Kinabukasan, wala nang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang ikinuwento sa akin ni Gael at ang mga nabasa ko sa diary ni Don Tucio. Doon, nagkakaroon na ako ng ideya kung anong libro ang puwede kong isulat. I want something realistic, something bold, and something new.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa paborito kong tambayan, ang puwesto sa tapat ng bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat ng Ibiza.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Unknown number messaged you, basa ko sa notification.
"Hi, Theo, this is Gael. I would like to invite you sa lunch mamaya rito sa bahay. May mga gusto rin akong ikuwento pa about kay Lola, baka makatulong sa libro mo."
"Sige, I'll be there," sagot ko sa kaniya, at saka humigop sa
itinimpla kong kape at huminga nang malalim.Ilang oras bago magtanghalian ay naligo at nagbihis na ako. Humarap ako sa salamin habang suot ang aking white loose long sleeve na hindi nakabotones hanggang dibdib.
"Guwapo, ah," bulong ko sa sarili ko.
Nagtungo agad ako kina Gael. He sent me his address at kilala rin kasi dito ang pamilya nila kaya siguro hindi na rin ako nahirapang makabalik sa bahay nila. Sinundo niya ako sa tapat ng gate at dumiretso kami sa isang kuwarto, kaiba sa kuwartong pinuntahan namin kahapon.
"So, this is my room. Dito ako nagpipinta. We can't stay sa may sala, pinaaayos kasi nina Mama para sa darating na birthday celebration ni Dad. So maybe, dito muna tayo or gusto mo sa garden?"
"Okay lang ako dito, no worries," sagot ko sa kaniya. Naupo ako sa kama at siya naman ay nakaupo sa may bintana. Malawak ang kuwarto niya, puro paintings ang nasa dingding at hindi ko naman ipagkakaila na magaganda ang mga likha niya.
"Do you want me to paint you?" tanong niya.
"Ha? Naku, hindi na. Nakakahiya, pati wala akong pera to pay you."
"Pansin ko lang na mahilig ka sa art, madali kang maka-appreciate ng likha ng iba."
Kinuha niya ang kaniyang canvas at mga brush, isinarado ang pinto ng kuwarto at pinaupo ako ng maayos sa kama.
"Alam mo kung ano 'yong nakakahiya? Kapag tumanggi ka pa, e, naka-set up na ang mga gamit ko. You better say yes. Minsan lang 'to, pati alam mo ba, you have perfect eyes and thick red lips. Ang mga ganyang katangian ay hindi dapat itinatago."
"Ngayon talaga?" tanong ko sa kaniya.
"Why not?" sagot niya habang nakangiti.
"Para namang may choice pa ako, ano'ng gagawin ko? Sabi mo nga, nakakahiyang tumanggi kasi naka-set up na."
"Hubarin mo na 'yang suot mo, you'll be my subject for nude painting."
Nude? Nude painting? Oo, pareho tayong lalaki kaya walang issue 'yon, pero alas-diyes pa lang, 'tapos maghuhubad ako ng suot ko para sa painting? Wow!
"Kailangan ba talaga nakahubad? Baka puwedeng pantaas na lang? Hindi naman kasi ako handa."
"Don't worry, ako'ng bahala sa 'yo."
Don Tucio, ang hilig mo nga talaga sa mga nakahubad na lalaki. Diary na nga lang ang hiniram ko, kailangan ko pang maghubad. Kahit wala ka na, 'yong presensiya mo ay nangingibabaw pa rin dito.
Hinubad ko ang aking long sleeve, sunod na hinubo ang aking pantalon at panloob. Naupo ako sa kama, nahihiya at hindi kumikibo.
"Maging komportable ka lang, h'wag kang mag-alala," paalala ni Gael.
Sinimulan niya akong ipinta sa kaniyang puting canvas. First time ko talagang gawin 'to sa harap ng ibang tao, pero kita ko sa mga mata ni Gael ang pagkapursigido niya na maipinta ako.
"Gael, may naisip akong kuwento na p'wede sa libro. But I need your help. Naisip ko lang kanina, I want to write something realistic, something usual but may uniqueness. I want to write a story about love, sex, and art."
"That's nice, alam mo bang sabi nila, the best way to write a story is dapat na-experience mo na ang mga bagay na isusulat mo. Para daw alam mo ang emosyon at pakiramdam na ibubuhos mo pero hindi ko lang alam, ha, kasi I'm not a writer naman," paliwanag niya habang patuloy na nagpipinta.
