Naniel Xyraze's POV
Hindi pa rin mapuksa sa paglingap ko ang mga kahihiyan na naganap nang nagkaroon ako ng mabalasik na alerdye. Kahit huli na siya sa kaniyang pinapasukan, dinala pa rin niya ako sa bahay-pagamutan at mainam na binantayan tulad ng isang sanggol na hinding-hindi kayang iwan ng isang mamay.
Nagsalin ako ng kanin sa bandehado na gawa lamang sa plastik at kulay-kapeng asukal. Hindi naman ako maarte sa kumida dahil nakasanayan ko ang pamumuhay ng isang maralita.
Ilang araw na ang nakalilipas bago nagsimula si mommy magtrabaho sa magarang kompanya na binanggit niya kagabi, pero bakit pakiramdam ko nabo-bored ako sa loob ng tahanan ni mommy? Dahil ba'y wala akong libangan? Dahil ba'y wala akong trabaho na puwede sana makatulong sa panggastos sa tahanang `to?
Napabuntonghininga na lamang ako sa tutok ng kisame, saka naisipang lumabas ng bahay para magpahangin at maglakad-lakad.
 
CHENANIAH XYRAH'S POV“Ms. Ricafrente, please make a duplicate copy of this file. Give the original copy to Mr. Villaruel in able for him to check and sign those while the copies are for me. I need those in fifteen minutes and thirteen seconds,” saad ni Ms. Millano, ang lider ng task support team.Napatingala at nang-init ang buong katawan ko dahil unang-una ay hindi ako marunong magseroks ng mga dokumento sa imprentador.Inihalaghag ko ang aking paningin sa buong opisina para lamang magpaturo, pero kahit ano'ng gawin ko ay walang mga nilalang ang libre sa oras.“Paano ako makakapagseroks ng mga papeles kung wala akong sapat na karunungan sa malaking imprentador na iyan.” Dinuro ko ang imprentador, saka nangangamba dahil kanina pa nagsimula ang labinlimang minuto at labintatlong segundo ko.Isang dalaginding na anghel ang lumapit sa gawi ko. Hi
Hindi naman ako napapagod, nasasaktan, o nagrereklamo lamang sa aking mga ginagawa dahil buong-buo ang aking desisyon na bagama't nariyan ang mga sagwil o balakid na mismong hinaharap ko sa 'king madugong paglalakbay, alam ko sa aking sarili na kakayanin ko ito para sa isang taong nagpatibok ng aking puso.Bagama't ilang beses na niya akong itinakwil gaya ng mga gulanit o manlilimahid, mananatiling siya lang ang lalaki para sa akin.Pagkaupo ko sa aking kotse ay agad kong binuksan ang aking data para i-locate ang lokasyon niya. Ang pagmamahal ay gaya lamang iyan ng mapa, ini-explore mo ang tunay na depenisyon ng pag-ibig para lamang mabatid ang isang pook na sadyang sigurado ka na kung tama ba ang pinili mong lokasyon.Malapad na ngiti ang sumalobong sa aking labi nang matuklasan na nasa National Bookstore siya.“I found you, Mr. Young!”Sa labis na kagalakan, h
Sorry, Ebang.Nagising na lamang ako dahil marahas akong niyuyogyog ni Naniel sa aking dalawang balikat. Nanginginig, nanlaki, at sobrang pinagpapawisan ang aking dalawang mga mata at katawan dahil sa isang partikular na pangyayari. Isang matinding bangungot na hindi makagising sa reyalidad.“Mommy, ayos ka lang po?” alalang katanungan ni Naniel.Napakurap ako ng mga ilang beses para tanawin kung nasa reyalidad ba ang lahat ng mga ito o sadyang nanaginip lamang ako.“Naniel, nanaginip lang ba ako?”“Hindi po, mommy. Sa katunayan nga po, kaninang alas kuwatro, ni-unlock na ni Lola Jennelyn ang gabineteng ito kaya dali-dali akong nagtungo rito para alamin kung ano na po ang inyong kalagayan,” pagpapaliwanag niya.“Gano'n ba,” banayad kong sgaot.Habang inaalalayan niya
