Home / Romance / Love Revenge Game / Chapter 1: Unexpectedly Rendezvous

Share

Chapter 1: Unexpectedly Rendezvous

Author: ElenaPanorama
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Ano ba, Niah! Ganito lang ba ang maibibigay mo sa `kin?” bulalas ng nanay ko habang hawak-hawak ang dalawang daang pera mula sa aking pitaka. 

Parati na lang ako nasisigawan kapag kulang ang perang naibibigay ko sa kaniya. Naghanap ako ng ibaʼt ibang trabaho para lang matustusan ang pangagailangan niya pero kailanman'y hindi ito naging sapat. 

“Sorry po, nay. `Yan na lang po kasi ang natirang pera mula sa trabaho ko. Kinuha mo na po kahapon `yong iba.”

Ang lakas nang kabog ng puso ko sa tuwing nakakausap ko siya na galit. Ayokong nakikitang nagagalit si nanay dahil nag-iiba siya ng anyo. 

Nakayuko lang ako dahil hindi ko magawang salubungin ang kaniyang nanlilisik na titig. Mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakapit sa braso ko kaya namilipit ako sa sakit. 

“Talagang sinasagot-sagot mo pa akong bata ka.” 

Hinila n'ya ako sa may gilid ng tipa at kinuha ang isang puting bakal na medyo may kahabaan. Agad naman akong nagpumiglas dahil alam ko ang sunod niyang gagawin, ngunit sadyang mas malakas s'ya. Kusa na lang ako napapikit habang marahas na inihampas-hampas sa `kin ang bakal. 

Sa bawat hampas niya ay ramdam ko ang sakit at pagkirot ng aking braso. Paniguradong magkakaroon ito ng mga pasa maya-maya at sa mga ilang linggo ay magiging peklat naman. 

Parang kinapos ako nang hininga habang nanginginig ang buong katawan ko. Maya-maya ay naramdaman kong umaagos na ang mapupulang dugo na nanalaytay sa aking katawan. 

“N... n-nay, masakit. Tama na po.” Pagmamakaawa ko habang patuloy na umiiyak dahil sa sakit na aking naranasan. 

Sobrang sakit dahil sa namumuong sugat sa mga braso at ang pagkirot ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko naman siya sinagot. Sinabi ko lang naman `yong totoo, pero bakit gano'n? 

Parati na lang s'ya ganyan sa akin. Minamaltrato at inaalipusta ako, pero hindi ko magawang magreklamo dahil unang-una ay ina ko pa rin s'ya. Hindi ko kayang mag-ipon ng sama ng loob dahil mahal ko siya. 

Walang anak na `di mahal ang kaniyang ina dahil alam ng mga anak ang mga paghihirap ng isang ina kapag isa pa lamang itong sanggol o kahit man nasa sinapupunan. Pilit kong iniintindi siya kahit sa kaloob-looban ko ay masakit na. Sobrang sakit na parang pinipiga ang puso ko. 

“`Yan ang napapala mo kung sinasagot-sagot mo ako. Palibhasa kasi... wala kang kwentang anak. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kita pinanganak sa mundong `to. Pasalamat ka narito ka pa sa bahay kahit wala ka namang silbi.” Itinulak niya ako paupo at itinapon sa mukha ko ang aking pitakang walang laman. 

Napahawak na lang ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. Gusto kong isumbat sa kaniya ang mga hinanakit ko. Gusto kong malaman n'ya ang nilalaman ng puso ko... na nasasaktan din ang isang tulad ko, pero naduduwag ako. Isa rin akong nilalang na tao. Mas pinipili kong manahimik na lang `pagkat ayaw ko nang gulo. Wala naman siyang pakialam sa akin kaya wala ring silbi ang mga sasabihin ko. 

“Sorry na po,” paghihingi ko ng paumanhin. 

Hinila niya ang buhok ko kaya napahiyaw ako sa kirot. Parang nabunutan ako ng isang malalim na bala na nasa gitna ng puso ko. 

Sa lakas nang pagkakahila n'ya ay parang natatanggal ang anit sa buhok ko. Lumuhod s'ya sa harapan ko at inanggat ang ulo ko kaya nakasalubong ko ang nakakamatay niyang mga tingin. 

Napalunok na lang ako ng dalawang beses at pilit na tumitig sa kaniya kahit gusto kong umiwas. 

“Huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko. Hindi ako madadala riyan. Ano'ng tingin mo sa `kin? Maawa ako sa `yo? Hihingi ng paumanhin sa `yo? Hoy! Wala akong pakialam sa `yo at mas lalong wala akong pakialam sa sorry mo,” dikta niya, sabay bitiw sa pagkakahawak sa buhok ko at pinagpagan ang sariling damit bago tumayo. 

Itinapon n'ya sa gilid ang hawak niyang bakal at umalis sa harapan ko. Nakasunod ang tingin ko habang naglalakad siya papunta sa may pintuan.

Parati na lang ganito ang eksena sa aming munting tirahan. Aking inay! Kailan mo ba ako ituturing na isang anak? Hanggang ngayon ay `di ko pa rin magawang itanong sa kanya `yon dahil gusto kong malaman ang mga kasagutan. 

Tumigil s'ya sa harap ng pintuan at muling lumingon sa gawi ko. 

“Kapag hindi ka makapasa sa interview mo ay malilintikan ka talagang bata ka. Kailangan pag-uwi ko ay mabibigyan mo na ako ng pera na mas malaki pa kaysa sa binigay mo ngayon,” she said with a monotonous toned at matapang na isinara ang pinto kaya lumikha ito ng malaking tunog. 

Siguro pupunta s'ya sa pasugalan para tumaya muli at ubusin ang pera. Pinunasan ko na lamang ang mga luha ko at pilit na tumayo kahit masakit pa rin ang pinagbagsakan ko kanina. Napahawak ako sa dumurugong braso ko habang maliliit na hakbang na naglalakad patungo sa aking kuwarto. 

Normal lang sa `kin ang ganitong eksena kaya nagpapanggap na lang ako na parang walang nangyari. Ilang taon na akong naghihintay na magbago siya, pero gano'n pa rin. She's my mother who always neglecting me as her daughter. 

Ni-lock ko muna ang pinto at kumuha ng medicine kit na nasa dakong itaas ng gabinete. Pag-upo ko sa katre ay kinuha ko ang mga bulak at pinunasan ang mga sariwang dugo na kanina pa tumutulo sa braso ko. 

