Home / Romance / Love Revenge Game / Chapter 3: Naniel Xyraze

Share

Chapter 3: Naniel Xyraze

Author: ElenaPanorama
last update Huling Na-update: 2020-09-17 19:54:58

CHENANIAH XYRAHʼS POV 

“Ano ba naman 'to, Niah. Naghihirap na nga tayo, nagdala ka pa rito ng isang batang kalye. Ipaaalala ko lang sa 'yo, Niah, hindi ito bahay-ampunan,” pagsesermon ng aking nanay sa akin. 

“Nay, hʼwag muna ngayon. Please lang.” 

“Mga salot talaga kayo sa pamamahay,” hiyaw nito. 

Hindi na ako muling sumagot sa debate namin ni nanay bagkus ay dire-diretso lang kami pumasok ng kuwarto. Binaba ko naman siya sa kama dahil karga-karga ko sʼya at mataman na sinulyapan ang kaniyang mga mata. 

“Pagpasensiyahan mo na ang nanay ko. Huwag mong pakinggan ang mga sinabi niya. Hindi ka salot,” ani ko. 

“Opo, naintindihan ko po, ate.” 

“Pumunta muna tayo sa palikuran, papaliguan kita dahil medyo may amoy ka na,” ngiting komento ko sa kaniya. 

Ngumiti lang ito bilang tugon at sumama sa akin para pumunta ng banyo. Mabuti na lang may banyo sa loob ng kuwarto ko para hindi ko na kailangan lumabas ng bahay. Maigi kong nilinis ang kaniyang mga kamay at paa dahil sa mga putik, amoy ng basura, at mga tae na nasa kaniyang butas na tsinelas. 

Inalis ko ang kaniyang tsinelas, hinubad ang kaniyang damit, at short. Pati rin ang mga damit nʼyang butas-butas at punong-puno ng bahid ng mga uling. Ang kaniyang itim na buhok na medyo may kahabaan at pagkakulot ay magulong-magulo; itoʼy hamak na amoy. 

Kinuha ko naman ang natitirang shampu sa lalagyan at binuksan ang bagong biling sabon na kulay-rosas para kuskusin ang mga duming nasa katawan niya. 

Ilang timba na aking nagamit, ngunit hindi pa rin mawala-wala ang dumi kaya kahit ilang oras na kaming nasa banyo ay tiniis ko na lang ang pawis dahil mahal ko ang batang 'to. Habang naliligo siya ay minamabuti kong tanungin s'ya. 

“Ano'ng pangalan mo?” 

He shrugged. “Hindi ko alam, ate,” tipid niyang sagot. 

“Bakit naman?” 

“Hindi kasi ako tinatawag ni nanay sa totoo kong pangalan. Parati akong nagtatanong sa kaniya, pero iniiba niya ang usapan. "Baby" ang tanging tawag niya sa akin at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sana malaman ko rin ang totoo kong pangalan, pero imposible na talaga iyon,” matamlay niyang katwiran. 

“Ganoʼn ba, ako na lang ang magbibigay ng magandang pangalan para sa 'yo.” 

“Talaga po?” kitang-kita ko ang kislap ng kanyang mga mata na kasing ningning ng araw. 

“Ano naman po 'yon, Ate Niah?” 

“How about...” saad ko nang may naisip akong pangalan na nagtataglay ng dalawang salita at apat na pantig. 

“Naniel Xyraze,” ngiting sagot ko sa kaniya. 

“Bakit 'yon ang naisip mong pangalan, Ate Niah? Sa nakikita ko kasi ay lubos kayong nagagalak nang ibigkas mo ang ngalang 'yon.” Natigilan naman ako sa pagku-kuskos ng buong katawan niya. Napalunok tuloy ako ng tatlong beses. 

“Naniel kasi galing 'yon sa pangalan ko at ni Zyckiel. Ang Xyraze naman ay galing sa Xyrah ko at Raze kay Zyckiel,” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Hindi ko nga aakalain na iyon ang mabubuo kong pangalan sa isip at puso ko. 

“Sino siya? Kaano-ano mo ba si Kuya Zyckiel Raze?” Lihim akong napabuntonghininga. 

“Siya 'yong lalaking minahal ako ng buong-buo, pero sinaktan ko siya. Durog na durog ang puso nʼya noon at napalitan ng galit ang puso niya,” mahinahon kong sagot. Peke akong napangiti sa kanya at pinipigilan ang mga luha na nasa mga mata ko. 

“Bakit naman?” 

“Mahabang istorya, Naniel. Basta ang alam ko ay aabot sa labing-dalawa o higit pang kabanata.” 

“Mahal mo pa rin ba siya, Ate Niah? Kasi sa mga pinapanood kong teleserye sa palengke na mayroong mga telebisyon ay nadadatnan ko na kaya raw nakipaghiwalay ang karakter ay hindi na nʼya ito mahal o 'di kaya minsan may matinding pagsubok ang hinaharap ng karakter,” pagpapahayag n'ya. 

Sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi ko pa alam. Sa ngayon ay magpo-pokus muna ako kay Naniel at nanay. 

ZYCKIEL RAZEʼS POV

“Alam mo, Zyckiel, Ms. Chenaniah Ricafrente is my employee for over two years kaya sobrang nakadidismaya noʼng nilisan na niya ang cafe shop na ito. She's constantly worked really hard for her wicked mother,” malungkot na pagwiwika ni Ninong Benedict habang nakasandal sa swivel chair ng opisina niya.

Napakamot naman ako ng ulo dahil may isa lang akong pinagtataka. “Ninong, bakit walang nakasulat sa resume niya na mayroong siyang trabaho rito. Like you said, sheʼs working here for over two years,” tanong ko habang nasa harapan niya. 

Napangisi naman si Crystal. “Why are you so curious, Zyckiel? Do you know her?” pananawsaw ni Crystal sa usapan namin ni ninong. 

Lihim ko naman sʼyang sinamaan ng mga tingin. “C'mon, Crystal, alam mo bang masama ang pambabara ng dalawang nag-uusap? As for your second question, I donʼt know that girl. Get it!” 

“Oh, youʼre affected.” 

“Come on guys, stop it,” saad ni Ninong Benedict. “Actually, Niah is working five times in one day. Iba-iba ang kaniyang trabaho sa iisang araw. Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho rin sʼya bilang construction worker. 