"That's right, kaya nga I need you. I want to document your sex life. The feeling, the sensation, the grind, and the moans. To be honest, I haven't experienced sex pa."
"Seryoso? Pero bakit 'yan ang naisip mo, e, hindi mo pa pala nagagawa? And first things first, bakit sex life ko? I mean, you can watch porn naman, 'di ba?"
"For years I've been writing stories about love, pain, and loneliness. I want to explore new things, try to write something outside my comfort zone. Bored na bored na siguro ang mga tao sa break-up stories na isinusulat ko."
"Let me think . . ." Halatang nahiya siya bigla.
"What?"
"Let me think nga, e, agad-agad ba dapat sumagot?" Tahimik ang paligid, nakakabingi. Habang patagal nang patagal ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"I have something to tell you."
"Ano 'yon?" tanong niya, habang patuloy sa pagpipinta. "The moment I asked you to bring me to Sant Joan de
Labritja, it's not because I want to explore Spain. It's because of . . . my mom, she's there."
Nahinto siya at tumitig sa mga mata ko.
"Are you okay? We can go there later, if you want."
"I mean, we're not totally in good terms. I just want to see how she lives her life now. But I'm alright, h'wag mo ako pakaisipin. It's just that . . . ayoko rin naman talagang magpakita sa kaniya."
Napansin ko ang pamamawis ni Gael, napapatingin siya sa 'kin ng kaiba mula sa tingin na pinapakita niya kanina.
"Sorry, but I have to say this. You look so sexy," sambit niya.
Napayuko ako, napatingin sa katawan ko at muling tumingin sa kaniya. Pansin ko na rin ang pagkinang ng dibdib ko dahil sa pawis.
"Do you want to eat?" he asked.
"Who?"
"Ha? Lunch?"
"Ah, yeah, sure." Bigla akong napahiya sa sinagot ko.
"Sige, put your clothes back on na muna."
"Tapos ka na ba d'yan?"
"Hindi pa pero we can finish it naman later."
Nagpunta kami sa kusina nila, naupo nang magkaharap, at nagsimulang kainin ang pasta at garlic bread na nasa hapag. Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatingin sa 'kin, 'tapos bigla na lang ngingiti.
"Tell me more about you," sambit ko sa kaniya.
"Well, I am a twenty-five-year-old painter and at the same time graduate sa kursong culinary, pero hindi ko naseryoso ang pagluluto pagkatapos ko. My mom and dad own a restaurant here, 'tapos may pagawaan sila ng wine sa Italy. And ako? Ito, isang pintor na sumunod sa yapak ng lolo ko. Against sila sa pagpipinta ko, hindi raw nila nakikita ang future ko sa painting. Kaya noong nakita ko na na-apprecriate mo ang gawa ko sa shop, I was moved and ayon na nga. Ikaw ba?"
"I'm a writer and freelance photographer, and I am . . . I live all alone. My life is such a mess, a plain boring wasted sh*t. What about girlfriend? Fiancé? Or what?"
"I don't have a girlfriend, we broke up last month. Why? It's because she's too possessive, and I find it boring. Ikaw?"
"We also broke up, three months ago. I'm contented with being single and free. Alam mo 'yon, I can go wherever I wanna go."
"Reasons?" muli niyang tanong.
"We're too busy working, and parang hindi namin priority ang relationship. She's too busy with teaching geography sa isang university sa Manila, and I'm busy exploring life. We don't wanna be unfair sa isa't isa kaya nag-decide na kami na tapusin na lang ang lahat."
"Sige, kain ka lang," sambit niya, sabay kagat sa hawak niyang toasted bread.
Hindi ko maalis ang aking tingin sa kung paano niya kagatin ang tinapay, ang paglapat nito sa kaniyang mga labi.
"But I'm planning to have a wife, to have a family. Siguro, tamang antay na lang talaga muna," paliwanag ko.
"That's good! You are a good-looking man, siguro masyado ka lang busy sa mga bagay-bagay. Try to discover new things. I'm gonna bring you later sa bar, check out some girls, and f*ck them."
"Baliw!" Bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Why not? You are old enough to do such things. Why don't you try it?"