Ilang bulak ang mga nagamit ko hanggang sa tumigil ito sa pagdurugo. Muli akong napahiyaw dahil sa pagkirot ng aking mga sugat  habang nilalagyan ng agwardyente. 

Iniinda ko lang `yong sakit na ginawa sa akin ni nanay. Kahit gusto kong umalis ay hindi puwede dahil ayokong mapag-isa ulit. 

Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay iniwan na ako. Si nanay na lang ang natitira sa `kin. Ayokong mawala rin siya sa piling ko. Natatakot akong maiwan muli mag-isa. 

'Bakit ba ganito ang buhay? Bakit puro pasakit ang dulot nito?' 

I always asked that to myself kahit hindi ko naman mahanap ang kasagutan. 

Pinalibutan ko ng benda ang mga nagsasariwang sugat para matakpan ito at agad maghilom ang mga sugat na natamo ko. 

Wala na ngayon ang taong nagliligtas sa akin sa tuwing ginagawa ni nanay sa akin `to. Kailanman'y hindi na siya babalik. Sariling comfort na lang ang ginagawa ko dahil wala namang ibang tao ang gagawa ro'n. 

Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat ko ay nagtungo ako sa banyo upang magbihis. Isinuot ko ang isang turtle neck na mahabang manggas at maong pants na pinaresan ng high-cut shoes. Linugay ko ang aking buhok para balat na balat ako. 

Napangiti ako nang mapait o masaklap habang tinitingnan ang aking repleksyon sa kristal na salamin. Sinisigurado kong walang taong makakaalam ang mga tinatago kong mga sekreto. Ang mga sekretong magbubunyag sa pagkatao ko. 

Parati kong sinusuot ang maskarang lagi kong ginagamit. Ang maskarang nakikita mo ay babaeng nagpapanggap na maligaya o masuwerte para hindi nila malaman kung ano ang nakakubling mukha sa likod `yon. 

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kubeta. Hinihiling ko na sana matanggap ako sa trabahong pinasok ko. Sana mapili na ako sa panghuling interview ko. Marami na akong pinasukang trabaho, pero hindi ako matanggap ng mga kompanya dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. 

Wala akong perang pangbayad sa matrikula at ibang babayarin sa eskuwelahan kaya sa murang edad ay nagtatrabaho ako upang matugunan ang aming pangangailangan. Siguro kung ipinagpatuloy ko lang ang aking pag-aaral ay nakahanap na ako ngayon ng disenteng trabaho. 

Lumabas na ako ng tirahan at ikinandado ang pinto. Marami kasing magnanakaw sa pook namin. Halos magkadikit-dikit ang mga bahay rito kaya madaling pasukin ang katabing bahay. At para na rin makasigurado ako na ligtas ang mga gamit sa loob. Hindi naman uuwi ngayon si nanay dahil buong araw siya sa pasugalan. 

Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay na nasa labas. Ang iba ay masasama ang tingin sa akin dahil sa nangyari noon.

Alam kong sa isipan nila ay tinatapunan nila ako ng hamak at maramot na salita. Wala akong masyadong kaibigan dito dahil hindi pa rin nila makalimutan ang nakaraan. Halos lahat sila ay binabalewala ang pamilya namin. Minsan nga, sinugod nila ang pamamahay namin at pilit kaming pinapaalis. 

Umiwas na lang ako nang tingin at bahagyang napayuko. Mas binilisan ko ang aking paglalakad at `di sila pinansin dahil nahihiya akong harapin sila. Nadamay ako sa nangyaring kaguluhan noon. Napabuntonghininga na lang ako sa tuwing naalala ko `yon. 

***

Nang makarating ako sa sakayan ay nag-abang ako ng dyip na masasakyan ko papunta sa kompanya. Maraming tao rin ang naghihintay kaya magsisiksikan ito pagkarating ng dyip. 

Sa totoo lang ay nakararamdam ako ng kakaiba. 

Ewan ko ba! 

Parang hindi nakalulugod at pihikan ang mangyayari ngayong araw. 

Parang sumama ang pakiramdam ko. 

Kung ano-ano na lang ang iniisip ko. 

Siguro kinakabahan lang ako sa interview mamaya. 

Tumigil ang dyip sa harapan ko kaya sumabay ako sa nagkukumpulang mga tao. Ang mga nauna ay nakapasok agad sa loob. Nagsisiksikan ang mga tao kaya halos maghalo-halo ang mga amoy at pawis nila na umalingasaw sa buong dyip. Halos maipit na ang mga maliliit na mga paslit na kasama ng mga matatanda. Halos magkapalitan na sila ng mukha dahil sa pagkakadikit-dikit. 

Halos `di ka na makahinga dahil sa sikip para lang makapasok. 

Ganito ang talambuhay o pamumuhay ng mahirap. Kailangan maging madiskarte o matalas ang isipan kung gusto mo talagang mabuhay sa mapanlinlang na daigdig. 

Ako `yong huling nakapasok dahil nasa may bandang likuran ako kaya umupo ako sa munti na bangkito na gawa lamang sa tabla. 

Huling pumasok ang isang matandang bulikil na medyo may edad na. Wala na siyang mauupuan dahil napunta sa `kin ang huling upuan. 

Mukhang napalumbay ito at nag-iba ng ekspresyon. Pababa na sana siya, ngunit pinigilan ko ito. Baka kasi may importanteng lakad si ingkong. 

“Lolo, kayo na po ang umupo rito.” Tumayo ako at pinaubaya na sa kaniya ang aking bangkito. 

Naalala ko sa kaniya si lelang na mayroong arthritis. Banayad at nahihirapan siyang kumilos. Kapag matanda na ay madaling dapuan ng iba't ibang sakit dahil nanghihina ang kanilang katawan at mga buto. 

Inalalayan ko naman siya paupo sa bangkito. “Salamat, binibini. Hulog ka talaga ng langit. Ang isang magandang dilag na katulad mo ay nararapat lamang ng isang mapalad na biyaya.” Napangiti naman ako dahil sa kaniyang mga sinabi.  

Sabi ni lola, kung kaya mong tumulong sa isang tao ay tulungan mo. Hindi naman ibig sabihin na nagpapakabayani ka. Ginagawa mo lang ang nararapat gawin bilang isang tao. 

Nagsimulang gumalaw ang dyip kaya kumapit ako nang mabuti sa rehas. Buti na lang may naiwang mga barya o kuwalta sa bulsa ko kaya may pamasahe pa ako. 