“What?!” gulat na gulat na tanong ni Crystal sa buong opisina ni ninong. Pati ako ay narindi dahil sa lakas nitong reaksiyon.

Maski ako ay nagulat sa aking natuklasan sa kanya. Construction worker? How... hilarious. Sa pagkakaalam ko ay mga kalalakihan lamang ang puwedeng magtrabaho roon dahil ang mga kalalakihan lamang ang may kakayanan sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. 

“Are you sure, Mr. Fabillo? Working in the construction? How utterly ridiculous. I donʼt believe it. That woman was totally unbelievable, really,” 'di makapaniwang aniya ni Crystal, saka huminga nang malalim. 

“Ninong, maybe sheʼs lying. You know, girls usually lied. Huwag po kayong maniniwala sa kanya, ninong. Like Crystal mumbled, itʼs utterly ridiculous.” 

“Gosh! Youʼre copying me, Zyckiel.” Napataray ito at ngumisi. 

“Crystal and Zyckiel, Iʼm not lying, understood?” mahinahon niyang paliwanag sa amin. “In fact, parati siyang may mga sugat sa kaniyang palad, paa, at minsan din sa mukha dahil sa mabibigat na pagbubuhat niya. Niah is really strenuous mademoiselle, Zyckiel. Alam niyo ba na nagbubuhat din siya ng mga sakong gulay, galapong, prutas, at gawgaw sa mga palengke para lang kumita. Mahigit dalawa o tatlong oras siya roon kaya minsan nahuhuli siya sa trabaho papunta rito. Sheʼs labour-intensive. Sa dalawa niyang taong nagta-trabaho rito ay nakita ko ang tunay niyang ugali: siyaʼy matrabaho, mapagmahal sa kaniyang pamilya, at maaruga,” salaysay niya. Maigi kaming nakikinig sa bawat pangungusap na binibigkas ni ninong. 

I really hate that girl. Pati ang isipan ni ninong ay nilalason niya. Kung alam mo lang ninong ang tunay niyang pag-uugali ay tinitiyak kong mabibigla ka. Xyrah is very good at trickering people. Buti nga sa 'yo, Xyrah. 

“Come on, ninong. That lousy girl is lying. Ninong, alam ko naman na sobrang bait mo, pero hʼwag mong hayaan na lasunin ka ng babaeng 'yon. Sheʼs obviously lying,” may halong galit na sagot ko kay ninong. 

“Oh, I see. Xyrah is really different from all the woman. But Mr. Fabillo, Zyckiel is right, a woman named Xyrah is actually lying about her identity. Hindi po natin alam ang kanyang background so Mr. Fabillo, donʼt be so amiable to her because that woman is hiding something, right, Zyckiel?” 

Napatango naman ako. “Yes, youʼre right.” 

Napabuntonghininga naman si ninong dahil sa mga pinagsasabi namin ni Crystal. “Wait a minute, kanina ko pa nahahalata sa inyong dalawa. Do you know her?” Lihim naman akong napataray at hindi makapagsalita. “Alam ko sinabi ninyo na hindi, pero parang magaling kayong maghusga sa kanya. Hindi naman kayo ganoʼn lalong-lalo na kapag unang tingin niyo pa lang sa isang tao. Pagdating kay Ms. Ricafrente ay parang kilalang-kilala niyo siya. Sabihin niyo nga ang totoo, do you really know her?” Umiling naman ako at nagsinungaling. 

“I donʼt know her, ninong,” pagkukunwari kong hindi ko siya kilala. Ayaw na ayaw ko na sʼyang maalala sa isipan ko. I may be know her in the past, but now, Zyckiel Raze Villaruel is totally different. 

“Crystal?” Napalingon naman si ninong sa kaniya. Lihim ko naman kinuyom ang aking dalawang palad dahil sa galit at inis sa bababeng 'yon. 

“Mr. Fabillo, Xyrah is Zyckielʼs ex-girlfriend,” bulgar ni Crystal kay ninong. Lihim ko naman siyang sinamaan nang tingin dahil sa pagsabi niya kay ninong ng totoo. 

“Niloko mo siya?” Biglang kumulo ang ulo ko sa galit. 

“What! No way!” madaling pangangatwiran ko at hindi namalayan na napataas na pala ang tono ng pananalita ko sa buong opisina ni ninong. 

“Iʼm sorry, ninong,” I mumbled gently. 

“Hindi ako ang nang-iwan kundi siya. Sheʼs the one who broke my heart back then. Itʼs all because of that foolish money. Sheʼs ultimately a gold-digger, ninong. Ginamit lang niya ako dahil sa pera ko,” dagdag at pagpapaliwanag ko. 

Hindi naman ako ang klaseng tao na hindi pinapahalagahan ang salita at depinisyon ng tunay na pag-ibig dahil palaging nasa puso ko ang mga aral na tinuro sa akin ni daddy noʼng naging kami. 

“Love someone by using your heart not your mind. 'Cause mind can change, but your heart will never change. Be a real man that is willing to love not a trickster.” 

Ako ang klaseng lalaki na kapag nagmamahal ng isang tao ay hinding-hindi sasaktan ang kanyang nobya dahil nagpapawis at nagpakahirap akong kunin ang kanyang matamis na sagot, pero sa huli ay ako pa rin ang nauwing luhaan at nasaktan.

“Si. Ms. Ricafrente pala 'yon,” 'di-kuntentong sabi niya habang napasandal sa swivel chair. 

“Yes, Mr. Fabillo. Xyrah is genuinely a wicked lady. She broke Zyckielʼs heart, and thatʼs why he changed exceedingly.” 

“Are you sure?” paniniguradong tanong nito. 

“C'mon, ninong. Hindi ako magsisinungaling sa inyo. Iʼve never lied to you, ninong, since I was born in this globe,” pagwiwika ko dahil hindi siya naniniwala sa amin ni Crystal. 

Crystal laughed. “You never lied to him? What a nice joke, Zyckiel. Nagtanong pa nga kanina si Mr. Fabillo kung kilala mo si Xyrah, pero umiling ka at sumagot na hindi. Ano kami... tanga? You're really a good liar, you know that?” pagsasabat niya sa usapan namin. 

I just rolled my eyes. “Panira ka talaga, Crystal,” inis kong komento. 