Matapos naming kumain ay bumalik kami sa kuwarto ni Gael. Bumalik sa puwesto ko kanina, naghubad ng suot, at naghubo ng pambaba. Nagsimula na ulit akong ipinta ni Gael.
Again, he's sweating.
"Experience is the best teacher. You should experience it also," sambit niya.
He looked straight into my eyes, ramdam ko ang tensiyon sa paligid. Lumapit siya sa 'kin habang marahang hinuhubad ang suot niya at niyapos niya ako nang mahigpit, nilamas ang aking dibdib gamit ang kamay niyang puno ng pintura. Hinalikan niya ako mula sa aking mga labi pababa sa aking leeg, pababa sa aking dibdib.
"Ba . . . bakit?" I asked him, nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko maitatangging kakaiba sa pakiramdam. Hindi siya sumagot, hinalikan muli niya ako sa labi.
"Gael? Tama ba 'to?" Tiningnan niya ako sa mga mata at inilapit ang bibig sa aking tainga. "Ako ang bahala sa 'yo," bulong niya.
Wala akong nagawa kundi ang mapapikit. Ramdam ko ang init ng katawan niya kasabay ng aking pagkakaba. Bumalik siya sa paghalik sa aking labi, nilaro ng dila niya ang aking dila at muling bumaba hanggang sa makaabot sa aking pusod.
"This is my first time, please be gentle," sambit ko sa kaniya, habang hinihingal dahil sa aking nararamdaman.
Hindi ko na alintana ang nagkalat na pintura sa aming katawan. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang paglipat ng pawis ni Gael sa aking balat. Nagsimula na naman siyang dumila mula sa aking daliri, lumipat sa aking hita, up to my groin.
He made me wet. He made me hard. He made me weak.
The last thing I remember is that we slept together, naked.
Nagising ako na nakayakap siya sa 'kin.
"Sh*t! Ano'ng nangyari?" bulong ko sa sarili ko.
Humigpit ang yakap niya sa 'kin.
"Are you okay?" he asked.
Hindi ako sumagot, bumaling ako ng tingin sa kabila kung saan hindi ko siya makikita.
"Sorry, nabigla at nadala lang ako. Hindi ko naman pinasok, I just want you to experience being sucked. Sorry, hindi na mauulit. Just . . . just forget about it. Hindi dapat nangyari 'yon, pinigilan ko dapat ang sarili ko." Tumayo siya at magsusuot na sana ng pantalon pero hinawakan ko ang kaniyang kamay
"Pasensiya na," sambit muli niya, bakas ang lungkot sa kaniya at pagkadismaya sa sarili.
Naupo ako sa kama, sa tabi niya, at inilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Hindi ko maikakaila na guwapo si Gael, his deep blue eyes, thin lips, and well-built body made me "confused".
Nilabanan niya ako ng halikan, pababa sa kaniyang dibdib at pabalik sa kaniyang leeg. He smells so good. Maya-maya pa ay may kumatok sa kaniyang pinto. Agad kaming nagbihis, hindi na itinuloy ang aming nasimulan.
Nagpaalam na rin ako na uuwi na dahil sa ikalawang pagkakataon ay inabot na naman ako ng dilim sa bahay nila.
Inihatid ako ni Gael sa labas ng gate. Habang inaantay namin ang driver nila ay hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa 'kin.
Bigla akong napaisip sa mga nangyari at nangyayari. Bakit ambilis? Teka, tama pa ba 'to? I'm straight, and he is also straight. Paano? Bakit?
Ipinahatid na lang ako ni Gael sa kanilang driver, at habang nasa daan pauwi, nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan at tahimik na pinanonood ang mailaw na paligid ng Ibiza. It's already seven PM, and here I am, being confused.
Pagkauwi sa hotel ay nagtungo ako sa banyo, binuksan ang shower, at naligo.
"What . . . just . . . happened?" tanong ko sa sarili ko. Naguguluhan ako. Mali ito, pareho kaming lalaki at mali na
naging mapusok kami. Puwede akong tumanggi pero hinayaan ko siya, mali. Mali ang lahat ng ito, hindi ako puwedeng pumasok sa bagay na hindi ko naman alam.
"I am straight. I am straight. I am straight," paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.
I was straight.
Doon natigilan ako, hindi ako kumikibo at natakayo lang habang patuloy ang pagpatak ng tubig sa aking katawan.