Tumingin ako sa labas at nakikita ko ang mga usok na binubuga ng mga sasakyan. Polluted ang hangin at ang lawak ng Maynila. Talagang masisira ang kalikasan dahil sa mga polusyon tulad ng; polusyon sa hangin, tubig, at lupa. 

Maraming mga nagtataasang mga gusali at pabrika ang nadadaanan namin. Napatingala ako sa bughaw na kalangitan. Nililipad ang mga buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Isang hangin na tinuturing kong mapanlinlang. 

Kinapa ko ang selpon sa bulsa at tinawagan `yong kaibigan ko na si Sheena. Naging maingat naman ako sa pagkakapit sa rehas para hindi ako mahulog. Makailang ring ito bago niya sagutin ang aking tawag. 

“Ano na naman ang kailangan mo?” bungad niya agad. 

Straight to the point talaga ang babaeng `to. Hindi man lang magawang batiin ako. 

Napangiti na lang ako dahil mukhang naiirita siya. “As always i-reserba mo ako riyan. `Yon lang. Thanks.” Binabaan ko agad s'ya ng tawag dahil tiyak na manenermon ang babaeng `yon. 

Mamaya na ako makikinig sa sermon o mga panayam niya kapag naroon na ako. Paulit-ulit kasi ang sinasabi niya kaya minsan nakakarindi sa tenga. 

Ibinalik ko na lang ang selpon ko sa bulsa, at pinagtuonan ng pansin ang pagkakapit ko. Isang maling galaw ko lang ay tiyak mahuhulog ako.  

***

Nang makarating ako sa kompanya ay bumaba agad ako ng dyip. Napatingala ako at namangha sa laki at lawak ng kompanya. 

Ilang palapag kaya ito? Grabe! 

Bumungad sa akin ang naggagandahang mga mataas at alagang-alaga na mga halaman sa bawat gilid ng pasilyo. 

Hindi ako makapaniwalang makakapasa ako sa pagsusuri o paghusga. Kung sakaling matanggap ako rito ay baka maligaw ako sa laki at lawak nito. Baka umabot ng mga ilang buwan bago ko maisaulo ang lokalidad na ito. 

Binasa ko ang nakaukit na pangalan ng kompanya: Villaruel's Game Launching Company (VGLC).

Sikat ang kompanyang ito at bali-balita ay napapanood ito sa telebisyon. Balita ko ay isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa ang may-ari rito. Siya ang pinakabatang namamahala ng kompanya sa industriya, pero hindi naging hadlang `yon dahil magaling ito sa pakikipagkalakalan. 

Hindi ko pa siya nakikilala, pero nasisiguro kong na makikita ko siya mamaya. Para tuloy akong na-excite na makilala s'ya. 

Sumakit tuloy ang leeg ko sa kakatingala. Grabe! 

Naglakad ako nang ilang hakbang papasok sa pasukan habang hawak-hawak ang brown envelope na naglalaman ng mga credentials ko. 

Ang gara ng kompanyang ito. Unang bumangad sa `kin ang mga empleyadong palakad-lakad na parang nagmamadali. Nakita ko ang mga janitress na naglilinis sa sahig at nakasuot sila ng uniporme. 

Sosyal pala ang kompanyang `to. Ang masasabi ko lang ay napakaganda at napakalaki ang lugar na ito. Malinis ang bawat sulok at walang bakas ng mga dumi na makikita. 

Lumapit ako sa babaeng nakatayo sa gilid ng front desk. Nababagay sa kaniya ang suot niyang damit na pang-opisina. Medyo hindi siya katangkaran, pero maganda ito. 

Nagpaturo ako sa kaniya ng direksiyon papunta sa opisina ng boss nila. Mukhang nagalit pa s'ya dahil naabala ko ang paglalagay n'ya ng mga kosmetiko sa mukha. 

Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa at kung makatitig ay parang sukang-suka sa itsura ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil ayaw ko naman nang gulo. Narito ako para magtrabaho at hindi makipag-away. 

Nakipagsabayan ako sa mga empleyadong nasa elebeytor. Narinig ko ang usap-usapan ng tatlong nakakaakit na dilag tungkol sa may-ari ng kompanya. 

“Bakit ba ang sungit-sungit ng boss natin? Sayang guwapo pa naman s'ya.” 

“Oo nga! `Yong magkasintahan dito ay tinanggal agad sa trabaho dahil nakita n'yang magkahawak ang kamay na papasok sa may entrance.” 

“Pinaglihi talaga iyan sa sama ng loob dahil sa itim ng budhi. Balita ko'y walang lovelife `yan simula roon. Dahil sa pagiging bitter n'ya sa pag-ibig.” 

“Paano pa kaya kung magkaroon s'ya ng girlfriend?” 

“Ano ka ba? Walang papatol sa kanya. Suplado `yon at halimaw. Walang babaeng tatagal sa kaniya. Baka nga hanggang sa pagtanda ay hindi siya makapag-asawa.” 

Nagtawanan naman sila pati na rin ang ibang empleyadong ay nakisabay sa pagtawa. Habang ako ay mas lalong nadagdagan ang pagiging mausisa ko. 

Lalaki pala ang may-ari rito. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi nila na halimaw s'ya. Hindi naman niya siguro kakatayin ako ng buhay. Hindi naman niya siguro ako papatayin kapag magkamali ako. Hindi naman siya kakain ng isang tulad ko. 

Napalunok tuloy ako ng mga tatlong beses at gusto kong umalis na lang dito. Baka hindi ko kayanin sa new environment at atmosphere rito. Pero bakit gano'n? Parang may nag-uudyok sa akin na kilalanin siya. Parang gusto kong malaman kung tama ang haka-haka nila o may iba pang dahilan? 

Nagsilabasan naman sila hanggang sa ako na lang ang natira. Pinindot ko ang V's office dahil doon daw ang opisina niya. 

Ano ba itong nararamdaman ko? Parang nagiging interesado ako sa lalaking `to. Hindi dapat ako magkagano'n sa isang taong hindi ko pa nakikilala ng lubos- lubusan. 

Maging magkaibigan kaya kami? Pero malabong mangyari `yon dahil masama raw ang ugali niya.

Nakarating ako sa kinaroroonan ko kaya humugot muna ako nang malalim na hininga. 

Gawin mo lahat ng mga makakaya mo, Niah. This is it! You can do it. Just be yourself at matatapos din ang interview mo. 