“Zyckiel, Xyrah is not that kind of girl. Hindi ako naniniwala sa inyo kasi kung totoo man ang mga iyon, baʼt nagpapakahirap siya magtrabaho para sa kanyang ina? Nasaan na ang kanyang kasintahan na sinasabi ninyo? Baʼt nahihirapan siya maghanap ng ibaʼt ibang mga trabaho?” sunod-sunod na tanong sa amin ni ninong. 

“Ninong, youʼre not a police or part of NBI kaya hindi ko sasagutin ang mga katanungan niyo dahil hindi ko alam,” katwiran ko. 

“Zyckiel is right, Mr. Fab—” 

“Call me, ninong. Parang wala naman tayong pinagsamahang tatlo.” 

“Sorry, ninong.” Natawa sila. 

“Hindi namin alam ang tunay na dahilan at baka hindi nagtagal ang relasyon nila.” 

“Zyckiel, be an investigator. Investigate her until you find the answer,” payo niya sa amin. 

“Ninong, Iʼm not a stalker. I wonʼt do that because I finally forgot her myself. Galit na galit ako sa kanya, ninong, dahil may nawala rin sa akin noon. Doble ang paghihinagpis ko nang iwan nʼya akong luhaan, pero lahat ng mga 'yon ay naging kalakasan at pangaral ko. I will never forgive that girl.” 

“Zyckiel, never say never,” ngiti niyang saad. “I have a meeting with the board members. Magtatayo rin kasi kami ng coffee house sa California,” dagdag nito at napatingin sa suot-suot niyang relos. 

“Sure, ninong. Thank you for the time.” Tumayo na ako at naunang nilisan ang opisina dahil may mahalaga pa akong gagawin. 

Dabog nang dabog ako palabas ng opsina dahil sobrang inis na inis ako kay Crystal. Ang bilin ko sa kanya ay hinding-hindi na namin babalikan ang nakaraan dahil sobrang masakit ang pinagdaanan ko noon. Sobrang daldal talaga itong kaibigan ko tulad noʼn hayskul pa kami. Magaling magdebate sa mga paligsahan sa paaralan namin kaya parating panalo dahil sa pinaka-iingatan nʼyang bibig. 

“Hoy! Zyckiel, wait for me,” inis niyang tawag sa akin habang mabilis akong naglalakad papunta sa kotse. Hindi ko naman siya nilingon at nagpanggap na walang narinig. 

“Excuse me! Donʼt regret me, Zyckiel. Ang klaseng babaeng marikit na tulad ko ay hindi binabalewala!” hiyaw niya habang hinahabol ang bawat yapak ng mga paa ko. 

Lumingon naman ako at tinarayan siya. “Excuse me, Crystal. Youʼre so proud to yourself. Hoy! Hindi ka maganda,” pagsisinungaling ko para naman makaganti ako sa kaniya. 

“How dare—” 

“Shut up, will you?” I muttered. 

“Fine,” she answered me directly. 

Pagdating namin sa parking lot ay agad-agad kaming pumasok ng kotse dahil sa mga maagang gawain namin. 

“Look, Zyckiel. Sinabi ko lang 'yon dahil ayaw kong mapunta sa impyerno. Iʼm a good girl kaya. Mabuti na ang ex-girlfriend kaysa asawa na nakipaghiwalay sa 'yo.” 

“Gosh! Crystal. Fine, I forgive you. Itʼs not really big deal for me. Forget it.” 

“Sure, you finally come to your senses, my boss. By the way, whatʼs our plan for tomorrow upon her?” pag-iiba niya ng paksa. 

“The gory game will begin tomorrow,” may halong nakatatakot na tono na pagwiwika ko. 

Humanda ka, Xyrah.

“Just donʼt forget the consequences when you lose the game, understood?” 

Ngumisi ako. “Of course, I will surely win this game, donʼt worry, Crystal. Never to worry about.” 

“Just like ninong mumbled, never say never. Hindi mo hawak ang oras at panahon, Zyckiel. Hindi ka sigurado kung mananalo ka ba sa laro o hindi. Hʼwag kang magsalita na hindi sigurado.” 

“Donʼt worry, Crystal. Iʼm sure about what I mumbled recently. Love Revenge Game will be the sanguinary and brutal game between me and her. Just watch, Crystal. Just watch,” pagmamayabang kong ani sa kanya. 

CHENANIAH XYRAHʼS POV 

Kasalukuyang nasa loob kami ng kuwarto kasama si Naniel, ang batang kinupkop ko sa kalye. Hinihintay ko siyang matulog mula sa aking palad. Magkatabi kaming nakahiga sa munting kama. 

“Magkuwento ka naman, mommy,” saad nito. 

Napangiti na lang ako dahil gustong-gusto niyang tawagin akong mommy. Pumayag naman ako dahil ayoko siyang magtampo o madismaya kung hindi ako pumayag. 

“Wala akong istorya para sa 'yo dahil wala akong mga libro pambata. Wala kasi akong pera, saka nawala na noʼn nagkaroon ng bagyo kaya ayon, nabasa at dinala na ng baha,” pagpapaliwanag ko sa kanya. 

“Mommy, hindi naman ganoʼn ang ibig kong sabihin. Ang nais ko po ay 'yong love story ninyo kay Daddy Zyckiel Raze Villaruel.” 

Napakagat labi na lamang ako dahil wala akong maisasagot sa kanya. Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa gulat na tinawag niyang daddy si Raze. 

“Bakit daddy ang tawag mo sa kaniya, baby?” takang tanong ko, sabay kunot ng noo. 

“Kasi mahal mo pa sʼya. Ang isang mommy ay mahal na mahal ang kaniyang asawa o daddy ng kanilang anak,” pangangatuwiran niya, sabay hawak ang aking kamay habang nakahiga sa katre. 

“Baby, hindi naman mahal ni daddy si mommy, saka hindi ko naman siya mahal kaya pareho sila... walang tanging pagmamahal sa isaʼt isa,” paglilinaw ko sa kaniya. 

“Mommy, life is full of surprises. Maniwala ka lang sa sarili at tadhana. Nararamdaman ko na sobrang mahal mo pa siya dahil sa mga alaalang nabuo ninyo noon. Binigyan mo pa nga ako ng pangalan na kombinasyon ninyong dalawa.” 

Pinisil ko naman ang kanyang mga kamay dahil sa napapansin ko sa kanya ay sa murang edad may taglay na itong katalasan sa mga bagay-bagay tulad ng; pag-ibig, buhay ng isang tao, at iba pa. 

