tinangka ko siyang ita
KINAPA niya ito at sa naalimpungatang diwa sinagot ang tawag. He heard her choke voice. She is obviously in pain.“P- ple- please help me!” Denise faintly uttered these words.Tuluyang nagising si Reymond at mabilis na bumangon. Kinapa ang switch ng lampshade at agad na tinurn-on ito. Kumalat ang liwanag at saka lamang niya inilayo sa tenga ang cellphone. Ang akala niya ay tawag mula sa cellphone ang sinagot niya ngunit videocall ito ni Denise.Namutlang bigla ang mukha ni Reymond ng makitang nakapikit ang dalaga habang paulit-ulit itong humingi ng saklolo. Nakalimutan na rin niyang tinanggal na pala niya ang maskara. Sa sobra taranta agad siyang bumaba ng kama.“Denise, hold on! I’m coming!” His voice was anxious.&nb
TUMALIKOD na si Mang Ramon. Panay naman ang bukas-kuyom ng mga kamay ni Reymond. Hindi siya mapakali sa upuan at ilang saglit lang tumayo siya mula rito. Palakad-lakad siya sa harapan ng nakapinid na kurtina. He unconsciously rubbed his hands and tiny beads of sweat popped out in his forehead. He was so nervous for Denise as minutes passed by.Maya-maya pa muling lumapit ang nurse sa kanya. May dala itong maliit na papel, laman ang information niya at ni Denise.“Sir, pakibayaran lang po ito sa billing department. Kailangan po ng deposit.”He stood tall, facing the nurse. He took the paper immediately, “I will just wait for my driver. He just went out a while to buy me water. I will ask him to fetch my wallet left in the car.”