Matapos maligo ay dumiretso ako sa kama, hindi na ako nagdamit pa. Nakatitig pa rin ako sa kawalan, iniisip ang mga bagay-bagay. Kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang mag-type.
Tanaw ng buwan ang hubad kong katawan, kung paanong ang malikot kong isipan ay hindi ako pinatulog mula sa pag-alala sa mga nangyari. Marahil naninibago pa rin ako, pero bakit nangyari lahat 'yon?
His eyes, his body, and his voice . . . he's a total perfection.Sa loob ng dalawang linggo, naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkausap, laging magkasama, at halos nalibot namin ang maraming lugar sa Spain. From Ibiza Town to Barcelona, at sa iba pang maaaring puntahan dito. Mahilig siyang humawak sa kamay ko. Noong una, parang nakakailang pero habang patagal nang patagal, mas nararamdaman ko na ligtas ako sa bawat oras na gagawin niya 'yon. Para akong natutulog na bituin sa gabi, na bigla na lang lumiwanag mula sa madilim na kalangitan.Is this still right? We're both guys, dreaming about having families of our own.It's my twenty-third day in Ibiza, mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namala
Present Time, Philippines (2020)"Let's all welcome, the man behind the successful book 'Sex, Lies, and Art,' Timothy!""Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, habang naglalakad papunta sa stage.Naupo ako sa sofa at kumaway sa mga tao."Hi, hello po. I'm Timothy," pagbati ko sa mga manonood. "Kumusta, Timothy? How's life as the best-selling author?" "Okay naman po ako, and before anything else, gusto ko lang po munang mag-thank you sa mga sumusuporta sa 'kin, sa mga kaibigan ko, and sa mga patuloy pa rin na bumibili ng libro ko.""So tell us, what's with the book? Ano ba talaga ang laman nito? At totoo ba ang balita na
Nakahiga siya sa bathtub na puno ng tubig nang pumasok ako sa banyo. He smiled at me."Gising ka na pala," sambit ni Max."What do you want for breakfast?"Ngumiti lang siya sa 'kin. Hinubad ko ang suot kong bath robe. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan.Dumantay ako sa dibdib niya habang nakalubog ang mga katawan namin sa tubig. Nagsimula siyang halikan ako, alam na alam niya kung paano ako simulan at kung nasaan ang kiliti ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya at malakas na kabog ng kaniyang dibdib.Gumapang ang mga daliri niya mula sa aking dibdib, pababa sa aking pusod habang nilalaro ng isa niyang kamay ang aking mga labi. Ipinasok niya ang isa niyang daliri sa aking
Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Max noon, mga panahong hindi pa rin ako out as bisexual. He's cute, hindi naman maikakaila na may itsura siya at sa tuwing magsasalita siya ay tila ba huhukayin niya ang tenga at matres mo dahil sa lalim ng boses niya.Way back two thousand and eighteen, I'd joined this hiking group para makalimot sa problema at makatakas sa nakakabaliw kong trabaho. That time, unti-unti na akong dinudurog ng trabaho ko, dagdag pa ang mga pait ng nakaraan. Nilalamon ako ng katanungang, "Madali ba akong iwan?". My dad, my mom, ang mga kapatid ko, and that guy from Spain. I guess, I'll be alone forever."Hi!""Hi," sagot ko."Bakit mag-isa ka? I mean, we're almost twenty hikers here pero bakit wala kang budd
Dumating na ang araw ng exhibit, ngayon ko lang napansin na ayos din naman nga pala ang mga kuha ko. Mga larawan na tumatalakay sa personal na buhay ng mga LGBTQIA+ members, mga litrato na tungkol sa human rights, at mga editorial shots.Everything's perfect, napakaperpekto ng gabing 'to lalo na sana kung narito si Max. Mabilis na dumami ang tao sa venue, ilang oras pa lang mula nang magbukas kami ay tila ba hindi ko na alam kung paano kakausapin ang mga bisita sa dami nila.Habang nag-aasikaso ako ng mga bisita, biglang lumapit sa 'kin si Mace."Hoy, bes! I saw all of the photographs, magaganda. Hindi na talaga ako mag-iiba ng photographer para sa prenup ko. Sobrang excited na ako. Alam mo, gusto kong iregalo 'yong isang picture sa mother-in-law ko. 'Yong picture ng batang babae na na
Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo
In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.
Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a
Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit
Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.
Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit
Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd
Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."
Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a
In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.
Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo