Nang nilisan ni Xyrah ang aking opisina ay biglang bumungad sa akin ang imahen ni Martin, ang pinakabatang empleyado ko rito. Inatasan ko sʼyang magtrabaho sa task support team dahil malinis at organisado siyang nagtatrabaho sa loob ng aking kompanya kaya kampante ako.
“Martin, howʼs your day?” unang katanungan ko sa kaniya nang umupo siya sa visitorʼs chair.
Tinabi ko muna ang mga papeles na binabasa at sinusuri ko dahil may mahalaga kaming pag-uusapan. Napahawak na lang ako sa aking sihang dahil sa kaniyang kinikilos at pakikitungo.
“Mr. Villaruel, Iʼm extremely sorry. I canʼt take it anymore,” kulang sa tapang at walang sigla nʼyang paglalahad.
“What do you mean, Mr. Mercedes?” lamak at malamig na tono ang lumabas sa aking bibig.
Lihim kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil ang isa kong pinagkakatiwalaang empleyado ay nauto at nilason ang i
Napailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon. Hindi pa rin naglalaho sa isipan ko ang karumal-dumal at dungong eksena kagabi.“Hoy, Niah!” bulong na pagtatawag sa akin ni Nica habang nasa kaniya-kaniya kaming mga pupitre.“Ba't ang isipan mo'y ka'y lalim ng karagatang pasipiko? Mayroon bang bumabagabag sa 'king kaibigan?” pagdadrama nitong pagwiwika, sabay kapit sa kaliwang braso ko.“Katatapos pa lang natin kumain ng longganisa, chicken fillet, at kanin sa labas... ganyan na itsura nang maamo mong mukha. Hindi ba kinaya ng sikmura mo ang mga pagkain na kinain natin sa restawran... for free?” dagdag na pagsasalaysay niya.“Wala lang ito, Nica,” tipid kong katwiran. “May naaalala lang akong pangyayari.”“Ang mga pangyayari ba na binabanggit mo ay tulad kagabi? `Yong muntik ka nang ma-hospital
Naniel Xyraze's POVHindi pa rin mapuksa sa paglingap ko ang mga kahihiyan na naganap nang nagkaroon ako ng mabalasik na alerdye. Kahit huli na siya sa kaniyang pinapasukan, dinala pa rin niya ako sa bahay-pagamutan at mainam na binantayan tulad ng isang sanggol na hinding-hindi kayang iwan ng isang mamay.Nagsalin ako ng kanin sa bandehado na gawa lamang sa plastik at kulay-kapeng asukal. Hindi naman ako maarte sa kumida dahil nakasanayan ko ang pamumuhay ng isang maralita.Ilang araw na ang nakalilipas bago nagsimula si mommy magtrabaho sa magarang kompanya na binanggit niya kagabi, pero bakit pakiramdam ko nabo-bored ako sa loob ng tahanan ni mommy? Dahil ba'y wala akong libangan? Dahil ba'y wala akong trabaho na puwede sana makatulong sa panggastos sa tahanang `to?Napabuntonghininga na lamang ako sa tutok ng kisame, saka naisipang lumabas ng bahay para magpahangin at maglakad-lakad. 