Kailangan hindi ako kabahan. Lalo na ay makakaharap ko ang may-ari ng kompanya. Kailangan talagang matanggap ako sa trabaho kundi mapaparusahan muli ako ni nanay kapag wala akong perang maibibigay sa kaniya. 

Tumuwid ako nang tayo bago lumabas ng elebeytor. Nakita ko ang mga aplikanteng nakaupo sa labas habang hinihintay na tawagin ang mga pangalan nila. Marami rin pala ang gustong magtrabaho rito. 

Makakapasa kaya ako? 

Parang imposible na mapili ako.

Ang iba ay mukhang nababagot na sa kahihintay. Napalunok tuloy ako at humanap ng bakanteng upuan. Narinig ko naman ang hiyawan ng isang matandang babae habang palakad-lakad sa pasilyo. 

“Applicant Number 20!” Itinaas ko ang kamay ko dahil `yon ang aking nakarehistrong numero. 

Tumigil siya sa harapan ko at nakapamewang na tinitigan ako. Mukhang galit na galit ito dahil siguro nahuli ako nang dating. Nakatatakot siya kaya lumakas tuloy ang pintig ng puso ko. Para siyang halimaw na kakainin ako ng buhay. Napakagat labi na lang ako at sinalubong ang titig niya. 

“Buti naman ay nakarating ka pa. Be prepared dahil ikaw na ang susunod.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

Ako na pala ang sunod. 

Kararating ko pa lang. Ako na agad ang susunod. Jusko! Hindi pa ako handa. 

Tinalikuran niya ako at may ibinulong na narinig ko naman. “Kahit hindi ka naman makakapasa.” 

Bumukas ang pinto at may lumabas na babaeng umiiyak. Dumaan siya sa harapan ko habang tumatakbo papunta sa elebeytor. 

Anong nangyari? 

Bakit siya umiiyak? 

Masyado bang harsh ang may-ari rito? 

Puwede bang magback-out na lang ako? 

Mas gugustuhin ko yatang pagalitan na lang ako ni nanay kaysa makaharap ang boss nila. 

Masyadong nakatatakot siya. Magmula pa lang sa usap-usapan sa elevator hanggang dito. Halimaw yata ang lalaking `yon at natatakot akong harapin siya. 

Tanggap ko na hindi ako makakapagtrabaho rito dahil hindi naman ako mapapasok sa magarang kompanya na `to. Hindi naman siguro ako matatanggap dahil sa katayuan ko sa buhay. Baka ipamukha lang n'ya sa akin na galing ako sa mahirap na pamilya. 

Tumayo ako at akmang tatalikod na sana, ngunit may tumawag sa buong pangalan ko. “Miss Chenaniah Xyrah Ricafrente?” Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. 

Napaawang ang labi ko nang makita ang isang magandang dilag na lumabas sa nakaawang na pinto ng opisina. 

Too late! 

Wala nang atrasan `to. 

Hindi malayo ang pagitan namin sa isa't isa kaya madali siyang nakalapit sa `kin. Hanggang sa tuluyan kong makita ang mukha n'ya na ikinagulat ko. 

Nakasuot siya ng kulay-rosas na bodycon at kulay-rosas na kitten-heels. Ang pagkakalagay ng make-up niya ay sobrang malabnaw at dalisay; ito'y nababagay sa kaniya. 

“Crystal!” Gulat ang gumuhit sa mukha ko. 

Ilang taon kaming hindi nagkita, pero mas lalo siyang gumanda at tumangkad. Paniguradong marami pa rin ang mga manliligaw n'ya hanggang ngayon. Halos lahat ng mga estudyante ay kilala siya sa paaralang pinapasukan namin noon. Kilala ko siya. Siya `yong kaibigan ni—

“Oh! You still remember me.” Ngumiti siya nang mapalad, pero halatang pilit lang `yon. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang galit niya dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. She should be mad towards me. After all, ako ang may kasalanan ng lahat-lahat. Sinira ko ang relasyon namin.

“By the way, it's Ms. Fernandez. Nice meeting you again, Ms. Ricafrente.“ Napatikhim na lang ako at napaiwas nang tingin sa kaniya. 

Muling nanumbalik sa akin ang sakit ng mga ginawa kong pagtataksil. Nabuwag ang pagkakaibigan namin dahil sa mga desisyon ko. 

“Don't be shy, Niah. Nahiya ka ba nang iwan mo s'ya? Hindi 'di ba? Pinerahan mo pa nga siya?” prangka niyang saad kaya napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa envelope na dala ko at nanahimik na lang. 

Ayokong magsalita dahil baka lumabas sa bibig ko ang mga lihim na aking tinatago. Saka ko lang naalala na nagtatrabaho pala siya rito. What if? Oh no! Hindi maaaring mangyari ang nasa isip ko. 

“Back to business. Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko. Follow me.” Tumalikod siya at naunang naglakad. 

Mahusay akong tumakas, pero ngayon ay wala akong magawa. Tanging pagsunod sa kaniya ang ginawa ko. Napabuntonghininga na lang ako at pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso. Ano naman kung magkatotoo `yon? Wala na sa akin iyon. Hindi na ako apektado roon dahil matagal ko na siyang kinalimutan. 

Pagkapasok ko sa opisina ay `di ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Black walls, sa gilid ay may malaking sliding door, at lahat din ng mga furnitures ay mamahalin. Iba't ibang mga pigura ang nakikita ko na nakapatong sa istante. Siguro `yon ang mga napanalunang parangal niya sa kompanya. 

Napatuon ang tingin ko sa isang mesa na kulay itim—at nakatalikod na swivel chair. Nasa likod yata ang magiging boss ko kung sakaling makapasok ako. 

Biglang umikot ang swivel chair kaya nagulat ako sa aking nakita. 

My instincts are right. It's the same man I loved from long time ago. 

Nagkasalubong kami nang tingin, pero panandalian lang `yon dahil umiwas agad ako. Iminuwertsa naman ni Crystal ang kaniyang kamay tungo sa visitor's chair kaya sumunod na lamang ako. 

“Goodluck!” she said and tapped my shoulders bago naglakad palabas ng opisina. 

Naiwan kaming dalawa sa loob ng opisina. Nararamdaman ko ang kakaibang temperatura. Inabot ko sa kaniya ang polder at tinanggap naman niya ito. 

Binuklat niya ito at binabasa ang nilalaman habang ako ay tahimik lang. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa, pero pakiramdam ko ang lapit ko sa kaniya. Siya pala `yong usap-usapan kanina na halimaw. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya tulad ng dati. Ang pagkakatulad lang niya kumpara rati ay maamo ang kaniyang mukha; siya'y nakalulugod; at siya'y matalino. 

“Ms. Ricafrente,” pagtatawag niya sa pangalan ko at ibinaling ang tingin sa akin kaya napalinga ako sa ibang direksiyon. 

Napatikhim na lang ako at umupo nang tuwid. “Yes, sir?” may pag-aalinlangan kong ani. Nanunuyo ang lalamunan ko at ang lakas nang kabog ng puso ko dahil sa kaniyang presensiya. 

“Chenaniah Xyrah Ricafrente. You didn't went to college. You're terribly lack of some skills. You have no experience when it comes to game agency. Tell me, ano'ng kalidad ang maari mong ipapakita o ipamamalas sa loob ng aking kompanya? How can I hire someone like you?” tanong niya sabay baba sa hawak niyang polder at hinintay ang sagot ko. 

Sa kabila ng pagiging nerbiyosa ko ay pilit kong sinagot siya. “Sipag at tiyaga. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero sanay ako sa mga trabaho nai-aatang niyo sa akin—” he cut me off and laughed in a contemptuous manner. 

“Ms. Ricafrente, walang silbi ang mga `yan kung wala kang alam. All the employees here are professionals—and all of them went to college.” 

“Alam ko... pero mas lalong walang silbi ang mga iyon if you are not perserverance at strenuous. Hindi naman basehan kung nakapagtapos ka o hindi. May utak nga sila pero pa'no kung tamad naman?” balik na tanong ko. Mukhang nairita naman siya sa isinagot ko. 

Nag-iba ang ekspresyon niya. “So, are you saying that my employees ay utak lang ang dala? You think that they are all lazy o sluggish?” giit niya at napaigtad na lang ako sa gulat nang marahas niyang inihampas ang lamesa. 

“Hindi naman `yon ang punto ko. Ang sinasabi ko lang... Oo, wala akong alam sa trabahong iyan, but I assure you that I will learn. Besides, lahat naman tayo ay dumadaan sa pagkatuto.” 

“I'm not looking for an employee that needs to learn!” lamak niyang aniya. “This is not an institution for educating people. I need professionals, only,” mariin niyang paliwanag.

“Ang mga propesyonal ay dumadaan muna sa mga proseso bago maging ganap at magaling sa isang larangan. How can you know kung ano ang galing na maipamamalas ko kung hindi mo muna makikita? How can you know kung hindi mo naman susubukan? You will only find the answer once you hire me.” 

Pinagkatitigan niya ako nang maigi at may kung ano-ano ang tumakbo sa isipan niya. Why I'm always like this? 

Napailing na lang ako at napahilot sa aking dibdib ko. Napangiwi naman siya at napabuntonghininga bago magsalita ulit, “Well! Let's see about that.” 

“Last question... Why shall I hire you? I need some 'honest' answer from you.” 

Alam kong may pinanghuhugutan siya sa salita `yon. Alam ko binigyan niya ng ibang tono ang salitang 'honest'. Pero kasalanan ko naman iyon. 

Nagbago na rin siya. Parang nag-iba na `yong personalidad niya. He's genuinely different. 

“Kailangan ko ng pera.” 

Iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. 

“Bakit ka sa akin lumapit? Pinagpalit mo `di ba ako sa lalaking mas mayaman sa akin... Nasa'n na siya?” sarkastikong wika niya. 

“So... Hindi mo pa nakakalimutan ang nakaraan natin?” balik tanong ko sa kaniya. 

Sorry, kung kailangan ko itong gawin. 

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “Matagal na kitang kinalimutan. Pagkatapos mo akong iwan ay wala na akong natitirang pagmamahal sa `yo. You're just useless for me. You're futile as rag on the floor.” 

Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Pero hindi ko lang iyon pinahalata. Mas hindi ko matanggap ang huling dalawang pangungusap na sinabi niya. 

'You're just useless for me. You're futile as rag on the floor.'

Sa akin `yon, e. Ako ang tanging gumawa ng paniping iyon. How could he stole someone's quote from me. 

Napasandal na lang ako visitor's chair at naghintay na muli siyang magsalita. 

“Pag-iisipan ko pa kung tatanggapin ba kita. Nababahala ako na baka nakawan mo ang kompanya ko. Mahilig ka pa naman sa pera. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae ngayon. Mukhang pera!” 

“I understand, sir.” 

Agad akong lumabas sa opisina niya at agad na nagtungo sa palikuran. Minabuti kong isara nang mabuti ang pinto at humarap sa kristal na salamin. 

It's really painful. 

`Yong lalaking binawela ka na lang.

`Yong lalaking parati ka niyang sinasabihan ng mga magagandang salita, pero ngayon, hindi na. Isang hamak na salita ang tanging binabalik niya sa akin. 

`Yong lalaking tinuturing kang reyna sa isang malawak na kastilyo, pero sa isang iglip, tila nagbago na ang pag-inog ng mundo. 

Pero ginusto ko naman ang mga `yon kaya wala na akong magagawa. 

Biglang nanikip ang dibdib ko kaya napahawak ako rito at marahang minasahe iyon. Unti-unting nagsitulo ang pinipigipan kong mga luha. 

Ilang minuto ako nasa restroom. Buti na lang walang tao ang pumupunta rito. 

Ilang minuto akong umiyak kaya namugto ang mga mata ko. Nanghilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawang mga palad ko para maging malinaw ang mga paningin ko. 

Agad akong lumabas sa restroom at nagmadaling makaalis sa building. 

Dapat inalam ko muna kung sino 'yong magiging boss ko. Sa dinami-rami ng puwedeng maging Villaruel ay siya pa ang aking nakita. 

Walang pag-asa na matatanggap ako. Galit siya sa akin kaya gagantihan niya ako. 

Napabuntong hininga na lang ako at muling naglakad patungo sa pupuntahan ko. 

***

Ilang metro ang linakad ko na hindi inalintana ang sikat ng araw. Kahit pagod na pagod na ako at pawis na pawis ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. 

Nang matunton ko ang lugar ay pumasok agad ako sa loob. 

“Sheena,” pagtatawag ko nang mahagip siya ng aking mga mata. Mukhang nairita naman itong lumapit sa 'kin. 

Bago siya magsalita ay inunahan ko agad siya. “As always.” 

“Pero, Niah... pa'no kung ma—” 

“It's okay.” 