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi na ako maghahanap ng ibang lalaki kahit manligaw pa ito sa akin. Ayoko na magmahal ng iba. 

Napalinga naman ako sa gawi nʼya at napansing mahimbing na itong natutulog. “Good Night, Naniel Xyraze.” Hinalikan ko siya sa pisngi. 

Time will come that you will regret something. And you will wish to reverse the time just to make it right.

Pinikit ko na ang aking mata dahil dinalaw na ako ng antok. May mga trabaho pa ako bukas, at bukas rin ay makikita ko ulit ang maamo niyang mukha. Sana lang ay hindi ko 'to pagsisihan dahil ayokong masaktan ulit. 

“After what youʼve done for me, Xyrah. You will leave me like this? Sa tingin mo ba ay papayag ako ng ganoʼn-ganoʼn lang? Hindi! I gave everything for you, but you still choose that man over me. Are you really a gold-digger? I wonʼt let myself trick by you again. Iʼm tired because of the pain Iʼve been through, Xyrah,” he was so furious while we are inside the affright cave with many perilous animals beside him. 

Theyʼve been gave me bad stared instantly while I was on the chair, and a thick brownish rope was on my hands and feet. 

“You were looking at my animals, donʼt you, Chenaniah Xyrah Ricafrente?” ika niya habang tumatawa na kasing tulad ng mangkukulam. 

“Stop this nonsense, Raze,” pagsusumamo ko sa kaniya habang ang mga hayop na nasa tabi niya ay unti-unting lumalapit sa gawi ko. Pinapalibutan na nila ako. 

“No! Hindi ako titigil hanggaʼt lumisan ka na sa buhay ko, Xyrah. You gave me pain back then. Ipatitikim ko sa 'yo ang sakit na naramdaman ko noon,” wika niya habang mabilisan kinuha ang isang matulis at maliit na kutsilyo mula sa kaniyang bulsa. 

“Get ready to die, Xyrah. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo kaya papatayin na lang kita at pagkatapos ay ipakakain kita sa aking mga alagad, naiintindihan mo ba?” 

Nanginginig na ako sa takot dahil sa tono ng mga pananalita ni Raze. Hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha dahil sa takot at sakit. Hindi ko naman sinasadya ang kaniyang paghihirap noon. Ang tanging hiling ko lang ay sana mapatawad na niya ako kahit man lang bago niya ako patayin sa kuwebang ito. 

“Goodbye, Xyrah.” 

Tumakbo siya papunta sa akin at unti-unti akong napapikit. “Huwag!” sigaw ko. 

Napabalikwas ako sa kinahihigaan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa takot at hinahabol ang sariling hininga. 

“Panaginip lang pala iyon,” mungkahi ko habang pinagpapawisan. 

Napalinga naman ako sa gawi niya at nakita na mahimbing na natutulog si Naniel. Minabuti ko na lang bumangon dahil hindi na ako makatulog ulit sa pangangamba. 

Gusto akong patayin ni Raze dahil sa mga pinaggagawa ko sa kaniya noon. Ang akala ko ba ay nakamove-on na sʼya sa akin, pero parang... hindi pa. Kung tuluyan na nga niya akong kinalimutan, baʼt nagpakita siya sa panaginip ko kanina? Bakit gusto niya ako patayin at pahirapan bukod sa pangloloko ko sa kanya? 

Napatingin ako sa orasan na nasa bubong. Alas-singko na pala. Dahan-dahan akong bumangon kahit hindi pa sumisikat ang sinag ng araw. Inayos ko muna ang aking itsura sa pamamagitan ng; paghihilamos ng mukha, pagsusuklay sa nagkakalat na mga buhok, at uminom ng tubig dahil sa madugong panaginip ko. 

Pagkatapos ay nagtungo ako sa salas para tingnan kong nariyan ba si nanay. Sa oras na ito ay parati siyang maagang gumising para uminom ng alak at chichirya. 

“Nay, puwede ba tayo mag-usap?” tanong ko sa kaniya samantala siya ay kain nang kain at inom nang inom. 

Napalinga naman siya sa akin. “Ano naman 'yon?” komento rito at nilagok ang baso na may alak. 

Tumabi naman ako sa tabi niya, pero umusog ito kaya napabuntonghininga na lang ako. Ayaw na ayaw talaga niyang tabihan ko siya kahit ilang metro.

“Dito na po titira si Naniel, nay,” tipid kong saad sa kaniya. 

Nanlaki naman ang mga mata niya bago sumagot, “'Yong batang iyon! Ano ka ba naman, Niah! Nagkukulang na nga tayo ng pera dito ay dadagdag pa ang batang kalye na dinala mo!” 

“Nay, wala na kasi siyang matutuluyan. Wala na siyang pamilya,” kalmadong sagot ko. 

“Ano naman? Nasa kalye nga dahil ulila! Tapos magdadala ka rito ng basura. Hindi natin problema ang mga 'yon, Niah. Kasalanan ba natin kung bakit nawalan siya ng mga magulang at tirahan? Paʼno kung magnanakaw 'yan?” pagsesermon niya habang dinuro-duro niya ang kaniyang kaliwang hintuturo sa pagmumukha ko. 

“Nay, ano naman ang nanakawin dito? Wala nga tayong mamahaling gamit. Halos walang laman ang ating tirahan,” pangangatwiran ko. 

“Aba! Ang galing naman nito. Hoy! Ano ang tawag mo sa inuupuan natin? Anoʼng tawag mo sa mesa, kama, pinggan, alak, at chichirya ko? Gamit at pagkain 'di ba? Ikaw, ang boba-boba mo!” 

Panandalian ko namang pinikit ang aking mga mata. “Nay, alam ko naman po 'yon—” 

“Alam mo naman pala, baʼt nakikipagdebate ka pa sa akin? Umalis ka na nga! Panira ka talaga ng araw!” 

“Nay, sige na po. Mabait naman si Naniel. Magta-trabaho naman ako para sa inyong dalawa,” pagsusumamong ani ko. 

“Bahala ka nga! Basta kung mayroong mawala kahit isang bagay ay tinitiyak kong mananagot ka! Naiintindihan mo!” 

Napangiti naman ako. “Salamat po, nanay.” 

“Hʼwag kang ngumiti, Niah. Ang pangit mo! Umalis ka na nga!” Agad ko naman siyang sinunod. Tuwang-tuwa ako dahil dito na titira si Naniel. Masayang-masaya talaga ako. 

Hindi naman siguro magnanakaw si Naniel. 

May tiwala ako sa kanya. Nararamdaman ko ang kabaitan na nanalaytay sa dugo niya. 

***

Sa labis na kagalakan ay nagtungo ako sa palengke para bumili ng masarap na ulam para sa kanilang dalawa. 

“Ano kaya ang magandang ulam para kay nanay at Naniel?” 

Maraming mga masasarap na prutas ang aking nakita pero hindi ko naman kayang bilhin 'yon dahil sobrang mahal. Nariyan ang mga mangga, mansanas, dalandan, mga ubas, at marami pang iba. 

“Niah, gusto mo ba ng mansanas?” tanong sa akin ni Aleng Lorna.

Umiling naman ako. “Hindi po, wala pa kasi akong pera.” 

“Parati mo kasi binibigay ang mga pera mo sa malditang nanay mo. Kung ako sa 'yo, bumili ka ng mga gusto mo bago mo ibigay sa kanya lahat.” 

“Aleng Lorna, mahal ko po kasi si nanay,” sagot ko. 

“Maraming nababaliw sa pag-ibig.” Umiling-iling ito. “Sige, bibigya kita ng dalawang mansanas dahil alam ko na paboritong prutas mo 'yan. Libre lang ito para sa 'yo kaya huwag na huwag mong bibigyan ang nanay mo kundi lagot ka sa akin,” pangbubula niya sabay kuha ng dalawang mabibilog, nagkikinisang, nagtatabaang, at nagsasarapang mansanas. 

Napangiti naman ako at napatango. “Maraming salamat, Aleng Lorna. Alam na alam niyo talaga ang gusto ko.” 

“Nakalulungkot lang dahil hindi ka niya gusto,” panghuhugot niya. 

“Si Aleng Lorna talaga,” aniya ko. 

“Huwag mong bigyan ang nanay mo, Niah. Maliwanag ba?” 

Tumango naman ako. “Opo, maraming salamat po, Aleng Lorna.” 

Bitbit ko na ang dalawang mansanas na nasa loob ng puting selopin. Masayang-masaya ako dahil ilang taon na akong hindi nakakakain ng mansanas. Ang ibang mga tindera at tindero ay mababait sa akin, samantala ang iba naman ay hindi dahil kay nanay. 

Nagtungo naman ako sa tindahan ng mga hotdog, hamon, at manok, at nadatnan ko sina Mang Tope at Aleng Myrna, ang mag-asawang Raynera, na abalang-abala sa paghihiwa ng mga hilaw na mga manok sa katamtamang sukat na chopping board. 

Sila lang naman ang mag-asawang tapat sa isaʼt isa at naniniwala sa tunay na pag-ibig kaya sa edad na dalawampu silaʼy nagpakasal na hindi iniisip ang kanilang magiging kapalaran. Ngayon, pitong-taon na silang kasal at biniyayaan ng isang malusog at magandang sanggol; siyaʼy apat na taon pa lang. 

“Aleng Myrna,” tawag ko sa kaniya habang akoʼy palapit nang palapit. 

Napalinga naman siya gawi ng boses ko. “Niah, ikaw pala,” ngiti niyang sabi habang nilalagay ang mga hiwang mga manok sa dilaw na selopin. 

“Niah, anoʼng sa 'yo? Lumpia na gawa sa gulay, lumpia na gawa sa karne, o hotdog, hamon, o manok?” tanong ni Mang Tope sa akin habang kumukuha ng isang buong manok sa repridyeretor. 

Umasta naman akong nag-iisip. “Syempre, manok. 'Yon ang paborito ng bata,” sagot ko. 

“Sinong bata ang binabanggit mo? Wala ka namang kapatid o anak, 'di ba?” takang napatanong si Aleng Myrna. 

“Aleng Myrna, talaga. May kinupkop kasi akong bata sa lansangan kagabi kaya dinala ko na lang sa bahay. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya, Aling Myrna, Mang Tope. Basta, hindi ko maipaliwanag sa inyo nang maimis,” pagpapaliwanag ko habang nakangiti sa kanilang dalawa. 

“Buti pumayag ang nanay mo, Niah,” komento ni Mang Tope.

“Oo nga, Mang Tope. Alam niyo po sa dinami-daming mga batang nasa lansangan kagabi ay si Naniel lang ang nahagip ng mga paningin ko.” 

“Ganiyan talaga kapag ang isang tao ay nagtataglay ng busilak na puso,” sabi ni Aleng Myrna. 

“Opo,” tipid kong sagot. “Muntik ko nang makalimutan, Aleng Myrna, Mang Tope, isang buong manok nga para sa kanya,” dagdag ko. 

“Sige, Niah. Dahil sa batang 'yan, ay bibigyan kita ng discount,” pagwiwika ni Mang Tope. Nagsimula na niyang hiwain ang binili kong manok. 

Napatango naman si Aleng Myrna. “Oo, Niah. Alam naman namin na mabait ka kaya nga lang nakalulungkot lang dahil nariyan ang nanay mo,” matamlay na komento ni Aleng Myrna. 

“Huwag na kayong madismaya, Aleng Myrna. Mahal na mahal ko po ang nanay ko tulad ng inyong pagmamahalang dalawa ni Mang Tope,” aniya ko. 

“Eksakto, tumpak na tumpak ka riyan, Niah. Ang pagmamahal mo sa nanay mo ay kasing lawak ng pagmamahal ko kay Aleng Myrna.” 

“Naku, ang asawa ko talaga. Mahal kita, Tope.” 

“Mahal din kita, Myrna.” Hinalikan ni Mang Tope si Aleng Myrna sa labi. 

“Naku, naman. Baka maging keyk stand na itong tindahan niyo dahil sa nagtatamisang mga puso,” pangbubula ko sa kanilang dalawa. 

Inabot na ni Mang Tope sa akin ang pulang selopin na naglalaman ng mga hilaw na manok at agad ko naman itong inabot, sabay abot ng bayad sa kaniya. 

“Alam mo, Niah. Dahil nasa tamang edad ka na, maghanap ka na rin ng lalaking magmamahal sa 'yo. Para naman makatakas ka na sa mga kadenang nasa mga paa mo at tuluyang makalaya sa madudugong bilangguan,” pangangatuwiran ni Aleng Myrna. 

“Hindi muna ngayon dahil hindi ako na naniniwala na may magmamahal pa sa aking iba.” 

“Hʼwag kang magsalita ng ganiyan, Niah. Huwag kang magsalita ng hindi tapos dahil minsan nagiging kabaliktaran iyon,” saad ni Mang Tope. Ngumiti naman ako at napawalang-imik.

Tama ba ang mga sinalaysay ko kanina? Magmamahal pa kayo ako tulad ng dati? May papatol pa kaya sa isang tulad ko na nakakasuklam, pangit, at hindi nakapagtapos ng pag-aaral? 

Tama kaya sina Mang Tope at Aleng Myrna na kailangan ko nang maghanap ng lalaking magbibigay sa akin ng maginhawang buhay? At para na rin makatakas sa madugong kulungan? 

“Maraming salamat po sa inyong dalawa. Laking pagsasalamat ko dahil may mga mabubuting nilalang pa ang natitira sa mundong ito.” 

“Walang anuman, Niah.” 

“Basta, tandaan mo lang ang bilin namin ni Tope sa 'yo,” sabi niya. 

Nagtungo naman ako sa tindahan ng mga gulay para bumili ng mga sibuyas, bawang, paminta, toyo, suka, at asukal para sa gagawing adobo na manok. Naisipan ko na lang gawin adobong manok kaysa pritong manok dahil medyo matagal-tagal din ang pagpri-prito at sayang ang mga mantika na gagamitin ko. 

“Kuya, ilan lahat ang mga pinamili ko?” tanong ko rito. 

“Limampuʼt-tatlo, binibini.” Inabot ko naman agad ang pera. 

“Salamat, kuya.” 

Nang makumpleto ko na ang mga pinamili ko ay agad-agad akong dumiretso sa bahay para magsaing ng kanin at magluto ng adobo. Tiyak magugustuhan ni Naniel ang luto ko tulad noʼn nagustuhan niya ang unang ulam na niluto ko para sa kaniya. 

Napabuntonghininga na lang ako at nagtuloy-tuloy maglakad. 

ZYCKIEL RAZEʼS POV

Alas-singko ako nagising kahit hindi pa sumisikat ang araw dahil sa sobrang excitement kasi magsisimula nang magtrabaho si Xyrah mamayang alas-siyente. 

Ibig sabihin ay magsisimula na ang kontrata at laro namin ni Crystal para sa kanya. Tinitiyak kong magsisisi ka na pinasok kita sa kompanya ko, Xyrah.

Napangisi na lang ako habang sinusuot ko ang uniporme pang-ehersisyo. Nagsimula na akong magjogging sa buong kalsada papunta sa park. 

Isang oras ang lumipas ay pawis na pawis at pagod na pagod na ako kaya naisipan ko na lang maglakad pauwi. 

Dumaan ako sa palengke dahil bibili ako ng mga prutas at mga gulay. Nagtungo ako sa mga tindahan ng mga prutas at doʼn na bumili. 

Natigilan na lang ako nang makita ko ang isang prutas na unang-una kong nahagip sa paningin ko: ang mga mansanas. 

“Magandang umaga, ginoo. Nais niyo po ba ng mga mansanas?” tanong sa akin ng tindera. “Alam niyo po, ginoo, paborito 'yan ng isang dalaga rito," dagdag niya at dinuro ang mga matatamis, nagtatabaang, at nagsasarapang mga mansanas. 

“Hindi po—” hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil muli siyang nagsalita. 

“Ayun sʼya, ginoo.” Napalinga naman ako at nahagip siya na nasa tindahan ng mga manok. 

Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita ang likuran niya. 

Siya ba 'yon? 

“Si Niah 'yan, ginoo. Ang mabait na anak dito sa barangay namin. Mahilig siya sa mga mansanas kaya binigyan ko siya ng dalawa dahil halatang-halata na gustung-gusto niya ito.” Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil ayaw na ayaw ko na siyang maalala kahit ang paborito nʼyang prutas. 

“Baby boy, bili tayo ng sampung kilo ng mga mansanas doʼn” pagsusumamo niyang wika habang dinuduro ang mga mansanas. 

Natawa naman ako. “Sampung kilo?” gulat na gulat kong tanong sa kanya habang tawa pa rin nang tawa. 

“Oo, bakit ayaw mo?” matamlay niyang saad. 

“Hindi naman, baby girl. Nagbibiro lang ako, alam na alam ko naman na paborito mo 'yan kaya bibilhan kita ng tatlong kahon na naglalaman ng mga mansanas.”

“Talaga!” kitang-kita ko sa mga mata niya ang bawat pagkislap nito kaya mas lalo akong napapamahal sa kaniya. 

“Oo naman, baby girl. Ang pagmamahal ko sa 'yo ay parang mga mansanas; itoʼy matamis kasing tamis ng pagmamahalan natin; at itoʼy makatas.” 

“Hoy!” isang babae ang humiyaw sa tenga ko. “Baka matunaw ang mga mansanas!” bulyaw niya ulit kaya napalinga ako sa direksiyon ng boses. 

“Crystal? Baʼt narito ka sa palengke? Anoʼng ginagawa mo rito, Crystal?” 

“I was following Khiel. Hindi ko naman aakalain na magkikita tayong dalawa rito sa palengke,” katwiran niya. 

“Grabe, pati mga mansanas ay natitipuhan mo na. Bakit? You remember her eating plenty of apples. You remembered the 'queen of apples' back then,” dagdag niya, sabay 

halakhak. 

“I donʼt know what youʼre talking about, Crystal.” Mabilisan akong naglakad palayo sa kaniya. 

Gosh! 

I really hate revising the time and memories with her. 

Unbelievable!

Kaugnay na kabanata

  • Love Revenge Game    Chapter 4: Villaruelʼs Game Launching Company

    CHENANIAH XYRAHʼS POV“Ang sweet nilang dalawa, 'di ba?”“Oo nga, kahit masungit ang boss natin, pero sa nakikita ko naman ay may gusto si Mr. Villaruel sa kaniyang sekretarya na si Ms. Fernandez.“Tama ka, siguro naman balang araw ay hindi na malamig ang pagta-trato ni Mr. Villaruel sa atin.“Sana dumating ang araw na magiging masaya rin ang boss natin kay Ms. Fernandez kumpara sa naging jowa niya noon na walang ginawa kundi perahan siya.”Hindi ko maiwasan maisip ang mga salitang narinig ko kahapon noʼng paglabas ko ng opisina ni Raze. Nakita ko ang mga palad ni Crystal, itoʼy nakakapit sa mga balikat ni Raze habang yakap-yakap siya mula sa likuran.Hindi na ako magda-dalawang isip na silaʼy nagkatuluyan dahil nandiyan si Crystal sa tabi ni Raze

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • Love Revenge Game    Chapter 5: Start Of Revenge

    CHENANIAH XYRAHʼS POVNapalunok ako ng ilang beses bago kumatok sa pinto ng aking boss. Nangangamba ako sa posibleng mangyari pagkatapos kong kumatok dito.“Oh, Ms. Ricafrente. Hindi ka pa ba papasok? Baka abutan ka nang gabi bago makapasok sa opisina ni Mr. Villaruel,” pang-aasar ni Crystal na kakarating lang.May dala-dala siyang mga papeles at mahahalagang mga dokumento. Siguro, kailangan pirmahan ni Raze ang mga 'yon.“K... k-kararating ko lang,” utal kong pagwiwika sa kaniya.Ngumisi naman ito at agad pumasok sa opisina ni Raze pero bago pa man niya isara ang pinto ay muli sʼyang nang-asar.“Ms. Ricafrente, why are you so timid with him? The Ms. Ricafrente I knew was a gold-digger, and she never hesitate of something. She habitually achieves all the possible opportunities ahead.

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • Love Revenge Game    Chapter 6: Mr. Mercedes true color

    ZYCKIEL RAZEʼS POVTutok na tutok si Xyrah sa kanyang de-keypad na selpon habang naglalakad patungo sa kanyang ekstritoryo dala-dala ang isang polder na kulay puti. Ang polder na iyon ay naglalaman ng mga ulat at komento patungkol sa larong iimbentuhin namin. Medyo may kabigatan ang 'yon dahil sa papel na ginamit.Muntik nang malaglag ang kanyang panga at selpon nang mabangga niya si Mr. Mercedes na may dala-dalang dyus na gawa sa dalanghita o sintunes. Natapon lahat ng dyus na iniinom ni Mr. Mercedes sa polder na hawak-hawak ni Xyrah. Isa talaga siyang malaking ulol.“Pasensiya na, Mr. Mercedes. Hindi ko intensyon o layunin na mabangga ka, saka ang dalanghitang dyus mo.” Inalok niya ng panyo si Mr. Mercedes dahil medyo nabasa ang pormal niyang kasuotan.“Ayos lang, Ms. Ricafrente. Hindi naman ito kamahalan tulad ng mga pribadong restawran. An

    Huling Na-update : 2020-09-23
  • Love Revenge Game    Chapter 7: Niah's good treatment to Mr. Mercedes

    Nang nilisan ni Xyrah ang aking opisina ay biglang bumungad sa akin ang imahen ni Martin, ang pinakabatang empleyado ko rito. Inatasan ko sʼyang magtrabaho sa task support team dahil malinis at organisado siyang nagtatrabaho sa loob ng aking kompanya kaya kampante ako.“Martin, howʼs your day?” unang katanungan ko sa kaniya nang umupo siya sa visitorʼs chair.Tinabi ko muna ang mga papeles na binabasa at sinusuri ko dahil may mahalaga kaming pag-uusapan. Napahawak na lang ako sa aking sihang dahil sa kaniyang kinikilos at pakikitungo.“Mr. Villaruel, Iʼm extremely sorry. I canʼt take it anymore,” kulang sa tapang at walang sigla nʼyang paglalahad.“What do you mean, Mr. Mercedes?” lamak at malamig na tono ang lumabas sa aking bibig.Lihim kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil ang isa kong pinagkakatiwalaang empleyado ay nauto at nilason ang i

    Huling Na-update : 2020-09-28
  • Love Revenge Game    Chapter 8: Martin's good treatment to Ms. Ricafrente

    Napailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon. Hindi pa rin naglalaho sa isipan ko ang karumal-dumal at dungong eksena kagabi.“Hoy, Niah!” bulong na pagtatawag sa akin ni Nica habang nasa kaniya-kaniya kaming mga pupitre.“Ba't ang isipan mo'y ka'y lalim ng karagatang pasipiko? Mayroon bang bumabagabag sa 'king kaibigan?” pagdadrama nitong pagwiwika, sabay kapit sa kaliwang braso ko.“Katatapos pa lang natin kumain ng longganisa, chicken fillet, at kanin sa labas... ganyan na itsura nang maamo mong mukha. Hindi ba kinaya ng sikmura mo ang mga pagkain na kinain natin sa restawran... for free?” dagdag na pagsasalaysay niya.“Wala lang ito, Nica,” tipid kong katwiran. “May naaalala lang akong pangyayari.”“Ang mga pangyayari ba na binabanggit mo ay tulad kagabi? `Yong muntik ka nang ma-hospital

    Huling Na-update : 2020-10-11
  • Love Revenge Game    Chapter 9: Khiel's encountered

    Naniel Xyraze's POVHindi pa rin mapuksa sa paglingap ko ang mga kahihiyan na naganap nang nagkaroon ako ng mabalasik na alerdye. Kahit huli na siya sa kaniyang pinapasukan, dinala pa rin niya ako sa bahay-pagamutan at mainam na binantayan tulad ng isang sanggol na hinding-hindi kayang iwan ng isang mamay.Nagsalin ako ng kanin sa bandehado na gawa lamang sa plastik at kulay-kapeng asukal. Hindi naman ako maarte sa kumida dahil nakasanayan ko ang pamumuhay ng isang maralita.Ilang araw na ang nakalilipas bago nagsimula si mommy magtrabaho sa magarang kompanya na binanggit niya kagabi, pero bakit pakiramdam ko nabo-bored ako sa loob ng tahanan ni mommy? Dahil ba'y wala akong libangan? Dahil ba'y wala akong trabaho na puwede sana makatulong sa panggastos sa tahanang `to?Napabuntonghininga na lamang ako sa tutok ng kisame, saka naisipang lumabas ng bahay para magpahangin at maglakad-lakad. 

    Huling Na-update : 2020-11-01
  • Love Revenge Game    Chapter 10: The Rain

    CHENANIAH XYRAH'S POV“Ms. Ricafrente, please make a duplicate copy of this file. Give the original copy to Mr. Villaruel in able for him to check and sign those while the copies are for me. I need those in fifteen minutes and thirteen seconds,” saad ni Ms. Millano, ang lider ng task support team.Napatingala at nang-init ang buong katawan ko dahil unang-una ay hindi ako marunong magseroks ng mga dokumento sa imprentador.Inihalaghag ko ang aking paningin sa buong opisina para lamang magpaturo, pero kahit ano'ng gawin ko ay walang mga nilalang ang libre sa oras.“Paano ako makakapagseroks ng mga papeles kung wala akong sapat na karunungan sa malaking imprentador na iyan.” Dinuro ko ang imprentador, saka nangangamba dahil kanina pa nagsimula ang labinlimang minuto at labintatlong segundo ko.Isang dalaginding na anghel ang lumapit sa gawi ko. Hi

    Huling Na-update : 2020-12-07
  • Love Revenge Game    Chapter 11: The Tale of Crystal's Heart

    Hindi naman ako napapagod, nasasaktan, o nagrereklamo lamang sa aking mga ginagawa dahil buong-buo ang aking desisyon na bagama't nariyan ang mga sagwil o balakid na mismong hinaharap ko sa 'king madugong paglalakbay, alam ko sa aking sarili na kakayanin ko ito para sa isang taong nagpatibok ng aking puso.Bagama't ilang beses na niya akong itinakwil gaya ng mga gulanit o manlilimahid, mananatiling siya lang ang lalaki para sa akin.Pagkaupo ko sa aking kotse ay agad kong binuksan ang aking data para i-locate ang lokasyon niya. Ang pagmamahal ay gaya lamang iyan ng mapa, ini-explore mo ang tunay na depenisyon ng pag-ibig para lamang mabatid ang isang pook na sadyang sigurado ka na kung tama ba ang pinili mong lokasyon.Malapad na ngiti ang sumalobong sa aking labi nang matuklasan na nasa National Bookstore siya.“I found you, Mr. Young!”Sa labis na kagalakan, h

    Huling Na-update : 2021-01-08

Pinakabagong kabanata

  • Love Revenge Game    Chapter 51: The Lines of Destiny

    Inilayo niya ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi na iyon importante. Wala naman magbabago kung sabihin ko sa iyo ang totoo, e,” tugon niya.“Bakit ba parati mong pinipili na gawing lihim ang lahat?!” sambit ko. “Why you are being selfish to me, Xyrah?! Bakit ginagawa mong komplikado ang lahat?!” dagdag ko.“Kasi . . . Raze, hindi mo kasi ako naiintindihan, e! Kailanma’y hindi ako naging selfish sa iyo!? I will never do that because I . . . you’re my everything!”Sa sentro ng aming masalimuot na diskusyon, hindi ko nasupil ang aking emosyon kaya kahit labag sa kalooban ko ay ipinaramdam ko sa kaniya ang init ng ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang magkabilang balikat nang mahigpit. “Ipaintindi mo nga sa akin para hindi na tayo parehong nahihirapan! Napakahirap ba ‘yon?! Xyrah, huwag kang magtaingang kawali at maglubid ng buhangin sa lahat-lahat ng mga sinasabi at tinatanong ko sa iyo!” Sa kabila ng kaniyang pagdurusa, kahit ang kirot ay ramdam na niya, siya’y nanatiling t

  • Love Revenge Game    Chapter 50: The Cave of Love

    CHAPTER 28:ZYCKIEL RAZE’S POVSa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.“Hoy, Ashley!” Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. “Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!” Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. “Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!”Pumagitna ako sa kanilang dalawa u

  • Love Revenge Game    Chapter 49: Lost in the Labyrinth

    CHENANIAH XYRAH’S POV“Great! So, siya pala ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Ang lalaking mas mayaman kaysa sa akin!” Nagbabadya ng digmaan itong si Raze sa akin nang napahigpit ang kaniyang paghawak ng tinidor. “Nasaan na ang lalaki?”“Iniwan na ako,” tanging sambit ko, saka hindi makatingin sa nagliliyab niyang mata.“Tsk, ‘yon na ang naging karma mo! Pagkatapos mo akong pakinabangan ay maghahanap ka ng ibang lalaki! I guess my mom is right after all!” Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan, saka pinagmasdan ako with a repulsive stare. “From what I know before, hindi ka ga’nong klaseng babae, pero ngayon, natuklasan ko na ang tunay na kasagutan sa mga katanungang napakatagal nang bumabagabag sa akin. “I’m wondering now if you still a virgin. I guess you had multiple sex already with different men. Am I right?” Labis siyang nasusuka sa akin habang tinitingnan.“Zyckiel, that’s enough! You are now crossing the line!” Kidlat sa bilis na lumapit si Crystal upang pigilan si Raze.Tinabig

  • Love Revenge Game    Chapter 48: Novel Series 1 vs Novel Series 2

    CHENANIAH XYRAH’S POVNang matanaw ko ang imahen ni Jamine sa aming pagbaba ng sasakyan ay nangalay ang aking puso, sapagkat bakas sa kanilang mukha ang tuwa’t saya sa isa’t isa. Sinalubong niya si Raze ng isang yakap na hinding-hindi niya matatanggihan dahil sa kariktan ni Jamine, ngunit wala naman itong kagandahang-loob sa mga taong nakararanas ng buhay sa kamao kagaya ko. Pilit akong nagmamaskara ng ngiti habang unti-unting naglalakad patungo sa kanilang direksiyon upang iabot kay Raze ang kaniyang briefcase.“What are you doing here, Jamine? How did you figure out I was here?” Kumawala naman siya sa kanilang pagyayakapan. “I-I- I was caught off guard by your presence here,” Raze’s eyes popped out in amazement.“Well, Crystal texted me that you’re going out together.” Nagningning ang kaniyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “And, she even invited me here just in case you need my help.” Hinawakan ni Jamine ang dalawang palad ni Raze, saka muling pinagmasdan ang mga mat

  • Love Revenge Game    Chapter 47: Second Chance

    CHENANIAH XYRAH’S POVHindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trabaho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila

  • Love Revenge Game    Chapter 46: The Downfall of Mr. Tzu

    CHENANIAH XYRAH'S POV Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito s

  • Love Revenge Game    Chapter 45: The Moment of Truth

    ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang

  • Love Revenge Game    Chapter 44: Heart Ache

    CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b

  • Love Revenge Game    Chapter 43: Love over Sister

    Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l

DMCA.com Protection Status