ZYCKIEL RAZEʼS POV“Good Morning, little brother!”“What the f*ck!”Nagising na lamang ako dahil sa isang nilalang na marahas akong itinulak sa kama kaya bilang resulta, ang buong katawan ko ay nalaglag sa sahig.“Rule #1: No bad words in the house,” panenermon niya.Napabaling na lamang ako sa gawi ni Ate Charity, ang nakatatandang kapatid ko, habang minamasahe ko ang parteng puwit sa kirot.“Anoʼng ginagawa mo rito? Alam mo ba binulabog mo ang tulog ko?” inis kong aniya.“Hindi mo ba ako na-miss, little brother?” pagdadrama niya. “Kasi kung ako ang tatanungin mo... sobrang miss na miss na kita.” Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko para maging pantay kami. Hindi naman siyang nag-atubiling yakapin ako `pagkat parati niya itong gawain: ang y
Chapter 8: Accidentally HappenCHENANIAH XYRAH’S POVOrganisado kong inilapag sa gilid ng aking ekstritoryo ang mga talangguhit at mga ulat sa kanila-kanilang salansanan nang may magandang dilag ang lumapit sa direksiyon ko.“Miss Ricafrente, pinapatawag daw po kayo ni Ms. Millano sa 5th floor.” Ngumiti ito bago tuluyang bumalik sa kaniyang pupitre upang magtipa sa teklado ng kaniyang kompyuter na kulay-rosas.Bagamaʼt ilang distansya lamang ang aming pagitan sa isaʼt isa, hindi ko mapigilan maging mausisa, sapagkat ngayon ko lang napansin ang presensiya niya.Kinulubit ko ang aking kaibigan. “Nica, sino iyon?” bungad ko sa kaniya.“Si Ashley Nedrida iyon. Ang ganda niya, hindi ba?” direktang tugon nito. “Marami ang may gusto sa kaniya rito dahil sa taglay nitong kariktan…” M
CHENANIAH XYRAH’S POVPagkatapos kong magbuhat ng labing-limang mga kahon ay nagtungo ako sa aking pupitre upang pakalmahin ang aking sarili. Pakiramdam ko, nasa exosphere ako, ang huling layer ng atmosphere. Pakiramdam ko rin, nasa inner core ako ng planeta dahil sa temperatura ng aking katawan na punong-puno ng mga pawis.Ginawa kong mapaypay ang aking kanang nang magsalita si Nica. “Oh my god, Niah!” unang bungad nito sa akin. “Niah, gumamit ka naman ng perfume at polbos kasi nangangamoy ka na.” Hinalungkat niya ang kaniyang bagahe upang damputin ang pulbos at perfume, saka inabot sa akin.“Sa loob ng ekstritoryo mo, may extrang handkerchief. Pahiran mo muna ang mga namumuong pawis sa buong katawan mo bago ka mag-apply ng polbos at pabango,” pagpapaliwanag nito.“Masusunod, mahal na reyna.” Pareho naman kaming napatawa nang ma
ZYCKIEL RAZE’S POVSa kasusulyap ko sa munting butas ng bintana ng kuwarto ni Ate Charity, muntik nang malaglag ang hawak-hawak kong popcorn at pineapple juice dahil sa sukdulan ng aking pinapanuod.“Whatʼs happening on you, Charity?” bungad na katanungan ni Rhayne sa nakatatanda kong kapatid. “Baʼt hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka rito sa Pilipinas para man lang masamahan kita?”Nakapameywang na lamang si Ate Charity dahil sa sunod-sunod na katanungan ni Rhayne kaya palihim akong napahalakhak.“Gosh, Rhayne! Youʼre very frustrating!” Binigyan diin ni Ate Charity ang bawat salitang binitawan niya. “Paano ko naman sasabihin sa 'yo kung abalang-abala ka naman sa girlfriend mo?”“W... w-what are you talking about, Charity?” pangungutal na tanong nito habang nanatili pa rin itong nagugul
“Maganda iyon, sapagkat natupad mo 'yong pinapangarap na matagal mo nang pinag-aaralan,” salaysay nito habang pinagmamasdan ang naggagandahang mga paruparo.Napa-side view ito sa akin na ipinagtaka ko. Totoo ba talaga ang senaryong ito? O sadyang nagpapanggap lamang ito na tila walang nangyari sa aming nakaraan?“How about you?” pabalik kong tanong. “Are you happy to the rich man youʼve exchanged than me?”Bumalot naman ng ilang minutong katahimikan hanggang sa napasulyap ito sa aking mga mata. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata how serious she is.Banayad niya akong nilapitan. “T… t-teka, Xyrah. What are you doing?” Hindi ko natipuhan ang kaniyang inaasta, sapagkat hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin sa kalalapit patungo sa gawi ko.Habang patuloy pa rin ito sa kalalapit sa akin, patuloy rin ako umuusog o umatras ng ilang sentimetro. Laking gulat ko nang itinulak niya