CHENANIAH XYRAH'S POV“Ms. Ricafrente, please make a duplicate copy of this file. Give the original copy to Mr. Villaruel in able for him to check and sign those while the copies are for me. I need those in fifteen minutes and thirteen seconds,” saad ni Ms. Millano, ang lider ng task support team.Napatingala at nang-init ang buong katawan ko dahil unang-una ay hindi ako marunong magseroks ng mga dokumento sa imprentador.Inihalaghag ko ang aking paningin sa buong opisina para lamang magpaturo, pero kahit ano'ng gawin ko ay walang mga nilalang ang libre sa oras.“Paano ako makakapagseroks ng mga papeles kung wala akong sapat na karunungan sa malaking imprentador na iyan.” Dinuro ko ang imprentador, saka nangangamba dahil kanina pa nagsimula ang labinlimang minuto at labintatlong segundo ko.Isang dalaginding na anghel ang lumapit sa gawi ko. Hi
Hindi naman ako napapagod, nasasaktan, o nagrereklamo lamang sa aking mga ginagawa dahil buong-buo ang aking desisyon na bagama't nariyan ang mga sagwil o balakid na mismong hinaharap ko sa 'king madugong paglalakbay, alam ko sa aking sarili na kakayanin ko ito para sa isang taong nagpatibok ng aking puso.Bagama't ilang beses na niya akong itinakwil gaya ng mga gulanit o manlilimahid, mananatiling siya lang ang lalaki para sa akin.Pagkaupo ko sa aking kotse ay agad kong binuksan ang aking data para i-locate ang lokasyon niya. Ang pagmamahal ay gaya lamang iyan ng mapa, ini-explore mo ang tunay na depenisyon ng pag-ibig para lamang mabatid ang isang pook na sadyang sigurado ka na kung tama ba ang pinili mong lokasyon.Malapad na ngiti ang sumalobong sa aking labi nang matuklasan na nasa National Bookstore siya.“I found you, Mr. Young!”Sa labis na kagalakan, h
Sorry, Ebang.Nagising na lamang ako dahil marahas akong niyuyogyog ni Naniel sa aking dalawang balikat. Nanginginig, nanlaki, at sobrang pinagpapawisan ang aking dalawang mga mata at katawan dahil sa isang partikular na pangyayari. Isang matinding bangungot na hindi makagising sa reyalidad.“Mommy, ayos ka lang po?” alalang katanungan ni Naniel.Napakurap ako ng mga ilang beses para tanawin kung nasa reyalidad ba ang lahat ng mga ito o sadyang nanaginip lamang ako.“Naniel, nanaginip lang ba ako?”“Hindi po, mommy. Sa katunayan nga po, kaninang alas kuwatro, ni-unlock na ni Lola Jennelyn ang gabineteng ito kaya dali-dali akong nagtungo rito para alamin kung ano na po ang inyong kalagayan,” pagpapaliwanag niya.“Gano'n ba,” banayad kong sgaot.Habang inaalalayan niya
ZYCKIEL RAZEʼS POV“Good Morning, little brother!”“What the f*ck!”Nagising na lamang ako dahil sa isang nilalang na marahas akong itinulak sa kama kaya bilang resulta, ang buong katawan ko ay nalaglag sa sahig.“Rule #1: No bad words in the house,” panenermon niya.Napabaling na lamang ako sa gawi ni Ate Charity, ang nakatatandang kapatid ko, habang minamasahe ko ang parteng puwit sa kirot.“Anoʼng ginagawa mo rito? Alam mo ba binulabog mo ang tulog ko?” inis kong aniya.“Hindi mo ba ako na-miss, little brother?” pagdadrama niya. “Kasi kung ako ang tatanungin mo... sobrang miss na miss na kita.” Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko para maging pantay kami. Hindi naman siyang nag-atubiling yakapin ako `pagkat parati niya itong gawain: ang y
Chapter 8: Accidentally HappenCHENANIAH XYRAH’S POVOrganisado kong inilapag sa gilid ng aking ekstritoryo ang mga talangguhit at mga ulat sa kanila-kanilang salansanan nang may magandang dilag ang lumapit sa direksiyon ko.“Miss Ricafrente, pinapatawag daw po kayo ni Ms. Millano sa 5th floor.” Ngumiti ito bago tuluyang bumalik sa kaniyang pupitre upang magtipa sa teklado ng kaniyang kompyuter na kulay-rosas.Bagamaʼt ilang distansya lamang ang aming pagitan sa isaʼt isa, hindi ko mapigilan maging mausisa, sapagkat ngayon ko lang napansin ang presensiya niya.Kinulubit ko ang aking kaibigan. “Nica, sino iyon?” bungad ko sa kaniya.“Si Ashley Nedrida iyon. Ang ganda niya, hindi ba?” direktang tugon nito. “Marami ang may gusto sa kaniya rito dahil sa taglay nitong kariktan…” M
CHENANIAH XYRAH’S POVPagkatapos kong magbuhat ng labing-limang mga kahon ay nagtungo ako sa aking pupitre upang pakalmahin ang aking sarili. Pakiramdam ko, nasa exosphere ako, ang huling layer ng atmosphere. Pakiramdam ko rin, nasa inner core ako ng planeta dahil sa temperatura ng aking katawan na punong-puno ng mga pawis.Ginawa kong mapaypay ang aking kanang nang magsalita si Nica. “Oh my god, Niah!” unang bungad nito sa akin. “Niah, gumamit ka naman ng perfume at polbos kasi nangangamoy ka na.” Hinalungkat niya ang kaniyang bagahe upang damputin ang pulbos at perfume, saka inabot sa akin.“Sa loob ng ekstritoryo mo, may extrang handkerchief. Pahiran mo muna ang mga namumuong pawis sa buong katawan mo bago ka mag-apply ng polbos at pabango,” pagpapaliwanag nito.“Masusunod, mahal na reyna.” Pareho naman kaming napatawa nang ma
Inilayo niya ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi na iyon importante. Wala naman magbabago kung sabihin ko sa iyo ang totoo, e,” tugon niya.“Bakit ba parati mong pinipili na gawing lihim ang lahat?!” sambit ko. “Why you are being selfish to me, Xyrah?! Bakit ginagawa mong komplikado ang lahat?!” dagdag ko.“Kasi . . . Raze, hindi mo kasi ako naiintindihan, e! Kailanma’y hindi ako naging selfish sa iyo!? I will never do that because I . . . you’re my everything!”Sa sentro ng aming masalimuot na diskusyon, hindi ko nasupil ang aking emosyon kaya kahit labag sa kalooban ko ay ipinaramdam ko sa kaniya ang init ng ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang magkabilang balikat nang mahigpit. “Ipaintindi mo nga sa akin para hindi na tayo parehong nahihirapan! Napakahirap ba ‘yon?! Xyrah, huwag kang magtaingang kawali at maglubid ng buhangin sa lahat-lahat ng mga sinasabi at tinatanong ko sa iyo!” Sa kabila ng kaniyang pagdurusa, kahit ang kirot ay ramdam na niya, siya’y nanatiling t
CHAPTER 28:ZYCKIEL RAZE’S POVSa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.“Hoy, Ashley!” Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. “Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!” Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. “Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!”Pumagitna ako sa kanilang dalawa u
CHENANIAH XYRAH’S POV“Great! So, siya pala ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Ang lalaking mas mayaman kaysa sa akin!” Nagbabadya ng digmaan itong si Raze sa akin nang napahigpit ang kaniyang paghawak ng tinidor. “Nasaan na ang lalaki?”“Iniwan na ako,” tanging sambit ko, saka hindi makatingin sa nagliliyab niyang mata.“Tsk, ‘yon na ang naging karma mo! Pagkatapos mo akong pakinabangan ay maghahanap ka ng ibang lalaki! I guess my mom is right after all!” Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan, saka pinagmasdan ako with a repulsive stare. “From what I know before, hindi ka ga’nong klaseng babae, pero ngayon, natuklasan ko na ang tunay na kasagutan sa mga katanungang napakatagal nang bumabagabag sa akin. “I’m wondering now if you still a virgin. I guess you had multiple sex already with different men. Am I right?” Labis siyang nasusuka sa akin habang tinitingnan.“Zyckiel, that’s enough! You are now crossing the line!” Kidlat sa bilis na lumapit si Crystal upang pigilan si Raze.Tinabig
CHENANIAH XYRAH’S POVNang matanaw ko ang imahen ni Jamine sa aming pagbaba ng sasakyan ay nangalay ang aking puso, sapagkat bakas sa kanilang mukha ang tuwa’t saya sa isa’t isa. Sinalubong niya si Raze ng isang yakap na hinding-hindi niya matatanggihan dahil sa kariktan ni Jamine, ngunit wala naman itong kagandahang-loob sa mga taong nakararanas ng buhay sa kamao kagaya ko. Pilit akong nagmamaskara ng ngiti habang unti-unting naglalakad patungo sa kanilang direksiyon upang iabot kay Raze ang kaniyang briefcase.“What are you doing here, Jamine? How did you figure out I was here?” Kumawala naman siya sa kanilang pagyayakapan. “I-I- I was caught off guard by your presence here,” Raze’s eyes popped out in amazement.“Well, Crystal texted me that you’re going out together.” Nagningning ang kaniyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “And, she even invited me here just in case you need my help.” Hinawakan ni Jamine ang dalawang palad ni Raze, saka muling pinagmasdan ang mga mat
CHENANIAH XYRAH’S POVHindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trabaho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila
CHENANIAH XYRAH'S POV Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito s
ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang
CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b
Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l