Napabuntong hininga na lang ito. “Sige, for how much?” 

“Two-thousand pesos.” 

“Alam mo bang delikado ang ginagawa mo?” nag-aalalang tanong niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. 

“Alam ko... kailangan ni nanay ng pera... ayokong magalit siya sa akin... kaya please lang.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. 

“Fine... It's your life after all... Sige na, humiga ka na riyan. Hintayin mo na lang ako. Kukunin ko 'yong kakailangin mo.” 

Humiga naman ako at hinintay siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. 

Masaya ako na makita ko ulit siya kahit panandalian lang 'yon. Kaso nga lang, hindi na siya palangiti tulad ng dati. 

Naramdaman kong dumating na siya—si Sheena. 

Maya-maya ay naramdaman kong kumirot ang braso ko na senyales na ginawa na niya. Nanatili pa rin akong nakapikit. 

“Iisa lang ang katawan mo, Niah. Kung hindi mo aalagaan ay tiyak na hindi ka magtatagal sa mundong ito.” 

“Alam ko,” pabulong kong saad. 

“Puwede ka namang umutang ng pera 'di ba?” 

“Ayokong umutang. Nagsisi na ako.” 

“Maghanap ka nang matinong mauutangan.” 

“Sino naman? Alam mo naman na wala akong ibang kaibigan bukod sa 'yo, saka kung uutang ako ay wala naman akong maibabayad. Lahat ng pera ko kinukuha niya.” 

Natahimik siya. Wala yata s'yang maisasagot sa tanong ko. 

Mahirap din siya kaya hindi ako puwede umutang sa kaniya. 

Ilang sandali ay tahimik ang paligid hanggang sa... natapos ang ginawa namin. 

Agad kong binuksan ang mga mata ko at umupo sa kama. 

“Huwag ka nang bumalik muli rito.” 

“Pero—” 

“Makinig ka naman sa akin, Niah. Huwag mong pairalin ang pagiging matigas ng ulo mo. You're so stubborn.” 

“Nag-ingles pa. Pareho lang naman ang kahulugan no'n, ” bulong ko. 

“Sige, aalis na ako,” dagdag kong aniya sa kaniya. Agad naman niyang inabot ang pera sa akin. 

“Kapag matanggap ka sa trabaho. Bumili ka ng lipistik.” 

“Bakit naman, Sheena?” pagtataka ko. 

“Tingnan mo nga `yong mukha mo sa salamin. Malalaman mo ang kasagutan.” 

Sasagot na sana ako nang tumunog ang selpon ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa at sinagot ang tawag ni nanay. 

“Umuwi ka na ritong bata ka! Bilhan mo ako ng beer, saka sigarilyo sa labas! Bilisan mo kung ayaw mong matulog sa doghouse.” 

“Akala ko nasa pasugalan ka ngayon—” 

“Bakit? Ayaw mo bang umuwi ako ng bahay? Gusto mong ikaw lang mag-isa sa bahay. Aba! Kung palayasin kaya kita. Umuwi ka na rito. Ngayon na!" utos siya. Napabuntonghininga na lamang ako nang babaan niya ako nang tawag. 

“Malditang ina mo na naman `yan. Umuwi ka na, Niah. Baka umulan ngayon, wala ka pa namang dala na payong. Dalian mo kung ayaw mong matulog sa doghouse.” 

Alam niya kung ano'ng mangyayari kaya napangiti na lang ako. Nagmadali akong bumangon sa kama, saka umalis na ro'n. 

***

Sumakay ako ng traysikel dahil palubog na ang araw. Tiyak papagalitan ako kapag gabi na ako umuwi ng bahay. 

Habang nagmamaneho ang drayber ay nakatingin ako sa magagandang paligid. Nakikita ko ang mga puno na magkakatabi sa iisang lugar. Parang pamilya lang, buo at hindi naghihiwalay. 

Pinigilan ko agad ang luhang nagbabadyang tumulo. 

Sana buo pa ang pamilya ko. 

Alam kong hindi na maibabalik ang dati. 

Napadako ang mata ko sa isang paaralan. Sakto lang na huminto ang sasakyan dahil trapiko. 

Pangarap kong makapag-aral diyan. 

Malapit na pala ang pasukan.

Malabong makapag-aral ako riyan. Wala nga akong pera pang-tuition. Pa'no pa kaya `yong mga aklat, notebook, ballpen, at iba pang kailangang bilhin. 

Lihim akong bumuga nang malalim na hangin, saka sumandal hanggang sa nagtuloy-tuloy na sa pag-usad ng traysikel hanggang sa kanto ng bahay namin. 

Pagbaba ko pumunta muna ako sa malapit na tindahan upang bumili ng beer para kay nanay pati na rin sigarilyo. Kahit ayaw ko siyang bilhin ng ganyan dahil alam kong makakasama `yan sa kalusugan, pero papaluin naman ako kapag hindi ko siya bigyan. 

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko siya sa sala nanonood ng telebisyon. Napalingon naman siya sa gawi ko. 

“Buti naman nakauwi ka na. Akin na iyan.” 

Lumapit agad ako sa kaniya at inilapag sa lamesa ang mga dala ko, saka nagtungo sa kusina upang kumuha ng baso at lighter. 

“Natanggap ka ba sa trabaho?” 

Napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya. 

“N... n-ni-re-review pa po,” kabado kong sagot. 

“Sige, siguraduhin mong matatanggap ka riyan... napagdesisyunan kong gawin kang prostitute sa isang bar kapag hindi ka matanggap.” 

“A... a-ano!” 

“Bakit ayaw mo? Huwag ka nga mag-inarte. Pera ang kailangan ko, saka huwag ka nga magmalinis d'yan. Huy, Niah! Walang malinis dito sa daigdig!” 

Hindi na ako sumagot muli at umalis na patungo sa kuwarto. Humiga ako sa kama at tuluyan nang bumuhos ang luha ko. 

Parati akong mahina. 

Parati akong maiyakin. 

Parati akong nasasaktan. 

Lahat na lang ng mga problema na sa akin.

Ang tanging dasal ko lang, sana matanggap ako sa trabaho niya para hindi ako maging prostitute.

Kaugnay na kabanata

  • Love Revenge Game    Chapter 2: Love Revenge Game contract

    ZYCKIEL RAZEʼS POV“If there's love, there's revenge,” pagwiwika niya.“What do you mean?” naguguluhan akong napatanong sa kaniyang minungkahi.Narito kami ngayon sa loob ng opisina ko na kung saan ay nasa harapan ko ang katamtamang sukat ng isang rektanggulong puting pisara habang si Crystal naman ay nasa gilid nito.“Isang Zyckiel Raze Villaruel na matipuno, matikas na tao, at makisig pero... ugok naman sa paggiliw,” panglalait nʼyang aniya sa harapan ko habang nilalaro ang hawak-hawak niyang panulat.“Hindi `yan ang ibig kong sabihin, Crystal, what I mean is, get straight to the point. Ano ba `yong pinapahiwatig mo?” pagyayamot kong paglilinaw sa kaniya.Ganyan talaga ang mga taong may matalas ang isip, kapag hindi mo makuha ang mga winiwika rito ay tiyak hanggan

  • Love Revenge Game    Chapter 3: Naniel Xyraze

    CHENANIAH XYRAHʼS POV“Ano ba naman 'to, Niah. Naghihirap na nga tayo, nagdala ka pa rito ng isang batang kalye. Ipaaalala ko lang sa 'yo, Niah, hindi ito bahay-ampunan,” pagsesermon ng aking nanay sa akin.“Nay, hʼwag muna ngayon. Please lang.”“Mga salot talaga kayo sa pamamahay,” hiyaw nito.Hindi na ako muling sumagot sa debate namin ni nanay bagkus ay dire-diretso lang kami pumasok ng kuwarto. Binaba ko naman siya sa kama dahil karga-karga ko sʼya at mataman na sinulyapan ang kaniyang mga mata.“Pagpasensiyahan mo na ang nanay ko. Huwag mong pakinggan ang mga sinabi niya. Hindi ka salot,” ani ko.“Opo, naintindihan ko po, ate.”“Pumunta muna tayo sa palikuran, papaliguan kita dahil medyo may amoy ka na,”

  • Love Revenge Game    Chapter 4: Villaruelʼs Game Launching Company

    CHENANIAH XYRAHʼS POV“Ang sweet nilang dalawa, 'di ba?”“Oo nga, kahit masungit ang boss natin, pero sa nakikita ko naman ay may gusto si Mr. Villaruel sa kaniyang sekretarya na si Ms. Fernandez.“Tama ka, siguro naman balang araw ay hindi na malamig ang pagta-trato ni Mr. Villaruel sa atin.“Sana dumating ang araw na magiging masaya rin ang boss natin kay Ms. Fernandez kumpara sa naging jowa niya noon na walang ginawa kundi perahan siya.”Hindi ko maiwasan maisip ang mga salitang narinig ko kahapon noʼng paglabas ko ng opisina ni Raze. Nakita ko ang mga palad ni Crystal, itoʼy nakakapit sa mga balikat ni Raze habang yakap-yakap siya mula sa likuran.Hindi na ako magda-dalawang isip na silaʼy nagkatuluyan dahil nandiyan si Crystal sa tabi ni Raze

  • Love Revenge Game    Chapter 5: Start Of Revenge

    CHENANIAH XYRAHʼS POVNapalunok ako ng ilang beses bago kumatok sa pinto ng aking boss. Nangangamba ako sa posibleng mangyari pagkatapos kong kumatok dito.“Oh, Ms. Ricafrente. Hindi ka pa ba papasok? Baka abutan ka nang gabi bago makapasok sa opisina ni Mr. Villaruel,” pang-aasar ni Crystal na kakarating lang.May dala-dala siyang mga papeles at mahahalagang mga dokumento. Siguro, kailangan pirmahan ni Raze ang mga 'yon.“K... k-kararating ko lang,” utal kong pagwiwika sa kaniya.Ngumisi naman ito at agad pumasok sa opisina ni Raze pero bago pa man niya isara ang pinto ay muli sʼyang nang-asar.“Ms. Ricafrente, why are you so timid with him? The Ms. Ricafrente I knew was a gold-digger, and she never hesitate of something. She habitually achieves all the possible opportunities ahead.

  • Love Revenge Game    Chapter 6: Mr. Mercedes true color

    ZYCKIEL RAZEʼS POVTutok na tutok si Xyrah sa kanyang de-keypad na selpon habang naglalakad patungo sa kanyang ekstritoryo dala-dala ang isang polder na kulay puti. Ang polder na iyon ay naglalaman ng mga ulat at komento patungkol sa larong iimbentuhin namin. Medyo may kabigatan ang 'yon dahil sa papel na ginamit.Muntik nang malaglag ang kanyang panga at selpon nang mabangga niya si Mr. Mercedes na may dala-dalang dyus na gawa sa dalanghita o sintunes. Natapon lahat ng dyus na iniinom ni Mr. Mercedes sa polder na hawak-hawak ni Xyrah. Isa talaga siyang malaking ulol.“Pasensiya na, Mr. Mercedes. Hindi ko intensyon o layunin na mabangga ka, saka ang dalanghitang dyus mo.” Inalok niya ng panyo si Mr. Mercedes dahil medyo nabasa ang pormal niyang kasuotan.“Ayos lang, Ms. Ricafrente. Hindi naman ito kamahalan tulad ng mga pribadong restawran. An

  • Love Revenge Game    Chapter 7: Niah's good treatment to Mr. Mercedes

    Nang nilisan ni Xyrah ang aking opisina ay biglang bumungad sa akin ang imahen ni Martin, ang pinakabatang empleyado ko rito. Inatasan ko sʼyang magtrabaho sa task support team dahil malinis at organisado siyang nagtatrabaho sa loob ng aking kompanya kaya kampante ako.“Martin, howʼs your day?” unang katanungan ko sa kaniya nang umupo siya sa visitorʼs chair.Tinabi ko muna ang mga papeles na binabasa at sinusuri ko dahil may mahalaga kaming pag-uusapan. Napahawak na lang ako sa aking sihang dahil sa kaniyang kinikilos at pakikitungo.“Mr. Villaruel, Iʼm extremely sorry. I canʼt take it anymore,” kulang sa tapang at walang sigla nʼyang paglalahad.“What do you mean, Mr. Mercedes?” lamak at malamig na tono ang lumabas sa aking bibig.Lihim kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil ang isa kong pinagkakatiwalaang empleyado ay nauto at nilason ang i

  • Love Revenge Game    Chapter 8: Martin's good treatment to Ms. Ricafrente

    Napailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon. Hindi pa rin naglalaho sa isipan ko ang karumal-dumal at dungong eksena kagabi.“Hoy, Niah!” bulong na pagtatawag sa akin ni Nica habang nasa kaniya-kaniya kaming mga pupitre.“Ba't ang isipan mo'y ka'y lalim ng karagatang pasipiko? Mayroon bang bumabagabag sa 'king kaibigan?” pagdadrama nitong pagwiwika, sabay kapit sa kaliwang braso ko.“Katatapos pa lang natin kumain ng longganisa, chicken fillet, at kanin sa labas... ganyan na itsura nang maamo mong mukha. Hindi ba kinaya ng sikmura mo ang mga pagkain na kinain natin sa restawran... for free?” dagdag na pagsasalaysay niya.“Wala lang ito, Nica,” tipid kong katwiran. “May naaalala lang akong pangyayari.”“Ang mga pangyayari ba na binabanggit mo ay tulad kagabi? `Yong muntik ka nang ma-hospital

  • Love Revenge Game    Chapter 9: Khiel's encountered

    Naniel Xyraze's POVHindi pa rin mapuksa sa paglingap ko ang mga kahihiyan na naganap nang nagkaroon ako ng mabalasik na alerdye. Kahit huli na siya sa kaniyang pinapasukan, dinala pa rin niya ako sa bahay-pagamutan at mainam na binantayan tulad ng isang sanggol na hinding-hindi kayang iwan ng isang mamay.Nagsalin ako ng kanin sa bandehado na gawa lamang sa plastik at kulay-kapeng asukal. Hindi naman ako maarte sa kumida dahil nakasanayan ko ang pamumuhay ng isang maralita.Ilang araw na ang nakalilipas bago nagsimula si mommy magtrabaho sa magarang kompanya na binanggit niya kagabi, pero bakit pakiramdam ko nabo-bored ako sa loob ng tahanan ni mommy? Dahil ba'y wala akong libangan? Dahil ba'y wala akong trabaho na puwede sana makatulong sa panggastos sa tahanang `to?Napabuntonghininga na lamang ako sa tutok ng kisame, saka naisipang lumabas ng bahay para magpahangin at maglakad-lakad. 

Pinakabagong kabanata

  • Love Revenge Game    Chapter 51: The Lines of Destiny

    Inilayo niya ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi na iyon importante. Wala naman magbabago kung sabihin ko sa iyo ang totoo, e,” tugon niya.“Bakit ba parati mong pinipili na gawing lihim ang lahat?!” sambit ko. “Why you are being selfish to me, Xyrah?! Bakit ginagawa mong komplikado ang lahat?!” dagdag ko.“Kasi . . . Raze, hindi mo kasi ako naiintindihan, e! Kailanma’y hindi ako naging selfish sa iyo!? I will never do that because I . . . you’re my everything!”Sa sentro ng aming masalimuot na diskusyon, hindi ko nasupil ang aking emosyon kaya kahit labag sa kalooban ko ay ipinaramdam ko sa kaniya ang init ng ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang magkabilang balikat nang mahigpit. “Ipaintindi mo nga sa akin para hindi na tayo parehong nahihirapan! Napakahirap ba ‘yon?! Xyrah, huwag kang magtaingang kawali at maglubid ng buhangin sa lahat-lahat ng mga sinasabi at tinatanong ko sa iyo!” Sa kabila ng kaniyang pagdurusa, kahit ang kirot ay ramdam na niya, siya’y nanatiling t

  • Love Revenge Game    Chapter 50: The Cave of Love

    CHAPTER 28:ZYCKIEL RAZE’S POVSa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.“Hoy, Ashley!” Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. “Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!” Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. “Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!”Pumagitna ako sa kanilang dalawa u

  • Love Revenge Game    Chapter 49: Lost in the Labyrinth

    CHENANIAH XYRAH’S POV“Great! So, siya pala ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Ang lalaking mas mayaman kaysa sa akin!” Nagbabadya ng digmaan itong si Raze sa akin nang napahigpit ang kaniyang paghawak ng tinidor. “Nasaan na ang lalaki?”“Iniwan na ako,” tanging sambit ko, saka hindi makatingin sa nagliliyab niyang mata.“Tsk, ‘yon na ang naging karma mo! Pagkatapos mo akong pakinabangan ay maghahanap ka ng ibang lalaki! I guess my mom is right after all!” Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan, saka pinagmasdan ako with a repulsive stare. “From what I know before, hindi ka ga’nong klaseng babae, pero ngayon, natuklasan ko na ang tunay na kasagutan sa mga katanungang napakatagal nang bumabagabag sa akin. “I’m wondering now if you still a virgin. I guess you had multiple sex already with different men. Am I right?” Labis siyang nasusuka sa akin habang tinitingnan.“Zyckiel, that’s enough! You are now crossing the line!” Kidlat sa bilis na lumapit si Crystal upang pigilan si Raze.Tinabig

  • Love Revenge Game    Chapter 48: Novel Series 1 vs Novel Series 2

    CHENANIAH XYRAH’S POVNang matanaw ko ang imahen ni Jamine sa aming pagbaba ng sasakyan ay nangalay ang aking puso, sapagkat bakas sa kanilang mukha ang tuwa’t saya sa isa’t isa. Sinalubong niya si Raze ng isang yakap na hinding-hindi niya matatanggihan dahil sa kariktan ni Jamine, ngunit wala naman itong kagandahang-loob sa mga taong nakararanas ng buhay sa kamao kagaya ko. Pilit akong nagmamaskara ng ngiti habang unti-unting naglalakad patungo sa kanilang direksiyon upang iabot kay Raze ang kaniyang briefcase.“What are you doing here, Jamine? How did you figure out I was here?” Kumawala naman siya sa kanilang pagyayakapan. “I-I- I was caught off guard by your presence here,” Raze’s eyes popped out in amazement.“Well, Crystal texted me that you’re going out together.” Nagningning ang kaniyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “And, she even invited me here just in case you need my help.” Hinawakan ni Jamine ang dalawang palad ni Raze, saka muling pinagmasdan ang mga mat

  • Love Revenge Game    Chapter 47: Second Chance

    CHENANIAH XYRAH’S POVHindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trabaho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila

  • Love Revenge Game    Chapter 46: The Downfall of Mr. Tzu

    CHENANIAH XYRAH'S POV Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito s

  • Love Revenge Game    Chapter 45: The Moment of Truth

    ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang

  • Love Revenge Game    Chapter 44: Heart Ache

    CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b

  • Love Revenge Game    Chapter 43: Love over Sister

    Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l

DMCA.com Protection Status